Pagkaraan ng isang buwan."Sir, puwede po ba makausap kayo sandali?" Hiling ni Minggay sa guro. Sampung minuto na ang nakakalipas nang matapos ang klase nila.Hinubad ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant at ipinakita iyon kay Mr. Aragon. "Naaalala niyo pa ba 'to? 'Di ba po ang ganda? Nakita niyo na po 'to, 'di ba? Tingnan niyo pong maigi. Ayan po. Titigan niyo po."Marahang idinuyan-duyan niya ang kuwintas. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Ang nakasabit na pendant na susi, kumikislap sa tuwing nasisinagan ng papalubog na araw mula sa bintana. "Bakit... Na... Sa'yo... 'Yan?"Nabitawan ni Mr. Aragon ang hawak na libro at unti-unting nawala ang tensyon sa kanyang mga balikat. Ang mga tupi niya sa noo ay pumatag at ang mga mata ay tumigil sa pagkurap. "Ganyan nga po, Sir. I-relax niyo lang po ang katawan niyo. Masarap pong magpahinga paminsan-minsan. Nakakapagod po ang puro trabaho," udyok ni Minggay. Hini-hypnotize niya ang teacher matapos malaman mula kay Nana Con
Nilakad-takbo ni Minggay ang daan papunta kay Tangkad. Hindi na siya nagtakip ng mukha gaya ng ginagawa niya noon sa tuwing mapapadaan sa lugar nila. Wala na siyang pakialam kung may makakilala sa kanya. Una, dahil nasa ospital na rin naman si Mama Linda. At pangalawa, wala na rin siyang pakialam sa kung ano ang kayang sabihin at gawin sa kanya ng ibang tao. Sa tindi nang pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na araw, wala na siyang panahon para isipin pa ang mga isyu nila sa kanya. O baka kaya rin naman malakas ang loob niya ay dahil sa enerhiyang dumadaloy sa kanya na nagmumula sa suot niyang kuwintas. Hindi niya eksaktong maipaliwanag kung anong klaseng enerhiya ito, pero nararamdaman niya ito sa kanyang sistema na para bang kaya niyang lumipad, bumuhat ng gusali o gumawa ng mga ilusyon. Sa madaling salita, parang wala siyang limitasyon sa mga kaya niyang gawin. Ito yata ang ibig sabihin ng salitang "fearless" na binabanggit sa kanya ni Mr. Aragon noon sa English class nila.Pagda
Tinimbang ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant sa kanyang kamay. Medyo mabigat ang pendant, siguradong yari sa purong ginto. Ang mismong kuwintas, 'di kakikitaan ng kahit anong marka ng gasgas o pagkupas. Habang tumatagal sa pagtitig si Minggay sa alahas, mas lalo rin siyang naaakit dito. May nasasagap siyang daloy ng enerhiya mula rito na parang pinararamdam sa kanya na siya ay malakas, na siya ay makapangyarihan. Pero sa kabila nu'n, parang may hindi tama. Batid ni Minggay na huwad at galing sa masama ang kapangyarihang taglay ng kuwintas. Agad niya itong hinubad."Ayoko po. Hindi ko po kayang tanggapin ang maging tagapag-bantay," kinuha ni Minggay ang palad ni Nana Conrada. Inilagay niya roon ang kuwintas at saka ito isinara. "Aanhin ko ang kuwintas kung magiging kapalit naman po ang kaluluwa ko."Tumingin si Minggay sa rebulto ni Saint Serberus. "Hindi mo 'ko mabibili."Napabuntong-hininga si Nana Conrada. "Pero ineng, hindi mo naintindihan. Wala kang pagpipilian dito. H
Isang magaspang at mamasa-masang bagay ang dumila sa buong katawan ni Minggay mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mga paa. Hinihimod-himod na pala siya ng demonyong may tatlong ulo ng aso. Hindi siya makakilos dahil sa lapot at lagkit ng laway nito na ipinaligo sa kanya. "Huwag!"Isang panaginip.Napabangon siya nang 'di oras. Una niyang nakita si Nana Conrada na nakaupo malapit sa may pinto. Hinahalo-halo nito ang isang mangkok ng mainit na sopas."Mukhang gising ka na nga," bati ng matanda sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para magkalaman naman 'yang tiyan mo. Halos buong araw ka na kasing tulog."Nasa loob sila ng kanyang silid. Sa labas ng bintana, kulay kahel na ang langit at kaunting minuto pa tuluyan na itong kakainin ng dilim."Si Serberus..." Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Minggay sa braso at batok pagkabanggit niya sa pangalan na iyon. Napangiwi siya nang isandal ang likod sa headboard ng higaan."Siya ba? Nasa taas. Sa ipinagbabawal na silid." Inilagay ni Nana Connrada
"Huwag kang susuko, Minggay!""Kaya mo 'yan!""Bumangon ka na, please.""Huwag mo kaming susundan. Malungkot dito.""Huwag mong hayaang magwagi ang kasamaan.""Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami kasama mo."Boses iyon nila Mary Beth at ni Lila kasama ng mga mukha ng ilan pang mga bata na hindi niya kilala."Huwag kang magpatalo.""Lumaban ka, Minggay!"Mga mukha na marahil nakatira rin dati sa Casa Del Los Benditos bago pa sila dumating doon.Tama sila. Sa kabila ng mga pighati at paghihirap, mas masarap pa rin ang mabuhay. Gusto niya pang tulungan ang mga kapatid niyang marating ang mga pangarap nila. Gusto niya pang makita si Caloy na makapag-tapos ng pag-aaral. Gusto niya pang maipagpatayo sila ng disenteng tirahan. Gusto niya pa ring marinig na umawit ang mga nakadapong ibon sa mga sanga ni Tangkad. Ang totoo, ayaw niya pang mawala.Iminulat ni Minggay ang mga mata at una niyang nakita ang kutsilyong nakapatong sa mangkok malapit sa kanya. Dinakma niya agad iyon habang abala pa
Napakapit na parang talaba si Minggay sa binti ni Father Eman. Umiikot pa rin ang paligid niya, pero hindi na 'to kasing lala gaya kanina. Hindi na lumilihis ang paningin niya. 'Yun nga lang, katawan niya ang may problema. Lalong-lalo na ang balikat. Napalakas talaga yata ang hampas niya sa dingding. Sa palagay nga ni Minggay may nabali na siyang buto sa likod. Kaya kahit gustuhin man niyang manlaban, wala na halos siyang lakas na natitira."Father, 'wag po. Huwag po parang awa niyo na po," Nalunod na ng luha ang mukha ni Minggay. Hindi siya makatingin sa napakalaking impaktong nasa harapan nila. Sa sobrang laki, sinakop na nito ang kalahati ng silid. "Gusto ko pa pong mabuhay. Please po, Father. Wala po akong pagsasabihan nito. Gusto ko pa po makasama mga kapatid ko.""Anong sabi mo? May mga kapatid ka? Akala ko ulila ka na. Ang sabi kasi sa akin ni Father Tonyo mag-isa ka na lang daw sa buhay. So, nagsinungaling ka na naman sa amin, Minggay?" Kinakalas ni Father Eman ang mga braso n