Share

Part 36 - Usok

"Huwag kang susuko, Minggay!"

"Kaya mo 'yan!"

"Bumangon ka na, please."

"Huwag mo kaming susundan. Malungkot dito."

"Huwag mong hayaang magwagi ang kasamaan."

"Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami kasama mo."

Boses iyon nila Mary Beth at ni Lila kasama ng mga mukha ng ilan pang mga bata na hindi niya kilala.

"Huwag kang magpatalo."

"Lumaban ka, Minggay!"

Mga mukha na marahil nakatira rin dati sa Casa Del Los Benditos bago pa sila dumating doon.

Tama sila. Sa kabila ng mga pighati at paghihirap, mas masarap pa rin ang mabuhay. Gusto niya pang tulungan ang mga kapatid niyang marating ang mga pangarap nila. Gusto niya pang makita si Caloy na makapag-tapos ng pag-aaral. Gusto niya pang maipagpatayo sila ng disenteng tirahan. Gusto niya pa ring marinig na umawit ang mga nakadapong ibon sa mga sanga ni Tangkad.

Ang totoo, ayaw niya pang mawala.

Iminulat ni Minggay ang mga mata at una niyang nakita ang kutsilyong nakapatong sa mangkok malapit sa kanya. Dinakma niya agad iyon habang abala pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status