"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ni Father Eman kay Minggay. Napatakbo sila ni Father Tonyo sa kanyang kuwarto nang marinig nila ang napakalakas niyang sigaw."Minggay, may nararamdaman ka ba? Masakit ba ang ulo mo o nilalamig ka?" Ipinatong ni Father Tonyo ang palad sa noo ni Minggay. "Hindi ka naman mainit.""Pero kitang-kita ko po. Si Mary Beth po talaga 'yung nasa picture. May kasama po siyang lalaki. Tapos... tapos..." hindi na niya alam ang sasabihin. Naaawa siya na kinikilabutan sa tuwing nagre-replay ang imaheng iyon ng kaibigan sa isip niya."Pero anong nakakatakot dito? Kami lang 'to ni Father Tonyo kasama si Father Greg. Mga two years ago pa yata 'to kinunan." Halos halikan na ni Father Eman ang larawan. Sinusuri niyang maigi kung ano, sino o saan ba 'yung sinasabi ni Minggay na nakakatakot sa litrato. Pero wala talaga siyang makita."Tignan niyo po 'yung pinto sa background, Father. May kamay po d'yan. Tapos yung sapatos... yung sapatos po na kulay pula, 'Yung.... 'yung.. ma
"Ano bang ginagawa mo? Bakit 'di ka sumusunod sa pinapagawa ko sa'yo, anak? 'Yung mga kapatid mo ang papayat na. Hindi ka ba naaawa sa kanila?" Hininaan ni Mama Linda ang boses para hindi sila pag-suspetsahan ng mga dumadaan."Mama, pasensya na. Nahuli kasi ako ng pari dito, si Father Tonyo, nu'ng kinukuha ko 'yung korona. Buti nga hindi ako pinakulong. Tapos sabi niya dito na lang ako tumira. Bale pareng inampon na niya ako. 'Pag tumanggi naman ako sabi niya isusumbong niya ako sa pulis. Kaya ayun, di na ako nakaalis. Hindi ko po alam gagawin ko." Totoo naman din ang sinabi ni Minggay. Naipit siya sa alok ng pari. Pero ang hindi niya sinasabi sa ina-inahan, gusto na rin niyang tumira sa simbahan. Na sa piling ng mga pari, hindi na niya kailangan pang magnakaw o makaranas pa ng gutom. Hindi nga lang niya ito maibulalas kay Mama Linda dahil natatakot siyang masabihang makasarili nito."Pero pa'no kami Minggay? Pa'no kami ng mga kapatid mo? Anong sinasabi mo? Na okay lang ka lang kasi k
Wala ng pakialam si Minggay kahit pagtinginan pa siya ng mga tao habang umiiyak. Nakaupo siya sa pinakalikod ng simbahan habang nakatingin sa Birheng Maria Ng Villapureza at sa makislap nitong korona. Nagdarasal siya sa mahal na ina na sana tulungan siya nito sa kanyang problema. Ayaw niyang magnakaw at umalis sa simbahan, pero kung hindi naman siya susunod sa utos ng ina-inahan, gano'n din ang kalalabasan. Siguradong makukulong din siya at ang mga kapatid niya ay magkakawatak-watak."Mama Mary, tulungan mo po ako. Litong-lito na ako kung ano ba ang dapat kong gawin," pagsusumamo ni Minggay. Bumalik siya sa simbahan pagkatapos niyang itago ang mga pang-linis sa lagayan nito.Nag-uumpisa nang mag-alisan ang mga maninimba. Tapos na ang misa na pinamunuan ni Father Eman. Wala naman talagang pakialam si Minggay sa mga naging sermon at pangaral ng pari. Masyadong nang magulo ang utak ni Minggay para intindihan pa ang mga ito."Kanina pa kita pinagmamasdan. Bakit ka umiiyak? Puwede kang mag
Tarantang pinihit ni Minggay ang doorknob pero hindi niya magawang buksan ang pinto dahil panay ang dulas ng kanyang mga kamay dala ng pawis. Napaka-init ng silid na tila ba may nag-iihaw ng barbecue sa harap niya."Minggay! Sandali lang. Anong problema?" Pagtataka ni Father Tonyo."Father, gusto ko na pong lumabas. Please po, Father. Parang awa niyo na po," pakiusap ni Minggay na gusto ng umiyak."Bakit? Alin? Dahil ba sa istatwa? Anong... Hindi kita maintindihan," sinusubukan ng pari na maging mahinahon. Ayaw na niyang dumagdag sa panic ni Minggay."Kamukha po niya 'yung pumapasok sa kuwarto namin ni Lila. Siya po 'yun. Ayan po. Tingnan niyo po 'yung sapatos. Katulad na katulad nu'ng nakita namin." Huminto muna si Minggay sa ginagawa at hinarap si Father Tonyo."Ano bang sinasabi mo? Alin? 'Eto ba?" Pinuntahan ng pari ang istatwa at kinatok-katok ang paa ng rebulto. Nagtunog kahon ito na walang laman sa loob. "Paano makakapasok or better yet, pa'no gagalaw 'to Minggay? Eh kahoy 'to.
"Father, hindi pa po ba tapos? Masyado na po kasing marami," nag-aalangang tanong ni Minggay. Napuno na ng dugo niya ang platito at ito ay umaapaw na. Limang patak na nito ang tumulo sa sahig.Parang hindi siya nadinig ng pari. Patuloy ito sa pagpisil nang madiin sa kanyang daliri. "Father, tama na po. Masakit na po," iyak muli ni Minggay. Saka niya binawi ang daliri.Doon lang tila nagising ang pari. "Ah, oo. Pasensya na. Patawad." Inabutan niya ng panyo si Minggay at sinabing doon ipahid ang daliring may sugat."Ano pong gagawin sa dugo ko, Father?" Panay pahid ni Minggay sa sugat na nagkulay pula na.Ipinatong ni Father Tonyo ang platito sa may paanan ng santo. "Ilalagay lang natin 'to. Simbulo ito ng marubdob mong pananampalataya sa ating patron. And then ikaw, lumuhod ka sa harap niya at magpasalamat ka muna sa opportunity ipinagkaloob na mabisita mo siya rito at pagkatapos, sabihin mo na ang kahilingan ng iyong puso."Parang kakaiba na ang nararamdaman ni Minggay noong mga sand
"Po?""Ang sabi ko kung anong ginagawa mo? Saan ka galing?" Humigop muli si Father Eman ng mainit na tsaa."Ah eh. Kasi... Ummmm... Ano po.. naglinis lang po sa taas," palusot ni Minggay."Naglinis? Nasaan ang mga kagamitan mo? Anong pinanglampaso mo? Damit mo?""H-hindi po. Ano po kasi... Hinahanap ko nga po kasi 'yung... 'yung bunot po sana kaso di ko makita sa taas. Baka naiwan ko kasi doon nu'ng nakaraan. Baka bukas na lang po ako maglinis. Magta-tanghali na rin po kasi," nangingising tugon ni Minggay. Inubos na ni Father Eman ang iniinom. "Sa susunod, bago ka umakyat d'yan siguraduhin mo munang kumpleto ka na sa mga gamit. Tatandaan mo rin na hanggang sa may hagdan ka lang. Bawal kang magpalakad-lakad sa mga kuwarto roon. Ayaw namin ng maingay d'yan ni Father Tonyo at nakaka-istorbo sa oras ng pagdarasal namin," paalala ni Father Eman, pero may bahid ng suspetsa ang tingin nito sa kanya. "Teka, bakit pawis na pawis ka yata.""A-a-ano po kasi... ummmm... Bago po kasi rito, nilini
"Anong balak mo?" Bungad na tanong ni Father Eman kay Father Tonyo. Mataas na ang sikat ng araw pero patuloy pa rin sa pagtatanim ng mga gumamela si Father Tonyo sa hardin. Paborito niyang pampalipas-oras ang pag-aalaga at pagpaparami ng mga halamang namumulaklak. Nagtatanim din siya kapag nakararamdam ng stress o 'di naman kaya ay kalungkutan.Tumigil si Father Tonyo sa pagbubungkal ng lupa. "Anong balak? Balak saan?""Balak "kanino" pala. Anong binabalak mo kay Minggay? Ba't nakita ko siyang bumababa galing sa taas? - sa second floor." Umupo si Father Eman sa bench at binigyan ng sulyap ang puno ng balayong sa kanyang kanan. Matutuwa siguro si Father Greg kapag nakita niyang hitik na hitik na sa maliliit na pink na mga bulaklak ang halamang itinanim nito lampas dalawang taon na ang nakararaan."Kay Minggay? Hindi ko alam ang sinasabi mo," dahilan ni Father Tonyo. "Galing siya sa taas dahil baka... ano... baka naglinis lang siya ng hagdan. Teka, ano bang gusto mong palabasin?" Napala
Lumipas na naman ang tatlong araw na gaya lang din ng mga nagdaan. Si Mr. Aragon, tila wala pa rin sa sarili samantalang si Father Tonyo naman napapansin niyang dumadalas ang pakikipag-usap sa kanya. May mga pagkakataon pa ngang pakiramdam ni Minggay, gumagawa na ito ng kung ano-anong dahilan para makita at makasama siya. Naiilang na si Minggay sa inaasal ni Father Tonyo kaya minsan nag-iisip na lang din siya ng kung ano-anong dahilan para makaiwas sa pari. Ang kapwa niya ampon na si Lila, lagi namang matamlay at inaantok. Sabi nito sa kanya na dahil daw iyon sa patuloy na pagbisita sa kanya ng lalaking naka-sutana at pulang sapatos. Ayaw na lang daw niyang magsabi sa dalawang pari dahil alam niyang hindi rin naman siya seseryosohin ng mga ito. Gusto sanang sabihin ni Minggay na ang santo sa second floor ang may kagagawan ng mga pagbisita, pero hindi niya iyon kayang mapatunayan. Base lang iyon sa kutob niya. Kutob na walang konkretong ebidensya lalo na't imposible itong mangyari da