Share

Kabanata 9

Author: Lord Leaf
Sa isang saglit, isang biglaan at kakaibang ideya ang pumasok sa isipan ni Claire.

Ang Mr. Wade na sinabi ni Doris, maaari bang siya talaga ang kanyang asawa, si Charlie Wade?

Nang pinag-isipan niya ulit ito, talagang masyado itong salungat sa katwiran.

Paano naging ganito!

Si Charlie ay isang ulila na lumaki sa welfare home!

Gayunpaman, sino pa sa mundong ito ang tatratuhin siya nang mabuti bukod kay Charlie?

Tatlumpung milyong dolyar ay malaki na, ngunit binigyan siya ng animnapung milyon…

Hindi niya maiwasang tanunin nang nagtataka, “Miss Young, maaari ko bang malaman kung ang iyong chairman ay si Charlie Wade?”

Ang tibok ng puso ni Doris ay lumakas. Hiniling ng kanyang amo na ilihim ang kanyang pagkakakilanlan, ipaalam lamang sa publiko ang kanyang apelyido. Masisisi siya kung mahuhulaan ito ng kanyang asawa!

Ginalaw niya nang natataranta ang kanyang mga kamay at sinabi, “Miss Wilson, sana hindi mo na ito alamin. Ang aming chairman ay nagmula sa angkan ng makapangyarihan na pamilya sa Eastcliff. Ang kanyang pagkakakilanlan ay lubos na kumpidensyal at wala akong karapatan na ipaalam ito.”

Tumango nang marahan si Claire. Huminahon siya nang marinig ang nagmula sa angkan sa Eastcliff.

Si Charlie ay isang ulila, siguradong hindi siya nagmula sa tinatawag na angkan ng makapangyarihang pamilya. Tama nga, sobra lang siya kung mag-isip.

***

Medyo nahihilo pa rin at nalilito si Claire nang lumabas siya sa opisina ni Doris.

Hawak niya ang animnapung milyong dolyar na kontrata sa pagitan ng Wilson Group at Emgrand Group.

Ang lahat ay parang panaginip lang.

Sa sandaling nakita niya si Charlie sa harapan, sabik siyang pumunta sa kanya at sinabi, “Charlie, nagawa ko! Nagawa ko!”

Ngumiti si Charlie sa kanyang puso at inisip, ‘Asawa mo ang nagmamay-ari ng Emgrand Group, syempre makakakuha ka ng kontrata.’

Gayunpaman, nagkunwari siyang nagulat at sinabi, “Aba! Nakakuha ka ng kontrata para sa isang mahirap na proyekto! Mahal, sobrang galing mo!”

“Hinndi naman, hindi naman sa magaling ako, pero parang binigay nila sa akin nang libre ang proyekto.”

“Huh?” Sinabi nang nagtataka ni Charlie. “Bakit mo naman sinabi yan?”

Natako si Claire na baka magselos si Charlie kapag sianabi niya ang intensyon ng chairman, kaya mabilis niyang binago ang usapan at sinabi, “Mahabng istorya. Tara na sa opisina at sabihin sa lahat ang magandang balita!”

Tumawa si Charlie. “Sige! Ngayon, ang bastardong Harold na iyon ay dapat gawin ang pinag-usapan at lumuhod sa harap ko!”

Tumango si Claire. “Oo! Lagi siyang mayabang at suplado, ipatikim natin sa kanya ang sarili niyang medisina!”

Sa totoo lang, may sariling pag-uugali rin si Claire. Si Harold at ang buong pamilya nila ay lagi siyang minamaliit at ang kanyang asawa, pero ngayong nakakuha siya ng imposibleng kontrata, gusto niyang paamuin sila para maging mapagkumbaba nang kaunti.

Sampung minuto ang lumipas, dumating sila sa Wilson Group.

Ang lahat ay nakaupo sa kwarto ng pagpupulong, mukhang kakaiba at hindi karaniwan.

Alam nila na pumunta si Clare sa Emgrand Group nang maaga, pero walang naniwala na papapasukin siya, nandito sila para asarin siya.

Pero, bumalik siya nang mas maaga kaysa sa kanilang inaasahan.

Nang pumasok sina Claire at Charlie as kwarto ng pagpupulong, silang lahat ay natitig nang may panunukso at sarkastikong tingin sa kanilang dalawa

Nagsimula nang walang kaalam-alam si Harlod, “Hoy, Claire, bumalik ka sa kalahating oras, huh? Hindi ka man lang makapasok sa pinto nila, tama ba ako? Hahaha!”

Tinuloy ni Wendy, “Claire, nabigo ka nang wala pang isang oras. Tinalo pa ang isang world record!”

Isang madilim na ekspresyon ang dumaan sa mukha ni Lady Wilson. Siya ay nainis. Alam niya na ang proyekto at ang Emgrand Group ay mahirap kunin, ngunit dapat man lang ay naging seryoso at determinado si Claire kahit na nabigo siya! Paano siya sumuko kaagad?

Tumingin si Lady Wilson sa kanya at umangil, “Claire Wilson, binigo mo ako.”

Sumimangot si Charlie sa kanilang reaksyon.

May mas kadiri pa ba sa kanila dito? Kinukutya at sinisisi nila si Clairee nang hindi pa nalalaman ang resulta!

Lalo na si Harold Wilson, ang bastos na bastardo! Sino ba siya sa tingin niya? Paano siya naging hambog? Dapat ay naghahanda na siyang lumuhod sa harap niya!

Sabik at masaya pa si Claire sa uno, ngunit kaharap ang pangungutya at pang-aasar, ang galit ay nag-aapoy sa kanyang kalooban. Sumimangot siya at snabi, “Pasensya na kung binigo ko kayo, pero nakakuha ako ng kontrata kay Doris Young mula sa Emgrand Group!”

“Ano? Nagawa mo?’

“Hindi! Hindi maari! Imposible! Hindi mo nga man lang nakausap si Doris Young!”

Ang lahat ay napaatras sa gulat.

“Claire Wilson, sa tingin mo ba ay maniniwala kami?”

Naging kalmado muli si Harold, hinampas ang lamesa at galit na sinabi, “Si Miss Young ng Emgrand Group ay kilalang magaling sa buong siyudad, bakit ka niya kakausapin? Hindi ka ba sigurado kung sino ka?”

Kahatap ang pagdududa at paratang ng lahat, kinuha ni Claire ang kontrata at binigay ito kay Lady Wilson. “Ito ang kontrata. Pakitignan.”

Ang kontrata ay parang isng bomba na sumabog sa gitna ng kwarto ng pagpupulong, nagbigay ng alingawngaw sa lahat ng tao.

Hindi pa rin naniwala si Harold, sumigaw siya nang malakas, “Pineke niya ang dokumento! Hindi ako naniniwala na kaya niya ang Emgrand Group!”

“Tama siya!” Dinagdag nang may pagkabalisa ni Wendy. “Sino ba siya sa tingin niya na makakuha ng kontrata sa Emgrand? Ito ay isang tatlumpung milyong dolyar na proyekto! Kung kaya niyang gawin ito, matagal na akong nakakuha ng kontrata!”

Nanuya si Claire. “Aking pinsan, mali ka, hindi ito tatlumpung milyong dolyar, ito ay animnapung milyon!”

“Imposible!” Ngumiti si Wendy. “Animnapung milyong dolyar na kontrata? Sa tingin mo ay nakakatawang magsinungaling nang ganyan, hindi ba? Sa tingin mo ay tanga kaming lahat, hindi ba? Kung sasabihin mo na animnapung milyon ang kontrata, sasabihin ko sa lahat na makakakuha ako ng isang daang milyong kontrata!”

Kinulot ni Harold ang kanyang labi sa panghahamak at sinabi, “Claire, tinatrato mo si lola at kami na parang tanga!”

Pagkatapos ay humarap siya kay Lady Wilson at sinabi, “Lola, mapangahas to! Hindi mo dapat siya paalisin nang gano’n na lang!”

Si Lady Wilson ay sobrang galit sa punto na kinakagat na niya ang kang ngipin sa galit. Naramdaman niya na maliit ang tsansa na makakuha ng tatong milyong dolyar na kontrata, pero bumalik si Claire sa kalahating oras at sinabi na ang kontrata ay may halagang animnapung milyong dolyar…

Talaga bang tinrato siyang parang tanga ng batang babae na ito sa harap ng maraming tao?

Sa tingin niya ba talaga ay, bilang isang pinuno ng pamilya, maaapi siya nang ganito?

Kung hindi niya papalayasin ang suwail na babaeng ito sa kanyang pamilya, paano niya mapapamahalaan ang pamilya sa hinaharap?

Galit na nagkunot-noo, hinampas ni Lady Wilson ang lamesa at sumigaw, “Claire Wilson! Pumunta ka agad sa departmento ng HR upang bumitaw sa iyong tungkulin!”

Napanganga si Claire sa saobrang gulat. Mga baliw na ba ang mga taong ito? Gaano kahirap na buksan ang kontrata at tignan ito?

Sa sandaling ito, may biglang sumigaw, “Hala! Ang opisyal na social media account ng Emgrand Group ay naglabas ng pahayag! Ang animnapung milyong dolyar na kontrata ay totoo!”
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6538

    Gabi na sa Dubai habang hinihila ni Jacob ang pagod niyang katawan pabalik mula sa hotel papunta sa airport.Dahil economy ang lipad niya ngayon, napaupo siya sa matigas na upuan malapit sa boarding terminal habang hinihintay na magbukas ito.Habang naghihintay, masakit ang puso niya habang binuksan niya ang website ng Aurous Hill Charity Fund, hinanap ang donation account nila, at ipinadala roon ang buong 300 thousand na kinita niya.Pinili niya ang Aurous Hill Charity Fund dahil pinag-uusapan sa mga kolektor ng antiques sa Aurous Hill na idninonate ni Raymond ang kalahati ng 20 million na kinita niya sa parehong charity fund.Simula nang sumikat nang husto si Raymond sa Antique Street at naging tanyag, hindi maikakailang marami ang humanga sa husay niya.Pero may mga naiinggit din sa galing niyang bumaligtad ng sitwasyon, at mayroon ding nagseselos dahil kumita siya ng 20 million sa isang gabi.Gayunpaman, kumilos agad si Raymond—pagkalat pa lang ng balitang kumita siya ng 20 m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6537

    Mabilis na nagtanong si Elaine, “Eh paano kung hindi mo matapos?”Kabado si Jacob kahit napabuntong-hininga siya. “Kapag talagang pinilit nila, mukhang hindi na ako pwedeng manatili sa Calligraphy and Painting Association… Tingnan na lang natin. Kapag lumala, magre-resign na lang ako. Wala na akong hihilingin, basta huwag lang akong makulong.”Tumango si Elaine. “Kaya kausapin mo muna si Raymond Cole o humingi ka ng tulong kay Charlie kung sakaling kailangan. Mas mabuti nang mapahiya kaysa makulong.”“Sige!”-Gabi na sa Aurous Hill nang makarating sa hotel sina Elaine at Jacob.Kakatapos lang kumain nina Charlie at Claire, at kinuha ni Claire ang cellphone niya. “Nag-check ako sa flight app, at sabi, dalawang oras na dapat nakarating sina Mama at Papa. Nasa hotel na siguro sila, kaya susubukan kong i-video call sila.”Hindi pa niya nabubuksan ang WhatsApp nang tumawag na si Elaine sa video call.Plano ni Jacob na tawagan sina Claire at Charlie para hindi sila mag-alala bago si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6536

    Nang marinig ni Elaine ang sinabi ni Jacob, kinabahan siya at agad siyang tinanong habang ibinababa niya ang tawag, "Anong nangyayari? Aalis ka? Kararating lang natin! Wala pa ngag alikabok ng Dubai sa sapatos ko, bakit aalis na agad tayo—"Pero pinupunasan ni Jacob ang pawis sa noo niya habang pabulong na sinabi, "Eh, sa ngayon, kailangan ko talagang umalis kung ayaw kong mawala ang posisyon ko bilang vice president."Agad nangalit si Elaine. "Kasal tayo sa kalahati ng buhay natin at honeymoon natin ito, tapos aalis agad tayo? Nag-post pa ako sa social media—ang daming naghihintay ng mga update sa trip natin!"At huwag mong kalimutan—ang mahal ng ticket natin at ng hotel! Hindi rin refundable ang mga booking!"Napangiwi si Jacob. "Eh, anong magagawa natin? Bakit hindi ka na lang manatili dito? Uuwi muna ako para ayusin ito…""Gaano katagal naman 'yon?" tanong ni Elaine."Paano ko malalaman?" buntong-hininga ni Jacob, halatang balisa at naiinis. "Sabi ni Don Albert na kailangan k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6535

    "Pero gumastos ako ng 98 thousand para sa bronze sculpture na iyon!"Hindi na namalayan ni Jacob na napasigaw siya sa inis. "Kumita ako ng 300 thousand mula roon, kaya ibig sabihin ang kita ko ay 200 thousand sa pinakamataas, pero kailangan ko pa rin ibalik iyon sa kanya?! Ibig sabihin ay mawawala pati ang puhunan ko!""Hindi kita matutulungan kung hindi mo kayang bitawan ang perang iyon, Mr. Wilson," mahinahong sinabi ni Don Albert. "Kung ganoon, ikaw na lang ang bahala dito.""Teka, teka, teka!" agad na nataranta si Jacob at sinabi, "Pakiusap, Don Albert! Ibabalik ko ang pera! Ibabalik ko, okay?! Lahat ng kinita ko—202 thousand, okay? Kahit papaano ay hayaan mong itira ko ang pera na ginastos ko, okay?""Sa ganitong rason, Mr. Wilson, kapag sinabihan ng pulis ang isang phone scammer na isauli ang perang nakuha niya sa panloloko, dapat ba niyang itira ang perang ginastos niya sa telco charges?""Ah, Ako…" napahinto si Jacob at walang masagot.Nagpatuloy si Don Albert, "Mr. Wilso

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6534

    "Mr. Wilson, talagang kasuklam-suklam ang ginawa niyo!" galit na sinabi ni Don Albert. "Pinagalitan ko mismo si Zachary nang malaman ko ito, at ako rin ang nagsabi sa kanya na i-post ang pahayag na iyon!"Nagulat si Jacob. "Pero bakit, Don Albert? Kaibigan mo ba si Raymond Cole?""Hindi ko pa nakikilala ang lalaki," sagot ni Don Albert.Lalo pang nalito si Jacob. "Kung ganoon, bakit mo siya kinakampihan?""Pinipilit kong linisin ang aking imahe nitong mga nakaraang taon," malamig na sagot ni Don Albert. "Bihira akong makialam sa negosyo ng mob o anumang ilegal, at alam ng lahat sa Aurous Hill na si Zachary ang kanang kamay ko, pero inamin niya ang paggawa ng kasuklam-suklam na krimen sa likod ko. Ano pa ito kung hindi paninira sa reputasyon ko?"Napalunok si Jacob sa gulat dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito kaseryoso si Don Albert, pero agad siyang nagpaliwanag, "Patawad. Hindi ko inaasahan na maaapektuhan ka nang sobra… Kasalanan lahat ni Zachary! Hindi ko sana malalam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6533

    Sa puntong ito, pwede nang ituring ni Jacob si Don Albert bilang kanyang personal na tagapagligtas.Kahit na binantaan niya si Zachary na tatawagan niya si Charlie, sa totoo lang, hindi niya talaga magagawa na tawagan si Charlie.Dahil, paano niya sisimulan ang pagpapaliwanag na kasangkot siya sa isang krimen?At ang pagsabi kay Charlie ay parang pagsasabi sa kanyang anak na babae—ano ang iisipin nila sa kanya pagkatapos nito? Magagawa pa ba niyang itaas ulit ang kanyang ulo sa pamilya?Kaya, ang tanging pagpipilian niya ngayon ay hilingin ang tulong ni Don Albert at tingnan kung tutulong siya.Ang hindi niya alam, kasama ni Don Albert si Charlie, na inaasahan na ang gagawin ni Jacob.Kapag napagtanto ni Jacob na hindi niya mapipigilan si Zachary, hahanap siya ng taong makakagawa nito, at si Don Albert ang pinakamahusay para sa trabahong iyon!Hindi nakapagtataka, agad na tumunog ang cellphone ni Don Albert dahil sa tawag mula kay Jacob.Hindi agad sumagot si Don Albert, sa hal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status