Share

Chapter 13

Allison POV

“Jazzer?” Kumatok ako sa kwarto ni Jazzer. 

Natatandaan kong ito ang kwarto na tinulugan ko no’ng narito ako. Sa kaniya pala iyon. Napaisip tuloy ako kung saang kwarto siya natulog. 

"Tao po! Jazzer?! Hindi mo ba ako lalabasin dito?" Muling katok ko. Tahimik lamang si Kaye Ann at ang Mommy niya sa likuran ko habang bitbit nila ang niluto ko. Halatang kinakabahan sila at hindi ko alam kung bakit. “Galit ka ba sa ‘kin dahil hindi kita sinipot kahapon? Sorry na nga, e! Gusto mo mag-date tayo ngayon?” nangungumbinsing sigaw ko.

Napalabi ako nang walang tumugon sa loob. Wala yata talaga siyang balak sumagot. Humarap ako sa dalawang kasama ko at pinilit na ngumiti. Nagkatinginan lang sila.

“Mauna na po ako, tita! Kaye Ann! Mas gusto po yata niya kung—” Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig ang pagbukas ng pinto. Ngumiti ako at tagumpay na kinuha ang pagkain kay Kaye Ann

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status