Share

Chapter 4: Charmspoken

Umalingawngaw tunog na nilikha nang sniper rifle ni Maxima. Indikasyon na patay na ngayon ang hari ng Traia, King Peruvious.

Hindi ko man lubos na maisip, kailangan niyang gawin ang bagay na yon dahil kung hindi, baka siya ang mamatay at pahirapan.

Tapos na ang trabaho niya kaya malamang aalis na rin siya dito sa Azsare sa lalong madaling panahon. Panigurado kong kapag nagtagal pa siya rito ay baka malaman pa nang mga Azsarians. At baka mabaliw na ako ng tuluyan dahil sa kanya.

Madali akong pumunta sa kinaroroonan niya na kasalukuyan nag-aayos ang baril. Nililinis pa niya ito na para bang isang mamahaling bagay na kaunting dungis lamang ay kailangan na itong linisan.

Buti pa ang baril inaalagaan. Parang mas minahal pa niya ang baril niyang iyon kaisa sa akin. Pero hindi ko naman nanaisin na maging baril na lang sana ako. I can't hold her if I'm a gun.

"Mahal na mahal mo talaga iyang baril mo. Samantalang maraming lalaki ang nagkakandarapa para lamang mahalin mo."

At isa na ako don... Gusto ko man sabihin ay nanatiling tikom ang aking bibig.

"Bakit? Nagseselos ka ba? Mahal na prinsipe?"

Ano ba ang tamang isagot sa mga ganyang salita? Wala na lagi akong naisasagot kapag siya ang kausap ko. Lagi na lamang siyang may sagot sa lahat.

She quickly hid the rifle in its bag. Isinakbit niya ito at tumingin sa akin.

"Let's go, lover boy."

☆☆☆

As we walk down the hill where she flawlessly excecuted her shot against the king, I can't help thinking about her fucking job.

Bakit kailangan pa niya itong gawin? Why can't she rebel against those who order her around?

Tiyak akong kaya niyang patayin kahit sinong nilalang na gustong makipagkursunada sa kanya. So, why wouldn't she put up a fight?

Bakit niya hinahayaang utos-utusan siya nang ganito? Making her do the dirty work for them, making her a slave, a loyal dog who cannot defy her owners bidding.

Kahit na alam ko namang may rason siyang para gawin ang lahat ng ito, I can't contain myself to be furious.

Bakit? For heaven's sake she can live with me in our kingdom if she wanted to! Walang makakahawak sa kanya as long as I am there to protect her. I will secure her safety twenty-four seven, just to show her that I am really serious about our relationship.

At baka sakaling maramdaman niya ang pagmamahal kong hindi man lang niya maramdaman kahit noon pa man.

But who am I joking? She won't live with me if she wanted to. Lalo na kung sa kaharian namin.

Sinong tao ang gustong manirahan kasama ang mga mata-pobreng elves na kagaya ko? Kung sa akin, natatagalan ko siya dahil sa mahal ko siya pero paano naman ang iba ko pang mga kalahi? For sure they won't take this matter lightly.

Mas gugustuhin pa ata ni Maxima na matorture kesa sa yurakan ang pagkatao niya. Bakit kasi ganito kaming mga elves?

Kung sana may iba pang paraan para hindi na niya gawin ang nga bagay na ito...

Under the moonlit night we quietly traversed through the dirt path that guide us to the threshold of Traia. Ang arko kung saan muli akong binigyan nang pagkakataon na makasama siya. At hindi ako makapaniwalang lilisanin na naman ulit namin ang isa't isa.

Tumigil kami sa ilalim ng arko, kasabay ang pagsimoy ng malamig na hangin sa kalaliman ng gabi. Naghihintayan kung sino man ang gustong bumasag ng katahimikan. Mukhang wala ni isa sa amin ang gustong magpaalam sa isa't isa.

"Ah.." bigkas niya, hindi makabuo nang kahit isang salita.

Kagaya ko, hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin. Sa kauna-unahang pagkakataon, Maxima was rendered speechless. What an achievement.

"I.. I should get going.." she uttered under her breath.

"Yeah."

"Paalam, Aragorn."

A familiar yet distinct goodbye. Kanino ko na nga ba ito narinig?

"See you soon." sambit pa nito bago tuluyan nang umalis sa harapan ko at magsimulang maglakad.

I remained still and silent while watching her figure minimize from a distance. Tumutulong pa dito ang kadiliman nang gabi dahil unti unti na siyang kinakain nito, tila nilalayo siya sa akin.

I miss her already...

Pero hindi ko na dapat itong intindihin pa. She left me for a reason. Iniwan niya ako noon pa man dahil sa isang rason lamang. And that is to tend to my duties as the prince of the elves.

Noon ko pa man naisip kung ano ang dahilan niya para iwan ako noon. At ngayon, mas nabigyang linaw pa lalo iyon.

She was feeling like a hindrance. She felt that she holding me back from my duties as the prince.

Alam niyang marami akong responsibilidad bilang elfo kaya naman nagawa niyang isakripisyo ang relasyon namin para lamang pakawalan ako at gawin ang aking tungkulin sa aking mga kalahi.

She did me a favor and I never knew it back then. And I'm thankful for her for doing so. But now, I want her back.

Pero hindi magawa nang sarili kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nagsimula na akong lumakad papasok sa arko. Hinahanda ang sarili sa isang gulo na paparating. Isang gulo na may kinalaman ako.

Ang kaninang tahimik na kalye ng Traia ay ngayon ay puno na nang ingay at kaguluhan kahit kalagitnaan na nang gabi. Ito ay malamang dahil sa biglaang kamatayan ng hari.

Hindi lamang chismis at paguusap ang naririnig ko patungkol sa hari at kung bakit daw ito pinatay mayroon ding mga protesta para sa titulo ng hari at kung sino ngayon ang mamumuno sa buong Traia. Marami silang teorya na naiisip pero isa ako sa nakakalam ng totoo. Dahil kahit aminin ko man o hindi, kasabwat ako sa kanyang kamatayan. Nagkakagulo na sila.

Ngayong wala na ang hari, sino naman kaya ang namumuno ngayon upang pangasiwaan ang gulong ito?

Hindi ako tagarito kaya hindi ko alam ang mga kilalang tao rito, pero hula ko isa yon sa mga malalapit sa hari.

Magagaling pa mandin mamuno ang mga Azsarians. Kung ginawa lamang ito ni Maxima sa isang legal na paraan magagawa rin niya ito ng hindi napapahamak ang aming buhay.

Ipagpalagay natin na pinatay nga ni Maxima ang hari. Subalit kung naghanap kami ng paraan upang ipinalabas na ang may pakana nito ay isa sa mga kalaban niya sa trono, we could get away with murder easily.

Hindi na maghahanap ng suspek ang mga tao dahil masasakdal ang taong iyon. Kung sana may nahanap kami na ma-feframe up hindi na sana ganito ang nangyayari. Pero hindi na problema ni Maxima ang ganon. She assasinates people quickly and traceless and just leaves it be. Bahala na ang lahat sa kung ano ang kapalaran ng taong pinatay niya at mga nakakakilala dito.

Unfortunately, ako ang nakatakdang maglinis ng kalat niya. Dahil na rin sa katotohanang umaasa sa akin ang hari na ipanalo ang giyera laban sa mga taga disyerto. A general in command; an outsider who is also a royalty.

Dumating ako sa gitna ng bayan kung saan mas malakas ang ingay at tiyak akong dito nila pinapatahan ang mga nagpapanic na tao.

Tsk, para silang mga inakay na humihingi nang pagkain sa kanilang inahin.

Tumaas ang tingin ko sa plataporma kung saan nakatayo ang namumuno sa kaguluhang ito. Ang taong hinihingian nang lahat ng sagot patungkol sa kamatayan ng hari.

Mula sa maharlikang asul nitong kasuotan na pinalilibutan nang mga gintong kuwintas at palamuti sa ulo at mayabang nitong tindig, pwede na siyang pagkamalan na hari; ang kanang kamay nito, ang Chancellor.

"Pakiusap, huminahon muna kayong lahat." pagpapatahimik nito sa mga nagkakagulong tao.

"Bakit ba pinatay ang hari?! Sabihin nyo sa amin!"

"Ito na ba ang simula ng giyera?!"

"Kailangan na ba naming lumikas?!"

Samot-saring mga salita at protesta ang nasisiliparan sa paligid hindi alitana na hindi lalo sila magkakaintindihan kung ganito ang gagawin nila.

Mga mahihinang tao na kailangan nang gabay nang isang hari para mapanatili ang kanilang seguridad at kaligtasan. Umaasa sila sa kanilang hari para sa mga bagay na iyon, at ngayong wala na siya hindi na nila alam ang gagawin pa.

Iisipin nilang ito na ang simula nang giyera at dahil walang magtatangol sa kanila ang tanging naiisip lamang nila ay ang lumikas at hindi ipagtanggol ang kanilang lupain sa mga mananakop.

Typical humans. Easily swayed and easy to lose faith. Talagang magkaiba ang mga tao at mga elves.

We elves would risk our lives just to protect our beloved home. Hindi katulad ng "Kailangan na ba nating lumikas?!"

Tsk! Isa lamang duwag ang magsasabi nang ganoon. Malamang magiging kahiya-hiya siya sa buong nasyon ng Azsare dahil hindi man lang niya kayang ipagtanggol ang sariling bayan.

"Aragorn!" isang pamilyar na boses ang narinig ko sa nagkukumpulang mga tao. Boses ni Garfiel.

Malamang nagtataka na iyon kung saan ako nagpunta at bakit ang tagal kong nawala. Kasama rin nito si Iston na mukhang naiirita na rin sa mga nangyayari.

Isinigaw pa nito ng isang beses ang pangalan ko kaya naman sa lakas ng boses niya narinig ito ng mga tao sa paligid.

Ang maiingay na tao na nakatingala sa plataporma kanina ay nakapako na ngayon ang mga nang-uusig na tingin sa akin.

"Si Aragorn! Malamang alam niya ang nangyari sa hari! Ililigtas niya tayo sa mga mananakop!"

At sa isang suhestiyon na iyon, kaagad nagdagsaan ang mga tao papalapit sa akin.

Jukkete! Bakit ba kasi kailangan pang isigaw ang pangalan ko Garfiel?! Mapapatay ko ang kumag na iyon mamaya!

Akmang tatalikod na ako at tatakbo nang napakabilis makaalis lamang sa mga taong ito, nang halos ilang mga kamay ang pumigil sa akin; nakahawak sa aking braso at katawan at pinauulanan na nang mga pakiusap at tanong.

"Aragorn! Iligtas mo kami!"

"Oo nga! Ikaw ang inatasan nang hari upang kalabanin ang mga pangahas na mananakop!"

"Kung pwede lang sana na ikaw muna ang pansamantalang mamuno sa amin!"

"Pakiusap!"

Para akong isang diyos na sinasamba nila dahil nangangailangan sila ngayon. Nagmamakaawa na tulungan ang mahihina nilang pananampalataya. Nakikiusap na kung pwede lamang ay tulungan ko sila sa problema nila na hindi nila kayang lutasin gamit ang kanilang mga sariling pagiisip.

Kailangan nila ng gabay mula sa akin.

Kung puwede lamang ay gusto ko pang pakinggan ang pagsusumamo nila sa akin. Ang pagsusumamo nilang kailangan nila nang tulong ng isang elf na kagaya ko.

Ngunit hindi ko na matatagalan ang kalagayan kong ito; kapit nang mga taong desperado para mabuhay. Kaya naman wala na akong nagawa pa.

Naramdaman ko ang pagbabago nang kulay ng aking mga mata at kasabay nito ang pagdaloy nang aking kapangyarihan.

"Tumahimik kayong lahat." mahinahon kong sambit ngunit may diin; tama lamang dahil walang atubili silang tumahimik at bumitaw sa akin.

They took a step further back, while I step forward with my overwhelming presence, afraid of what my surging power can do. Mukhang kailangan nilang masermunan nang isang mistulang diyos na katulad ko.

"Patay na ang hari nyo, ngunit bakit ganito ang inyong ikinikilos?! Kayo ba ay mga hangal?! Mas lalo lamang lalala ang problema kung magkakagulo kayo nang ganito, mga hangal!"

Some looked down in shame and some changed their expression and turned into something else. Ang iba naman ay tila natauhan sa mga salitang sinabi ko. Napakatanga na lang nila kung hindi pa sila matauhan sa mga sinabi ko.

"Tumahimik kayo at makinig sa kung ano mang sasabihin nang kanang kamay ng hari ninyo." tukoy ko sa lalaking naka asul kanina. "Siya ang susundin ninyo magmula ngayon. Iyon ay hanggang sa may maitalaga na kayo sa bakanteng posisyon ng hari."

No one even bothered to speak. Kahit na sina Garfiel at Iston. They know when to shut up when I am at my zone. Sa kalagayan kong ito, walang makakasalungat sa akin. Walang gagambala sa lahat ng sasabihin ko. At higit sa lahat, susundin nila lahat ng aking sinasabi.

This is Charmspeak. Isang abilidad na pinagpasa-pasahan ng aking angkan magmula pa sa kapanganakan ng mundo. Isang abilidad na tanging pamilya ko lamang ang makakagamit.

In this state, my word is absolute. No being can even dare to oppose my judgement and authority.

"Bumalik na kayo sa inyong mga tahanan at hayaan muna itong problemang ito kahit ngayong gabi lamang. Bukas magsisimula ang totoong laban ng buhay Traians. Nais kong ipunin lahat ng mga kalalakihan upang sumali sa hukbong pandigma. Kailangan nyong magtulungan, Traians kung nais ninyong manalo laban sa mga mananakop sa bayan ninyo."

With that said, the intense pressure resonating upon me gradually subsided in mere seconds. I just toned down my presense, disabling the effect of Charmspeak.

Bahagya ring kumalma ang mga tao sa aking paligid nang maramdaman ang unti-unting pagkawala nang aking matinding presensiya.

Hindi ko naman dapat talaga gagamitin ang kapangyarihan ko, ngunit wala akong ibang pagpipilian.

Sana lamang ay tumatak sa kanila ang sinabi ko.

The swarm of Traians earlier, decreased hanggang sa nasa kani-kanilang mga bahay na silang lahat. Kagaya na lamang ng inaasahan. No one can dare defy my word in charmspeak.

Matitikman muna nila ang bagsik ng aking espada bago mangyari yon.

"Aragorn!" muli, narinig ko na naman ang nakakabwisit na boses ni Garfiel. Kung alam lamang niya ang ginawa niya kung bakit ko kinailangan gamitin ang kapangyarihan ko.

Papalipasin ko na lang muna sa ngayon ang kapangahasan niya. Ang mas mahalaga ngayon ay kung ano ang kalagayan ng bayan na ito.

Kaya naman hindi ko na lamang siya pinansin pa at ibinaling agad kay Iston ang katanungan. "Iston, anong balita?"

"Masama, Aragorn. Ngayong patay na ang hari ng Traia hindi na alam ng mga tao ang gagawin nila. Iniisip nilang nagsimula na ang atake ng mga taga disyerto at wala nang makapagliligtas sa kanila." anito.

"At san ka ba galing?" singit ni Garfiel na pinipilit ko paring hindi pansinin.

"Oo nga Aragorn. Dapit hapon mo naisipang lumabas at maglakad pero bakit ngayon ka lang nagpakita?"

Wala na akong nagawa pa dahil si Iston na ang nagtanong. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila ang totoo, maaaring may makakinig at ako ay madamay. Kailangan kong gumawa nang palusot kung gusto kong hindi makisama sa problema ngayon.

"Nilibot ko lamang ang bayan upang humanap ng mga isasali sa hukbong pandigmaan. And it looks like only few people here have guts and determination required for soldiers of war. I lost track of time that is why I took so long."

"Talaga, Aragorn?" hindi makapaniwalang tanong ni Garfiel. "Naglibot ka ng naglalakad at hindi kasama ang alaga mong si Florel?"

Isang tanong pa talaga nito mapapaslang ko ito nang wala sa oras.

"May paa ako Garfiel. Ano pa at hindi ko gamitin ito? Hindi naman ako lumpo."

Ilang pagpapalitan pa nang tanong ang naganap nang lumapit sa kinatatayuan namin ang lalaking naka-asul kanina na pinaniniwalaan kong kanang kamay ng Hari.

"Ah, the great Prince Aragorn! Salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin kanina, mahal na prinsipe. If not for your moving display of words siguro nagkakagulo parin hanggang ngayon." he said so with an elegant curtsy.

His talking seemed to me like his a nobleman here in Traia, ang tindig niya ay ipinapahiwatig kung ano ang kanyang katayuan. Kung ganoon hindi ba siya natutuwa dahil patay na ang hari at nasa likod ng palad na niya ang buong Traia? O siguro hindi siya ganon. Makikita natin.

"The pleasure is mine." bahagya ko siyang tinanguan. It would be rude not to greet him back would it? Lalo na at ang pinakang pakay ko dito ay ang magandang relasyon ng mga tao at elfo.

"Chancellor, what are your plans?" pagkuha ni Iston sa atensyon naming lahat.

Isang magandang oportunidad ito para makipagkaibigan sa kanya. As he holds all negotiations in foreign affairs, tiyak isang malaking tulong ito para sa mga elfo.

But there is something wrong with his presence. Para bang may itinatago siya sa amin, at hindi ko iyon gusto. Siguro ay ito na nga ang kagustuhan niyang palitan ang posisyon ng hari ngunit dahil umeksena ako kanina mukhang naagaw ko ang atensyon ng mga Traians.

"If you want to know, my good elves can you come with me?" sa pagkakasabi pa lamang niya sa lahi namin tila alam ko na kung ano ang problema. "Let's talk somewhere private, if you may."

At dahil isa itong problema na damay naman talaga kami, wala kaming nagawa kundi sumunod sa kanya.

Pumunta na naman kami sa napagkataas nilang kastilyo at dumiretso sa isang silid na narating ko na dahil sa nakaraang pagpupulong.

Doon ay sinimulan niya ang paguusap. Nakaupo kami sa harap ng bilog na lamesa. At nang harapin niya kami, kaagad kong naramdaman ang kakaibang presensiya na inilabas nang katawan niya.

"Let me be clear elves. I don't like you meddling with Traia's affairs." panimula pa lamang niya alam na namin kung ano ang gusto niyang iparating.

"Wala kayong kinalaman dito. So, just do your assigned jobs." Mas lumapit pa siya sa amin para ipaalam ang aming kinatatayuan, tila minamaliit ang aming lahi. "You were tasked of hiring men and win the war, am I correct?"

We did not speak. We did not even falter with his intimidation.

"So will you do me the pleasure of just doing your jobs and don't intrude in any of my plans."

Wala nang patutunguhan itong paguusap na ito. Tumayo na ako na sinundan rin nina Iston at Garfiel. Pero bago pa man makalabas may sinabi pa siya na lubos na nakapagpaisip sa akin. Hindi na ako umabala pang lumingon.

"I will also make sure that the late king's death will be rightfully avenged." he voiced with much hatred and angst.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status