Kinahapunan ay dumating din naman si Raymond para pumalit sa pagbabantay kay Sheryll, kahit tuwid at seryoso ang mukha nito ay mababatid ang pamumugto ng mga mga mata ng lalake.
Naroon man ang ingay ng mga nakapaligid sa kanila ay wala silang mabuong kahit anong pwedeng sabihin sa isa’t-isa ng mga oras na iyon.
Nanatili lamang
"Have you come to laugh at me," tiim bagang niyang sambit bago lagukin ang iniinom. Napabuntong hininga na lang ito nang maglihis ng matalim na titig si Raymond. "Bakit mo naman nasabi iyan?" malumanay na saad ng babae bago haplusin ang kanyang braso para siya ay aluhin. Parang maliliit na karayom ang tumutusok sa kanyang balat ang init ng haplos nito, kaya ganoon na lamang ang pagkulo ng dugo niya."Stop it," inis na tabig na lang ni Ray sa kamay nito, "what do you want
"Ray jusko! anong nangyari sa iyo?" halos mapatakbo na siya patungo sa asawa. "Sheryll, nandito ka pala!" gulat na saad na lamang ni Jordan na hawak hawak pa rin si Raymond at pilit itinatayo. Ganoon na lamang ang pamamasa ng kanyang mga mata dahil sa sikip ng kanyang dibdib nang makita ang hitsura ng asawa. Gulo-gulo ang suot nitong damit at amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito, may ilan din itong sugat sa
"Tito Regi, mauna na ako," tapik niya na lamang sa tiyo habang papatayo sa upuan. Naroon na ang bahagynag tama ng alak sa kanya dahil sa dami ng ininom nilang magtiyo. "Are you sure you can drive?" kunot noong habol na sambit ng tiyo sa kanya. "I can still manage." Pinilit niya pang tumayo ng tuwid habang itinataas ang
Walang mapaglagyan ang sobrang tuwa ni Sheryll, hindi niya lubos akalain na manunumbalik ang liwanag sa mukha ng asawa, kaya naman kahit papaano ay unti-unti na noon nabura ang kanyang namumuong pangamba. Ganadong-ganado siyang
Nagising na lamang siya na may kabog sa kanyang pakiramdam. Mabilis at medyo naninikip ang kanyang dibdib dulot ng kung anong takot.Naroon ang konsensya sa kanyang isipan na hindi mawala-wala dahil sa pamumuna ni Bobby sa kanya kagabi, kaya naman halos hindi rin siya nakatulog ng maayo
naman sanang ipagpatuloy ang naputol nilang gawain kanina sa oras na makauwi, kaya naman hanggang ng mga oras na iyon ay naroon pa rin ang parang mga naglilikot na pakiramdam sa kanyang kalamnan at dibdib. Parang nanlulumo pa rin siya habang papasok sa loob ng condo, minabuti niya na lang ang magtungo kaagad sa kuwarto upang makaligo ng malamig. Bumungad sa kanya ang nakatuwad na babae na nakasuot ng isang see through na magkahalong kulay pula at itim na night gown pakabukas ng pinto
Nanlulumo pa rin siya ng mga sandaling iyon dahil sa inasal niya noon nakaraan. Hindi niya matanggal ang matinding panghihinayang sa pagkakataong nawala upang makausap muli ang dating kasintahan. Sigurado niyang nagalit si Sheryll sa mga tinanong niya kaya umalis ito kaagad. Pakiramdam niya tuloy ay parang walang kabuhay-buhay ang mga oras na sumunod matapos noon.Sa kakaisip
Duped"Salamat sa paghatid Bobby," pumupungay na paalam niya na lamang sa lalake pakababa sa owner jeep nito. Nandoon pa kasi ang kaunting pagkahilo at antok sa kanya dulo’t ng tama ng alak, kahit nakainom na siya ng kape at nakapagpahinga. Bigla na lang lumitaw
Sa loob ng ilang linggo ay hindi siya mapakali matapos ng tawag na iyon, natatakot, nag-aalala sa kung anong pwedeng gawin muli ni Ray.Nagpapasalamat na lamang siya at palagi ng maaga umuwi si Bobby at kahit siya ay palaging ale
Walang patid sa paghuni ng masayang tugtugin si Bobby ng mga sandaling iyon, habang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang tahanan.Naroon ang kung anong pagkasabik niya na masilayan ang galak sa hitsura ng mga anak sa oras na ipakita niya ang pasalubong na mga pagkain.Hindi man iyon ang pinangarap at naisip niyang magiging buhay nila ng magkasama ni Sheryll, ay wala naman siyang pinagsisisihan dahil na rin sa tuwa at gaan ng pakiramdam kasama ng pamilya.Naroon man ang katotohanan na hindi niya tunay na anak ang mga bata ay wala
Kahit labag sa kanyang loob, kahit mabigat sa kanyang dibdib ay hindi niya na tinanggihan ang tulong na ibinigay ng ama ni Raymond. Tulad ng plano ni Bobby ay lumipat sila sa liblib na probinsya ng kasintahan, pero napapalibutan ng mga kalapit na bahay. Naging sapat na
Hindi pa rin siya matigil sa kakaiyak ng mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay parang unti-unti na siyang nababaliw sa bawat pagkakataon na madidinig ang malalakas na sigaw mula sa loob ng kanilang munting tahanan. Ilang oras rin siyang nanginginig, namamawis at tuliro habang nasa labas, hindi magkandamayaw sa kung ano ba ang dapat gawin, hindi niya na nga namalayan ang bahagyang pagliwanag ng kala
Malakas ang lagapak ni Bobby sa sahig nang ihagis ito papasok ni Raymond. Wala ng malay habang nakagapos ng packaging tape ang mga kamay, paa at bibig. G
“Oh, kamusta na iyong hayop na asawa mo, nakulong na ba?” malalim na sambit ng papa niya.“Pa naman!” napabusangot na lamang siya rito, “kapag nagkataon po mga abogado na po ang makakaharap natin niyan. Isa pa, alam niyo naman po kung gaano sila kayaman at kaimpluwensya, sa tingin niyo po may laban tayo doon?” sermon niya na lang.“Oo nga
Kumaripas kaagad ng takbo si Bobby nang marinig na nakabalik na si Sheryll. Humahangos pa siya nang makarating sa may gate ng bahay ng mga ito.Wala na siyang atubiling pumasok sa loob at nadatnan niyang napapalibutan na ang naturang babae ng mga kaibigan at kapamilya, magkahalo ang iyakan, tawanan ng mga naroon
Hindi mapigilan ni Raymond ang kakasabunot sa sarili habang idinuduyan-duyan ang sarili. Hindi mawala ang matinding kaba at takot niya nang kargahin si Sheryll na walang malay kani-kanina lamang, kinailangan pa siyang hatakin ng mga kaibigan upang maihiwalay
Hindi niya mapigilan ang panginginig habang katabi si Raymond, tahimik lamang ito sa pagmamaneho pero damang-dama niya ang nag-uumapaw na galit nito. Tiim na tiim ang bagang ng lalake habang nakatitig sa harapan at napakahigpit ng hawak sa manibela, halos lumilipad na rin ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.