Hiiii everybody. Thank you for joining me in this trip. My heart filled with happiness because of all of you. Thank you for loving Rachelle at Rico. This is not the end. May story pa si Sico. Separate book po siya. And of course, may 3 special chapters tayo kay Rico at Rachelle. Thank you po talaga. Mwah!
Malakas ang tugtog ng bar habang si Luis Marin—ang kilalang anak ng isang mayamang negosyante sa Spain ay naaliw na nakatingin kay Delilah Remadavia.Tuwang tuwa siya habang nakatingin sa mga hips nitong umiindayok habang nang-aakit ang matang nakatingin sa mga lalaki. “What’s her name?” he asked Noli, his friend he met when he arrived in the Philippines.“I don’t know. We can asked her later,” ang sagot ni Noli habang nakatingin sa babaeng nagsi-serve ng alak sa mga customer. Tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin kay Teresita na sinusungitan ang mga manyak na gustong manghipo sa kaniya.Maya-maya pa, dumating si Levi—ang lalaking kaibigan ni Luis sa Spain. Si Levi ang kasama niya sa pag-uwi ng Pinas. Nag-aral si Levi sa Spain dahil naroon ang umampon sa kaniya.“I’m sorry I’m late,” ani ni Levi at tinapunan nang tingin si Noli na umayos ng upo nang makita siya.“Levi, what is the tagalog term of ‘You’re so beautiful?’” kumunot ang noo ni Levi sa tanong ng kaibigan. Luis di
"Aalis ka sa susunod na buwan?" iyon ang pangbungad na tanong ni Delilah kay Luis matapos marinig ang sinabi ni Levi dito. Papasok siya sa bahay ni Luis dala ang dalawang anak niya nang marinig niya ang pag-uusap na iyon ni Levi at Luis. Nagkatinginan si Levi at Luis saka ito umalis para puntahan ang nobya niyang si Tere. "Tito," yumakap si Lando kay Luis. "Hello kiddo," tumingin si Luis kay Noli at naintindihan na ni Noli ang ibig sabihin ni Luis. Kinuha niya ang dalawang bata kay Delilah para maka pag-usap ng masinsinan si Delilah at Luis. "Sweetheart, I need to go back to Spain." Nag-aalalang sabi ni Luis sa kaniya. "But Luis, hindi ba sabi mo delikado doon? Sabi mo gusto kang papatayin ng kapatid mo?" nag-aalalang sabi ni Delilah. Sinabi ni Luis sa kaniya ang tungkol doon. Kaya ayaw ni Delilah na bumalik pa si Luis ng Spain. Ngumuso si Luis. Hindi niya kayang makapag salita ng tuwid na Tagalog but he can understand now about this language. "Yes but dad needs me." Nag s
Elizabeth Revajane Marin “Pa, why would we leave Rachelle there?” “So? She's not a family,” ang sabi ni papa na nagpalaki ng mata ko. Akala ko ba anak niya si Rachelle sa dati nitong girlfriend? Nagulat ako sa reaction ni papa habang nakatingin sa mukha niyang nakangiti. Ikinulong namin si Rachelle sa kwarto. “Saan tayo pa?” “To your mama?” “I’ve noticed, you can speak fluently Tagalog?” I’m sure na hindi. I know my father. Pero habang kaharap namin si Rachelle kahapon, rinig ko ang pagtatagalog niya. “I can’t but I know a little,” aniya. Napatingin ako sa tenga niya at may earpiece doon. So someone is dictating. Pero bakit pa kailangan niyang mag kunwari na nakakapag salita siya ng Tagalog? For the show? Pagdating namin sa bahay, bumaba ako kaagad at pinuntahan si mama pero wala siya sa kwarto. “Where’s my mama?” “Go and change,” ang sabi ni papa. I just nodded. Umalis ba si mama? 5 months ko na siyang hindi nakikita. Baka umalis. Nagkibit balikat nalang ako at pumasok sa
Punong puno na si Zeym kay Sico na lagi nalang pinapangunahan ang desisyon niya sa buhay. Alam niyang uuwi si Rico, ang lalaking pinakagusto niya. Ang natatanging minahal niya mula pa no’ng bata pa sila. Nang pakiusapan siya ni Lorelay na puntahan ang bahay na lilipatan ni Sico, agad niyang nilapitan si Rachelle. Dahil kailangan ni Sico ng matutuluyan para sa trabaho nito, pinapalinisan ni Lorelay ngayon ang isa nilang bahay na hindi pa nagagamit. Nakikita ito ni Zeym na pagkakataon para tigilan na siya ni Sico. Kailangang umibig ni Sico sa iba para tantanan na siya nito. “I sent you the money, yesterday. Nakuha mo ba?” tumango si Rachalle Remadavia, ang babaeng anak ng katulong ng mga Shein. ‘I bet kilala niya si Sico dahil matagal na siyang naninilbihan dito.’ Ani ni Zeym sa utak niya. Hindi niya alam na kararating lang ni Rachelle no’ng isang linggo. Hindi alam ni Rachelle kung sino si Sico dahil hindi pa niya ito nakikita. Pero dahil nasilaw siya sa halaga ng pera na offer n
“Tita, ayos na po. Na check ko kanina ang bahay na lilipatan ni Sico, ayos naman.” “Sige, salamat Zeym. Hindi kasi ako mapakali na malayo si Sico sa amin ng papa niya.” Ngumiti si Zeym dito. Nagpaalam siya kaagad kay Lorelay. “Aalis na po muna ako tita,” magalang na sabi niya. Paglabas ni Zeym ng bahay, naabutan niya sa labas si Sico. Naka krus ang dalawang kamay nito sa kaniyang dibdib habang nakatingin kay Zeym. “Babe,” Pumikit ng mariin si Zeym. “Stop calling me that, Sico.” Mariing sabi niya dito. Sico smirked at her. “You can’t stop me for liking you, honey.” Sabi nito at umalis. Galit na naglakad si Zeym papunta sa sasakyan niya at pinuntahan ang bahay na tutuluyan ni Sico. Babalik na ang isang anak ni Lorelay at Mr. Shein na si Rico galing Spain. Si Rico ang tanging iniiibig niya. “That idiot should stop pursuing me! Alam naman niyang si Rico ang gusto ko,” galit na sabi ni Zeym. Pagdating niya sa bahay na may dalawang oras na byahe mula sa tinitirhan niya, nadatnan niy
Nang magising si Rachelle, nasa kwarto na siya. Nang libutin niya ang paningin niya ay nakita niya ang lalaking nakauna sa kaniya na nasa bintana.May vape ito sa kamay habang nakatingin sa labas. Ayaw ni Rachelle sa taong mabisyo.Tumikhim siya matapos niyang ipulupot ang kumot sa hubad niyang katawan. “Good morning po sir,” sabi niya. Tumingin si Rico sa kaniya.Rico’s lips twitched up nang makita ang itsura niya. “She’s really beautiful,” Rico uttered under his breath.“Good morning,” ani Rico. Lumapit ito sa kaniya habang si Rachelle ay umatras.Kumunot ang noo ni Rico sa napansin.“Bakit?” takang tanong niya.“Come closer,” he demanded.Kinakabahang lumapit sa kaniya ang dalaga.“Sino ka at bakit nandito ka sa bahay?” hindi kilala ni Rico si Rachelle. Alam niyang bagong salta ito.“Katulong niyo po ako,” nakayukong sabi niya,“So why did you do that?” pinakatitigan ni Rico ang bawat reaction sa mukha ni Rachelle habang ang dalaga ay nangangapa ng sasabihin sa kaniya.“G-Gusto ko
“Sir Sico, your coffee,” binigay ni Rachelle ang kape kay Sico.Nanginginig naman ang kamay niya ng makita si Rico na nakatingin sa kaniya.Lumapit siya kay Rico. “Kape po,”Pagkalagay niya ng kape sa table ni Rico at para siyang napapasong lumayo dito. Ngumisi si Rico nang makita ang reaction niya.“Kalma!” Sabi ni Rachelle sa sarili. Ang lakas ng tibok ng puso niya.“Ano ba! Kumalma ka nga!” Kastigo niyang muli sa sarili niya.“Bakit? Kinakabahan ka ba?”“Ay pusang palaka!” Malakas na sigaw niya nang marinig si Rico malapit sa tenga niya.Napatuwid ng tayo si Rachelle dahil nakita lang naman niya ang kagwapuhan ni Rico sa malapitan.Tumingin si Rico sa kabuuan niya at ngiting-ngiti na sumandal sa dingding.“M-May kailangan po ba kayo sir?” naiilang ako sa kaniya. Rachelle thought.“Wala naman,” Rico’s lips twitched up at nakangiting kinuha ang jam na nasa mesa.Nakahinga ng maluwag si Rachelle nang umalis si Rico sa tabi niya. Sumilip siya ulit at naabutan si Sico na kunot noong nak
“Bago ka lang ba dito?” tanong ni Lorelay kay Rachelle nang hindi niya mamukhaan ito.“Opo ma’am, kapatid po ako ni Dehlia,” nanlaki ang mata ni Lorelay. “Hala! Ikaw pala ang kapatid niya? Napakagandang bata mo naman hija,” sabi ni Lorelay at talagang tinawag pa si Mr. Shein.“Hindi ba Mr. Shein?”Nagugulat si Rachelle dahil sa lahat ng mag-asawa na nakita niya, tanging si Lorelay lang ang tumatawag sa asawa nito na Mr.Habang pinagmamasdan ni Rachelle si Lorelay, nakikita niya ang mukha ni Rico doon pero nakuha ni Rico ang mata ng ama na kulay asul.Dahil kulang ang ganda para ilarawan ang ganda ni Lorelay, ganoon rin ka gwapo si Rico.“Ang mama nila ay para lang nilang ate,” sabi ni Rachelle sa isipan niya.“Yes wife. She’s beautiful. Kaya pala ayaw na umuwi ng anak mo,” natatawang sabi ni Mr. Shein habang nakatingin kay Rachelle.Agad namula si Rachelle sa sinabi ni Mr. Shein. Nahihiya siya mga sinasabi nito.“Pa, don’t even go there. I am here because of business,” mariing sabi n