Share

Part 13 - Floor Wax

Nagpakita na rin si Mr. Aragon, ang tutor, pagkatapos ng halos isang linggong pagliban nito dala ng trangkaso. Medyo numipis ang mukha nito at lumuwang ang suot nitong t-shirt. Napansin pa ni Lila na lumungkot din ang mga mata ng guro nang ipaalam sa kanya ang biglaang paglisan ni Mary Beth.

"Well, nakakalungkot. Matalinong bata pa naman si Mary Beth. Pero sana maipagpatuloy pa rin niya pag-aaral sa Maynila," ika ni Mr. Aragon habang nagbubuklat ng libro. Tinignan nito ang bago niyang estudyante. "Ikaw ba si Minggay? 'Yung bago nating kasama dito sabi ni Father Tonyo."

"Opo. Melanie po tunay kong pangalan," sagot naman ni Minggay.

"Nice to meet you, Melanie or mas gusto mo Minggay na lang ang itawag ko sa'yo?"

"Minggay na lang po. Doon po ako mas sanay." Nakangiti si Minggay dahil mukhang mabait naman pala si Mr. Aragon.

"All right then. Well, gusto ko sanang makipag-kuwentuhan pa kaya lang medyo behind na tayo sa mga lessons. Start muna tayo sa Philippine History. Please open your b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status