Share

Kabanata 6

Author: Miranda Stone
last update Last Updated: 2022-10-02 08:14:23

SA mga sandaling iyon, tinatanong ni Lorenzo ang sarili kung bakit at paano nagbago ang ugali ng asawa. Sa tatlong taon nilang pagsasama ay marami silang naging away at hindi pagkakaunawaan, ngunit pinakamatindi ang mga kaganapan nitong mga nakaraang araw.

Naalala ni Lorenzo ang unang pagkikita nila ni Princess.

"Tol, nasa parking na 'ko. Saang banda kayo nakapwesto?" Kadarating lang ni Lorenzo sa isang bar sa Malate, Manila. Iniangat niya ang handbreak ng sasakyan matapos maiayos ang pagparada. Masikip ang pagrking spaces sa bakanteng lote na malapit sa bar na iyon. Mabuti na lamang at dalawa pa ang bakante nang pumasok siya. May usapan silang tatlong magkakaibigan ngunit nahuli siya ng dating. Alas-onse y media ng gabi na nang matapos siya sa inaasikaso sa RV Retails.

"Langyang 'yan, ang tagal mo! Lasing na si Arnold. Alam mo namang tayong dalawa lang ang malakas uminom!" reklamong sagot ni Peter. Silang tatlo ay matalik na magkaibigan simula nang magkakiklala sila noong final year nila sa kolehiyo.

"May inasikaso pa 'ko sa opisina. Heto na pababa na 'ko ng sasakyan. I-text mo na lang saan kayo," sabi niya habang pinapatay ang aircon ng sasakyan niyang halos walong taon na niyang gamit. Regalo pa iyon ng kanyang Lolo noong magsisimula siyang mag-college. Napapikit si Lorenzo sa pagkasilaw nang may dumating na kotse at naka-high beam pa ang ilaw noon. Paparada ang sasakyan sa kanang bahagi ng kotse niya kung saan may bakante pang pwesto.

Pinatay na ni Lorenzo ang ignition at pababa na ng kotse habang patuloy ang pakikipagusap kay Peter.

"Nasa VIP room pero lasing na nga itong isa. Ipapahatid ko sa driver--"

"Oh, shit! Sige, Tol message kita at baka 'di na 'ko makasunod sa loob. May bumangga ng kotse sa kanan. Hindi yata marunong mag-park." Narinig ni Lorenzo ang pagkakatama ng puwetan ng sasakyan ng bagong dating sa kanang bahagi ng kotse niya. Naramdaman din niya ang paggalaw ng sasakyan.

"Hassle 'yan. Puntahan ba kita?" offer ng kaibigan.

"'Wag na. Kaya ko na 'to. Si Arnold na lang asikasuhin mo. Tawag ako mamaya."

Nang maputol na ang tawag ay ibinulsa ni Lorenzo ang cellphone sa pantalon. Nakasuot siya ng black na pants at dark blue na long-sleeved polo shirt at itim na sapatos na napudpod at nalukot na sa kakalakad at kakamaneho. Pagkababa niya ng kotse at pagkatapos i-lock ang pintuan ay saka niya tinungo ang driver's side ng sasakyang puti na nakabangga sa kanya. Hindi pa bumababa ang driver. Kinatok ni Lorenzo ang pintuan ngunit walang sumagot. Heavily tinted ang kotse at malayo ang poste ng ilaw sa lugar na iyon kaya't nahihirapan siyang aninagin ang laman ng sasakyan. May isang poste sa tapat nila ngunit wala iyong ilaw. Yumuko siya at idinikit ang noo sa bintana para subukang tingnan kung anong nangyayari sa loob.

"Hello? May tao ba sa loob? Are you okay? Nabangga mo ang kotse ko--" biglang bumukas ang pintuan at natamaan ang mukha niya. Napaatras si Lorenzo at agad namang nakuha ang balanse nang humakbang patalikod kaya't hindi siya natumba.

"Hala, I'm sorry. Are you okay?" Parang nakatadhana ang mga pangyayari. Pagtingala ni Lorenzo para tingnan ang may-ari ng tinig ay nagliwanag ang paligid. Bumukas ang poste ng ilaw na malapit sa mga sasakyan nila. He was mesmerized by the beauty of the person in front of him. Hindi niya maiwasang sipatin ang babae simula ulo hanggang paa.

Isang babaeng mukhang anghel ang driver ng sasakyan. Pakiramdam ni Lorenzo ay bumilis ang pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa mukha niya ang babae. She looked perfect in every way. Makinis at maputing balat, namumula-mulang pisngi, matangos na ilong, perpektong arkong kilay sa mapupungay na mga mata at ang labing mamula-mula. Her body was also no joke. Naka-puting fitted shirt siya na hubog na hubog ang makipot na beywang at mayayamang dibdib. Maging ang suot na pantalong asul ay hapit din. Proportioned din ang laki ng balakang niya sa hubog ng katawan. Her body was a perfect hour glass shape. She was wearing high heeled strappy shoes na sa pagmamadali yata ay mali ang hindi na naisara ang clasp.

"Mister?" tanong ng babae. Sa salitang iyon ay iba ang naisip at naramdaman ni Lorenzo. He wanted to be that guy to her. Gusto niyang maging mister siya ng babae. Sa puntong iyon pa lang ay napagpasiyahan na niya ang gagawin. He would make sure that woman would be his wife in the coming days.

"I should be asking the same thing. Are you okay? Your car bumped into mine." Hindi na niya itinuloy na pati ang puso niya ay nabangga ng babae dahil baka matakot ito at mapagisipan pa siya ng masama.

"I'm okay. Sorry sa nangyari. May insurance naman ang kotse ko. Let's exchange numbers so we could have your car fixed."

Mukhang si Lorenzo lang ang namesmerize sa pagkikita nila dahil gamit ang hawak na cellphone ay nagsimula na itong kumuha ng mga litrato ng pagkakabangga ng dalang kotse for documentation.

Kung ibang tao siguro ang nakabangga kay Lorenzo ay marami pa siyang katanungan at aabot pa sila sa police station ngunit sa pagkakataong iyon, iba ang hangad niya.

"Don't worry about it. Can I invite you for late dinner so we could discuss more about this?" tanong niya nang matapos na ang babaeng kumuha ng litrato. Nadidistract din siya dahil yumuyuko ito at mas nakikita ni Lorenzo ang maumbok na puwetan nito.

"Ha? Hindi ba pupunta pa tayo sa police station to report this?" Nakakunot ang noong tanong ng babae pagharap muli sa kanya. 

Alam ni Lorenzo na mapapahamak siya sa gagawin ngunit itinuloy pa rin. He took a few steps towards her. 

"No need. I'll take care of this para wala ng hassle at abala sa'yo. In return, can we have coffee or a meal together? Gutom na kasi talaga 'ko. I'm here to pick up my friends para sabay sana kaming kumain kaso lasing na raw sila."

"Ha?" Nakakunot ang noong tanong ng babaeng hindi pa rin niya alam ang pangalan.

Lorenzo tried to play it cool but also to seem kind and charming.

Umepekto ang pagpapacharming ni Lorenzo.

"Dinner as new acquaintance? I'm Lorenzo Villaverde, CEO of RV Retails." Lorenzo extended his right hand at nang abutin ng babae ang kamay niya ay pasimpleng tiningnan iyon kung may engagement ring ba o wedding ring. Sinadya niyang i-drop na CEO siya ng isang kumpanya para hindi magduda ang babae.

"I'm Princess Cruz. Sorry about the car." Ang totoo noon ay distracted si Princess habang pumaparada paatras. Kagagaling lang niya sa isang hotel kung saan nasaktan siya ng husto. Nang mabangga niya ang kotse ay agad siyang nag-ayos ng itsura para mas madali siyang makapagnegotiate sa nabangag niya. Nakapag-lipgloss pa siya at saka nagsuot ng sandals. Nakatapak siya nang mag-drive dahil mahirap magmaneho ng naka-stilletos. Isinusuot niya ang strap nang may kumatok sa bintana. Sa gulat niya ay binuksan niya ang pintuan nang hindi tumitingin sa labas.

Ngayon ay inaalok siyang mag-dinner o magkape ng lalaking nakabangga niya. Nagvibrate ang phone ni Princess habang magkahawak sila ng kamay ni Lorenzo. Alam niya kung sino ang nasa kabilang linya kaya't kahit hindi siya sigurado sa gagawin ay sumugal siya.

"So what about dinner? Eksakto gutom na 'ko. Can we use my car na lang?" tanong ni Princess.

Tumango si Lorenzo at ngumiti. He displayed his perfect set of white teeth na pwede sa toothpaste commercial.

Ang dinner na iyon ang naging simula ng lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jean Servano
Bumili ako ng gems. pero walang unli votes?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Unang Tagapagmana   Kabanata 16

    ALAM ni Lorenzo na parang suntok sa buwan ang gusto niya. Umaasa siyang pipiliin siya ni Princess kahit na hindi nito sinasabi ang tunay niyang estado sa buhay sa kasalukuyan. Simple lang naman ang gusto niya. Gusto niyang maging tanggap ni Princess na siya pa rin ang Padre de Pamilya at sundin nito ang sinasabi niya lalo na pagdating sa relasyon nito kay Peter. Nawalan na ng gana si Lorenzo kumain. Sumubo lang siya ng ilang beses bago uminom ng isang basong tubig. Kinuha ni Lorenzo sa bulsa ang bagong biling cellphone at nagtipa ng numero. Kahit na gabing-gabi na ay sumagot pa rin ang nasa kabilang linya. "Namiss mo agad akong kausap?" tanong ni Vic sa kabilang linya. "Vic, I want to acquire PI Investment as soon as possible. Do everything para makuha ko ang kumpanyang 'yon. Gusto kong ma-kontrol si Peter pati na rin . . .""Si Princess?" Napabuntonghininga si Lorenzo bago sumagot, "Oo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para akong nakatulay sa lubid na malapit nang mapigtas." "I'

  • Ang Unang Tagapagmana   Kabanata 15

    NAPABUNTONGHININGA si Princess. Nang malugi ang negosyo ng asawa ay siya ang unang-unang nanghirap. Higit sa kanino man, si Princess ang nagmakaawa sa mga magulang upang tanggapin sila sa bahay ng mga iyon nang mailit ng bangko ang bahay at kotse nila ni Lorenzo. Si Princess din ang nakutya at naapi ng mga kapatid dahil sa pagkasadlak sa kahirapan ng asawa. Ang pinakamasama pa sa lahat, tinanggap ni Lorenzo na maging parte ng staff ng naluging kumpanya sa kagustuhang magkaroon pa rin ng trabaho. Lahat ng ipinangakong magandang buhay ni Lorenzo kay Princess ay naging isang pangako na lamang.Alam ni Princess noon na hindi naman niya tunay na minahal si Lorenzo. Napilitan lang siya dahil nagkasubuan na silang dalawa.His words seemed comforting sa panahong iyon na bagong tuklas ni Princess ang pagtataksil ni Rayver pero higit sa lahat, ang nangyari noong gabing iyon ang nagpabago ng lahat sa buhay nilang dalawa."Princess . . . lasing na lasing ka. Are you sure you don't want me to driv

  • Ang Unang Tagapagmana   Kabanata 14

    NAPABUNTONGHININGA si Princess habang inaalala ang mga sumunod na nangyari.Princess felt heartbroken and humiliated. Ang masakit pa, wala siyang mapagsabihan ng mga suliranin niya. Wala siyang makaramay na kahit na sino man lang ngayong puno ng pighati at galit ang buhay niya dahil sa tagpong nasaksihan. Hindi naman niya pwedeng tawagan si Charisse at sabihin na tama nga siya at lunukin niya ang pride niya para magpasalamat sa impormasyong nanakit sa kanya ng husto. Akala ni Princess, makukuha niya ang sagot sa mga katanungan kung papaandarin lang niya ang kotse na walang patutunguhan ngunit hindi pala. She went to a place where she thought she could forget about everything. Sa isang bakanteng lote ang parking lot ng isang sikat na bar sa Malate, Manila. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang dalawang parking space na bakante. May kotseng naka-hazard na pumasok sa isa sa mga bakanteng slot.Papasok na siya ng parking slot na natitirang bakante nang mag-ring ang phone niya. She s

  • Ang Unang Tagapagmana   Kabanata 13

    THE door opened even before she could reach the third count. Sa kabila ng pinto ay may bumalandrang babaeng mahaba ang buhok, manipis ang kilay, hindi katangusan ang ilong at makapal ang namumulang mga labi. Kung titingnan ang katawan ay hindi rin proportion. Mas malaki ng mga dalawang beses ang dibdib ng babae kaysa sa balakang niya. Mukha siyang donut na nakatusok sa barbecue stick. "Darling, sino ba 'yan? Ang ingay, nakakahiya sa ibang kwarto." Naka-lingerie na pula ang babae na kasingpula ng lipstick ng labi. Hindi naman sa nanghahamak siya ngunit mukhang pokpok ang babae. "Ex-fiancee niya 'ko. Ikaw sino ka?" Nakangising sabi ni Princess. "Hon--" "Fiancee?" Magkasabay pa nasalita ang bab

  • Ang Unang Tagapagmana   Kabanata 12

    SA mga panahong iyon naisip ni Princess na sana ay nakinig siya sa mga payo sa kanya noon na huwag gagawa ng desisyon kapag nasasaktan o kaya ay galit. She made a big one that day and it changed her life completely."Hello?" alas-siete ng gabi nang makatanggap siya ng tawag. Hindi na niya nasilip ang caller id dahil galing siya ng banyo, nakatapis lamang ng tuwalya at nagtutuyo ng buhok matapos mag-shower. "Hello? Princess?"Tiningnan ni Princess ang numero sa phone ngunit hindi niya iyon kilala. Hindi nakaregister ang number ng kausap."Yes, sino 'to?" "Si Charisse, classmate mo nung college. Buti pala ito pa rin ang number mo. Ano kasi--" Napairap si Princess dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ng kausap. Mangungutang ba itoJ? Hindi naman sila gaanong close ni Charisse. Kaklase nga niya ito noong college at nagkapalitan lang sila ng number dahil sa isang school project. Marahil hindi nagpalit ng cellphone simula noon ang kausap niya kaya't alam pa rin nito ang phone number n

  • Ang Unang Tagapagmana   Kabanata 11

    NAKABABA na siya ng elevator at naglalakad sa ground floor hallway papuntang cafeteria ng ospital nang may biglang tumapik sa balikat niya."Have you thought about it?"Napalingon siyang bigla. Sa gulat niya nang makita ang nasa likuran ay napaatras siya at muntikan nang matumba. Nasalo siya ng taong kausap. Nakakapit ang kamay sa beywang habang ang kabilang kamay ay sa braso. Kung may makakakita sa kanila ay para silang nagsasayaw ng tango at nag-dip ang kaparehang babae pahiga."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang marahang tumatayo at inaayos ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin at dumistansya habang palinga-linga sa paligid. Alam naman niyang wala roon ang taong kinatatakutang makita."I came to see you."Pinigilan niya ang sariling lumapit sa kausap. Pumikit muna bago nagsalita. Sinusubkang pakalmahin ang sarili dahil sa sitwasyon."Hindi ba kakasabi ko lang kanina, bukas na tayo magkita at mag-usap sa opisina." Hindi niya alam kung tama ba ang tono ng pananalita niya na tu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status