Share

Chapter 5: Curtana

It was already clear to me that he wants no help from us. With that much said, it was clearly evident that he hated us right from the start.

Siguro dahil mga elves kami. Pero baka dahil rin itinuturing niya akong isang sagabal sa kanyang mga plano.

A threat to his dirty scheme. I'm sure that behind this petty little act of his there is a hidden agenda to his plans.

The only one thing that he had done that I didn't quite like one bit is that he looked down on us.

Hindi literal pero halata naman sa pananalita niya. Its very clear to me that he thinks highly of himself and looks down on us elves.

He don't like us to meddle with his plans is it? Tingnan natin.

Kung kilala niya ako malamang hindi niya ako pagsasalitaan ng ganoon. I should have killed him there earlier. Para na rin magmukhang napatay rin siya upang isunod sa hari.

But that wouldn't be fun ain't it?

Paano ko maipapamukha sa kanya na mas mataas ako sa lahat ng aspeto kung patay na siya? Makikipaglaro muna ako sa kanya bago ko siya pahirapan at patayin.

"What's his deal?" Iston paced back and forth in the room thinking of the Chancellors true hidden motive.

"Halata naman diba? He wants to rule this town, pero dahil sa ginawa ni Aragorn naagaw sa kanya ang spotlight."

"At sinong tanga ang may kasalanan non, Garfiel?" asik ko sa kanya. Nakasandal sa dingding malapit sa isang bintana.

Hindi na lang siya nagsalita dahil alam niyang pagagalitan namin siyang dalawa. Sa halip ay isang katanungan ang binigkas niya.

"Sino naman kaya ang gagawa nun sa hari?"

"I have a hunch, but I'm not sure." Iston suggested, "Siguro ang Chancellor ang nag utos na ipapatay ang hari."

I kept looking outside the window. Thinking of a way to not be frustrated, pero tila hindi ko magawa. Kailangan kong sabihin sa kanila.

"Not quite."

At dahil sa sinabi ko, parehas silang napalingon sa akin at may mga nagtatanong na mukha. With their questioning faces confusion is highly evident.

Napatigil si Iston sa pagpapauli-uli para lamang kwestyunin ako. "What do you mean by not quite?"

"May nalalaman ka bang hindi namin nalalaman, Aragorn?" Maging si Garfiel ay nais rin malaman ang aking ibig sabihin.

I have decided, I will tell them. Pero hindi ko nais na may nakarinig sa amin kaya't mas pinalapit ko pa sila sa akin para ibulong.

"Its Maxima." I whispered just enough for them to hear. At sa pagsabi pa lamang ng pangalan niya, napatingin sila sa isa't isa, dala ang isang makahulugang tingin. Alam kong alam na nila kung bakit.

☆☆☆

A week had passed, kagaya ng inaasahan inilaan ito sa pageensayo nang isang hukbong pandigma.

Hindi ko na lamang mapigilang mapangisi dahil sa dami ng mga kalalakihan na naririto ngayon sa plaza.

Mabuti na lamang at malaki itong gitna ng bayan kaya naman nagkasya silang lahat. Mukhang ang paggamit ko nang kapangyarihan ay hindi lang para sa wala. Tumatak ito sa kukote ng mga Traians.

There were ages ranging from 18 to 80 years old. At dahil dito napagdesisyunan naming tatlo na hatiin sila sa grupo. Sa ganitong paraan, hindi manganganib ang buhay ng kabataan at matatanda.

Also because of the diverseness of their abilities we chose three different categories for them to be in.

Ang una ay ang mga tauhang pandigma. Warriors who can enforce their powers into physical combat. This will be the front if the war is to happen. Ako ang mamumuno sa kanila. I will teach them the basics of handling a sword as this is what I'm usually good at. Maituturo ko rin sa kanila kung ano dapat at hindi dapat gawin sa kalaban.

Second, is the archers. Long distance attacks play a crucial role in wars. It can take down hordes in just a blink of an eye.

Si Garfiel ang mamumuno dito dahil ito lang ang kaisa-isahang bagay kung saan siya magaling. Say it or not, an arrow shot by an elf is never to miss an intended target. That is, if you're proficient at it.

Unfortunately for me, archery is not my forte. Ni hindi ko man lang ako nakakahawak ng pana at palaso sa tanang buhay ko.

And lastly, the mages. Karamihan sa grupong ito ay ang mga matatanda dahil mas sanay na sila sa kanilang kapangyarihan. Which makes them more adept at magical attacks rather than physical close combat ones.

Iston will be in charge of this group, as he has more mastery of his powers than any of the three of us.

I won't worry about strategy and tactics right now since the ones we're training is Azsarians. Tiyak akong magagawa nilang magisip ng tama sa kalagitnaan ng laban. They are not the ones who will cower in fear in the face of death.

I'm not just sure though, I may be wrong.

Kanina pang umaga nagsimula ang pageensayo at ngayong malapit na mag tanghali ay patuloy parin sila sa paghasa ng kanilang mga kakayahan.

They excel at this all too well. Ang dating mga baguhan pa lamang sa paghawak ng espada ay kaya nang makipagsabayan ngayon sa mga marurunong, at basic lamang ang itinuro ko sa kanila.

And the most promising prodigy in all of them was Callum. A lowly peasant boy who excelled the most. Gamit lamang ang itinuro ko sa kanya sa paggamit ng espada ay ngayon ay kaya na niyang makipagsabayan hindi lamang sa marurunong kundi sa magagaling na. He can perfectly execute sword parries with might and nigh elegance.

Nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung tinuturuan pa lamang ako ni ama. He has perfect form and does so with just mere luck. No, what he does is not just luck. He has talent.

When the sun set at its highest peak, tsaka lamang namin sila pinagdesisyunang umuwi muna sa kani-kanilang mga bahay at magpahinga. The training is not yet over, we're just taking it easy for them at first. We don't want them to overwork themselves.

Halata namang karamihan sa kanila ay hindi sanay sa ganitong mga gawain kaya naman hindi namin pipilitin ang katawan nila. Baka bigla na lang silang bumagsak at mahimatay kung sakali.

Kausap ko sina Garfiel ngayon tungkol sa kung ano pa ang dapat ayusin at gawin sa hukbong pandigma. We need to plan ahead kung gusto naming manalo sa labang ito.

That is when a streak of light kept wandering off my face. Para bang galing sa isang salamin na nirereflect ang sinag ng araw at nilalaro pa ito sa mukha ko.

Hindi ko makita ang salarin kaya't panay ang lingon ko sa paligid. Pero wala pa rin.

"Mukha kang tanga, Aragorn." sabi ni Garfiel na tila lito sa asal ko.

Samantalang si Iston ay hinahanap din ang salarin. "Who would dare?"

Walang tigil pa rin ang ilaw sa pagsilaw sa akin. Pero tumigil na ako sa paghahanap nang malaman ba ni Garfiel kung sino at nasaan ang may gawa noon.

"Oh, mukhang may date kayo, Aragorn."

"Ano bang sinasabi mo? Kanino naman?" takang tanong ko, nabuburyo na dahil hindi parin matigil ang nakakasilaw na ilaw.

Walang sabing tumuro na lamang si Iston kung saan at tila paitaas iyon. Hindi kaya mismong ang araw ang may gawa?

"With your ex."

"W-what?"

Ano ang ibig niyang sabihin? My ex? Who? Maxima? The bare thought of it makes me wonder why.

Pero sabagay, siya lang naman ang taong kayang makipagbiruan sa akin ng ganito.

Mula sa dulo ng daliri ni Iston ay sinundan ko ito ng tingin. Nakatutok ito sa bundok na nasa gilid lamang ng bayan.

Gaya ng inaasahan, may isang pigura ng tao don na purong itim ang kasuotan. Tama nga sila, that's Maxima no doubt.

Kahit malayo ay aninag ko parin ang nakatutok nitong baril sa akin, katulad na lamang ng ginawa niya kagabi. Nakita ko pa ang pagkasa niya dito at tila ba handang magpaputok.

Huwag niyang sabihin na may papatayin na naman siya dito? Lalo na sa kalagitnaan ng tanghali.

Kung ang Chancellor man iyon ay pabor sa akin, pero tila mas lalo lamang itong magreresulta sa kaguluhan.

Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagiisip ay isang bala ang ramdam kong dumaan sa gilid ng aking tenga. Ramdam ko rin ang ginawa nitong hangin hanggang sa bumaon na ito sa lupa sa aking likuran.

What the?! Is she seriously trying to kill me?! Surely, may problema talaga siya sa pagiisip!

"Woah, ayos ka lang Aragorn?" manghang tanong ni Garfiel matapos makita ang tangkang pagpatay sa akin ni Maxima.

"Pumili ka naman ng mas mabait at mas mabuti na babaeng mamahalin mahal na prinsipe." payo pa ni Iston na mas lalong nakapa-pangisi sa akin.

"Nah, I want to play with this one."

"For the time being, kayo na muna ang bahala sa mga baguhan." pahabol ko pa.

Kaagad kong pinuntahan ang alaga kong usa at sumakay. "Florel, let's go."

"You better owe us a further explanation once you get back, you womanizer!"

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Garfiel. Instead, I headed to the entrance of the town with Florel and we quickly sprinted to the mountains where Maxima is.

Ano na naman ba ang trip niya ngayong araw? Ginagambala ako sa kalagitnaan ng trabaho at nagtatangka pang patayin ang buhay ko.

Even if I don't know the reason why she's here. Kahit na sinubukan pa niya akong asintahin sa malayo at patayin. Kahit na hindi ko alam kung ano ba talaga ang iniisip niya. Nakikita ko na lamang ang sarili kong pinupuntahan siya dahil iyon ang sabi ng puso ko.

Ni wala siyang sinabing puntahan ko siya don basta nagpakawala na lang siya ng bala sa akin. Even so, it gets me hyped up and excited when I think of her.

Sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon, hindi na ako makapagisip ng tama.

May tungkulin ako ngayon na dapat gampanan. Ngayon na ang opisyal na simula upang hubugin ang mga mandirigma ng Traia. Pero eto ako ngayon, pupuntahan ang babaeng kanina lamang ay nagtangkang kitilin ang buhay ko. Not just once, twice!

Kulang na lang tatluhin niya para, I love you.

But that would be so out of character, especially because its her.

"Took you long enough."

She blandly welcomed me as soon as I reached her. As if she was bored while waiting for me.

Pero imbes na mainis, tila kabaligtaran pa ata naramdaman ko.

Her, Maxima, waiting for me...

The mere thought of it just make the butterflies inside me dance wildly.

But rather than greeting her back, I unmounted Florel and quickly swung my sword; the tip of it just nearly inches from her throat.

Kagaya lang nang sinabi ko, I want to play with her. I wonder what she'll react.

I looked onto her, expecting some kind of surprised expression but I should've not expect such emotion from her.

Imbes na magmakaawa o matakot man lang sa banta ko sa kanyang buhay, isang ngisi ang ibinalik nito sa akin.

Isang ngisi na tanging sa akin lamang ata niya nakuha. In addition, she cocked up her eyebrow to look more menacing as if she knew that I was bluffing right from the start.

A little laugh came out.

"Ginagaya mo ba ako, mahal na prinsipe?"

Sa halip ay itinaas ko pa iyon upang itapat sa kanyang mata. Seryoso ang mukha kong nakaharap lamang sa kanya at hindi hinahayaang magpakita nang kahit anong emosyon.

I want her to beg, but that would be an embarassment for her.

She just brushed my sword sideways and nonchalantly walked the distance between us. I saw her smile until she reached my ears and whispered something.

"I've missed you, lover boy." she teased with her soft lovely voice while also touching the tip of my pointy ear.

"Hinahanap-hanap mo na ba ako ngayon Maxima?" seryosong bigkas ko habang inilalagay ang espada sa kinalagyan at dahan-dahang humaharap sa kanya.

I completely scanned her physique as I was afraid that I would forget. Mula sa kanyang leather jacket na tamang tama lamang sa kanya ang sukat hanggang sa leather jeans nito na yinayayakap ang kanyang katawan. It seems that even her clothes are clinging onto her beauty.

I'm quite jealous. But I would be dumb if that was true.

She was at a stone protuding on a cliff; hands raised while holding a silver bullet with her thumb and index finger. Tinapat pa niya ito sa sinag ng araw kaya naman kumikinang ang liwanag nito.

It reflected light and she is pointing it at me. Yan pala ang ginamit niya kanina.

"Umalis ka dyan, baka mahulog ka."

"Tss, as if." she rolled her eyes. "I've already fallen many times before."

My heart skipped a beat when she said that. Wag niyang sabihin na babanat siya?

Damn, if she did, I would probably lose my mind.

"At kanino ka naman nahulog?"

Nginisihan ko siya, tila may inaasahang sagot. "Stupid, I've literally fell many times. Tsaka kanino nga ba ako mahuhulog, aber?"

"Kanino nga ba? Sa dinami dami ng taong nakasalamuha mo, imposible namang wala diba?"

"Hmm, kanino nga ba, mahal na prinsipe? Imposible namang sa'yo hindi ba? Isa lamang akong hamak na tao."

Tsk, I should've said me. It was me! For crying out loud. I've fallen for you many times before, just like you did and I couldn't get myself back up anymore.

Kung sayo lang naman ako mahuhulog, sisiguraduhin kong hindi na ako babangon pa mula sa pagkakabagsak.

Like an angel with burning wings, I cannot fly again because of you. At masaya pa ako na ikaw ang dahilan no'n. A fallen angel caused by a goddess of beauty to sin and be dropped onto earth.

I had sinned because I met you.

"Yeah, maybe your right lowly peasant girl. No one can catch you, only you can catch yourself. Tama ba ako?"

"Your right about one thing, there is one you've got wrong though."

I cocked an eyebrow.

"I'm not a peasant, I'm a princess can't you tell?"

Saka lamang siya umalis sa kinatatayuang bato nang sabihin 'yon. Patalon pa siyang umalis roon kaya naman gumawa ng ingay ang kanyang combat boots. Inilagay na rin niya ang kaninang hawak na bala sa kanyang utility belt.

I can tell, if she wanted an answer. I'm a prince after all and a prince needs a beautiful princess. Wala na akong magagawa pa kung nagpresinta na ito sa aking harapan.

Kung gugustuhin niya ay pakakasalan ko siya ngayon din.

She paced through until she stood in the spot where I pointed my sword at her earlier. Doon nakalagay ang kaniyang gamit.

I could just watch her walk all day. She looks badass in that all black outfit of hers. Hapit na hapit ito kaya naman kitang kita ang bawat indayog ng kanyang katawan tuwing gumagalaw.

I was again, mesmerized by just her shallow movements. Even with her slightest motion I could go crazy and start tenderly adoring her from view.

May hinalungkat siya sa mga gamit niya at nang makita na ang hinahanap ay agad itong humarap sa akin.

Itinapat niya sa mukha ko ang isang espada sa kaluban nito.

It has a brownish colored grip, siguro ay gawa sa isang matibay na puno. It also has a pommel on its end where a knuckle bow is attached, connecting to the crossguard. Ang kaluban nito ay gawa sa balat ng hayop. With its colors of crimson velvet and gold embroidery.

Mukhang mamahalin ang espadang ito. Saan naman kaya niya ito nakuha? Siguro galing ito sa isa sa mga manliligaw niya. Anong ipapanlaban ko dyan? I am not crowned yet at siguro hindi na.

Hindi naman talaga ako ang sunod sa trono kundi ang nakatatanda kong kapatid. I have no right to assume that I would be king.

"What's that?" I asked kahit alam ko namang sa akin niya ibinibigay ito.

"A sword, you idiot. I am giving it to you."

"Saan naman yan galing, princess?" pangaasar ko pa sa kanya. Samantalang isang ngisi na naman ang pumorma sa kanyang labi.

"I stole it of course." she looks so proud, caressing it preciouly as if it were a lucky charm.

"Ano?" I was shocked but did not exclaimed. Alam kong may dahilan lagi ang lahat ng ginagawa niya. "Kanino?" dagdag ko pa.

"From my boss, kanino pa ba?"

Ah, her boss. Her evil torturer. Kaya naman pala.

Ngayong alam ko na ang dahilan, nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko pa ba o tatanggihan na lang.

And looks like she read my mind, "Come on, hindi ito nakaw mismo, Aragorn. I just acquired this while doing a mission."

She looks flustered now, even refusing to look at me. "It came from Archangel Michael or something, isang celestial. Its name is something like Curtana or Courtain, you can call it whatever you want."

Nakita ko na lamang ang sarili kong nakangiti at malugod na tinatanggap ang regalo niyang espada para sa akin. To think that she would give me something without expecting any return.

"Salamat." kinuha ko na ito, bahagya ko pang naramdaman ang napakalambot niyang mga daliri. "I'll cherish it forever."

At sa pagkakataong iyon, muli niyang tinawid ang pagitan naming dalawa at saka ako kinulong sa isang mainit at mahigpit na yakap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status