Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO

Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO

last updateLast Updated : 2025-12-11
By:  Purple MoonlightUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
51views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa una niyang buhay, isang martir at talunang maybahay ang ganap ni Felicity Gambello sa kanyang asawang si Santiago El Gueco. Hindi niya maiwan ang asawa dahil sobrang mahal niya ito, kahit pa harap-harapan siyang niloloko. Natapos ang kanyang buhay sa isang malagim na kapalaran; ang kamatayan. But things turn a strange turn. Ang asawang hindi umuuwi sa kanilang tahanan sa previous niyang buhay, was now returning everyday. Nag-aalala pa ang lalaki na baka ipagpalit niya ito kapag hindi niya inagahan. “Jago, naniniwala ka ba na sa hinaharap ay hihilingin mo na lang na mawala ako?” “Huwag ka ng mangarap, Feli. Hanggang kamatayan ay magsasama tayong dalawa.” Bilang isang nilalang na muling bumalik sa nakaraan matapos niyang masilayan ang kanyang malagim na kamatayan, hinayaan na lang ni Fae na magsanga ang landas ng asawa at ng babaeng sa unang buhay ay ipinalit nito sa kanya. Subalit, sa halip na hiwalayan siya kagaya ng nangyari dati, kabaliktaran doon ang naganap. Hindi na nga siya hiniwalayan ng asawa, bagkus ay lalo pa siya nitong minahal. Ang nakakagulat pa ay nagawang taalikuran nito ang babaeng minsang naging sagabal sa pagsasama nila. Muli ba itong pagbibigyan ni Feli o ituloy niya na lang ang unang plano upang hindi niya maranasan ang malagim noon na kapalaran?

View More

Chapter 1

Chapter 1: Lason ng Relasyon

MAHABA ANG PILA ng mga sasakyan na naipit sa trapiko kung kaya naman maingay ang mga busina nito. Nakakainis tingnan ang usad-pagong na kaganapan sa harapan ni Fae. Dalawang oras ng nakaupo sa isang café na tinatawag na The Gathering Grounds ang babae. Nasa isang upuan siya sa sulok na bahagi nito at nakaharap sa counter. Isang dalagang nakasuot ng maroon na apron ang abala sa paghahanda ng iba't ibang inumin sa bar counter na kanina niya pa panaka-nakang lihim na pinapanood. Matangkad, bilugan ang katawan, maputi ang balat at may pagka-tsinita ang mga mata na kapag ngumingiti ay nawawala. Maliwanag at puno ng pag-asa ang malaki niyang ngiti na parang walang anumang problema. Ang makapal at itim na buhok ay nakatali ng mataas. Lahat ng iyon ay hantad sa paningin ni Fae. Nauunawaan niya si Jago kung bakit.

“Ma’am, gusto niyo pa po ba ng refill?” tanong niya, habang papalapit kay Fae na may masigla pang ngiti.

Ilang segundong nawala sa sarili si Fae, sandaling nabighani sa hitsura ng dalaga. Mabuti na lang at babae rin siya, kung di ay baka napagkamalan na siyang manyakis sa paraan ng pagtitig niya sa babae.

“Sige, isang baso pa ng black coffee.” sagot ni Fae, hindi magawang makatanggi sa alok ng babae.

Hindi nagtagal, dinala ng dalaga ang isa pang tasa ng mapait na black coffee na inorder niya. Kasing pait iyon ng nagtatagong poot sa puso ni Fae. Hindi agad umalis ang babae sa tabi ng kanyang table na parang may nais sabihin, bahagyang nag-atubili ito sandali ngunit kalaunan ay nagawa pa rin niya ang ninanais.

“Ma’am, huwag niyo po sanang masamain ang sasabihin ko pero kanina ko pa po kayo napapansin. Dalawang tasa na po ng black coffee ang naiinom niyo mula noong dumating kayo. Bagama't nakakapresko ito sa pakiramdam pero anumang sobra ay masama sa iyong kalusugan. Hindi sa pagiging pakialamera po ako, pero marami pa naman sigurong pagkakataon na pwede kayong uminom?”

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Fae na hindi nagawang makita ng babae na ngiting-ngiti pa rin.

‘Wow! Concern siya sa akin?’

Mukhang mabait at palakaibigan naman ang babae. Malambing din ang kanyang boses kaya muli ay naiintindihan niya si Jago. Pahapyaw ni Fae sinulyapan ang nametag ng babae upang kilalanin ito. Wala iyon sa kanyang plano, nais niya lang makita ito.

Odessa.

Sinulyapan ni Faw ang itim na kape sa kanyang mesa, pagkatapos ay kinuha ang kanyang bag at tumayo.

“Alam mo, Odessa, tama ka. Sige, bayaran ko na.”

Natuwa ang babae na nakinig si Fae sa kanyang payo. Tinanggap niya ang ini-abot nitong card upang dalhin sa cashier. Sinundan pa rin siya ng tingin ni Fae. Ilang buntong-hininga ang ginawa niya doon.

“Sabi nga nila, mas mahinhin mas malandi. Nasa ilalim ang kulo. Nakakabulag ang panlabas na anyo.”

Nang bumalik si Odessa sa kanyang table ay nakangiti niyang tinanggap ang card. Tahimik siyang lumabas ng coffee shop. Nagawa pa ngang pagbuksan siya ng pinto ng babae, magalang na nagpaalam dito.

“Please come again, Ma’am.”

Nilingon lang ni Fae si Odessa at kapagdaka ay tumango. Sinalubong na siya ng driver nang makita ang ginawa niyang paglabas ng coffee shop. Tumango pa ito nang may paggalang at binuksan ang pinto ng kotse para sa kanya. Diretso namang pumasok doon si Fae na lingid sa kaalaman niya ay tanaw ni Odessa.

“Saan na po tayo Madam—”

“Umuwi na tayo.”

Nakaupo na sa likod na bahagi ng kotse si Fae. Matapos bitawan ang bag na dala sa kanyang tabi ay sinandal na niya ang likod sa upuan. Ipinikit ng babae ang kanyang mga mata upang magpahinga. Walang pakundangan na malinaw na lumabas ang imahe ng dalaga sa kanyang balintataw mula sa coffee shop.

Bata pa ito, masayahin. Doon ba nahulog ang asawa?

Sariwa rin naman siya, maganda rin, ano ang iba?

Alam ni Fae na siya ang babaeng iyon na pagkalipas ng isang taon na makilala ng asawa niyang si Jago ay makikipaghiwalay ang asawa sa kanya. Ito ang magiging rason ng matindi nilang away. Hindi niya nakakalimutan ang eksenang iyon na bumabagabag sa kanya nang paulit-ulit. Hindi kailanman inakala ni Fae na ang unang gagawin niya matapos niyang bumalik sa nakaraan pagkatapos ng malagim niyang kamatayan ay ang hanapin ang babaeng naging lason sa kanilang relasyon. Hanapin ang kanyang kasalukuyang pinagtatrabahuhan at obserbahan siya. Alamin kung ano ang special sa babaeng iyon at nagawa siyang ipagpalit dito ng kanyang asawa sa papel. Labis pa siyang na-curious kung anong klaseng babae siya upang maagaw ang lalaking minamahal niya sa loob ng mahabang panahon. Gusto niyang ikumpara ang sarili kung ano ang mali.

“Ano bang lamang niya? Wala naman.”

Napatingin ang driver sa rearview mirror upang tingnan kung siya ba ang kinakausap ng amo. Nang makitang nakapikit ito ay nanatili na siyang tahimik.

“Normal. Sa ugali kaya?” muling tanong ni Fae na malalim ng bumuntong-hininga para pagaanin ang nararamdaman na namimigat na naman noon.

Sa nakaraang buhay ni Fae, hindi niya lubusang nakikilala si Odessa; ang pangalan at ilang larawan lang ang nakita niya ng babae. Ganun siya prinotektahan ni Jago sa kanya na para bang isang kayamanan na tanging siya lang ang may alam. Wala siyang kaalam-alam sa kanila. Ngayong nabigyan siya ng isa pang pagkakataon, sisiguraduhin niyang hindi siya magkakamali. Hindi mauulit ang nakaraan nila ni Jago. Hangga't maaari ay siya na ang kusang lalayo.

Bata, maganda, mabait, maalaga at masayahin, lahat ng magagandang ugali na mga ito ay akmang-akma sa dalagang iyon ayon sa kanyang obserbasyon. Ang tanging kahinaan ng babae ay wala siyang mayaman na pinagmulang pamilya, ito ang isang malaking agwat sa katayuan nila sa pagitan ni Odessa at Jago.

“Madam, hindi po ba at ngayon ang anibersaryo ng iyong kasal kay Sir? Wala po kayong ibang gagawin?”

Dahan-dahang iminulat ni Fae ang mga mata, sandali siyang natulala sa rearview mirror ng sasakyan nila. Kung bibilangin niya ay ngayong taon ang ikalimang taon ng kasal niya sa asawa. Bawat taon din ng kanilang anibersaryo ng kasal ay nagiging abala siya buong araw sa paghahanda ng hapunan nilang mag-asawa. Hindi rin niya nakakaligtaan ang regalo niya. Umangat ang sulok ng kanyang bibig sa inis.

“Alam ko,” sagot ni Fae na hinimas ang nananakit na sentido. Dala marahil iyon ng pag-iisip niya ng mga bagay-bagay na nangyari sa kanila at sa bagong pag-adopt ng oras. “Hindi mo na kailangang ipaalala.”

Malamang ay napansin nito na iba ang kilos niya kaysa sa mga nakaraang taon, kaya niya pinapalala iyon. Todo effort kasi siya dati para mapasaya niya ang asawa, na hindi niya rin gagawin sa taong iyon.

Bakit ako lagi ang nagbibigay?

Bakit ko kailangang mahalin ang lalaking iyon at pahalagahan kung hindi niya kayang ibalik sa akin?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status