Share

Chapter 3: Deadeye's Bullet

"Can you come with me?" she asked while I'm puzzled by her sudden statement.

Saan naman? Mag-uusap ba kami? Is she going to come back to me?

No, I shouldn't be getting ahead of things.

"Where are you going to take me then, if I say yes?"

"Its a secret." she chuckled like a little kid hiding something. She looks so cute with every expression she displays.

Am I always this mesmerized by her? Ganito ba ako katanga pagdating sa kanya?

"And what if I decline your offer, love?" I teased habang nakataas pa ang kaliwang kilay ko. I guess I will never get tired of this petty little arguments. Its her after all.

"Then, its your loss, love."

And what came from her mouth melted me. I was just only teasing her! Pero parang doble ata ang epekto non sa akin kesa sa kanya. She was really playing along with me. At gusto ko lang patagalin ang larong ito.

I want to entertain myself with the means of her.

Sinabi ko sa sarili ko na hindi dapat ito ang aking inuuna ngunit parang gusto ko na yata bumalik sa aking salita. I can't just do nothing! Lalo na kung andito siya, I can't concentrate!

She's too... distracting.

Tinalikuran na niya ako at akmang aalis na nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Ngunit hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataon.

It will be weeks or even months if I were to train the citizens of Traia that don't even have the knowledge of warfare. It will be a month of pain and torture for me then. Saka ko na lang iisipin ang problemang yon. Sa ngayon, I need to do what my heart wants me to do.

And yet my heart tells me to get her back.

I will use this time to convince her to comeback to me. Kailangan kong malaman kung mahal pa rin ba niya ako, o kung may ibang nilalaman na ang puso niya. I need to know now.

"I'm coming with you." wala sa sarili kong sinabi.

Ano ba itong sinasabi ko? Paano kung abutin kami nang umaga? Tiyak magtataka sina Iston at Garfiel. Bukas na rin opisyal na sisimulan ang pag-tetraining sa mga baguhang mga mandirigma, kaya naman bawal akong magpadalos-dalos.

But what if she needs me more? Paano kung gusto niya akong makasama? Hindi naman yata niya ako aayain kung hindi niya kailangan ang tulong ko diba?

I want to help her in any way I can. Just to win her heart again...

"I know you will." kahit nakatalikod ay bumaling parin siya sa akin. Nakangisi na para bang inaasahan na talaga niya ang aking magiging sagot.

Tsk, what a manipulative woman.

But that is the woman that I want. Wala akong magagawa kundi sakyan ang trip niya.

Napailing na lamang ako habang tahimik siyang sinusundan mula sa likuran.

Hindi ko na lang napigilan ang sarili ko na purihin siya dahil lang sa simple niyang paglalakad. The way she walks screams with confidence as if she's walking on a platform in a middle of a pageant. With her tall slim physique anyone would mistaken her for a model.

Sinisigaw nang katawan niya ang alindog at ipinagmamalaki nito ang kanyang sarili. And I still want all of that to be mine, again...

"Tapos ka na bang pagnasaan ako, Prinsipe Aragorn?"

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya nang matagal. Tumigil na pala siya sa paglalakad at narito na kami ngayon sa labas nang bayan sa isang madilim na gubat.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya, sa halip ay ginantihan ko siya nang tanong.

"Bakit andito tayo sa kagubatan Maxima? Gusto mo ba akong solohin para mahalay mo ako buong magdamag?" biro ko.

"Manahimik ka Aragorn, mandiri ka nga. Sa pagkakaalam ko ikaw ang mahalay sa ating dalawa, kaya tigilan mo ako." umiiral na naman ang katarayan niya pagdating sa akin.

Parang kanina lamang ay siya ang nang-aasar, ngayon namang ako na, nagagalit na naman siya. I sighed, our unfair love beggining to bloom again. Sana nga totoo na lang.

"Maxima, kahit kailan ay hindi pa kita nahahawakan kahit sa kamay man lamang, samantalang ikaw, napaka sadista mo nanghahampas ka pa nga dati. Sa tingin mo ako pa sa ating dalawa ang karapat-dapat na sabihing mahalay?"

Lilingon na sana ako sa kanya upang asarin ngunit isang pagkasa nang baril ang narinig ko.

Dahan-dahan ko siyang nilingon. May namumuong pawis na sa noo ko at tila kinakabahan dahil sa nakatapat na mahabang baril niya sa akin.

Ano bang ginagawa niya? Nababaliw na ba siya?

I know she's sadistic and slightly psychopathic and all pero hindi ko naman inaasahan na papatayin niya ako. O papatayin nga ba? Masyado ba niya akong kinamumuhian na kaya niya gawin ang ganito sa akin?

Tsk, kung ganito lang naman tatanungin ko na siya.

"What the fuck are you doing? Why are you pointing your fucking gun at me?"

Seryoso ang mukha niyang nakasipat sa gilid nito; ang baril na tila hayok nang pumatay. Why is there tension in the air? Tototohanin ba niya ito?

Ilang minuto pa siyang nanatiling ganoon, habang ako ay nanatiling nakatayo lang sa pwesto, pinapanatiling kalmado ang sarili. Pinaglalaruan pa niya ang gatilyo nang baril as if teasing my life. Isang maling kibo lang niya dadanak ang dugo ko.

Hindi rin ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin sa sitwasyong ganito. Kahit alam kong madali ko lang malulusutan ang sitwasyong ito sa paggamit nang kapangyarihan ko ngunit ayaw ko. Ayaw kong gamitin sa kanya.

The last time I used it on her at nalaman niya, grabeng  ang pag-aaway namin noon. It was like war but only limited to ourselves. That moment I promised to myself that I would not use it on her unless necessary. At sa sitwasyon ngayon, ayaw kong kamuhian niya ako. Kahit pa hindi ko makita sa mata niya ang simpatya tanging kadiliman lamang.

Ang tanging tanong ko lamang ngayon ay kung tama ba itong ginagawa ko. Is it worth it to risk my life just to loosen the guilt I have been feeling? Minahal ba talaga niya ako?

Tinitigan ko na lamang siya sa kanyang maiitim na mata. Wala man lang ni katiting na emosyon ang mababakas.

Isang ngisi ang pumorma sa kanyang labi. Sandali pa, humagalpak na siya nang tawa at ibinaba na ang kaniyang baril sa pagkakatutok sa akin.

I was relieved. I knew she was just playing with me. Yes, I knew it all along...

But still, she looked so serious, did I do something bad?

"You look so tense, love." sabi pa nito habang tumatawa parin. She's fucking audacious with that assertion.

How dare she mock me? Kung hindi ko lang iintindihin ang ganitong side niya malamang nagkapatayan na kami dito kanina pa.

There she goes again, Maxima and her mood swings revealing her psychopatic tendencies to threaten my beloved life.

Mas pinili ko na lamang ang hindi magsalita. If I were to converse with her for sure she will try to argue with me again at tiyak ako na naman ang matatalo.

"So you brought me here to kill me?" I wanted to sound as arrogant as possible para naman hindi lamang siya ang tanging may kakayahan dito.

I need to assert my superiority against her kahit na mas mababa ang tingin niya sa akin. With her overbearing personality no one will want to ever compete with her. Masisiraan muna sila nang ulo bago nila siya matalo.

Pero kahit na ganon, gusto ko pa rin siya. I still want her to love me so badly.

"Why? Gusto mo na bang mamatay ngayon?"

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, kapit-kapit pa rin ang mahabang baril sa kanang kamay. Bakit ba niya ako dinala rito? Parang isinama lang yata niya ako dito upang may maasar. Good thing I have a long string of patience when it comes to her. Siya lamang naman ang natitiis ko nang ganito. Kung iba yan malamang naglalaban na kami ngayon at nasa awa na siya nang aking patalim.

Mariin ko na lamang siyang tinitigan habang unti-unti pa rin siyang papalapit sa akin. What is her deal now?

Gusto ko pa sanang makipagtalo sa kaniya pero hindi magawang bumuka nang bibig ko. Lalo na dahil hindi pa rin siya tumitigil sa paglapit sa akin, na ngayon ay nasa tapat na nang mukha ko.

Ano itong ginagawa niya? Hahalikan ba niya ako? Is she testing me?

To think about it, our lips haven't met each other for a long time. Don't get me wrong, yes we kissed a hundred of times before. Pero hindi as intimate and passionate as you think it would be.

She always pulls out first, tila nahihiya sa akin. That was the only time that I see a different reaction of hers. She looks flustered when we kissed, embarrassed even. Hindi ko alam kung bakit pero dahil siguro ako lang ang lalaking nahalikan niya.

But I know I'm not the only man in his life alam kong may mga nauna na sa akin. Since out relationship is the on and off kind.

I was just stiffed while gazing upon her perfect lips as she covered my face with hers. Ewan ko pero bahagyang bumilis ata ang tibok nang aking puso.

Should I make a move? O baka nagloloko lang ulit siya?

Tsk, I don't care if this is a joke or not. I badly want to feel her lips against! I just want to feel her just for this moment.

Walang atubili kong itinaas ang aking kanang kamay at akma ilalagay sa likod nang kanyang ulo para mas lumapit pa ang mukha niya sa akin. But in just millisecond she blocked my arm then placed her finger onto my lips; tsked while hushing the lust out of my system.

And to think that I had the advantage. I was a fool to fall for her cunning artifice. But I was a bigger fool to fall for her.

"Ooh, what's this love? Trying to make a move on me eh? Not a very princely behaviour isn't it?"

Nuuta, ako pa ngayon ang may kasalanan? The heck, she seduced me first! Hindi ko na lang mapigilan na matawa nang pagak sa aking isip. To think that this woman in front of me is the woman I am hopelessly in love with.

At kagaya nang nauna kong mga desisyon, mas pinili ko na lang ulit na hindi magsalita. Kulang na lamang yata ay itaas ko ang magkabilang kamay indikasyon ng aking pagkatalo. I give up, ako na naman ang talo.

"Masyado ka naman atang pikon? Come on, Aragorn, I was just joking!" she chuckled.

Hindi naman talaga ako pikon, ngunit iyon na lamang ang ipinalabas ko. Dahil ang nasa isip ko ngayon ay ang tanong na kanina pa gumugulo sa isipan ko.

But I need to sound casual about it.

"Tell me, Maxima. Have you got any admirers lately?"

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya habang inaayos ang puwesto ng kanyang baril. "Gusto mo ba talagang malaman?"

"No, I'm just asking for a conversation piece." palusot ko.

Bahagya naman siyang natawa tila hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Hmm," she hummed as if thinking deeply for an answer. "Including you? None. Wala sa ngayon, mahal na prinsipe."

I just silently smirked at her comment. Kinindatan pa niya ako pagkatapos sabihin yon na kahit na madilim ang gabi ay nakita ko pa rin iyon. She doesn't include me as her admirer? Then what am I to her? A lover then?

I should not be imposing anything, yet the mere thought of it gives me jolt of electricity inside.

Positibo ba ang sinabi niyang iyon o negatibo? Hindi ko na natuloy pa ang pagiisip nang kung ano ang dahil konti na lang mababaliw na ako. Tinignan ko na lamang siyang muli na kasalukuyang sumisipat na sa kanyang sniper. Nakapatong ito sa pagitan nang dalawang malalaking bato at nakatapat sa... sa kastilyo!

Teka, bakit sa kastilyo nang Traia ito nakatapat? Baka madamay si Garfiel at Iston kapag nagkataon. But I won't worry about that since its Maxima, her aim is greater than average and if not the best marksman I have ever known. Hindi kailanman pumalya ang pagsipat ni Maxima.

Many have fallen for her beauty and charm, including me but many more for her aim. She can even spot a moving vehicle or animal and shot it at a distance without failing. She never misses.

The one thing tricky about her is she got poor eyesight.

A woman with poor eyesight yet can execute stunning feats with her great marksmanship skills. Give her a piece of paper with scribbles in it, she will ask for a pair of glasses. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong klaseng ability ang meron siya. She never told me.

Maybe she's far sighted. I don't know.

Pero sino ang kaniyang pakay sa misyong niyang ito? Why is she aiming for Traia? At sa kastilyong tinutuluyan pa namin.

"Hey, don't assume things loverboy. Can you keep a lookout for me, baby?"

Sabi niya matapos ayusin ang puwesto nang kaniyang baril. With her authority and reverse catcalling wala akong nagawa kundi sumunod. Ito lang pala ang kailangan niya sa akin, ang gawing lookout.

"Don't worry baby, I will protect you no matter what." tapos kinindatan ko siya bilang ganti kanina.

"Tss, I can protect myself. Stupid."

Ha! She looked flustered after that even her sharp languange can't hide her confound expression.

Sa wakas nakaganti rin ako sa kanya.

Pero bago pa ako makalayo sa kanya para libutin ang paligid, tinanong ko muna kung sino ang pakay niya sa Traia.

"Who else? Their king obviously, stupid."

Umalis na ako at rumonda na sa paligid. Nagulat man sa kanyang sinabi, hindi ko iyon ipinahalata. Why the king? Akala ko isa lamang sa mga galamay nang hari ang kanyang puntirya, yung pala ang mismong ulo na. Isang malaking gulo ito mamaya.

And just like what I've said, I won't worry since its Maxima. She can shoot anyone at any distance covered. Just give her the target and the distance, she will execute it flawlessly.

The greatest compliment I've heard about her was that she had hit six dueling silhouettes in precisely between the eyes at regulation distance in just five seconds.

Sino naman kaya ang nagutos nito kay Maxima? Kung tutuosin siya ang may pakana nang lahat, ang totoong may salarin sa problemang ito. Isa lamang si Maxima sa kanyang mga galamay na kahit na maputol ay pwedeng pwede niya itong patubuin nalang muli.

If her plan to kill the king fails, kaming dalawa ang lagot sa madla. They will accuse us, pati ako damay walang kawala.

This is for sure a big downfall for the Azsarians. A bad news.

At ang bad news lang sa kanila at isang malaking bad news para sa akin. If their king is to be dead tiyak guguho ang pundasyon na nagtatayo sa pag-kakaisa nang mga Traians. Katulad na lamang nang kanilang ekonomiya. Kailangan nila nang isang taong pamumunuan sila. A figure to guide them in this up coming crisis.

They would be lucky if someone has a heart of gold and gladly govern them. Pero saan ka makakahanap nang ganoon dito? Unfortunately, hindi ako isa sa mga taong may ginintuang puso.

I would likely see this city crumble amidst the war. Kung hindi lang talaga ako inaasahan nang nga hari wala ako dito sa sitwasyon ko ngayon.

With the fall of the king, the Traians will need someone to guide them. At kahit ayaw ko man sabihin at isipin, mukhang ako ang aako sa responsibilidad na iyon.

If this city were to crumble and fall, so does our reputation. Ang mga elves ay naatasan dito sa misyong ito, kung sakaling masakop at matalo man ito nang mga tribo sa labas tiyak isang malaking kabiguan ito para sa amin.

The elves I greatfully serve will seem incompetent and powerless against those invaders. At hindi kaya nang prinsipyo ko iyon. I would rather die in the battlefield manalo lamang.

Kaya sa ayaw ko man at sa hindi, I need to protect this city.

Pero hindi ko rin naman pwedeng pigilan si Maxima para itigil ang kanyang misyon.

As dreadful her mission may seem alam kong may rason ito para gawin. Its just that wala siyang pagpipilian.

I remember what her friend told me. Ever since she was a child she was sent out to missions far more dangerous like this one. Nakasalalay ang buhay niya sa mga trabahong ibinibigay sa kanya.

If she ever fail a mission one thing is certain, torture. Endless torture until she learns her lesson and do not commit the same mistake again.

That's the reason behind that foulmouthed, and sadistic demeanor.

I just want to help her, but she always kept it to herself even if she's hurting too much. She never told me anything. I only thing I wanted was to share her pain with me, so that it would not hurt as much.

But she never did..

Kaya eto ako ngayon kasama siya. Umaasang baka sa pagkakataong ito pagkatiwalaan na niya ako.

At sa kalagitnaan ng tahimik na gabi, isang bala na naman ang kumawala, hudyat nang nagbabadyang gulo kinabukasan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status