Ava, is a woman with big ambitions who will do her best to get them. She is capable of sacrificing anything, including the one she loves. Because of her dream, Ava had to leave. Harris is a man who is unconcerned about his own life. Everyday he will get drunk, as well as play with the hearts of the women he'll meet. When he met Ava, everything changed. He transformed into a decent man for Ava. Misty, on the other hand, is an obsessed hopeless romantic. Envy-filled woman, she was consumed by rage, allowing her to accomplish anything she wanted. Regardless of what will happen, she will do anything to make Ava miserable. Will Harris love be strong enough to wait Ava's return? Will they return to each other's arms when the right time comes? After everything Ava had to sacrifice, can she still choose to be with Harris?
Lihat lebih banyak"S-sorry ma'am, may nakabunggo po kasi sa akin kanina sa hallway kaya hindi ako nakapasok agad sa subject nyo," pagpapaliwanag ko habang nakayuko at hindi makatingin sa galit na galit kong guro. Nahuli kasi ako sa klase dahil may nakabungguan ako. Ni hindi nga ito himinto o humingi ng paumanhin man lang. Kaya naman ako lang mag isa ang pumulot ng mga gamit ko.
"I will not allow this to happen again Ms. Rivera. I will still let you join my class but if you will be late again, I'm sorry you can't join my class again! Is it clear?" galit na galit na sigaw nito.
"Y-yes ma'am. I'm sorry gain," sabi ko habang takot na takot. Pakiramdam ko ay napapahiya ako, rinig ko ang tawanan ng mga kaklase kong lalaki sa likod. Bigla ko naman naaalala ang lalaking nakabungguan ko kanina, nakaramdam ako ng inis sa lalaki na nakabunggo sa akin, kapag nakita ko ulit iyong lalaki na iyon ay hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya. Masyado siyang walang pake sa paligid niya, hindi niya alam na nakabunggo na siya.
Mayamaya pa ay natapos na ang oras ng English teacher namin. Hanggang sa pag alis nito ay galit pa rin ito. Binansagan na nga namin itong "Angry bird" dahil sa palagi itong galit at medyo makapal ang kilay.
"Huy Ava! Halika na pumunta na tayo sa canteen," biglang sabi ni Misty isa sa mga kaibigan ko na kaklase ko rin. Kinuha ko ang aking bag at naglakad papunta sa mga kaibigan ko.
"Bilisan mo na Ava baka mamaya magutom na naman ako. Nakakatamad kaya mag aral kapag walang laman ang tiyan," sabi naman ni Jade, palagi itong gutom kaya hindi na ito bago sa akin.
"Sus! Kunwari ka pa, mas mahirap mag aral kapag walang laman ang utak. Eh, sa ating lahat si Ava lang ang may honor eh," singit naman ni Vie. Inakbayan ko si Jade at Vie at kasunod naman no'n ay sabay na nagsalita si Misty at Jade.
"Grabe ka naman!" sabay na sigaw nila Jade at Misty. Akma na itong magsisigawan ngunit nagsalita na ako.
"Tama na 'yan na naman kayo, eh. Tara na para makakain na tayo. Saka mag-re-review pa ako," putol ko dahil baka mag bangayan na naman ang mga kaibigan ko.
Kailangan kong mag aral nang mabuti at mapanatili ang mataas na grades. Para makakuha ng scholarship sa kolehiyo dahil nasa senior high school na ako. Hindi naman sa walang kakayahan ang pamilya ko na pag aralin ako, ngunit gusto ko lang talaga na maging independent. Lalo na nung nagkahiwalay ang mga magulang ko. Suportado ako ng mga ito, lahat ng kailangan ko ay naibibigay. Hindi problema ang pera, sadyang ayaw ko lang na humingi pa ako ng pera sa mga magulang ko. Lalo na't may inaasikaso rin itong maliit na negosyo.
Nakarating na kami sa canteen at nakapila upang makabili ng makakain ng may narinig ako mula sa babae sa unahan ng pila.
"Grabe, ang pogi nu'ng bagong transferee!" saad ng isang babae.
"Oo nga! Napaka gwapo, at saka alam mo ba? Nabalitaan ko na sobrang mayaman daw ang pamilya nila. Pinasok lang sa public school dahil pasaway at baka magbago," tugon naman ng katabi nitong babae. Napailing na lang ako.
"Imbes na mag-aral puro lalaki ang inaatupag," bulong ko sa sarili. Mayamaya pa ay nakita ko ang guro namin na may kasamang isang lalaki, hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod. Ngunit parang pamilyar saakin ang hubog ng katawan nito at ang tangkad. Pati na rin ang buhok nito. Naguguluhan man ay nakaramdam ako ng konting kaba. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa lalaking iyon.
Bigla akong napahawak sa aking kanang braso. Hinimas ko iyon at ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang sakit. Sa tingin ko ay magkakaroon pa iyon ng pasa. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Nakaramdam na naman kasi ang ng inis dahil sa lalaki na iyon, binigyan pa ako ng sakit sa katawan.
"Mauna na ako, may itatanong lang ako kay ma'am Darya," sabi ko sa kanila. Kasunod noon ay nagsimula na akong maglakad papuntang teachers office.
Ngunit ang totoo ay pupunta muna ako sa clinic. Kilala ko ang mga kaibigan ko, may gusto sila sa nurse doon sa clinic ng paaralan namin, kahit na wala silang sakit na nararamdaman pupunta at pupunta sila doon upang magpapansin.
"Excuse me? Do you know where is ma'am Darya?" nagulat ako dahil may nagsalita sa likod ko. Nilingon ko iyon at nagtaka ako. Mukhang pamilyar ang amoy niya, pati na na rin ang katawan niya. Nakasuot siya ng facemask at naka-sumbrero rin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Tanging mata niya lang ang walang harang ngunit hindi ko iyon masyadong makita, dahil baka makita niya ako na nakatingin sa mata niya
Tumango ako ngunit sa isip ko ay ayaw gusto ko sanang tumanggi. Matatagalan pa tuloy ang pag punta ko sa clinic. Pasimple akong tumingin sa lalaki, mukhang naalala ko na kung bakit pamilyar siya sa akin. Siya ang lalaking kasama ng guro namin kanina, at ang dahilan kung bakit kilig na kilig ang mga babae doon sa canteen.
"Sumunod ka sa akin," sabi ko. Nakakailang dahil ang tangkad niya. Tahimik lang din siya, nagtataka naman ako dahil lahat ng babae ay tinitignan siya. Para bang isa siyang artista.
"Thank you," sabi niya, ngayon ko lang naaninag ang mata niya kaya naman namangha ako. Nakakabighani ang mga mata niya. Inilahad niya ang kamay niya na parang gusto niyang makipag-shake hands sa akin. Akmang ibibigay ko na sana ang kamay ko ngunit may tumawag sa akin.
"Av!" sigaw ni Jade. Napakamot naman ako sa ulo ko, napaka lakas ng boses niya kaya lahat tuloy ng tao ay napatingin sa direksyon ko.
"Ava—" naputol ang sasabihin ni Misty nang makita niya ang lalaki sa harapan ko. Agad akong napapikit ng madiin dahil alam ko na agad ang sasabihin ng mga kaibigan ko...
"Nobyo mo?" puno ng pagtataka na tanong ni Misty kaya halos lahat na ng tao ay nakatingin sa akin. Ang iba ay ang sama pa ng tingin, parang galit sila.
Huminga ako ng malalim at pilit na umakto ako ng maayos. Nakakailang ang mga tingin sa akin ng mga tao. Bumaling naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko na kahit kailan talaga ay pahamak.
"H-hindi—"
"Bye, thank you again. See you later, love."
Pagputol ng lalaki sa sasabihin ko. Mabilis na napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nitong lalaking ito? Love?
Hindi ko kilala ang lalaking ito pero mukhang nakakaasar na agad. Mamaya kung anong sabihin ng mga kaibigan ko, lalo na ng mga taong nakatingin sa amin ngayon.
"Ava," mahinang saad sa akin ni Misty dahilan upang matigil ako sa pag kunot ng noo ko. Lumingon naman ako sa mga kaibigan ko at nilapitan nila ako.
"Itigil mo 'yan, lahat ng mga estudyante nakatingin sa atin ngayon. They didn’t seem to like what they witnessed," nakangisi na saad sa kin ni Vie habang pilit na pinalalakad ako. Dahil doon ay napatingin muli ako sa mga tao sa paligid, mukhang hindi nga iyon nagustuhan ng mga babaeng estudyante.
Nahihiyang naglalakad ako. Lahat na yata ng mga estudyante rito sa Sylvius school ay nakatingin sa akin at kinikilatis ako. Iniyuko ko na lamang ang ulo ko at naglakad ng mabilis. Baka isipin nila ay nilalandi ko na agad ang bagong estudyante rito. Nakakahiya talaga.
…
"Why are you here? Are you sick, Jade?" bungad sa amin ni Zale. Kung nagulat siya sa pag punta namin sa clinic, maging ako rin ay nagulat dahil bakit naman siya nandito? Naiilang kasi ako sa kanya. Umiling ako at umupo sa upuan malapit sa lamesa.
"Hindi ako, si Ava," lumipat sa akin ang tingin ni Zale, nagtataka ito at mukhang nag-aalala.
"Why? What happened?" agad na saad ni Zale. Umiling kaming apat. Nagtagpo ang tingin namin ni Zale dahilan kung bakit ako mas lalong nailang.
"Una na kami, Av. Sabihin na lang namin kay sir kung bakit kayo mahuhuli ng pasok ni Zale, bye!" nagmamadali na saad ni Vie. Ngunit bago pa man sila tuluyan na makaalis, kami naman ni Misty ang nagkatitigan, pansin ko ang lungkot sa mukha niya. Napahawak ako sa dibdib ko at nalungkot rin ako dahil sa nakita ko.
"Bakit sumakit ang braso mo?" seryosong tanong sa akin ni Zale habang tinitignan niya ang braso ko na may pasa nga.
Kahit pa dinadampian niya iyon ng yelo, hindi ko iyon dinadaing dahil si Misty ang iniisip ko.
"M-may nakabungguan ako," muntik ko pa hindi masagot ang tanong sa akin ni Zale.
"I was surprised that you were the one who needed treatment. Palagi kasing si Jade ang nandito, palagi raw masakit ang tiyan niya," pabiro na sabi ni Zale, pilit na tumawa naman ako.
"Okay na, maliit na pasa lang. Iwasan mo na mabunggo ulit, mag-ingat ka kasi palagi," sabi ni Zale, napatingin naman ako sa braso ko at dahan-dahan kong ibinaba ang manggas ng uniporme ko.
"Salamat," saad ko. Ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang pag hawak ni Zale sa kamay ko.
"S-sabay na tayo," nahihiyang sabi ni Zale sa akin, kita ko pa ang pamumula ng mukha niya. Ngunit biglang sumagi sa utak ko ang mukha ni Misty. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa kamay ko.
Hindi pwede, alam kong magseselos at masasaktan si Misty.
Good day! This is Milly or Milly_Melons, the author of this book! I just wanted to say thank you for all the love and support. Maraming salamat sa mga nagbasa, patuloy na nagbabasa at sa mga magbabasa pa lang! Maraming salamat din sa mga nagbibigay ng gems! Kung nakarating ka hanggang dulo, at tinapos mo talaga ang storya ko, maraming salamat po! Ito po ang kauna-unahang storya na sinulat ko kaya ipinapagpaumanhin ko po ang mga grammatical errors, spelling mistakes at iba pa. Sana po ay natuwa kayo sa storya kong ito at nagkaroon ito, o ang mga karakter nito ng espesyal na lugar sa mga puso niyo. I also thank GoodNovel for giving me this opportunity to write and earn while doing my passion, it is really great working with them. Hinihiling ko na hindi rito matatapos ang paglalakbay natin, ako bilang manunulat at kayo, bilang
I put down my pen and stand up. Naglakad ako papuntang pintuan upang pakinggan ang ingay na nanggagaling sa labas ng opisina ko."Naglalaro na naman sila," i whispered and smiled.Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan at doon bumungad sa akin ang mga hagikgik ni Vaia. Ang anak namin."Are you playing again with Dammy?" tanong ko at saka lumuhod upang magkapantay kami nito."Dammy said it's okay to play. I already finished my homeworks mommy.""Are you sure?" lumingon ako sa paligid."I don't want you to fail your class."Lumapit ito sa akin at hinawakan ang dulo ng summer dress na suot ko. This girl really. She's using her beautiful eyes to me again."I will not fail, mommy. I promise, i will not forget my studies."My mouth curved into a smile. Itong ugali niya na ito ang namana niya sa akin. Sh
Tumayo ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang mabigat niyang kamay na naglalandas sa aking hita...pataas sa aking dibdib."N-ngayon?" napalunok ako at napahawak sa unan."Yes, ngayon. May ibang oras pa ba?""H-hindi k-kasi—""I want to do it, now."Ibinaba ni Harris ang katawan niya upang mahalikan niya ako. Noong una ay wala sa isip ko ang gumanti sa halik niya ngunit dahil sa malikot na dila niya ay hindi ko namalayan na nakikipagtastasan na pala ako ng halik sa kanya.Iniharap niya ako sa kanya at tuluyan na siyang pumatong sa akin. Mas lumalim naman ang halik niya sa akin.Napasinghap ako nang maghiwalay ang mga labi namin ni Harris. Humagilap ako ng hangin dahil halos maubusan na ako ng hininga dahil sa paghahalikan namin."H-harris...""Take off your clothes."
8 na ng gabi nang maisipan ni Harris na umuwi muna upang makapagpahinga siya sa bahay nila. Sabay kaming bumaba ng hagdan habang si Harris ay nakaakbay sa akin.Ngunit sabay kaming nagulat nang makita namin ang isang bisita na hindi namin inaasahan na darating..."Anak, nandito si Zale," anunsyo ni mama kaya sabay kami na napatingin ni Harris sa sofa. Doon nga ay nakita namin si Zale na nakaupo na mukhang naghihintay sa amin.Samantala, naramdaman ko naman ang pag-iba ng sitwasyon. Tumingin ako kay Harris at kita ko ang madilim na mukha nito."Are you okay?"Tumango lang ito sa akin ngunit madilim pa rin ang mukha niya. Hindi ko na lang ito ininda at dumiretso na ako sa paglalakad papuntang sofa upang batiin si Zale."Zale! Kumusta?" paunang bati ko kay Zale. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin at agad akong nginitian. Grabe ang pinagkaiba niya ngayon
Nagising na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Nakita ko na iniluwa nito si mama kaya agad akong tumayo. Lumapit sa akin si Mama at mahigpit na niyakap naman ako nito."Kumusta ang pakiramdam mo, anak?"Umayos ako at hinigpitan rin ang yakap ko sa aking ina."M-medyo masakit lang po ang katawan," saad ko."Pinag-alala mo ako...akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo, Ava. Hindi ko rin matatanggap kung tuluyan na masasaktan ka ni Misty..."Unti-unting lumuwag ang yakap namin ni mama sa isa't isa. Tumingin lang ako sa mukha ni mama na puno ng pag-aalala sa akin. Ngumiti ako at muling niyakap si mama."Okay na po ako, tignan niyo nga po, oh. Nayayakap niyo pa po ang anak ninyo," biro ko at mahinang tumawa."Anong nararamdaman mo? Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita ng pagkain."Tumayo si mama ng hig
"I'm telling you, Misty. Stop being obsessed with Harris's girl. What's the point of killing her, anyway?""To get my fucking revenge? Naghintay lang ako ng limang taon para sa wala dahil sa 'yo!"Napalunok ako dahil sa naririnig kong usapan nila. Kahit na lumayo sila sa akin at may manipis na harang, rinig ko pa rin iyon. Nagpatuloy na lang ako sa pagsipsip ng sabaw na ibinigay sa akin ng lalaki na ang pangalan ay Nico."Stop attacking her. Kapag pinagtangkaan mo na naman siyang saktan, ikukulong talaga kita sa condo."Mayamaya pa ay lumabas na silang dalawa. Parang pusa na kumalma si Misty ngunit masama pa rin ang tingin sa akin nito. Si Nico naman ay nakangiti lang sa akin."K-kailan dadating si H-harris?" kinakabahan na tanong ko. Hindi na ako natatakot sa kanilang dalawa, ngunit ang nasa isip ko ay kailangan ko na makaalis dito sa lugar na ito."Don't worry. I already contacted him. I just hope he doesn't call the police.""Of co
Komen