Share

Kabanata 51

Kabanata 51

Heiress

Maaga pa lang ay tumulak na kami ng patungong Calatagan Batangas. Dad wanted us to see our new home. Dito na raw kami titira mula ngayon.

Sa byahe pa lang ay hindi na mawala ang kaba ko sa pananabik na makita ang villa na sinasabi ni daddy. Matagal na raw na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang villa na siyang pinamana pa kay daddy ng mga magulang n'ya.

Sumilip ako sa may bintana nang matanaw ang malaking arko na sumasalubong sa amin. Naka-ukit doon ang pangalang Villa Falcon na siyang mas lalong nagbigay sa'kin ng matinding kaba.

"Nandito na tayo..." Narinig kong wika ni dad sa backseat.

Bago namin marating ang destinasyon ay ekta-ektarya munang bungang kahoy ang madaraanan mo. Namangha ako sa nakitang puno ng calamansi at guyabano na nakahilera habang papasok kami ng bakuran. Gano'n rin ang ilang puno ng mangga sa bandang likuran, at sa tingin ko'y mas marami pang puno sa banda do'n.

Hindi rin biro ang mahabang kalsada patungo sa aming destinasyon. Pakiramdam ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status