Hindi makakain nang maayos si Minggay. Bukod kasi sa nakatitig sa kanya si Father na para siyang organismong ino-obserbahan sa ilalim ng microscope, nasisilaw din siya sa kuwintas nito na may hugis susi na pendant. Bumabanda kasi ang liwanag ng araw dito papunta sa kanyang mata.
"Ay, sorry," nahihiyang sabi ng pari nang mapansin niyang panay ang kurap ni Minggay at saka niya ipinasok ang kuwintas sa loob ng kuwelyo.Father Antonio Komendador ang pakilala ng pari kay Minggay, pero Father Tonyo na lang daw ang itawag sa kanya. Siya ay isang 30 year old chinito na apat na taon ng naninilbihan sa simbahan at mahilig mag-jogging tuwing umaga o hapon. Maayos at pantay ang pagkaka-gel ng buhok ni Father Tonyo at ang mga ngipin nito, mukhang ikinula sa sobrang puti. Maraming babae ang nagkakagusto rito, pero nasa paglilingkod daw kay Hesus ang totoong misyon niya sa buhay."Ikaw, may pamilya ka pa ba? Saan ka nakatira? Teka, ilang taon ka na nga ulit?" Sunod-sunod ang tanong ni Father Tonyo habang iniinom ni Minggay ang mainit na tsokolate sa tasa.Huminga nang malalim si Minggay at saka yumuko. Hindi niya matingnan ang nakangiting mukha ng pari. Hindi niya puwedeng sabihin ang anumang impormasyon tungkol sa pamilya niya at baka sila madamay kung sakaling magsumbong bigla sa pulis itong kausap niya. Sa halip, sinabi na lang ni Minggay na isa na siyang ulila.Lumungkot ang mukha ni Father Tonyo at gumuhit ang habag sa kanyang mga labi. "Ah, gano'n ba. Huwag kang mag-alala. Bukas itong tahanan ng Diyos para sa mga katulad mo. Iniibig ng Diyos ang mga ulila at nag-iisa. Hayaan mo't pagkatapos mo riyan, ipapakilala kita sa mga kasama ko na makakasama mo na rin dito sa bahay."+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-Matapos hugasan ang pinagkainan, inilibot ng pari si Minggay sa buong Casa de los Benditos o ang Tahanan ng Pinagpala. Itinuro ng pari kung nasaan ang sala, kasilyas, labahan, sampayan at prayer room.Ipinakilala rin ni Father Tonyo si Minggay kina Nana Conrada na kanilang kasambahay na may sariling tulugan malapit sa labahan at kay Manong Jerry na hardinero at paminsan-minsan karpintero rin ng simbahan. Si Manong Jerry na rin kasi ang naging taga-kumpuni ng mga butas nilang bubong o tumatagas na lababo. Pero hindi tulad ni Nana Conrada, may sariling bahay na inuuwian si Manong Jerry at dumadalaw lang ito sa Casa dalawang beses sa isang linggo.Nang magawi na sila sa sleeping quarters, kinatok ni Father Tonyo ang magkatabing pinto roon. Lumabas ang dalawang batang babae na pupungas-pungas na parang bagong gising lang. Ang isa ay naka-ponytail at may bangs na halos tumakip na sa mga mata. Mas matangkad din ito nang kaunti kay Minggay. Ang pangalan niya ay Mary Beth samantalang ang katabi naman niya na may halos gupit pang-lalaki na buhok ay si Lila. Tantya ni Minggay mas bata ito sa kanila ni Mary Beth."Mary Beth, Lila, siya nga pala si Minggay. Minggay, ito si Mary Beth at ito naman si Lila. Katulad mo, kinupkop din sila ng simbahan dahil wala na silang ibang lugar na mapuntahan."Tumango lang sa kanila si Minggay."Sige na at maghilamos na kayo. Nagluto ng almusal si Nana Conrada sa kusina," utos ni Father Tonyo sa dalawa at bumalik na sila sa kani-kanilang silid.Nagpatuloy sila sa paglilibot papuntang ikalawang palapag. Sa may hagdanan, nadatnan nilang naka-abang si Nana Conrada at sinamahan sila nito sa taas."Bago ang lahat gusto ko lang sabihin na hindi puwedeng umakyat ang kahit na sino dito puwera na lang kung talagang kailangan o may emergency. Importante sa aming mga pari ang katahimikan at privacy," paliwanag bigla ni Father Tonyo kay Minggay nang marating na nila ang tuktok ng hagdan. "Dito ang mga kuwarto namin ng kasama kong pari na si Father Eman. Nakikita mo ba 'yung dulong kuwarto sa kaliwa? 'Yan ang kay Father Eman. Nagpapahinga pa yata siya ngayon. Ang akin naman yung nasa dulong kanan."Tumango-tango lang si Minggay. Napaka-engrande ng ikalawang palapag. Parang palasyo. Sa isip ni Minggay, madalas siguro bunutin at pahiran ng floor wax ang sahig dito dahil sa kintab nito. Mula sa kinatatayuan, kita niya rin nang mas malapitan ang mga iginuhit na larawan ng mga kerubin, mga usa, tupa, mga batang nagtatampisaw, mga babaeng masayang nagsasalok ng tubig sa kisame sa ng bahay. At ang chandelier na nakasabit sa pinakasentro nito, nakakalula at nakakabilib sa taglay nitong kislap at liwanag."Maiwan ko na muna kayo ni Nana Conrada dito. Siya na ang mag-a-assign sa'yo ng mga gagawin mo sa araw-araw. Maghahanda lang ako para sa misa. Okay?" At pumanaog na muli ng hagdan ang pari.Pagkaalis ni Father Tonyo, ipinakita ni Nana Conrada ang mga naka-toka sa kanyang gawain. "Ako ang talagang naglilinis dito sa second floor kaya ako lang talaga ang puwedeng umakyat dito. Pero ikaw, sa'yo ko na itotoka 'yang hagdan at ang railings. Hindi na kasi kinakaya ng likod ko ang akyat-baba d'yan. Papahiran mo 'yan ng floor wax araw-araw at bubunutin 'yang hagdan. Wawalisin mo rin nang maigi 'yung mga alikabok. Ayaw na ayaw pa naman ni Father Eman ang may nakikitang dumi. Tapos itong hawakan sa gilid, pupunasan mong maigi. Nasa kabinet sa labas ang lagayan ng mga basahan. Ituturo ko sa'yo mamaya."Hindi umiimik si Minggay dahil tinanatandaan niya ang bawat tagubilin ng kasambahay.Nang matapos, nag-aya na rin si Nana Conrada na bumalik sa kusina. Magluluto pa raw kasi siya ng pananghalian. Pero bago iyon, may napansin si Minggay na kanina pa niya sana gustong itanong kay Father Tonyo."Nana, kaninong kuwarto 'yung nasa dulo ng pasilyo? 'Yung nasa gitna ng kuwarto ni Father Tonyo at Father Eman?"Natigilan si Nana Conrada. Dahan-dahan itong lumingon sa kanya. "Huwag na huwag kang lalapit doon. Ang mga pari lang ang puwedeng pumasok doon. Naintindihan mo ba?""Bakit? Anong pong meron du'n?" Na-intriga si Minggay."Basta sundin mo 'yung sinabi ko at wala tayong magiging problema. Tara na't ipapakita ko pa sa'yo ang mga ekstrang damit d'yan sa bodega na galing sa mga donasyon ng mga parokyano dito. Sabi ni Father Tonyo wala ka raw pala dalang damit. Sukatin mo at kung ano ang kasya, sa'yo na."At sabay silang bumaba ni Nana Conrada sa hagdan, pero hindi maalis ni Minggay ang mga mata niya sa kuwarto sa gitna.Pagkaraan ng isang buwan."Sir, puwede po ba makausap kayo sandali?" Hiling ni Minggay sa guro. Sampung minuto na ang nakakalipas nang matapos ang klase nila.Hinubad ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant at ipinakita iyon kay Mr. Aragon. "Naaalala niyo pa ba 'to? 'Di ba po ang ganda? Nakita niyo na po 'to, 'di ba? Tingnan niyo pong maigi. Ayan po. Titigan niyo po."Marahang idinuyan-duyan niya ang kuwintas. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Ang nakasabit na pendant na susi, kumikislap sa tuwing nasisinagan ng papalubog na araw mula sa bintana. "Bakit... Na... Sa'yo... 'Yan?"Nabitawan ni Mr. Aragon ang hawak na libro at unti-unting nawala ang tensyon sa kanyang mga balikat. Ang mga tupi niya sa noo ay pumatag at ang mga mata ay tumigil sa pagkurap. "Ganyan nga po, Sir. I-relax niyo lang po ang katawan niyo. Masarap pong magpahinga paminsan-minsan. Nakakapagod po ang puro trabaho," udyok ni Minggay. Hini-hypnotize niya ang teacher matapos malaman mula kay Nana Con
Nilakad-takbo ni Minggay ang daan papunta kay Tangkad. Hindi na siya nagtakip ng mukha gaya ng ginagawa niya noon sa tuwing mapapadaan sa lugar nila. Wala na siyang pakialam kung may makakilala sa kanya. Una, dahil nasa ospital na rin naman si Mama Linda. At pangalawa, wala na rin siyang pakialam sa kung ano ang kayang sabihin at gawin sa kanya ng ibang tao. Sa tindi nang pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na araw, wala na siyang panahon para isipin pa ang mga isyu nila sa kanya. O baka kaya rin naman malakas ang loob niya ay dahil sa enerhiyang dumadaloy sa kanya na nagmumula sa suot niyang kuwintas. Hindi niya eksaktong maipaliwanag kung anong klaseng enerhiya ito, pero nararamdaman niya ito sa kanyang sistema na para bang kaya niyang lumipad, bumuhat ng gusali o gumawa ng mga ilusyon. Sa madaling salita, parang wala siyang limitasyon sa mga kaya niyang gawin. Ito yata ang ibig sabihin ng salitang "fearless" na binabanggit sa kanya ni Mr. Aragon noon sa English class nila.Pagda
Tinimbang ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant sa kanyang kamay. Medyo mabigat ang pendant, siguradong yari sa purong ginto. Ang mismong kuwintas, 'di kakikitaan ng kahit anong marka ng gasgas o pagkupas. Habang tumatagal sa pagtitig si Minggay sa alahas, mas lalo rin siyang naaakit dito. May nasasagap siyang daloy ng enerhiya mula rito na parang pinararamdam sa kanya na siya ay malakas, na siya ay makapangyarihan. Pero sa kabila nu'n, parang may hindi tama. Batid ni Minggay na huwad at galing sa masama ang kapangyarihang taglay ng kuwintas. Agad niya itong hinubad."Ayoko po. Hindi ko po kayang tanggapin ang maging tagapag-bantay," kinuha ni Minggay ang palad ni Nana Conrada. Inilagay niya roon ang kuwintas at saka ito isinara. "Aanhin ko ang kuwintas kung magiging kapalit naman po ang kaluluwa ko."Tumingin si Minggay sa rebulto ni Saint Serberus. "Hindi mo 'ko mabibili."Napabuntong-hininga si Nana Conrada. "Pero ineng, hindi mo naintindihan. Wala kang pagpipilian dito. H
Isang magaspang at mamasa-masang bagay ang dumila sa buong katawan ni Minggay mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mga paa. Hinihimod-himod na pala siya ng demonyong may tatlong ulo ng aso. Hindi siya makakilos dahil sa lapot at lagkit ng laway nito na ipinaligo sa kanya. "Huwag!"Isang panaginip.Napabangon siya nang 'di oras. Una niyang nakita si Nana Conrada na nakaupo malapit sa may pinto. Hinahalo-halo nito ang isang mangkok ng mainit na sopas."Mukhang gising ka na nga," bati ng matanda sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para magkalaman naman 'yang tiyan mo. Halos buong araw ka na kasing tulog."Nasa loob sila ng kanyang silid. Sa labas ng bintana, kulay kahel na ang langit at kaunting minuto pa tuluyan na itong kakainin ng dilim."Si Serberus..." Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Minggay sa braso at batok pagkabanggit niya sa pangalan na iyon. Napangiwi siya nang isandal ang likod sa headboard ng higaan."Siya ba? Nasa taas. Sa ipinagbabawal na silid." Inilagay ni Nana Connrada
"Huwag kang susuko, Minggay!""Kaya mo 'yan!""Bumangon ka na, please.""Huwag mo kaming susundan. Malungkot dito.""Huwag mong hayaang magwagi ang kasamaan.""Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami kasama mo."Boses iyon nila Mary Beth at ni Lila kasama ng mga mukha ng ilan pang mga bata na hindi niya kilala."Huwag kang magpatalo.""Lumaban ka, Minggay!"Mga mukha na marahil nakatira rin dati sa Casa Del Los Benditos bago pa sila dumating doon.Tama sila. Sa kabila ng mga pighati at paghihirap, mas masarap pa rin ang mabuhay. Gusto niya pang tulungan ang mga kapatid niyang marating ang mga pangarap nila. Gusto niya pang makita si Caloy na makapag-tapos ng pag-aaral. Gusto niya pang maipagpatayo sila ng disenteng tirahan. Gusto niya pa ring marinig na umawit ang mga nakadapong ibon sa mga sanga ni Tangkad. Ang totoo, ayaw niya pang mawala.Iminulat ni Minggay ang mga mata at una niyang nakita ang kutsilyong nakapatong sa mangkok malapit sa kanya. Dinakma niya agad iyon habang abala pa
Napakapit na parang talaba si Minggay sa binti ni Father Eman. Umiikot pa rin ang paligid niya, pero hindi na 'to kasing lala gaya kanina. Hindi na lumilihis ang paningin niya. 'Yun nga lang, katawan niya ang may problema. Lalong-lalo na ang balikat. Napalakas talaga yata ang hampas niya sa dingding. Sa palagay nga ni Minggay may nabali na siyang buto sa likod. Kaya kahit gustuhin man niyang manlaban, wala na halos siyang lakas na natitira."Father, 'wag po. Huwag po parang awa niyo na po," Nalunod na ng luha ang mukha ni Minggay. Hindi siya makatingin sa napakalaking impaktong nasa harapan nila. Sa sobrang laki, sinakop na nito ang kalahati ng silid. "Gusto ko pa pong mabuhay. Please po, Father. Wala po akong pagsasabihan nito. Gusto ko pa po makasama mga kapatid ko.""Anong sabi mo? May mga kapatid ka? Akala ko ulila ka na. Ang sabi kasi sa akin ni Father Tonyo mag-isa ka na lang daw sa buhay. So, nagsinungaling ka na naman sa amin, Minggay?" Kinakalas ni Father Eman ang mga braso n
Nakita ni Minggay si Father Eman na nakaupo sa gilid ng kama. Sa kamay niya ang kuwintas na may pendant na susi na ngayon ay inangkin na niya. Ninanamnam ni Father Eman ang ganda nito na para bang unang beses pa lang niya iyon namasdan.Sinuot ng pari ang kuwintas. "Ayan. Mas maganda pala 'pag ako ang may suot sa'yo." Tumayo ito at humarap sa salamin. Kaliwa't kanan siyang nagpabaling-baling para sipatin nang maigi kung bagay ba sa kanya ang kuwintas kung titingnan sa iba't-ibang anggulo. Kasama ni Minggay sa sahig si Father Tonyo. Ang nakabukas nitong mga mata ay direktang nakatingin sa kanya. Nalaman ni Minggay na patay na nga talaga ang pari noong hindi ito kumurap ni minsan sa kanya. Pansamantalang nilunok muna ni Minggay ang nagbabantang sigaw sa kanyang lalamunan. Saka na. Mas gusto na lang muna niyang humiga dahil medyo nahihilo at sumasakit pa ang kanyang balikat."Anong masasabi mo Father Tonyo? Ako na ngayon ang may hawak ng susi. Ako na ngayon ang bantay. Tapos na ang pagh
Inaamoy-amoy ni Father Tonyo ang panty ni Minggay habang pinaliligaya niya ang sarili sa kubeta. Para sa kanya wala ng mas babango pa sa halimuyak ng isang birheng dalaga. Mas lalo siyang ginaganahan. Ang libido niya sa katawan ay umaapaw. Ang totoo, si Mary Beth talaga ang gusto ni Father Tonyo, pero noong hingin na ito sa kanya ni Serberus, wala na siyang nagawa kundi ang ialay ang bata rito.Pero mabait talaga siguro ang santo sa kanya. Siniguro muna nitong may ipapalit siya kay Mary Beth bago niya inumin ang dugo nito. At ang pagnanasang iyon ni Father Tonyo ay nalipat kay Minggay pero mas malalim. Hindi lang basta tawag ng laman ang nararamdaman niya para sa dalaga. May kasama itong damdamin. Hindi nga lang siya isang daang porsyentong sigurado kung pagmamahal na ba ang matatawag niya roon. Basta ang alam niya, gusto niyang nakikita si Minggay palagi. Hindi niya pinalilipas ang isang buong araw na hindi niya ito nakakausap. Masaya na siya kahit sa isang simpleng kumustahan lang.
"Father, anong nangyari du'n sa pulis? Ba't siya nagka-gano'n?" Usisa ni Nana Conrada. Lumipat na sila sa kuwarto ni Tonyo. Pinupunasan ng matanda ang basang sahig nang matapunan niya ito ng tubig kanina dahil sa pagmamadali."Una, hindi talaga nila mabubuksan ang pinto dahil naka-lock 'yun. See?" Inilabas ng pari ang kuwintas na may susi na pendant. Kuminang ito pagtama ng liwanag mula sa fluorescent dito. "Secondly, walang sinuman ang puwedeng magbukas ng pinto kundi ang bantay - at ako 'yun. Ang sinumang mangahas na humawak sa lagusan na 'yon, siguradong mapapahamak. Ganito kasi: ipapaala ng pinto ang lahat ng madidilim at masasakit na sikretong itinatago sa puso nu'ng taong humawak hanggang sa puntong mako-control na nito ang pag-iisip at emosyon niya. Puwede ring silang mabaliw, parang ganu'n. 'Yun ang sabi sa akin dati ni Father Greg. Hindi ako naniwala sa kanya dati until nakita ko mismo kanina ang nangyari du'n sa babaeng pulis."May dalawang putok silang narinig galing sa la