Share

CAPITULO TREINTA Y CINCO

Dalawang araw simula noong nakita ko muli ang aking inay. Dalawang araw na ang lumipas nang inilibing namin ang kaniyang bangkay. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya nilang kunin ang buhay ng aking inay. Hindi ako makapaniwala na ang lahat ng Ito ay dahil lamang sa isang talaarawan. Ang talaarawang kinuha nila nang dakpon ako.

Naalala ko pa noong nakita namin ang kaniyang katawan na nakahandusay sa sahig. Napansin ni Manuelo na nakakuyom ang kamay ng aking ina kaya binuksan niya ito at may iniluwang isang pirasong papel na naka lukot at punit-punit na.

Nakita kong dahan-dahan niya itong binuksan at basahin ang kung ano man ang nakasulat. Hindi niya sinabi kung ano ang nabasa niya ngunit ibinigay niya sa akin ito.

devuélvanos el diario

<
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status