Hindi halos nakatulog si Minggay buong magdamag. Panay ang baling niya sa higaan. Natatakot ang puso niya pero sa isip niya, pagkakataon na ito para guminhawa ang buhay nilang lahat.
Pagsapit ng alas-kuwatro ng madaling araw bumangon na rin siya at inihanda ang backpack na pagsisidlan niya ng korona ng Mahal Na Birhen. Pagkatapos, kumain na siya ng ininit na sopas na binili niya sa karinderya noong nagdaang gabi. Labis-labis ang kabog ng dibdib niya kahit walang iniinom na kape. Hindi lang kasi simpleng pagnanakaw ang gagawin niya. Hindi na rin siya nagpaalam sa mga kapatid at Mama Linda niya. Baka kasi mahirapan lang siyang umalis.Dumaan muna siya nang mabilisan kay Tangkad, ang kaibigan niyang puno para humingi ng proteksyon at gabay. Hindi niya alam kung bakit dito siya nanghihingi ng patnubay kaysa sa Diyos. Marahil ay mas dama niya kasi ang presensya at malasakit ng halaman. Ang punong iyon kasi ang natatangi niyang naging kanlungan."Tangkad, gabayan mo naman ako. Medyo delikado kasi ang gagawin ko. May kukunin lang ako sa simbahan. Pero kung sakaling may mangyari sa akin at hindi na ako makabalik, ikaw na sana ang bahala sa kanila. Lalong-lalo na kay Caloy," naiiyak si Minggay habang nakalapat ang kanyang kanang kamay sa katawan ng puno. Pakiramdam niya kasi para na siyang naghahabilin dito.Umihip muli ang hangin at tinangay nito ang mga pink na bulaklak ng Banaba. Dahan-dahan bumagsak ang mga iyon sa lupa na parang ulan. Kay ganda nitong pagmasdan at nagalak ang puso ni Minggay dahil sa pakiwari niya ito ang isinagot sa kanya ng kaibigang puno. Na sa pamamagitan ng mga bulaklak, sinasabi nito na huwag siyang mag-alala. Na ito na ang bahala sa pamilya niya habang siya ay wala.Nagpatuloy na si Minggay sa kanyang misyon. Kailangan na niyang magmadali dahil isa-isa nang nagsisipag-tilaukan ang mga tandang. Banaag na rin niya ang patse-patseng liwanag na sumisilip sa ulap.Walang katao-tao nang lumiko siya sa Malvar Street kung saan matatagpuan ang Iglesia Catolica de Villapureza na tahanan ng Birheng Maria ng Villapureza. Ang kaisa-isang simbahang katoliko sa kanilang bayan na itinayo pa noong 1725.Mainam sana kung namintena nang maayos ang pag-aalaga dito at ginawa itong tourist spot dahil sa magarbong disenyo at anyo nito. Sa laki, rangya at ganda ng simbahan, nagmistula itong pinaghalong Notre Dame Church ng France at ng Basilica di Santa Maria del Fiore sa Italya. Pero dahil sa kapabayaan ng mga nauna at kasalukuyang lokal na pamahalaan, unti-unti itong nakalimutan. May mga mahahabang bitak na ang ilan sa mga dingding nito na tinubuan na ng mga halaman. Marami sa mga bas relief ng mga santo at banal na tao na nakaukit palibot sa tore ay dahan-dahan na ring nasira at ang mga baldosa sa bubungan nito ay kupas at kulang-kulang na.Kaya naman, sa ganoong estado, hindi na nahirapan pa si Minggay na akyatin ang kinakalawang nitong gate. Kinabisa na ni Minggay ang mga pinto at lagusan ng simbahan noong nagdaang gabi kaya alam niya kung saan siya dadaan kung sakali.Dali-dali siyang tumakbo sa higanteng pinto sa harap. Hindi ito umusad nang kanya itong pihitin at itulak. Dumiretso naman siya sa likuran at ganoon din ang nangyari. Ayaw bumukas ng pinto. Naka-kandado rin ang dalawang pares ng pinto sa magkabilang gilid ng gusali. Naloko na. Sumisilay na ang liwanag ng araw. Muntik na siyang mawalan ng pag-asa nang napansin niya ang napakalaking stained glass window na katabi ng isa sa mga pinto sa gilid. Napakaganda at pulido ng pagkakagawa. Isinasalarawan ng mga debuhong nakaguhit dito ang pagpako kay Hesukristo. Sa ganda nito hindi na napigilan ni Minggay na ito ay hawakan. Nagulat siya nang umusad ang salamin.Nagpalinga-linga siya. Takot na baka may nagmamasid sa kanya nang palihim. Itinulak niya ulit ang salamin at bumukas pa itong lalo na parang isang pinto. Sa isip ni Minggay, sikreto sigurong lagusan iyon kung sakaling may sunog. Pumasok siya sa nabuksang bintana at tumapak siya sa loob na mismo ng simbahan malapit sa altar.Hindi na bago kay Minggay ang itsura ng loob ng gusali. Madalas naman kasi siyang naglalagi dito. Ang simbahan kasi ang madalas na ginagawang meeting place ng mga ka-transakyon ni Minggay sa tuwing bibili sila sa kanya ng droga.Mas moderno ito kumpara sa itsura nito sa labas. Kung ang dingding sa labas ay bitak-bitak, bagong pintura naman ito sa loob. Ang mga pader sa bahaging ito ay may nakadikit na hilera ng mga wall fans sa magkabilang gilid para hindi himatayin sa init ang mga parokyano sa tuwing may misa o pista. Ang mga mahahaba nitong pew, bagong barnis at ang sahig pinalitan ng makintab na marmol.Nakiramdam muna si Minggay sa paligid. Pinakinggan niya kung may tao ba rito o wala. May mangilan-ngilang bukas na ilaw sa kisame ng simbahan kaya hindi ito lubog sa kadiliman. Mayroon lang sapat na liwanag ang paligid para makakilos siya nang maayos at mabilis.Nang masigurong mag-isa nga lang siya, naglakad si Minggay papalapit sa istatwa ng Mahal Na Birhen. Kahit sa malayo, tanaw na niya ang mga nagkikislapang bato nito sa kanyang nakaputong na korona. Naaakit si Minggay sa mga ito. Para siyang tinatawag. Para siyang hinihila ng ganda nito. Bakit ba ngayon lang niya napansin ang hiwagang ito? Umakyat si Minggay sa hagdan patungo sa pedestal kung saan nakatuntong ang Mahal Na Birhen. Abot-kamay na niya ang korona nang biglang may nagsalita."Hep.. hep.. hep.. anong ginagawa mo?" Marahan ang pagkakasabi pero umaalingawngaw ang boses ng lalaki sa apat na sulok ng simbahan. "Alam mo bang puwede kang makulong kapag itinuloy mo 'yan?"Napatda si Minggay sa kinatatayuan. Biglang nanginig ang kanyang mga tuhod sa takot. Humakbang ang nagsalita sa liwanag. Nakasisilaw ang puti nitong sutana. May suot itong salamin sa mata at mukhang bata pa para maging pari. "Hindi lang ikaw ang unang nagtangkang nakawin 'yang korona. Marami na kayo at lahat sila nakakulong na sa presinto. Anong pangalan mo?"Hindi kaagad nakasagot si Minggay. "Ummmm....""Hmmmm... Sige ganito na lang, sabihin mo pangalan mo at hindi na ako magpapatawag ng pulis. Deal?" Nakangiti sa kanya ang maamong mukha ng pari. "Bilisan mo at baka dumating na ang mga magsisimba. Sige ka.""Minggay po," mahinang sagot niya."'Yan ba tunay mong pangalan?" Usisa pa ng pari."Melanie po tunay kong pangalan." Hindi mapakali si Minggay. Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon at magpakalayo-layo."Ah Melanie. May tanong ako sa'yo Melanie," lumapit pa si father sa kanya. "Pa'no kung dito ka na lang kita patirahin, papayag ka ba?""Ha? Ano po? Hi-hindi po puwede," tutol ni Minggay. Hindi niya masabi na may pamilya siyang naghihintay sa kanya sa labas. Pa'no kung madamay sila lalo na ang Mama Linda niya? Sino na lang mag-aalaga sa mga kapatid niya."Hindi kita pipilitin. Puwede ka namang umuwi sa inyo. Pero hindi mo rin ako puwedeng sisihin kung sakaling ituloy ko ang reklamo sa pulis. Aba! Malay ko ba. Baka kasi mamaya n'yan bumalik ka dito at may bitbit ka pang mga kasama.""Wala po, father. Ako lang po mag-isa Hindi na ako uulit. Promise," itinaas ni Minggay ang kanang kamay bilang pangako.Natawa naman si father. "Eh kaya nga dito ka na tumira. Huwag kang mag-alala. Dito, papakainin ka, papag-aralin, may maayos kang bubong na sisilungan doon sa Casa De Los Benditos. Hindi mo na kailangan gawin 'yang pagnanakaw." Itinuro ng pari ang malaking bahay sa likod ng simbahan kung saan siya tumutuloy."Ang gagawin mo lang bilang kapalit ay tumulong sa gawaing bahay. Huwag kang mag-alala't madali lang mga gawain namin dito. Hindi ka naman namin gagawing katulong. Ikaw ang gusto kong tulungan. Kumain ka na ba?"Sakto namang gumaralgal ang sikmura ni Minggay. Napahalakhak ang pari noong marinig ito."Mukhang nag-aalburuto na 'yung mga bulate mo sa tiyan. Tara na sa kusina at makakain ka na ng almusal. Masarap niluto ni Nana Conrada. Tuyo, sinangag saka itlog. Nag-init din siya ng tsokolate."Hindi makakibo si Minggay. Hindi niya alam kung pagtitiwalaan ang pari sa paanyaya nito. Sino ba naman kasing matinong tao sa mundo ang mag-iimbita sa isang magnanakaw para kumain? Pero ano rin naman ang mawawala kung susundin niya ito? Isa pa, gutom na rin talaga siya. Hindi sapat ang sopas na kinain niya para siya ay mabusog. Teka, ni hindi na nga niya maalala kung ano ba ang pakiramdam ng isang taong busog at sagana sa pagkain.Kaya kahit na may alinlangan, sumunod si Minggay sa pari papunta sa kusina.Pagkaraan ng isang buwan."Sir, puwede po ba makausap kayo sandali?" Hiling ni Minggay sa guro. Sampung minuto na ang nakakalipas nang matapos ang klase nila.Hinubad ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant at ipinakita iyon kay Mr. Aragon. "Naaalala niyo pa ba 'to? 'Di ba po ang ganda? Nakita niyo na po 'to, 'di ba? Tingnan niyo pong maigi. Ayan po. Titigan niyo po."Marahang idinuyan-duyan niya ang kuwintas. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kanan. Ang nakasabit na pendant na susi, kumikislap sa tuwing nasisinagan ng papalubog na araw mula sa bintana. "Bakit... Na... Sa'yo... 'Yan?"Nabitawan ni Mr. Aragon ang hawak na libro at unti-unting nawala ang tensyon sa kanyang mga balikat. Ang mga tupi niya sa noo ay pumatag at ang mga mata ay tumigil sa pagkurap. "Ganyan nga po, Sir. I-relax niyo lang po ang katawan niyo. Masarap pong magpahinga paminsan-minsan. Nakakapagod po ang puro trabaho," udyok ni Minggay. Hini-hypnotize niya ang teacher matapos malaman mula kay Nana Con
Nilakad-takbo ni Minggay ang daan papunta kay Tangkad. Hindi na siya nagtakip ng mukha gaya ng ginagawa niya noon sa tuwing mapapadaan sa lugar nila. Wala na siyang pakialam kung may makakilala sa kanya. Una, dahil nasa ospital na rin naman si Mama Linda. At pangalawa, wala na rin siyang pakialam sa kung ano ang kayang sabihin at gawin sa kanya ng ibang tao. Sa tindi nang pinagdaanan niya nitong mga nakalipas na araw, wala na siyang panahon para isipin pa ang mga isyu nila sa kanya. O baka kaya rin naman malakas ang loob niya ay dahil sa enerhiyang dumadaloy sa kanya na nagmumula sa suot niyang kuwintas. Hindi niya eksaktong maipaliwanag kung anong klaseng enerhiya ito, pero nararamdaman niya ito sa kanyang sistema na para bang kaya niyang lumipad, bumuhat ng gusali o gumawa ng mga ilusyon. Sa madaling salita, parang wala siyang limitasyon sa mga kaya niyang gawin. Ito yata ang ibig sabihin ng salitang "fearless" na binabanggit sa kanya ni Mr. Aragon noon sa English class nila.Pagda
Tinimbang ni Minggay ang kuwintas na may susi na pendant sa kanyang kamay. Medyo mabigat ang pendant, siguradong yari sa purong ginto. Ang mismong kuwintas, 'di kakikitaan ng kahit anong marka ng gasgas o pagkupas. Habang tumatagal sa pagtitig si Minggay sa alahas, mas lalo rin siyang naaakit dito. May nasasagap siyang daloy ng enerhiya mula rito na parang pinararamdam sa kanya na siya ay malakas, na siya ay makapangyarihan. Pero sa kabila nu'n, parang may hindi tama. Batid ni Minggay na huwad at galing sa masama ang kapangyarihang taglay ng kuwintas. Agad niya itong hinubad."Ayoko po. Hindi ko po kayang tanggapin ang maging tagapag-bantay," kinuha ni Minggay ang palad ni Nana Conrada. Inilagay niya roon ang kuwintas at saka ito isinara. "Aanhin ko ang kuwintas kung magiging kapalit naman po ang kaluluwa ko."Tumingin si Minggay sa rebulto ni Saint Serberus. "Hindi mo 'ko mabibili."Napabuntong-hininga si Nana Conrada. "Pero ineng, hindi mo naintindihan. Wala kang pagpipilian dito. H
Isang magaspang at mamasa-masang bagay ang dumila sa buong katawan ni Minggay mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang mga paa. Hinihimod-himod na pala siya ng demonyong may tatlong ulo ng aso. Hindi siya makakilos dahil sa lapot at lagkit ng laway nito na ipinaligo sa kanya. "Huwag!"Isang panaginip.Napabangon siya nang 'di oras. Una niyang nakita si Nana Conrada na nakaupo malapit sa may pinto. Hinahalo-halo nito ang isang mangkok ng mainit na sopas."Mukhang gising ka na nga," bati ng matanda sa kanya. "Nagluto ako ng sopas para magkalaman naman 'yang tiyan mo. Halos buong araw ka na kasing tulog."Nasa loob sila ng kanyang silid. Sa labas ng bintana, kulay kahel na ang langit at kaunting minuto pa tuluyan na itong kakainin ng dilim."Si Serberus..." Nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Minggay sa braso at batok pagkabanggit niya sa pangalan na iyon. Napangiwi siya nang isandal ang likod sa headboard ng higaan."Siya ba? Nasa taas. Sa ipinagbabawal na silid." Inilagay ni Nana Connrada
"Huwag kang susuko, Minggay!""Kaya mo 'yan!""Bumangon ka na, please.""Huwag mo kaming susundan. Malungkot dito.""Huwag mong hayaang magwagi ang kasamaan.""Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami kasama mo."Boses iyon nila Mary Beth at ni Lila kasama ng mga mukha ng ilan pang mga bata na hindi niya kilala."Huwag kang magpatalo.""Lumaban ka, Minggay!"Mga mukha na marahil nakatira rin dati sa Casa Del Los Benditos bago pa sila dumating doon.Tama sila. Sa kabila ng mga pighati at paghihirap, mas masarap pa rin ang mabuhay. Gusto niya pang tulungan ang mga kapatid niyang marating ang mga pangarap nila. Gusto niya pang makita si Caloy na makapag-tapos ng pag-aaral. Gusto niya pang maipagpatayo sila ng disenteng tirahan. Gusto niya pa ring marinig na umawit ang mga nakadapong ibon sa mga sanga ni Tangkad. Ang totoo, ayaw niya pang mawala.Iminulat ni Minggay ang mga mata at una niyang nakita ang kutsilyong nakapatong sa mangkok malapit sa kanya. Dinakma niya agad iyon habang abala pa
Napakapit na parang talaba si Minggay sa binti ni Father Eman. Umiikot pa rin ang paligid niya, pero hindi na 'to kasing lala gaya kanina. Hindi na lumilihis ang paningin niya. 'Yun nga lang, katawan niya ang may problema. Lalong-lalo na ang balikat. Napalakas talaga yata ang hampas niya sa dingding. Sa palagay nga ni Minggay may nabali na siyang buto sa likod. Kaya kahit gustuhin man niyang manlaban, wala na halos siyang lakas na natitira."Father, 'wag po. Huwag po parang awa niyo na po," Nalunod na ng luha ang mukha ni Minggay. Hindi siya makatingin sa napakalaking impaktong nasa harapan nila. Sa sobrang laki, sinakop na nito ang kalahati ng silid. "Gusto ko pa pong mabuhay. Please po, Father. Wala po akong pagsasabihan nito. Gusto ko pa po makasama mga kapatid ko.""Anong sabi mo? May mga kapatid ka? Akala ko ulila ka na. Ang sabi kasi sa akin ni Father Tonyo mag-isa ka na lang daw sa buhay. So, nagsinungaling ka na naman sa amin, Minggay?" Kinakalas ni Father Eman ang mga braso n
Nakita ni Minggay si Father Eman na nakaupo sa gilid ng kama. Sa kamay niya ang kuwintas na may pendant na susi na ngayon ay inangkin na niya. Ninanamnam ni Father Eman ang ganda nito na para bang unang beses pa lang niya iyon namasdan.Sinuot ng pari ang kuwintas. "Ayan. Mas maganda pala 'pag ako ang may suot sa'yo." Tumayo ito at humarap sa salamin. Kaliwa't kanan siyang nagpabaling-baling para sipatin nang maigi kung bagay ba sa kanya ang kuwintas kung titingnan sa iba't-ibang anggulo. Kasama ni Minggay sa sahig si Father Tonyo. Ang nakabukas nitong mga mata ay direktang nakatingin sa kanya. Nalaman ni Minggay na patay na nga talaga ang pari noong hindi ito kumurap ni minsan sa kanya. Pansamantalang nilunok muna ni Minggay ang nagbabantang sigaw sa kanyang lalamunan. Saka na. Mas gusto na lang muna niyang humiga dahil medyo nahihilo at sumasakit pa ang kanyang balikat."Anong masasabi mo Father Tonyo? Ako na ngayon ang may hawak ng susi. Ako na ngayon ang bantay. Tapos na ang pagh
Inaamoy-amoy ni Father Tonyo ang panty ni Minggay habang pinaliligaya niya ang sarili sa kubeta. Para sa kanya wala ng mas babango pa sa halimuyak ng isang birheng dalaga. Mas lalo siyang ginaganahan. Ang libido niya sa katawan ay umaapaw. Ang totoo, si Mary Beth talaga ang gusto ni Father Tonyo, pero noong hingin na ito sa kanya ni Serberus, wala na siyang nagawa kundi ang ialay ang bata rito.Pero mabait talaga siguro ang santo sa kanya. Siniguro muna nitong may ipapalit siya kay Mary Beth bago niya inumin ang dugo nito. At ang pagnanasang iyon ni Father Tonyo ay nalipat kay Minggay pero mas malalim. Hindi lang basta tawag ng laman ang nararamdaman niya para sa dalaga. May kasama itong damdamin. Hindi nga lang siya isang daang porsyentong sigurado kung pagmamahal na ba ang matatawag niya roon. Basta ang alam niya, gusto niyang nakikita si Minggay palagi. Hindi niya pinalilipas ang isang buong araw na hindi niya ito nakakausap. Masaya na siya kahit sa isang simpleng kumustahan lang.
"Father, anong nangyari du'n sa pulis? Ba't siya nagka-gano'n?" Usisa ni Nana Conrada. Lumipat na sila sa kuwarto ni Tonyo. Pinupunasan ng matanda ang basang sahig nang matapunan niya ito ng tubig kanina dahil sa pagmamadali."Una, hindi talaga nila mabubuksan ang pinto dahil naka-lock 'yun. See?" Inilabas ng pari ang kuwintas na may susi na pendant. Kuminang ito pagtama ng liwanag mula sa fluorescent dito. "Secondly, walang sinuman ang puwedeng magbukas ng pinto kundi ang bantay - at ako 'yun. Ang sinumang mangahas na humawak sa lagusan na 'yon, siguradong mapapahamak. Ganito kasi: ipapaala ng pinto ang lahat ng madidilim at masasakit na sikretong itinatago sa puso nu'ng taong humawak hanggang sa puntong mako-control na nito ang pag-iisip at emosyon niya. Puwede ring silang mabaliw, parang ganu'n. 'Yun ang sabi sa akin dati ni Father Greg. Hindi ako naniwala sa kanya dati until nakita ko mismo kanina ang nangyari du'n sa babaeng pulis."May dalawang putok silang narinig galing sa la