Kakabahan ang sinuman sa katahimikan nang sandaling iyon. Hindi mapigilan ni Sharon na gumawa ng tunog para basagin ang katahimikan. Biglang pumulupot sa kaniyang baywang ang mahahabang braso ni Simon, at may pwersa siya nitong sinandal sa braso nito, dahilan para dumikit siya sa matikas na dibdib ni SImon.Nakadiin ang malaking palad nito sa kaniyang baywang, tensyunado siya dahil dito.Narinig ang malamig na boses ni Simon sa itaas ng kaniyang ulo, ”Mrs.Zachary, akala mo ba ay madali lamang makakuha ng wedding certificate?” Inilagay ni Sharon ang pareho niyang kamay sa dibdib nito. Nararamdaman niya ang muscles nito sa kaniyang mga kamay, at tibok ng puso nito. Kinakabahan siya kaya’t wala siyang ideya kung saan dapat ilagay ang kaniyang kamay.Tiningnan ni Simon ang ekspresyon nito at nagningning ang kaniyang mga mata nang may pagkapilyo. “O... baka naman nagseselos ka?”Nagningning ang mga mata ni Sharon. “Ako, bakit ako magseselos? Sinasabi ko lang ang naiisip ko. Totoo naman
Nakakunot ang noo ni Sharon. ‘Kung nandito sila para sa hapunan, bakit kailangan din nilang dalhin ang mga bagahe nila?’Mayroon siyang biglang naisip.’Hindi kaya ay titira sila sa bahay ng mga Zachary? Lilipat din ba si Sally?’Natakot siya sa kaniyang naisip. Hindi niya matanggap ang ideya na tumira sa isang bahay kasama si Sally, lalong-lalo na si Howard!“Mommy, ang masamang lalaking sumakal sa leeg mo, siya po ba iyon?” Nakita ni Sebastian si Howard at sumeryoso ang mukha nito, mukhang galit na galit.“Mm…” Bago pa matapos makapagsalita si Sharon, tinapon ng bata ang hawak-hawak niyang bola, galit, pagkatapos ay tumakbo siya papunta kay Howard. “Mommy, ipaghihiganti kita!”Nagulat si Sharon, at mabilis na sumunod para pigilan ito. “Sebastian..”Sa isang kisapmata, nasa harapan na ni Howard si Sebastian. Iritable niya itong tiningnan nang masama, at nagtanong,”Ikaw masamang lalaki, ikaw ang sumakal sa mom ko. Ikaw ang umapi sa mommy ko, tama?”Naningkit ang mga mata ni Howar
Nasasaktan at kinakabahan si Sharon. Hindi na siya nag-isip pa at lumapit para sagipin ang anak. Sumigaw si Howard, “Huwag kang lumapit, o itatapon ko siya lupa!”Huminto ang mga yapak ni Sharon. Maingat niya itong tinitingnan, at malamig na sinabi. “Bitawan mo siya!”Pinaningkitan siya nito nang masama. “Sharon, ikaw nag nagsadyang palapitin ang batang ito para saktan si Sally, tama? Dahil sa iyo ay nawala ang bata sa sinapupunan niya, at ngayon gusto mo pa rin siyang saktan? Bakit napakasama mo?”Kumunot ang noo ni Sharon. “Hindi ko iyon ginawa! Sa ngayon, ibaba mo muna siya.” Nahihirapan siyang ipaliwanag ang sitwasyon sa kaniya. Hindi tinatanggap ni Howard ang kaniyang paliwanag. Nadudurog ang kaniyang puso habang nakikita ang kaniyang anak na nahihirapan at nasasaktan.Si Sally na nakaupo pa rin sa lupa ay nasaksihan ang buong eksena. Ngumisi ang gilid ng kaniyang labi nang walang nakakakita, at kuminang nang malamig ang kaniyang mga mata.Hindi pa rin bumibitaw si Howard at
Walang ekpsresyon ang mukha ni Simon at malamig na sinabi, “Kapag sinaktan mo ang bata, huwag mo akong sisihin kung hindi kita pakitaan ng awa sa oras na iyon.” Binitawan niya ang kamay nito pagkatapos itong sabihin.Napaatras ng dalawang hakbang si Howard bago magawang mabalanse ang sarili. Namamanhid ang kaniyang buong braso, nakalaylay lamang ito sa gilid ng kaniyang katawan habang patuloy itong nanginginig. Hindi niya inasahang sasaktan ng kaniyang tiyuhin ang sarili nitong pamangkin para kay Sharon at SebastianMabilis na tumayo si Sally at sinuportahan si Howard at masama ang loob. “Ayos ka lang ba, Howard?”Mayroong nag-aalab na galit sa dibdib niii Howard. Tiningnan niya nang masama si Sharon. Pagkatapos, sinabi niya sa babaeng nasa tabi niya, “Tara na.”Hindi kuntento si Sally, pero dahil nakauwi na si Simon, wala siyang magagawa kay Sharon. Nagngalit ang kaniyang ngipin at pumasok sa bahay kasama si Howard.“Dad, hindi ko talaga siya tinulak. Binugbog ko lang po yung lal
Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Sally. Habang nakaukit sa kaniyang mukha ang galit at sama ng loob, hinarap niya si Sharon. “Sharon, alam mo ba kung bakit ako lumipat dito? Dahil gusto kitang mapalayas nang tuluyan sa bahay ng mga Zachary. Maghintay ka lang at makikita mo!”Tinapatan ni Sharon ang matalim na tingin nito. Nagawa niyang maintindihan ang hindi pagkakuntento at galit na umiikot sa mga mata ni Sally, ang determinasyon nitong mapalayas siya sa bahay o kahit na mapaglaho siya sa mundo kung kaya nito.Natatawa siya rito. “Sally, limang taon na ang nakalilipas, inagaw mo sa akin ang kasal ko at ninakaw ang mapapangasawa ko. At ngayon naman ay gusto mong sirain ang pamilya ko. Mayroon bang problema sa iyo? Hindi mo ba talaga kayang matiis na makita akong mabuhay nang maayos?”Matagal ng tumapak sa landas ng pagkapanatiko si Sally. Kaunti na lang ang natitirang katinuan sa kaniya. Ngumiti ito nang malamig at sinabi, “Tama ka. Hindi ko kailanman hahayaan na mabuhay ka nang
“Kung hindi mo sila gustong makita, pwede ko silang paalisin.” Madaling sinabi ni Simon ang pahayag na ito. Para sa kaniya, walang hirap niya itong magagawa.Natulala si Sharon. ‘Paalisin sila?’ hindi niya maitatanggi na hindi niya talaga gustong makasama ang mga ito at makita sila araw-araw. Mapapabuti kung mapapaalis ni Simon ang mga ito.Pero…Tinikom niya ang bibig at sinabi,”Sa tingin ko ay mas mabuting huwag mong gawin iyon. Ayaw kong tawagin nanaman akong masamang babae ni Director Zachary.”Nagawang manatili ni Sally sa bahay matapos makuha ang permiso mula kay Douglas na sinabihan pa siyang magpahinga nang maayos sa bahay ng mga Zachary. Naniniwala itong baka mayroon pa siyang pag-asang magbuntis ulit kapag gumaling siya.Kung pipilitin sila ni Simon na umalis ng bahay, si Sharon lang ang matitirang sasalo ng sisi.Tiningnan ni Simon ang gilid ng maputing mukha nito at ngumiti. “Bakit masiyado mong inaalala ang sasabihin ng matandang iyon? Gusto mo bang gampanan ang pagi
Habang sinusubukan ni Sharon isipin ang susunod niyang gagawin, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Isang bata ngunit masayang boses ang narinig, “Mommy… Nanalo ulit ako kay lolo!”Tumakbo papasok sa kwarto si Sebastian, tuwang-tuwa, at nang makita nito ang mga magulang na magkayakap sa sofa, biglang itong natigilan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat habang tinitingnan ang dalawa, at sa sumunod na sandali, sumigaw ito at tinakpan ang mga mata.Hindi inasahan ni Sharon na biglang papasok ang kaniyang anak sa kwarto at makita sila sa ganitong sitwasyon. Kahit na hindi naman intimate ang aktong ito, nahihiya pa rin siya.Mabilis niyang itinulak si Simon at kumalas sa mga bisig nito. Lumapit siya sa kaniyang anak at nag-aalala ang tonong sinabi, “Anong problema? Bakit mo pinikit ang mga mata mo?”“Masakit po ang mga mata ko.” Nakatakip pa rin ang mga kamay ng bata sa mata nito.Kinabahan si Sharon. “Masakit? Hindi ba’t ayos ka lang naman kanina? Bakit biglang sumakit? Tingnan ko.”
Malalim ang pagkakunot ng noo ni Sharon sa emergency room na nasa tabi nila, nakasara ang pinto nito. Ginagamot ng doktor ang bata sa loob at tanging maghintay lamang sa labas ang magagawa nila.Nag-aalala si Sharon, at kasaba nito, pinipigilan ang kaniyang galit. ‘Sally, sinadya mo ito, hindi ba?’Mayroong lumapit na mga yabag sa kaila. Tumalikod si Sally at nakita ang walang iba kung hindi si Sally. Kaagad na nagdilim ang kaniyang ekspresyon. ‘Ang lakas ng loob niyang magpakita?’Umarteng nag-aalala si Sally para makita ng iba at sinabi, “Butler, malala ba ang sugat ni Sebastian?”Nagpaliwanag ang butler, “Inaasikaso siya ng doktor. Sa ngayon, hindi pa po tayo nakakasigurado.”SInulyapan ni Sally si Sharon na katakut-takot ang dilim ng ekspresyon. Isang malamig na ngiti ang makikita sa kaniyang mga mata, nagkunwaring nagsisisi si Sally nang magsalita. “Kasalanan ko ito, tita. Hindi ako nakatingin sa bata nang mangyari ito. Makulit ito at natapon ang tubig sa mesa.”Tumigil siy