Share

Kabanata 58

Kabanata 58

Aisle

Hindi maampat ang aking luha habang sakay ng sasakyan. Panay naman ang alo sa akin ni Inay na walang tigil ang paghaplos sa aking likod.

"Huwag kang mag-alala hija. Magiging maayos rin ang lahat."

Ngunit walang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang pwedeng kahinatnan ni Argo. Sabi ni Inay ay naaksidente ito habang patungo dito sa Calatagan. Kaya pinadiretso ko na sa pinakamalapit na ospital ang sasakyan dahil dito daw malamang dinala si Argo.

Ngunit nalampasan na namin ang ilang ospital ay hindi pa rin tumitigil ang sasakyan. Hindi ko na binigyan pansin ang bagay na 'yon pagkat gulong-gulo pa rin ang isip ko sa nangyayari.

Subalit nakalabas na kami ng Calatagan ay hindi pa rin humihimpil ang sasakyan sa ospital.

"Saan ba tayo papunta?" Hindi ko na napigilan itanong kay Inay.

Ngunit hinaplos lang niya ang likod ko't tumango sa'kin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Mas lalong tumahip ng malakas ang aking puso.

Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Saan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lanie Rodas Plata
Dapat hanggang Sa manganak C nathalia
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status