Share

Kabanata 1596

Nakita ni Eugene ang old master na nakahiga sa kama matapos pumasok sa emergency room. Mayroong ventilator na nakatakip sa ilong at bibig nito, pero hinihingal pa rin ito. Mukhang kritikal nga ang kondisyon nito.

“Lolo!” Lumapit si Eugene at mahigpit na hinawakan ang kamay ng matanda. Bumigat bigla ang kaniyang dibdib.

Tinuon ni Old Master Newton ang nanlalabong paningin sa apo. Buong lakas niyang hinawakan ang kamay nito. Nanginginig ang kaniyang mga labi habang nagsasalita, “Eugene…” Kanina niya pa ito hinihintay.

“Lolo, ako ito. Ginagamot ka ng mga doktor. Magiging ayos ka rin.”

Naiintindihan ng old master ang sariling sitwasyon. “Mas naiintindihan ko ang katawan ko kaysa sa kanila. Makinig ka sa akin…Pagkatapos kong pumanaw, kailangan mong alagaan ang pamilya Newton…” Habang mas lalo siyang nagsasalita, mas lalo siyang hinihingal.

Kumikirot ang puso ni Eugene. “Anong sinasabi niyo? Walang mangyayari sa inyo!”

“Narinig mo ba ang sinabi ko?” Mahigpit na hinawakan ng old master
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status