Share

Kabanata 10

Author: Sixteenth Child
Kung hindi tumunog ang alarm clock sa sumunod na umaga, hindi sana magigising si Madeline.

Namula ang mukha niya nang maalala niya kung ano ang sinabi at ginawa niya kay Jeremy habang lasing siya.

Pagbalik ng opisina, wala sa isip na nagtatrabaho si Madeline sa kanyang mga disenyo. Hindi niya ma-i-alis sa kanyang isip ang anino ni Jeremy.

Labindalawang taon na. Imposible namang mapapakawalan niya ang ganitong klase ng pagmamahal balang araw.

Hinawakan niya ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan. Kung posible, gusto niyang bigyan ng perpektong pamilya ang bata.

“Ding!”

Biglaan, isang notification ang tumunog sa kanyang cellphone na siyang nagbalik sa kanya sa realidad.

Tinignan niya ito at nakita niya ang isang mensahe. Galing ito kay Jeremy!

Nagsimulang tumibok ang puso ni Madeline nang walang tigil. Lalo pa itong nanginig nang buksan niya ang mensahe.

Ang unang nakita ay isang larawan. Isa itong larawan ni Madeline at Meredith. Kuha ang litratong ito nang ampunin siya ng Crawford.

Sa larawang ito, nakasuot si Meredith ng isang mamahaling damit. Tila ba nagliliwanag ito na parang isang prinsesa. Napaka-elegante nito at espesyal. Sa kabilang banda, nakasuot naman si Madeline ng isang mapusyaw na damit. Napakapangit niyang tingnan at tila ba galing siya sa isang madilim na kalye.

Sa ilalim ng larawan ay ang mensahe ni Jeremy. Nang makita niya ang laman nito, bumagsak ang temperature ng mga daliri niya.

‘Madeline, tignan mo naman si Meredith at ang sarili mo. Paano namang ang madumi at mababang babae na gaya mo ay maaabot ang kwalipikasyon ng pagiging asawa ko?’

Sumaksak ang mga salitang ito na para bang kutsilyong gawa sa yelo. Nakakasakit sa puso at hindi maganda sa mata.

Naalala na naman niya ang nangyari labindalawang taon ang nakararaan. Hindi niya na kaya ang kalupitan at galit ni Jeremy para sa kanya ngayon.

‘Jeremy, sinabi mo dati na ako ang pinakamabait at pinakamagandang babaeng nakilala mo. Sinabi mong papakasalan mo ako para makasama ako habambuhay. Ano na bang nangyayari ngayon?’

Tumibok nang malakas ang puso ni Madeline. Alam niyang hindi niya ito mapapalagpas.

Agad siyang tumugon, ‘Jeremy, alam kong galit ka sa akin, pero buntis ako ngayon. Pakiusap bigyan mo ako ng pagkakataon para mahalin ka pati na rin ang bata na magkaroon ng kumpletong pamilya, ayos ba iyon?’

Matapos ipadala ni Madeline ang mensahe, talagang kinabahan siya. Ganoon pa man, inaabangan niya ang sagot nito.

Nagtaka siya kung magiging masaya ba si Jeremy kapag nalaman nitong may anak sila. Aabangan rin ba nito ang kapanganakan niya?

Kaya lang, sa isang kurap ng mata, nawasak ang pantasya niya.

Tumugon lamang si Jeremy sa kanya gamit ang dalawang salita, ‘I-abort mo.’

Naramdaman ni Madeline na tila ba nahihiwa ang puso niya. Bago pa man ito mawala, nagpadala na naman ng isang mensahe si Jeremy, ‘Madeline, binabalaan na kita. Tanging si Meredith lamang ang may karapatan na maging ina ng mga anak ko. Ang isang walang hiya na kagaya mo ay dapat na pumirma na lamang ng divorce papers at agad na umalis sa paningin ko! Kung hindi mo pipirmahan ang papers, ako na mismo ang papatay sa batang iyan gamit ang mga kamay ko.’

Nanigas ang lahat ng dugo ni Madeline sa katawan. Ang mga matatalas na pananalitang iyon ay puno ng pagpapahiya sa kanya, tila ba tinatapakan siya nito. Sa parehong pagkakataon, ang sagad sa butong sakit na ito ang dahilan para mapagtanto ni Madeline na hindi nararapat si Jeremy para sa lahat ng pagod at sakit niya. Hindi niya dapat ito mahalin habang nagbubulag-bulagan.

Sa kabilang banda, inalis ni Meredith ang lahat ng mensaheng pinadala niya kanina.

Puno pa rin ng pawis ang kanyang kamay matapos itong gawin.

Natatakot siyang mag-iwan ito ng bakas at malaman ni Jeremy ang katotohanan.

Dalawang taon ang nakararaan, nakita niya ang diary ni Madeline kasama ang isang bookmark habang hinahalungkat niya ang mga gamit nito. May pirma ito ni Jeremy. Ang petsang nakalagay doon ay sampung taon na.

Halata namang nagkakilala si Madeline at Jeremy sampung taon na ang nakararaan. Bukod pa roon, may isang romantikong kasunduan ang dalawa.

Subalit, noon, hindi Madeline ang pangalan ni Madeline, at hindi siya agad nakilala ni Jeremy bilang ang maliit na batang nakipagkasundo sa kanya. Kaya, ginamit agad niya ang sitwasyong ito para sa ikabubuti niya.

Biglang nagbukas ang salaming pinto, at ang matangkad na anyo ni Jeremy ay makikita rito. Nakaupo si Meredith sa kanyang mesa at agad na nagbago ang mukha nito. Agad siyang tumayo at nilagay ang cellphone ni Jeremy sa lugar nito na tila ba walang nangyari.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
tama nga hula ko na hindi si jeremy ang may gawa ng mensahe kelan kya matutuklasan ni jeremy na niluluko lamang sya ni meredith
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2479

    Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2478

    Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2477

    Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2476

    Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2475

    “Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang

  • Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman   Kabanata 2474

    Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status