Share

CAPITULO TREINTA Y SEIS

Nagising na lamang ako na wala na si Manuelo. Ang wika ni Ka Tiago ay may pinuntahan raw na importante. Ito na ba ang ibig niyang sabihing plano? Ang iwan ako rito? Paano kung bumalik muli ang mga tauhan ng kaniyang ama. Nasagi sa aking isipan na kaya ko rin namang ipagtanggol ang aking sarili at si Ka Tiago dahil maayos din naman ang aking pag-eensayo sa loob ng kampo.

Sinikap kong tumulong sa gawaing bahay para hindi ako mainip at para na rin hindi mapagod si Ka Tiago. Nagwalis ako sa loob at sa labas ng bahay, naghugas ng pinagkainan at mga gamit sa pagluluto, at diniligan ko ang mga halaman na nasa hardin. Nagsiyesta muna ako ng ilang oras at nang magdakong hapon na ay lumabas ako para bigyan ng tubig ang kanilang alagang tamaraw na pinangalanan pala ni Crescentia na Taraw. Pinagmamasdan ko ang kanilang alaga habang nag-iisip ako ng mga maaaring gawin kapag nahanap na ang itay. Maram

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status