NANG MAKARATING SILA sa project site sa Sual, halos hindi nila mapigilang mamangha. Nakita na ni Evie noon ang ilang bahagi ng lugar. Nai-send sa kanya ni Silver ito noong bagong bili pa lamang niya, labis na siyang namangha noon sa mga videos palang ngunit mas kakaiba ang pakiramdam kapag aktwal mo ng nakikita. Labis siyang namangha sa ganda ng lugar dahil gustong-gusto niya ang nature places.
Maganda ang panahon dahil hindi masyadong maaraw kahit pa tanghali na, malakas rin ang ihip ng hangin at rinig na rinig ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan sa baba ng tila burol na parte ng site area. Tila nasa Batanes ang datingan ng lugar ngunit hindi pa ganoon nade-develop.
"Wow! Ang ganda dito!" komento ni Ingrid na kinabigla nila Evie at Benjamin ng marinig ito kaya natigilan sila at napatingin rito.
"Nag -- nagtatagalog ka pala, Miss Ingrid?" takang tanong pa ni Benjamin rito.
"Oo naman po Sir, dito naman po ako sa Pinas lumaki." sabay ngiti pa nito na tila kinabigla talaga nila Evie.
Buong akala nila ay banyaga rin ito kagaya ni Khalil na hindi talaga masyado nakakaintindi at salita pa ng Pilipino.
Habang abala ang mga lalaki sa pag-site inspection, naiwan naman sina Evie at Ingrid sa para makapaglibot sa paligid. Parehas din silang kumukuha pa ng pictures.
"Akala ko talaga -- arabo ka rin kagaya ng boss mo?" saad pa ni Evie pagkalapit nito kay Ingrid. Tila taliwas ang hampas ng hangin sa lugar nila kaya panay siyang hawi ng magulo na niyang buhok.
"I'm a Filipino-Pakistani, pero hindi ko siya boss noh! Well, somehow I'm kinda working with him, but he's not my boss."
"How come?" hindi naman napigilan ni Evie na magusisa pa.
"I work as a column journalist in KKT network. Kailangan ko lang talaga sa scoop ng column ko ang buhay nitong Khalil Kaur na toh kaya heto, sunod-sunuran ako kahit saan siya magpunta!" saad pa nito na parang napipilitan sa ginagawa.
"Really? Kahit saan magpunta si Mr. Kaur, dapat kasama ka?"
"Technically, yes! Gusto yata ng network na pati pag-utot ng isang Khalil Kaur eh maisulat ko!" sabay paikot nito ng mga braso sa harapan niya.
Hindi naman na napigilan ni Evie na matawa.
"Hahaha! That's sounds awesome! Akala ko nga sekretarya ka rin niya."
"Hindi noh! Napaka-hambog ng lalaking yun! Gwapo nga pero ang presko! Ang sungit pa!"
"Pero inamin mong gwapo." tila pangaasar pa ni Evie.
"Ah eh -- oo nga! Pero maliban dun, wala ng maganda sa kanya!"
Natatawa man, Evie finds her really cute. Especially, the way she talks about Khalil, parang may something din sa kanila na hindi pa niya makompirma.
Napatingin naman si Evie sa mga lalaking abala sa site inspection. Nakita niya ang boss na si Benjamin na kausap si Khalil. Kita niyang seryoso masyado ang mga ito. Nakita niya rin si Tom na abala sa pagsusulat yata ng bawat sinasabi nila Benjamin at Khalil.
Hindi sa sinadya niya ngunit hinanap pa rin ng paningin niya si Silver, nakita niya itong medyo nakalayo sa mga kasamahan. Nasa edge ito at tila nakatanaw sa malayo, doon rin kasi banda ang dagat. Namasdan niya ito kahit nakatalikod sa kanya.
Naalala niya kaya noong unang pagbili niya sa lugar na ito? Na pinagmalaki niya pa sa akin at tinanong niya pa ako kung ano ang mas magandang gawin sa location na ito, residential ba o resort, at sinabi kong resort.
Tila nakatulala si Evie na nakatingin sa gawi ni Silver at hindi niya namalayang nakaharap na pala ito sa kanya. Nakatingin rin si Silver kay Evie at parehas silang hindi nagaalis ng tingin sa isa't isa.
Pero ngayon binenta na niya ang lugar na ito..
Napabalik naman sa wisyo niya si Evie at nagyuko na ng tingin. Tumalikod na rin siya at naglakad palayo sa lugar. Napansin na iyon ni Silver at nakadama naman ang binata ng lungkot at panghihinayang. Kita rin ni Silver ang pungay at lungkot sa mga mata ni Evie. Ni hindi niya alam kung papaano ba niya iyon mapapawi man lang.
Habang abala pa rin ang mga kalalakihan ay nagkaayaan naman sina Evie at Ingrid sa baba ng burol, sa beach side. Rocky seaside iyon walang humpay ang hampas ng alon doon.
"Ahh! Grabe! Ang lakas ng hangin rito!" saad pa ni Ingrid habang naglalakad sila sa tabing dagat ni Evie. Panay hawi sila sa mga naglilipana nilang buhok. Para tuloy silang nakikipagsabunutan.
"Hahaha! Oo nga eh! Konti na lang matatangay na lahat ng buhok ko!"
"Hahaha!"
Mabilis nagkapalagayang loob silang dalawa dahil sila lang naman ang babaeng kasama. Nakatayo sila sa may tapat ng dagat at sabay pinapanood ang hampas ng mga alon at dinadama ang malakas hangin.
"Ikaw, Miss Evie? Gaano ka na katagal na sekretarya ni Mr. Benjamin?"
"Hmm.. Mag-three years na rin."
"Okay naman ba si Mr. Benjamin sayo? Hindi ba masungit?"
Nangingiti naman si Evie dahil ang totoo, siya pa ang nagsusungit sa boss niya.
"Hindi. Mabait si Benjamin, sobrang workaholic at masunurin sa parents niya. Mabait siya sa lahat ng empleyado niya."
"Hmm.. Alam mo ba si Khalil? Halos nanginginig ang mga tuhod ng mga empleyado niya kapag nakikita na siya. At kapag kausap na siya? Dinudugo na sila!"
"Dinudugo? Bakit?"
"Kaka-English!"
"Ah? Hahaha!"
At sabay muli sila nagtawanan na para bang close na close na sila sa isa't isa.
"Pero si Sir Silver mabait naman. Medyo suplado pero mabait naman din. Hindi mo nga lang siya makakausap kung hindi tungkol sa business, sa kotse at business ulit!"
Napaisip naman si Evie, mukhang nagpakasubsob nga ito sa negosyo niya.
"No wonder mga walang love life din ang mga lalaking yun, masyadong mahalaga sa kanila ang pera nila. Kaya nilang talikuran ang lahat ng tao kahit gaano pa kaimportante sa kanila para lang sa ambisyon nila." tila may pait sa tono ni Ingrid ng sabihin ito. Napalingon naman si Evie sa kanya na tila naramdaman din nito ang pait sa sinabi nila.
Tama siya..
HABANG abala pa rin sa planning ng area, napansin naman na ni Benjamin si Evie kasama si Ingrid sa baba ng burol at nasa malapit sa beach. Minasdan niya ang ginagawa ng mga ito at mukhang nag-e enjoy sila sa sight seeing ng lugar.
"Why you didn't bring Matt with you, Silv?" tanong ni Khalil kay Silver at napatingin naman sa kanila ang lahat.
"I don't usually bring him to all my business transactions. Some of it is not related to my company works." simpleng sagot lang ni Silver sa kanila habang may binabasa na isinulat ni Tom.
"Gladly you brought your secretary, Ben. Ingrid wouldn't feel bored."
Napangiti naman ng bahagya si Benjamin rito. "Evie is not just a secretary/assistant to me. She's like a friend I can always depend on." sagot naman nito at talagang napalingon na si Silver sa kanya dahil sa mga narinig.
"That's nice to find someone who's really trustworthy."
"Why? How about Miss Ingrid?"
"Oh, Ingrid is not actually my secretary, Saji is. He just needed to be back in Dubai." paliwanag naman nito kaya napatingin naman din ang lahat sa kanya. "She's a -- a column journalist. It happens that -- she needed to cover my lifestyle so there she is! She's with me in all my transactions and everything."
"Wouldn't be that dangerous? Your life should be confidential, does it? Afterall, you are the Khalil Kaur." komento pa ni Silver.
"Hmm.. Actually, Ingrid doesn't really put everything on her column from bottom to top. Just an interesting one, enough to make people envy a life of wealthy bachelors like us." pagtaas pa ng dalawang kilay nito.
May pagkapresko si Khalil at aware na sila roon. Ngunit mabait naman din ito bilang kaibigan at business partner, huwag na huwag nga lang siyang gagawan ng hindi maganda dahil hindi niya yun basta lang palalampasin.
Bahagya naman silang natawa dahil sa nalaman. Buong akala nila ay sekretarya rin ni Khalil si Ingrid. Pansin na rin kasi nila ang tensyon sa pagitan ng dalawa, ngunit hindi kagaya ng kina Evie at Benjamin na komportable na sa isa't isa.
Makalipas ng ilang sandali pa ay bumalik na rin sila Evie at Ingrid kung nasaan ang mga kalalakihan, nagbabakasakali silang baka tapos na ang mga ito sa trabaho nila at hindi nga sila nagkamali.
Tila may sini-send na email mula sa mga phone nila sina Tom at Silver. Lumapit na muna si Evie sa boss niya.
"How is it?"
"Great! Can't wait to see the resort here." pagtungo-tungo pa ni Benjamin. "We'll gonna have a formal meeting by next year na siguro. After masimulan ng Palawan project natin kay Silver."
"Copy that."
"I want you to forward it to engineering department about this."
"Sure Sir."
Sakto namang napalingon si Evie kina Ingrid at Khalil na mukhang lumayo sa kanila. Napansin niya ang nakapaikot ang mga braso ni Ingrid at seryosong nakatingin kay Khalil, bahagyang nakapatalikod si Khalil sa pwesto niya kahit hindi niya nakikita ang reaksyon nito.
Tila pinanood niya ang dalawa na magusap dahil ang mga reaksyon ni Ingrid bagamat hindi niya naririnig ang sinasabi ngunit napapalagay niya kung ano ito. Para itong naiinis at naasiwa. Ganun ba talaga nakakainis ang isang Khalil Kaur para sa kanya? Kung hindi niya lang alam ang totoo, iisipin niyang magkasintahan itong palaging nagtatalo na parang aso't pusa.
Nakita niyang pinaangat ni Khalil ang baba ni Ingrid at bahagyang inilapit nito ang mukha sa dalaga. Nanlaki ang mga mata niya dahil akala niya ay hahalikan ito ni Khalil ngunit hindi naman. Ngayon gusto na niyang isipin na may something na talaga sa mga ito. Lihim siyang natutuwa at magpipigil naman ng ngiti.
Bagay naman sila eh. Parehas mukhang mga Arabo! Ang cute nilang tingnan.
Hindi niya mapigilan ring hindi mangiti bago pa man alisan ng tingin ang dalawa at sa hindi inaasahan, nahagip ng paningin niya si Silver na tila nakatitig na sa kanya.
Nasalubong niya ito ng ngiti niya ngunit kaagad niyang binawi at nagpatay malisya. Napaiwas na lang din kaagad siya ng tingin bago naglakad patungo kung saan naka-parking ang mga sasakyan nila.
"So, are you all ready to go to my beach house?" tanong pa ni Silver nang magtipon na sila sa tabi ng mga kotse nila.
"Ah, sige po Sir Silver, Sir Benjamin, Sir Khalil. I'll go ahead."
"Aren't you coming with us?" takang tanong naman ni Khalil rito.
Tila naiilang na napapatingin si Tom kay Silver at napatingin rin ito kay Evie.
"N --no Sir. I still have some work to do in Manila." tila pagpapakumbaba pa nito.
"Bye, Miss Evie."
"Bye." pormal lang ding sagot ni Evie dito ngunit sa loob-loob niya.
Oh, thank God!
Buong akala niya ay makukulit na siya ng lalaking yun.
Sumakay na sila muli sa kani-kanilang kotse at nangunguna si Silver sa pagmamaneho sa daan.
Nag-stopover sila sa isang bayan at napansin nilang isa itong wet market.
"We're here in Dagupan, I'll buy some foods for us to take." saad naman ni Silver ng makalabas sa kotse niya.
"Can I help you?" tanong naman ni Ingrid.
"S -- sure."
"Then I'll also help do the marketing." napatingin naman ang lahat kay Khalil.
"Are you sure? You never even go to the grocery stores." tila may pagkasarkastikong komento pa ni Ingrid rito.
"Well, I am now." tila masungit namang sagot din ni Khalil sabay alis ng coat niya. Gayun rin ang ginawa nila Silver at Benjamin.
"Then let's all go to the market, then buy any foods we want. The more the merrier, right?" nakangiting saad pa ni Benjamin at napatingin naman sa kanya ang lahat.
Pinauna na ni Ingrid ang mga ito paglalakad habang papasok ng wet market. Panay sulyap siya sa paligid at natatakam sa mga sariwang lamang dagat na naroon. At dahil allergic siya sa mga ito, hanggang tingin na lang muna siya.
Mukhang marunong mamalengke si Ingrid, nasa may gulayan na ito at nakikipagtawaran. Mukha sa kanya na pinagkatiwala ni Silver ang pagbili ng mga sahog. Nakita niyang nakabuntot naman kay Ingrid si Khalil na ginagawa niya ngayong taga bitbit ng mga pinamili.
Habang si Benjamin ay panay sulyap-sulyap lang din kasunod ni Silver may dala ng ilang plastik na napamili. Nais niya sana itong tulungan pero alam niyang hindi siya hahayaan nitong magbitbit.
Nakakita siya ng karne at lumapit na lamang siya roon.
"Magkano po ang kilo?" pagturo niya sa karne ng baboy.
"350 na lang ganda!"
"Dalawang kilo lang po, saka dalawang kilo rin po nitong pork steak cut."
Matapos niyang makabili ay tila nawala na sa paningin niya ang mga kasama niya. Hindi naman siya nangamba kaya naglibot na lamang siyang muli para makapamili pa ng ibang kakainin nila.
Napunta siya sa dry goods area, nakita niya ang bilihan ng harina at tila may pumasok sa isip niyang ideya. Namili siya ng ilang sangkap roon at naglakad na muli pabalik sa wet area para hanapin na ang mga kasama.
"Ahh! Baka sipitin ako!" narinig niyang tili sa hindi na kalayuan.
Nang hanapin kung saan iyon galing ay tama niya ang hinala niya kung kaninong tinig iyon, kay Ingrid. Nakita niyang nasa isang mini man-made pond sila sa gitna ng market.
Naroon silang lahat na at nakita niyang si Ingrid ay namimingwit mismo ng lobsters na naroon.
"Just hold on tight!" saad naman ni Khalil habang tinutulungan si Ingrid sa nabingwit na malaking lobster. Nakatupi na ang longsleeves nito dahil baka mabasa nga sa pagkuha nito ng pamingwit.
"Evz! There you are!" bati naman ni Benjamin. "Where have you been?"
"Just bought something around." sabay tingin naman ni Benjamin sa mga dala niyang plastik bag na halos okupado ang lahat ng kamay niya.
"That's a lot. Lemme help you." at kinuha naman din ni Benjamin ang ilang dalahin ni Evie.
"Thanks."
"Evie! Come on! Try mo rin toh dali!" pagaaya pa ni Ingrid rito na tila nag-e enjoy sa pamimingwit ng lobster.
Napangiti naman si Evie at lumapit kay Ingrid.
"Paano ba yan?" curious naman niyang tanong pa habang nakatingin sa ibaba ng pond at nakalubog pa roon ang bagong pamingwit ni Ingrid na nakasawsaw.
"Here." biglang sulpot ni Silver at pakita sa kanya ng pamingwit na may pain na sa dulo. Nakatupi na rin pala ang mga manggas ng polo nito.
Inilapag ni Evie ang ilang pinamili at inabot rin naman ito mula kay Silver. Bigla niyang naalala na ito ang isa sa mga gusto niyang gawin noong nasabi ni Silver na may sariling shrimp at lobster farm ito dito rin sa Dagupan, dapat ay dadalahan sana siya nito noon ngunit as usual, hindi natuloy. Naalala niya ring kay Silver nga pala ang pwesto ng man-made pond na ito rito sa market kaya hindi nakakapagtakang pwede silang manguha all they want.
Tila napatulala siya sa hawak na pamingwit.
"Ready?"
Natauhan naman si Evie sa sinabi ni Silver at ngayo'y nasa likuran na niya ito.
Habang hawak ni Evie ang pamingwit ay ginagabayan naman siya ni Silver sa tamang paghawak nito at tamang pwesto sa pagsawsaw nito sa pond.
"Hawakan mo lang ng mabuti kasi kapag may kumagat na sa pain, baka mahila lang at makawala. Kaya tibayan mo ang kapit!" pagkampit rin ni Silver sa mga kamay ni Evie na nakakapit naman din sa pamingwit.
Nakaramdam naman ng kaba at kuryenteng dumaloy sa dibdib at tiyan niya sa tuwing nagdidikit ang balat nila ni Silver. Napakalamig palagi ng kamay nito. Parehas sila.
Kaagad naman din ibinaba ni Evie ang mga kamay na may hawak na pamingwit upang maalis ang kamay ni Silver sa pagkakahawak sa kanya. Sinunod naman din niya ang sinabi ni Silver sa kanya at sa sinawsaw na ang dulo ng pamingwit niya sa pond.
"Ay! Tinibayan ko naman ang kapit noon, pero nawala pa rin. We'll see this time." pasimpleng bulong ni Evie na sapat upang marinig nila Ingrid, Khalil at Silver kaya napatingin sa kanya pero siya ay patay malisya.
"Pft? Hahaha!" hindi naman napigilan ni Ingrid matawa sa hugot ni Evie. Napatingin sa kanya si Khalil na tila nagtataka dahil hindi naman nito naintindihan ang sinabi ni Evie.
Habang si Silver ay natahimik lang sa sinabi ni Evie at ramdam niyang nagpaparinig ito. Lumayo na lamang siya rito at hinayaan ito sa ginagawa.
Ilang minuto lang ay sabay ng may nahuli sa kani-kanilang pamingwit ang mga dalaga.
"Oh?! Mayroon na ko ulit!" hiyaw naman ni Ingrid sa tuwa.
"Me too!" sabay pa nilang pilit na inaangat ang mga pamingwit nila.
Kaagad naman lumapit si Khalil kay Ingrid at inagaw na ang pamingwit na mayroon ng nakuhang lobsters.
"It's seems heavy! Probably a bigger one!" saad pa ni Khalil habang hinahatak ang taling pamingwit. Napapapalakpak naman si Ingrid sa tuwa habang iniintay maiangat ni Khalil ng tuluyan ang nahuli niyang lobster.
"Wow! Ang laki nga!" natutuwang reaksyon pa ni Ingrid nang makuha na nila ang nahuli niya. Ngumiti naman din si Khalil sa kanya kaya naramdam siya ng hiya rito.
Habang si Evie naman ay ni hindi nga maiangat ang pamingwit niya sa bigat ng nahuli niya. Noong sinubukan niya itong iaangat ay halos masubsob na siya sa pond dahil hindi niya kinaya ang bigat ng pamingwit na niya, mabuti na lang ay nakabalanse pa siya ng tayo kahit pa with heels ang pumps niyang suot.
"Ako na!"
Halos mahilo naman si Evie sa pagsalitan ng tingin sa gawing kaliwa at kanan niya dahil sabay na lumapit sina Silver at Benjamin sa kanya at sabay ring napahawak sa pamingwit niya.
Binitawan na lamang niya ang pamingwit nang makaramdam siya ng kaba at pagka-ilang sa nangyayari. Ngunit walang nagpadaig sa dalawang lalaki, walang bumitaw sa kanila sa pamingwit dahil totoo ngang mabigat ito.
Pinagtulungan na lang nila Silver at Benjamin na maiangat ang nahuli ni Evie. Si Benjamin ang may hawak sa stick part ng pamingwit, nakatupi na rin pala ang manggas nito, habang si Silver ang humihila ng tali nito. Nabigla naman silang lahat dahil kaya pala mabigat ito dahil dalawang malalaking lobsters ang nahuli nito.
"Ay wow! Talagang dalawa ang nabingwit ah?! Iba ka teh!" tila may pasaring si Ingrid sabay mahinang kurot pa nito sa braso ni Evie na katabi niya.
Halos gusto naman din kurutin ni Evie si Ingrid ng totoo dahil tiningnan niya ito ng masama dahil sa pasaring nito tungkol sa 'dalawang nabingwit' niya. Alam niyang hindi lang ang lobster na nahuli niya ang tinutukoy nito. Nagpipigil naman ng tawa pa si Ingrid sa kanya.
Nang matapos silang mamalengke ay kaagad na rin sila nagbyahe patungong beach house ni Silver. Halos isang oras pa silang nagbyahe.
HABANG papalapit na sila ay namamasdan ni Evie ang kapaligiran, ganitong-ganito ang mga kwento sa kanya ni Silver na makikita sa lugar na ito. Ang madadaanang bayan bago ang tila bukiring daan patungong beach area. May nadaanan rin silang resort at alam niyang malapit na dito ang beach house ni Silver.
Natanaw na ni Evie ang beach at maaliwalas ang langit ngayon. It's a perfect day to have fun under the sun!
Hanggang sa nakita na ni Evie sa harapan nila ang malaking bahay na tila mala-mansyon sa labas palang.
"Oh wow? His house looks nice." komento pa ni Benjamin na nakatanaw sa bahay na pupuntahan nila dahil doon na papasok sa nakabukas na gate ang kotse ni Silver.
Nang makapasok na sila sa front yard ay nagmaneho pa sila papalapit sa mismong bahay.
Hindi naman malaman ni Evie kung bakit nakakaramdam siya ngayon ng kaba at takot na naman.
This is it! I'm here in his beach house!
Nang ng huminto na ang kotse ni Benjamin at nagpatay ito ng makina, tila hindi naman niya malaman kung saan kukuha ng lakas upang makalabas na ng sasakyan. Naiilang pa rin siya at nahihiya.
Halos nauna na si Benjamin sa paglabas ng kotse at saka pa lamang siyang nagkaroon ng lakas na loob na lumabas ng kotse. Bumuntong hininga muna siya ng malalim.
Kaya mo toh, Evie!
Lumabas si Evie at napakunot ang noo niya pagtama ng sikat ng araw sa kanya. Napatakip naman siya ng kamay niya rito. Kinuha na rin niya ang bag sa kotse pa at sabay-sabay silang sumilong sa may front door. Tila iniintay naman sila ni Silver.
"Welcome home, guys!" pagtulak pa ni Silver sa dalawang malaking front door ng bahay at bumungad kaagad sa kanila ang malawak na receiving area ng bahay na may malaking chandelier sa gitna.
Tanaw kaagad doon ang magkabilaang staircase patungong second floor. Sa kanan ay ang living area na may L-shape sofa at ottoman sa paligid. At sa kaliwa ay ang 12-seater oblong shape dinning table. Napakalawak ng first floor area na halos pwedeng mag-cartwheel patungong sa kung saan.
"Your place is awesome, Alessandro!" puri pa ni Benjamin.
"Thanks, man!" Please, come in."
Nahuhuli naman si Evie sa paglalakad sa kanila dahil halos manginig ang mga tuhod niya sa kaba. Hindi niya malaman kung dapat niyang matakot, mahiya o matuwa dahil ngayon ay narito na siya sa bahay ni Silver na noon ay pinalano nilang tumira na sana.
Dahan-dahan niyang inilibot ang paningin sa bahay at sa unang magkakataon ay nakita niya ang kabuuan nito. Hindi man mawala pa ang kabog sa dibdib niya ngunit nararamdaman niyang nangingilid ang mga luha niyang ayaw niyang kumawala.
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open
NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi
ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata