Share

Chapter 4

Chapter 4(First kiss with Iza)

Hapon na ng maisipan niyang bumaba, pinatawag kasi siya ni Izekiel para sa dinner.

They are all in dining area pero hindi na kagaya dati nasa kanan nito si Megan at kaliwa naman si Natalie.

And when she arrive ay nagsisimula ng kumain ang mga ito.

She is a bit disappointed.

She can't interrupt in their conversation dahil hindi niya alam kung anong pinag uusapan ng mga ito.

At ayaw niya namang makisawsaw.

So she just focused on eating.

At kunwari walang naririnig.

"You promised me, Izekiel na isasama mo ako sa beach resort mo," it was Megan while pouting her lips.

Natalie glared at Megan.

"You mean, you promised her na isasama mo siya sa beach ? How about me?" Hinawakan ni Natalie si Izek sa braso.

Tila mga batang nag aagaw ang mga ito sa isang laruan

At  napailing nalang siya.

And she feel out of place, she can't seduce him like what they did.

Pakiramdam niya ay nawalan nanaman siya ng gana.

"Ok I promise, next week we will be going to the beach"

Nilulunok niyang pilit ang pagkain, ngunit sa bangayan ni Megan at Natalie ay nawawalan siya ng gana.

She finishes her food at tumayo.

" And you're coming with us Aria"Napabaling siya kay Izekiel.

Hindi siya makapaniwalang tatawagin siya nito sa petname niya.

" O-ok"

Pinatong na niya ang kutsara't tinidor sa plato.

At tumayo.

Napatitig sakanya si Izekiel.

"Are done?"

Halos kalahati lang kasi ang nabawas sa pagkain.

She nodded at nagiwas ng tingin dito.

His blue eyes is so beautiful na sa tuwing tinititigan niya ay para siyang nahihipnotismo.

"Ahm.. excuse me" yun lang at tumalikod na siya.

"Wait.. you always had that kind of habit, you eat less and leave, you're not here for vacation Miss, Armani."

His voice was cold.

At ramdam niya ang titig nito sa likod niya.

She turned around, "I'm sorry.. mabilis kasi akong mabusog" she awkwardly say.

He just stared at her intently, and sighed heavily.

" You can ask the maid, if you're starving, taking care of yourself is your only responsibility here Miss. Armani"

He casually say.

She nodded.

" I will take care of myself, thank you Mr. Izek"

At nagmamadali siyang umalis.

Nasa loob na siya ng kwarto she is planning to be alone with Izekiel but how?

Nakarinig siya ng katok sa pinto.

At pumasok di Alice at Myla.

" Hi ma'am.. "may dalang isang baso ng gatas si Alice at tila may dalang gamot si Myla.

Napakunot noo siya.

" Ma'am pinadala po ni Señorito para makatulog daw po kayo ng mahimbing maganda po yang gatas at pills po"inilapag nito ang baso ng gatas sa bedside table niya.

"The milk,, is just fine pero ang sleeping pills I already tried a lot of it but nothing happens still nagigising parin ako,and my mom, forbids me for using those dahil na overdose ako diyan "nagkatinginan ang dalawa.

Ngunit nagtataka siyang napatingin sa mga ito.

" How did you know that I can't sleep? "

Nagkatinginan ulit ang mga ito.

" Ahm.. ma'am medyo obvious po kasi pag wala kayong ayos na tulog. "

" Ganun ba..? Ahm.. Can I ask you something? "

Napatango naman ang dalawa.

" What's the name of the woman in the other room? "Tukoy niya sa babae sa kabilang kwarto.

" Ah.. I-Iz.. Iza ma'am.. "si Myla

" O-oo nga Iza po.. "segunda naman ni Alice.

" Oh.. Iza.. girlfriend din ba siya ni Mr Izekiel? "

Nagkangitian ang dalawa.

At umiling" wala po silang relasyon mag pinsan po sila''si Myla ulit ang sumagot.

"Oh.. good dahil baka makapag kwento ako sakanya tapos magalit siya sakin."

Matamis na ngumiti siya sa dalawa.

She drinks the milk,and she tried to sleep again.

But as the same ay nagising nanaman siya.

So she got up, at naisipang puntahan ulit si Iza,at mahinang kumatok sa pinto.

She slowly pushed the door, it was so dark inside at halos wala siyang maaninagan.

"Iza..? Are you still awake..?"

Bumangon ito ngunit nakatalukbong parin.

Hindi na siya lasing ngayon, hindi kagaya nang nagdaang gabi.

She sat again in the carpet.

"I still can't sleep..." Bungad niya.

But she didn't response as expected.

"You know.. it's always a restless sleep.. everytime I tried to sleep those people keeps on appearing in my dreams, and I hate it.. it's almost a decade yet my mind can't move forward.."

Nakaupo lang ito na tila nakikinig sa mga sinasabi niya.

Kahit hindi niya makita ang itsura nito ay halatang interesado ito sa kanya.

"You know.. Iza.. I want to share a secret with you.. but please.. don't tell your cousin about it ok?"

Iza nodded.

"Ahm.. I wanted to be with your cousin,, but.. I didn't know how to approach him.. nahihiya ako I'm not a kind of woman who know how to seduce a man, my best friend told me na.. kailangan ko daw makipag usap and.. hah! Marami siyang advice pero.. I can't do it.. you know.. Megan and Natalie already scored"natawa siya. At kita niya ang pag alog ng balikat nito na tila natawa din.

" But me.. I'm still here.. I call my best friend to tell her that, pero pinagtawanan niya lang ako.. sabi niya sana daw sinubukan ko muna doon sa pinsan niya.. but you know.. My goal is to make Mr. Izekiel fall for me.. funny right? But.. my dad told me not to pressure my self, If he's not for me umuwi nalang daw ako and choose a man who wanted to be with me,"she heard Iza breath heavily.

Hindi niya alam king nagagalit ba ito.

" But.. I think I need to try, even though napaka layo ng agwat ko sa mga babaeng kasama ko.. and I just wanted to tell you about what happen last night.. "kahit hindi niya ito nakikita ay pakiramdam niya ay namumula siya.

" I disturb your sleep-"ngunit umiling ito." Really? You mean.. I can still sleep beside you? "

And Iza nodded again.

Tumayo siya at naglakad papunta dito, at naupo sa kama napatingala siya.

" Your tall right? Kasi.. hanggang baba mo lang ang ulo ko"natatawa niyamg sabi.

" You know.. last night was the best night for me.. I sleep almost ten hours.. na akala ko pangarap ko nalang habang nandito ako, I used to sleep beside my ate Arielle or mom, I was living alone in my condo pero lagi akong umuuwi para lang matulog kasama sila., "Nahiga na siyang una and tapped the space beside her.

At nahiga naman ito.

Nakaharap siya dito.

At naamoy nanaman niya ang mabangong hininga nito.

She can't understand but her scents make her fall asleep.

Siniksik niya ang katawan dito at pinikit ang mata.

"Goodnight Iz..a." at nakatulog na naman siya.

Nag unat siya ng kamay pagka gising.

At nagtataka na nasa loob nanaman siya ng kwarto niya.

"Paano ba ako naililipat ni Iza?" Nagkibit balikat lang siya she has a goal right now.

Find Izekiel!

She was walking alone in the garden.

Hindi niya mahanap si Izekiel.

Kung baga sa basketball ay nakakailang shoot na ang dalawa niyang kasama samantalang zero parin siya.

Napabaling ang tingin niya sa isang parte ng hardin na may glass wall.

At na curious siya kung anong nasa loob nito.

Kaya naman naglakad siya papalapit.

It is almost a tinted glass wall at hindi niya kita ang loob, akma sana siyang papasok ngunit napornada iyon ng mapansin niya ang isang lalaki na nakatalikod it was Izekiel!

Ngunit natatakpan lang pala nito ang katawan ni Megan.

Napakagat labi siya.

At dahan dahang umatras.

Napabuntong hininga siya.

Matatalo talaga siya ng mga ito dahil mukhang nag eenjoy na si Izekiel kasama ang mga babaeng ito samantalang hindi pa niya nararanasan.

"Babawi ako bukas"

Ngunit kinaumagahan ay ganun parin, si Natalie naman ang kasama nito.

Nawawalam na siya ng pag asa.

She was walking alone again in the garden ng makita niya ang maze.

It was a tall maze akala niya ay mababa lang ito pero mukhang sinadyang ipagawa ang maze para malito ang papasok.

She saw a man enter that maze kaya naman na curious siya.

At sinundan niya ang lalaki ngunit nagulat siya ng biglang lumabas ito at muntik na siyamg mabunggo.

"Opss!" Buti ay nahawakan siya nito sa braso.

"Sorry.." hingi niya ng paumanhin dito.

Mukha itong garden ng maze.

"Nagta-trabaho kaba dito?" Di niya maiwasang itanong.

Tumango naman ito at ngumiti.

"Yes ma'am ako po pala si Arjay"

"Oh.. hi Arjay.."

Ngumiti siya dito.

At nakatitig naman ito sakanya.

"Ma'am kulang po ng isa ang contact lense nyu" puna nito na sa mata niya pala nakatingin.

Natawa siya.

"I don't use lenses that's my real eye color"

Napa 'oh'ito na tila hindi makapaniwala.

"Tsaka.. ang ganda mo ma'am" deretsohang sabi nito.

Na ikinatawa naman niya.

At tila doon lang ito nahiya.

"Ok Arjay, pag pumasok ba ako diyan makakalabas ba ako ng buhay? "Natatawa niyang biro dito.

Tumawa din ito.

" Ma'am, si Señorito lang ang nakakalabas dito sa loob lang ng sampung minuto"tila pagmamayabang nito.

" Really? "Mukha kasing maliit ang maze mula sa kwarto niya kaya mukhang madali pero napaka laki at malawak pala ito.

" Opo ma'am.. "

Tila naman na excite siya.

" Gusto kong itry"

Umiling naman ito.

"Ma'am hindi ko rin po kabisado ag maze, kaya pag pumasok kayo diyan at wala si Señorito baka hindi kopo kayo mahanap,"

"Ok, let's have a deal, papasok ako pero pag five minutes na wala pa ako, ahm.. bibigyan kita ng five thousand"

Napailing ito.

"Ma'am mahihirapan kang makalabas diyan,"

"Ok, the deal with me.." hamon niya dito.

Inilhad niya ang kamay para sa pakikipag deal.

At ngumiti naman ito at tinanggap ang kamay niya.

"Ok ma'am deal" nakatawa ito na tila ba siguradong sigurado itong hindi siya makakalabas.

Nakipag handshake ito sakanya.

But she has a best memory, lahat ng dinaana niya papasok ay tinatandaan niya, she is good in directions at kahit isang beses lang siya nakakapasok sa isang lugar ay nagagawa niyang makalabas at makabalik, yun ang naging trabaho niya dati noong nasa Italya siya ng makidnap siya.

Siya ang dinadala sa mga lugar na mapanganib dahil sa galing ng memory niya kaya nakakatakas sila dati.

She was walking inside the maze habang tinatandaan ang mga dinadaanan, ngunit nakarinig siya ng yabag kaya natawa siya. At tiningnan ang suot na wrist watch.

"It's just three minutes -" ngunit pagpihit niya ay dalawang pares ng asul na mata ang nakatunghay sakanya.

He look annoyed.

"S-sir Izekiel.."

Napalunok siya dahil napaka lapit nito sakanya, and he's so tall.

"What are you doing here? Hindi mo ba alam na pwede kang maligaw?"salubong ang makakapal na kilay nito.

"I'm good at direction.."

Yun nalang ang nasabi niya.

"Really?" Sarcastic nitong tanong.

Nagtataka siya kung paano nito nalaman na nandito siya samantalang kasama lang nito si Megan kanina sa Glass wall garden.

Tumango naman siya.

"Ok, then if you really good at direction guide me out"

He gazed at her, and she lick her dry lips dahil narin sa antisipasyon at kabang nararamdaman niya.

This is the time na kailangan niyang maging ka close ito.

She walk pass him, at naaalala pa niya ang mga dinaanan nila, habang ramdam niyang nakasunod lang ito ng tingin sakanya.

'bakit ba ang sungit niya sakin pero pag si Megan at si Natalie ang kasama niya ang bait bait niya'

Napairap siya sa hangin.

And in just three minutes ay nakalabas silang dalawa.

"Woah!" Gulat na sabi ni Arjay."ma'am dinaya mo ako, kasama mo kasi si Señorito" napapakamot ito sa batok na tila nahihiya kay Izekiel.

"No, I'm not kahit tanong mo pa sakanya, right Sir?" Bumaling siya kay Izekiel na tila nagulat.

But he nodded.

At ngumiti siya dito.

"Still bibigyan parin kita ng five thousand,, ok? Mamaya babalik ako dito just wait me here ok?kukuha lang ako ng pera sa room ko"

" W-wag na ma'am talo naman ako.. "nahihiya nitong sabi.

Umiling naman siya," it's ok.. it's just a small amount, for your family "

" You don't have to do that "napabaling siya kay Izekiel na seryosong nakatitig sakanya.

" Do what? "

" Bribe him"

"Bribe him? That's not the purpose-"

"I'm giving them enough salary so.. you don't have to bribe him"

Nakaramdam siya ng inis dito.

Tinaas niya ang kamay to stop him.

" Fine! "At tinalikuran niya ito at pumasok sa loob ng bahay.

Nagkulong siya ng kwarto at hindi lumabas kahit hapunan.

Kahit pa tinawag na siya ni Alice at pinapa baba daw siya ng señorito ay hindi parin siya bumaba.

Kaya naman nagulat siya ng hatiran siya ng pagkain ng mga ito, ngunit kasama si Lance.

"Madam good evening.."

"Ah.. Mr. Lance kamusta..?" Ngumiti siya dito.

"Pinahatid ni Señorito amg hapunan mo dahil hindi ka bumaba"

She just sighed.

"Ahm.. nawalan ako ng gana.."

Tumango naman ito at bahagyang ngumiti.

"Is there anything you want, or.. puntahan?"

Napatingala siya dito. Ngunit umiling siya.

"I'm fine.. at pwede po ba pakisabi kay Señorito Izekiel na.. sorry sa nangyari kanina.."

Nahihiya siya pero hindi naman niya pwedeng patagalin ang problema.

Tumango ito..

"Ok madam."

Naupo ito sa sofa akala niya ay lalabas na ito.

"Ahm.. Mr. Lance..?"

"Madam, Lance nalang po ang itawag nyu sakin"

" Ok.. Lance how long have you been working here? "

Tila naman nagbibilang ito.

" Almost half of my life maybe."

Natawa  ito

" Really? "

Hindi siya makapaniwala.

" Yes, I was working here since I was only 19 at nung ipinanganak si Señorito ay nakasama niya na ako, hanggang sa mag binata na siya. "

Napangiti siya napakatagal na pala nito.

" Really? Hindi kaba nagsawa sa tagal mo dito? "

Umiling ito.

" Kung bibigyan ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay pipiliin ko parin silang pag silbihan"

" He has a good family "tukoy niya sa pamilya ni Izekiel.

" Yes ma'am, lahat kaming magkakapatid ay pinag aral ng daddy ni Señorito nagkasakit ang nanay ko sila ang nagpagamot, pati narin sa tatay ko, at niligtas nila ang buhay ng kapatid ko lahat utang na loob ko sa kanila"

Nahigit niya ang hininga sa nalaman.

Kaya pala paramg nainsulto si Izekiel kanina sakanya dahil sa sinabi niya.

She literally can't sleep dahil sa nangyari.

Nakokonsensiya siya pati tuloy kay Iza ay nahihiya siyang magpakita.

Dahil sa nangyari.

Dadalawin lang niya si Iza pero hindi sita matutulog sa kwarto nito ngayon.

She knock on her door at pinihit ang seradura.

Naupo ito sa kama ng makita siya.

"Ahm.. I'm just here.. to tell you na hindi muna ako tatabi ng higa sayo.."

She heard her sighed heavily na tila hindi nagustuhan ang sinabi niya.

"I'm.. I'm just ashamed of myself today.. Iza.. that's not my intention.." napabuga siya ng hangin.

"Izekiel will never liked me because of my attitude.. he was so sweet when his with Natalie and Megan, pero parang ayaw niya sakin.."

Nakaramdam siya ng bikig sa lalamunan niya.

"And.. I think I need to go back home.. and, As planned I.. I will just find a man that will like me.. Because Izekiel will never like someone like me.. "nakaramdam siya ng lungkot.

Ayaw niyang magsalita pa baka kasi maiyak siya.

So she stood up.

" Well.. I need to go back to my room.. Iza.. goodnight and sleep-"

But Iza tapped the bed beside her.

Umiling naman siya.

" Maybe.. from now on, I need to try to overcome this, at ayaw kong makaistorbo pa-"

But she tapped the bed again.

And she chuckled.

" Maybe Iza likes me.. "she saw her nodded.

At napangiti naman siya.

She walked forward to the bed.

At naupo.

" Thank you Iza for making me feel, good"

Kahit hindi niya ito nakikita ay hinawakan niya ang kumot nito at hinila ito pababa para magpantay ang mukha nila.

She wanted to kiss her in the cheeks ngunit dahil sa madilim ay ramdam niya ang pagtama ng labi niya sa gilid ng labi nito.

And she heard her heavy breathing.

Kaya natawa siya.

" Did I stole your first kiss? "Natatawa niyang sabi.

Umiling ito.

" But you did stole my first kiss, my intention is to kiss you in your cheek.. "and she chuckled.

Nahiga siya at hinila ang kumot nito para humiga narin ito.

Humiga ito paharap sakanya at ganun din siya.

At kagaya ng dati niyang pwesto ay natulog siyang nakasiksik dito.

*end of chapter 4*

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status