Pumasok si Alex sa store habang si Alfred ay naghihintay sa entrance.Sa oras na pumasok si Alex, binati siya ng malamig na hangin, at ang mamahaling alahas ay agad na kumuha ng kanyang atensyon.Ang store ay mahal ang dekorasyon, mula sa kisame hanggang sa mga pader.“Piliin natin ang pinakamahal na piraso dito para kay Sophia,” Naisip niya, ang mga mata niya ay tumingin sa mga kumikinang na alahas.“Mas gusto niya ba ang emerald, o diamond?” Bulong niya sa sarili, ang tingin niya ay dumaan sa kumikinang na mga hiyas.Kahit at pinakamurang mga earring sa Elegance & Co ay may presyo na higit sa $10,000, at sigurado si Alex na hahanga si Sophia.Matutuwa si Sophia na matanggap ang regalo, kasama ang imbitasyon sa banquet.Samantala, sa kabilang dulo ng store, may babaeng sinusuri ang mga alahas, kasama siya ng isang middle-aged na lalaki na may malaking tiyan.Ang babae ay nakatayo sa tabi niya, humahanga sa mga piraso na nasa display case.“Tommy, baby, hindi ba’t mukha akong
“Sir, please—” Ang sales representative ay sinubukang makialam.“Kailangan mong palabasin agad ang tanga na ito! Sinisira niya ang mood namin sa shopping, at hindi ako papayag dito,” Ang sabi ng lalaki.Humalukipkip si Beatrix, pinapanood na maganap ang sitwasyon habang may mayabang na ekspresyon, ang ulo niya ay nakatingala, nagpapakita ng kayabangan at kumpiyansa.Ang sales representative ay nasa mahirap na sitwasyon.Ayaw niyang pumili ng panig. Ano ba ang magagawa niya? Kung sumunod siya sa utos ng lalaki, magpapalayas siya ng isang customer.Ngunit, hindi niya rin gusto galitin ang matandang lalaki.Nagsalita siya sa kanyang intercom, sinabi niya, “Mr. Jerry, may sitwasyon po tayo dito. Pwede po ba kayong pumunta, please?”Sa loob ng isang minuto, may isang lalaki na may seryosong ekspresyon ang nagpakita.Si Jerry White, ang sales manager ng store, ay dumating.“Mr. Tommy!” Ang malakas na sabi ni Jerry, agad niyang nakilala ang middle-aged na lalaki, isang regular custome
Si Alfred ay alam na kung ano ang nangyari bago pa siya pumasok sa store, at galit na galit siya.Walang hiya ang sinuman na bastusin ang kanyang Young Master at tagapagligtas ng anak niya!Kung si Alex ay sinisi siya para sa pagiging hindi professional ni Jerry, ang lahat ng pagsisikap ni Alfred sa pagbuo ng mabuting reputasyon at pagkuha ng pabor ni Alex ay magiging para sa wala.Naramdaman ni Alfred ang pambihirang kagustuhan na parusahan si Jerry—ang walang kwentang lalaking ito na gumawa ng gulo at problema!Nararapat sa kanya na harapin ng malupit.Habang iniisip ang mga ito, agad na inutusan ni Alfred ang kanyang mga bodyguard na samahan ang isang middle-aged na lalaki at ang mayabang na mistress nito palabas ng store.“Kahit kailan ay ayaw ko na silang makita sa store na ito!” Ang babala ni Alfred.Nanood si Jerry, nawala ang kulay mula sa kanyang mukha, at ang kanyang mga mata ay napuno ng takot.Siya ay mukhang isang takot na manok habang nanginginig siya sa isang sul
Nang mawala na sila, humarap si Alfred sa sales representative at inutos iya, “I-pack ang necklace at dalhin ito dito. Bilisan mo.”“Yes, Sir. Gagawin ko na po agad ito,” Ang sales representative ay sumagot, hindi naglakas-loob na maging mabagal habang mabilis siyang sumunod sa mga utos.Samantala, si Alfred ay lumapit kay Alex at binulong ng may paghingi ng tawad, “Sana ay tanggapin niyo po itong necklace bilang isang regalo. Libre na po ito, at humihingi po talaga ako ng tawad sa ugali ng staff ko. Sana ay tanggapin niyo po ito, upang magkaroon po ako ng magaan na loob ngayong gabi.”Makalipas ang ilang sandali, tumango si Alex.“Sige.”Nakahinga ng maluwag si Alfred nang tanggapin ni Alex ang regalo. Ibig sabihin nito ay hindi na galit sa kanya si Alex o na pinatawad na siya.Phew! Salamat sa Diyos!Ang sales representative ay bumalik, hawak ang nakabalot na necklace.Sa ikinagulat ng lahat, sa halip na ibigay ang package kay Alfred, magalang niya itong binigay kay Alex ng m
“Ano ang regalo?” Tanong ni Lyra, ang mga mata niya ay kumikinang sa kuryosidad habang tumingin siya sa regalong may magandang balot.Nagdalawang isip ng ilang sandali si Sophia, pagkatapos ay dahan-dahan niyang binuksan ang ribbon.“Ah, wow! Ito ay isang emerald necklace, mula sa Elegance & Co!” Nabigla siya, halatang nagulat sa mamahaling regalo.Ang pagkasabik ni Sophia ay mabilis na napalitan ng kaunting discomfort.“Mukhang mahal talaga ito,” Ang tahimik niyang sinabi, hindi sigurado kung ano ang mararamdaman tungkol dito.Ang intricate design at magandang detalye ay klaro—hindi ito isang simpleng piraso ng alahas.Si Chris ay marami nang nagawa para maghanda ng banquet invitation, at ngayon ang tatay niya ay sumobra pa at nagbigay ng magandang regalo.Medyo sobra ito.Ngunit bago pa makapag sabi ng mga pag aalala si Sophia, ngumiti si Chris ng may kumpiyansa, na para bang inaasahan ang buong sitwasyon.“Ginawa ang necklace na ito para sayo lang,” Ang sabi niya, nagpakita
Humarap si Alex kay Sophia. “Bakit hindi niyo kumpirmahin kay Chris kung ang tatay niya talaga ang nagpadala ng mga regalong ito?”Kumunot ang noo ni Sophia sa pagkalito.“Ano ang sinasabi mo? Syempre, tinutulungan ako ni Chris.”Hindi niya maisip ang ideya na kahit sino maliban kay Chris ay magpapadala ng mamahaling mga regalo.“Hindi mo ba natanggap ang emerald necklace mula sa Elegance & Co at tatlong invitation cards?” Tanong ni Alex.Nanginig ang katawan ni Sophia.Paano nalaman ni Alex ang laman ng regalo?Kakabalik niya lang, at ang regalo ay nakabalot.Ang necklace, ang tatlong card—nabasa niya ba ang isip ni Sophia?O higit pa dito, tama ba siya sa simula pa lang?Talaga bang hindi ang tatay ni Chris ang nasa likod ng mga mamahaling regalo na ito?Bago pa makapagsalita si Sophia, sumingit si Lyra, ang mga salita niya ay puno ng panunuya.“Hay naku! Hindi kami mga tanga, Alex. Nagseselos ka lang dahil malayo ka sa tagumpay ni Chris.”Tumawa si Alex sa akusasyon.K
Kinaumagahan, pagkatapos matulog at magpahinga, nagring ang phone ni Alex, at sinagot niya ito ng walang pagdadalawang isip.Ito ay si Abraham, ang lolo ni Sophia.“Alex, nabalitaan ko ang tungkol sa ugali ni Sophia. Tanga ang babaeng yun! Paano niya nagawang magrequest ng hiwalayan? Pasensya na sa kung paano ka niya trinato. Pinagalitan ko na siya.”Ngunit hindi naabala si Alex ng kahit konti.Kung gusto ni Sophia na makipaghiwalay, hindi hahadlang si Alex sa daan niya.Tutal, ang kasal ay hindi isang bagay na pwedeng pilitin, kahit sa simula pa lang.Tinupad niya ang tungkulin niya sa pagpayag sa kasal, umaasa na maaaring dalhin siya nito sa ilang clues tungkol sa nanay niya.“Nasaan ka ngayon? Magpapadala ako ng isang kotse para sunduin ka. Gusto kong humingi sayo ng tawad si Sophia ng personal.”“Hindi na kailangan, lolo. Ako na mismo ang pupunta.” Mabilis na tumanggi si Alex.Nagbuntong hininga siya habang natapos ang tawag.Ang kasal ay minsan talagang masakit sa ulo.N
Suminghal si Sophia.“Sa tingin mo ba talaga ay ang pag bargain ay rason para magkaroon ka ng halaga na milyon-milyon?”“Ang presyong yun ay maliit lang kumpara sa halaga ko,” Ang sagot ni Alex ng may kindat.“Pero nang makita ko na masigasig ka, nagdesisyon ako na hindi ka pahirapan masyado. Bibigyan kita ng 99.99999999999999999% discount, kaya magiging one hundred thousand lang. Ano sa tingin mo?”Tumawa si Alex sa loob.Napanganga si Sophia.Hindi siya makapaniwala sa narinig niya.Diyos ko!Kahit kailan ay hindi pa siya nakakita ng isang taong ganitong walang hiya sa buong buhay niya.Ito ang masamang bunga ng pagpapakasal sa isang walang kwentang lalaki—isang lalaki na mabubuhay gamit ang kayamanan niya ng hindi man lang tumutulong sa kahit ano, at mataas pa rin ang tingin ng lalaking ito sa sarili nito.Lumalim ang sama ng tingin niya, at pati na rin ang pagkasuklam niya.Ngunit wala siyang magagawa. Hindi niya gustong makasama si Alex sa isang gabi, at ang pasensya niy
“Kalimutan na lang natin siya,” Ang sabi ni Sophia, masama na ang mood niya.Napagtanto niya na hindi niya maiintindihan ang lalaking yun. “Magsisimula na ang banquet. Hanapin na natin ang mga upuan natin.”Ang banquet ay mayroong bilog na mga mesa, ang bawat isa ay may nakaupo na anim na bisita.Kapag mas malapit ang mesa sa harap, mas importante ang mga guest.Sa gulat nila Sophia at Lyra, noong tumingin sila sa kanilang invitation card, naka-assign sila sa pinakaharap—ang VIP table.“Chris, marami talagang ginawa ang tatay mo para makuha ang pinakamagandang invitation, no?” Komento ni Sophia.May proud na ekspresyon si Chris. “Syempre, ang tatay ko ay mahalaga talaga sa mga Kingston. Ito ang rason kung bakit sinabi ko sayo na wag mag alala sa partnership na ito—makukuha mo ito.”Habang kumilos sila patungo sa harap, nabigla sila na makitang sina Jasmine at Alex ay nakaupo na sa mesa nila, tumatawa ng malapit sa isa’t isa.“Alex,” Lumapit si Chris, halata ang irita sa boses ni
Si Lyra, na nakatayo sa tabi ni Chris, ay biglang sumingit, “Chris, bukas ang kasal mo. Baka subukan mong wag tumitig sa bawat babae na makita mo?”Kumunot ang noo ni Chris, tumingin siya kay Lyra ng naiirita. “Kailan pa ba naging krimen ang maging mabait?”“Mabait? May pagkakaiba ang pagiging mabait at pagiging isang manyak,” Sagot ni Lyra, pumanig siya kay Sophia.“Sige,” Bulong ni Chris, alam niyang hindi gumagana ang pakana niya. Humarap siya pabalik kay Jasmine.“Ganda,” Ang tawag niya ng nakangiti. “Bakit hindi ka sumama sa amin? Ang lalaking yan ay hindi nararapat sa atensyon mo. Is-scam ka lang niya para sa pera mo.”Dahan-dahang hinawakan ni Jasmine ang baba ni Alex at ngumiti siya.“Oh, Alex,” Ang mahina niyang sinabi. “Pera lang ang meron ako. Kung yun lang ang tanging rason para bigyan mo ako ng atensyon, bigay mo lang ang presyo mo. May one hundred million akong dala ngayo. Kung hindi pa ito sapat, sabihin mo lang sa akin—meron pa akong masa marami sa bahay.”“Binibi
Gusto lang itanong ni Sophia ng mabait—tulad ng payo sa kanya ng lolo niya—kung sino talaga si Alex.Naunawaan niya na hinusgahan niya si Alex sa simula pa lang, hindi niya binigyan si Alex ng patas na pagkakataon.Baka may bagay pa na maaaring maging maayos.Ngunit kailangan ba ni Alex na gawing mahirap ang lahat?“Alex, naiintindihan ko—galit ka sa akin sa pakikipag divorce ko sayo, at ngayon ay pinaparada mo ang bagong babae mo sa harap ko. Alam mo ba na ito ang eksaktong rason kung bakit iniwan kita?” Hindi pinigilan ni Sophia ang kanyang sarili.“Ako ang mali, huh?” Nagtaas ng isang kilay si Alex, nagpanggap na walang alam.“Binigyan kita ng maraming pagkakataon para bumawi, pero masyado kang walang alam para maintindihan ito!” Galit na sinabi ni Sophia, nauubos na ang pasensya niya.“Isang pagkakataon?” Mukhang nalilito talaga si Alex.“Hindi mo ba nakikita? Sinusubukan kitang kausapin ng pribado, sa halip, ipinagmamalaki mo ang ego mo at pinapalala ang lahat,” Malamig ang
Gabi na sa Heaven, ang pinaka eksklusibong club sa Vancouver—isang lugar kung saan nakikipag halubilo ang mga pinakamayaman.Ang gusali ay mukhang isang malaking glass dome, pinapakita ang kagandahan ng kalangitan sa gabi—ngunit ang view ay maaaring ayusin para maging tugma sa anumang gustong tema.Ngayong gabi, ito ay ginawang isang “Royal Gathering,” parang isang banquet na ipinagdiwang ang isang hari, isang reyna, at ang unang public appearance ng isang prinsesa.Ang dekorasyon ay classic ngunit elegante, puno ng mga iskultura na inspired sa antiquity, engranda talaga ito.Nagsimulang dumating ang mga bisita, naglakad sa mga hardin at humahanga sa mga fountain at ornate decoration.May isang sleek black Mercedes na huminto sa entrance, kung saan naghihintay ang red carpet.Bumaba ang isang nakakabighani na babaeng may suot na eleganteng evening gown, agad niyang nakuha ang tingin ng lahat.Pagkatapos, may isa pang magandang babae rin na dumating, nakuha ang atensyon ng lahat.
Nakaupo si Alex sa café table, malalim ang iniisip niya habang ang mga piraso ng alaala ay nagsimulang magpakita.Hindi niya maalala ang mukha ng nanay niya, pero naalala niya ang medal na binigay nito sa kanya.“Alex, kung nawala ka, gamitin mo ang medallion na ito para hanapin mo ang daan pauwi.” Ang boses ng nanay niya ay puno ng babala.Natandaan niya na sinabi sa kanya ng nanay niya na magtago siya, may taong humahabol sa kanila. Ngunit sino? Hindi niya ito malaman.Ang sumunod na alaala ay gumising siya sa bahay-ampunan, ang medal ay wala na mula sa kanya.Ito siguro ang mga alaala niya bago siya mapunta doon.Habang hawak ang malamig na medal, alam ni Alex na kailangan niyang hanapin ang kanyang nanay at bawiin ang nakaraan niya.Biglang nag ring ang phone niya.“Alex,” Mahina ngunit tense ang boses ni Jasmine.“Ano yun?”“Pwede mo ba akong tulungan at samahan sa banquet ko?”Gusto tumanggi ni Alex, ngunit naalala niya ang pangako niya kay Abraham—na siguraduhing makuh
“Alex, heto ang mga divorce papers na pinaghandaan ni Sophia. Ang kailangan mo lang ay piramahan ang mga ito,” Ang sabi ni Lyra, nilagay ang mga dokumento sa café table.“Nasaan si Sophia?” Tanong ni Alex, ang mga mata niya ay nakapokus kay Lyra.Kahit na may pambihirang kagandahan siya, ang bawat salita sa sinabi niya ay malupit.“Busy siya sa pagtransfer ng pera. Makinig ka, Alex,” Nagsalita si Lyra, malamig ang boses.“Habang sibilisado pa ako, pirmahan mo na lang ang mga papeles. Tapusin na natin ito. Hindi ka pwedeng magpatuloy sa pagscam sa kanya. Diyos ko, bitawan mo siya!”Nagbuntong hininga si Alex. Ang tanging rason niya sa pagpapakasal kay Sophia ay ang hanapin ang clues tungkol sa nanay niya at sundin ang kahilingan ng master niya.“Kung gusto niya makipag divorce, sasabihin niya sa akin mismo,” Ang kalmadong sagot ni Alex.Umiling si Lyra. “Alam kong hindi ka masaya tungkol dito, pero tanggapin mo na lang. Hindi ka nararapat sa kanya. Wag mo na itong pahirapan pa—pir
Ang boses ni Lyra ay puno ng galit habang sinabi niya, “Kahapon, sinasabi mo na ang invitation card at ang alahas ay mula sayo. At ngayon ay sinasabi mo na ang BioHealth Solutions—isang kumpanya na malaki ang kinikita araw-araw at may matagal na kasaysayan bilang isa sa pinakamalaki sa Vancouver—ay magiging bankrupt.”Tumawa siya ng mapait.“Talaga? Aabot ka sa ganitong taktika para sisihin si Chris! Aamin ako, consistent ka.”Ang ekspresyon ni Aex ay naging malamig habang tumingin siya sa kanila mula sa screen ng kanyang phone.“Ang mga Kingston ay puputulin ang koneksyon sa BioHealth. Ito ay magiging isang walang kwentang kumpanya,” Ang simple niyang sinabi.“Puputulin ang koneksyon ng Kingston family?”“Isang walang kwentang kumpanya?”Isa isa silang hindi makapaniwala habang nasa loob ng kwarto.“Kalokohan, lahat ng ito ay kalokohan. Paanong puputulin ng Kingston ang isang dekadang collaboration habang ang tatay ko ay nasa Los Angeles at nagbubukas ng isang bagong Kingston b
Nararamdaman ni Sophia na lumubog ang puso niya, na para bang sinasabi sa kanya na pagtaksilan niya ang lolo niya.Biglang sumingit ng mabilis si Mrs. Lancaster.“Sophia, kailangan mong bawiin ang $100 million mula sa walang kwentang lalaking yun. Kailangan natin ang pera para masiguro ang kinabukasan ng mga Lancaster sa Kingston.”“$100 million?” Mas lalong nalilito si Sophia.“Sabi-sabi na binigay mo sa isang kung sino lang ang $100 million para lang hindi ka suminping sa kanya!” Ngumisi si Mrs. Lancaster, puno ng paghamak ang kanyang boses.Ang lahat ng mga mata sa kwarto ay napunta kay Sophia.Si Lyra, na ang boses ay puno ng galit, ay nagtanong, “Binigyan mo ang loser na yun ng $100 million?!”“Hindi!” Mabilis na ipinagtanggol ni Sophia ang kanyang sarili, alam niya na mayroon siguradong isang pagkakamali.“Nagyayabang lang ulit siya. Binigyan ko lang siya ng $100,000 para may tirahan siya at hindi tumuloy dito. Saan naman ako kukuha ng $100 million?”Ngunit hindi naniniwa
Nagbagon ng pwesto sa upuan si Lady Lancaster. “Pag iisipan muna namin.”“Tandaan niyo,” Pilit niya, “ngayong gabi ang banquet, kaya kailangan niyo gumawa ng mabilis na desisyon. At dahil sinabi niyo na pakakasalan ni Chris si Sophia, kapag binigay niyo ang pera ngayong araw, sasabihin ko kay Chris na ibigay ang BioHealth Solutions kay Sophia.”Tumahimik ang buong kwarto.Nabigla ang mga Lancaster—ang kumpanya ni Chris ay lubos na mas malaki kaysa sa kumpanya nila.“Bakit?” Ang tanong ni Lady Lancaster, ang boses ay parehong nanginginig na may kasakiman at hindi makapaniwala.“Nasa Los Angeles ako ngayon para sa bagong Elegance & Co. branches,” Nagsinungaling si Jerry, “at kailangan ko ng tulong ni Chris para bumuo ng bagong BioHealth company dito.”“Dahil siya ang tanging anak ko, sino ang mas mabuting mag manage ng kumpanya sa Vancouver kaysa sa asawa niya?”Ang nanay ni Sophia, si Florence, ay naging masigasig. “Nanay, ito ay isang magandang pagkakataon para sa atin.”Samanta