Share

Chapter 4

“Bago ka lang ba dito?” tanong ni Lorelay kay Rachelle nang hindi niya mamukhaan ito.

“Opo ma’am, kapatid po ako ni Dehlia,”  nanlaki ang mata ni Lorelay. “Hala! Ikaw pala ang kapatid niya? Napakagandang bata mo naman hija,” sabi ni Lorelay at talagang tinawag pa si Mr. Shein.

“Hindi ba Mr. Shein?”

Nagugulat si Rachelle dahil sa lahat ng mag-asawa na nakita niya, tanging si Lorelay lang ang tumatawag sa asawa nito na Mr.

Habang pinagmamasdan ni Rachelle si Lorelay, nakikita niya ang mukha ni Rico doon pero nakuha ni Rico ang mata ng ama na kulay asul.

Dahil kulang ang ganda para ilarawan ang ganda ni Lorelay, ganoon rin ka gwapo si Rico.

“Ang mama nila ay para lang nilang ate,” sabi ni Rachelle sa isipan niya.

“Yes wife. She’s beautiful. Kaya pala ayaw na umuwi ng anak mo,” natatawang sabi ni Mr. Shein habang nakatingin kay Rachelle.

Agad namula si Rachelle sa sinabi ni Mr. Shein. Nahihiya siya mga sinasabi nito.

“Pa, don’t even go there. I am here because of business,” mariing sabi ni Rico habanag nakasulyap sa dalaga.

“Yeah yeah son, I get it,” hindi naniniwalang sabi ni Mr. Shein dito.

Kahit mahahalata ng may edad na si Mr. Shein, sobrang kisig pa rin nito sa datingan niya. Gwapo at matipuno. Pang hot sugar daddy. Kaya sobrang pinagpala ni Lorelay na gwapo ang asawa niya.

Mga ideyang naglalaro sa utak ni Rachelle ngayon.

“Napaka gandang bata naman nitong si Rachelle ay. Ano bang natapos mo hija?” tanong ni Lorelay.

Nahihiyang tumingin si Rachelle sa paanan niya. “Senior high school lang po,” bente na siya pero iyon lang ang natapos niya.

“Gusto mo bang paaralin ka namin?” napaangat tingin siya sa mag-asawa.

Nakangiti si Mr. Shein sa kaniya.

“Po?”

“Oo kasi nandito ka lang naman sa bahay buong araw. Isa pa, alam ng mga anak ko paano maglaba, at maglinis. Ang purpose mo lang naman dito ay magluto. Hayaan mo silang labhan ang brief nila!”

“MA!!” Angal ni Sico sa sinasabi ng ina.

“Ah o bakit? Nahihya kayo? Nakakagulat at may hiya pa kayo sa katawan!” Sinimangutan siya ni Sico.

“What do you think hija? Papayag ka ba?” tumingin si Rachelle kay Mr. Shein na sa kaniya nakatingin.

Gusto niyang mag-aral, gusto niya ring pumunta ng Spain. Pero minsan lang ang offer na ganito sa kaniya. Gusto niyang makapagtapos sa abogasya kaya tumango siya.

“Good,” nakangiting sabi ni Mr. Shein.

“Anong gusto mong kuning kurso ate? Alam mo bang matalino si kuya Rico? Pwede ka niyang tulungan—“

“Moni! Stop it!” Angal ni Rico sa sinasabi ng kapatid!

“Ang sungit!” Sabi ni Harmonia at nagtago sa likuran ng papa nila.

Nahihiya naman si Rachelle dahil lahat ng mata ng Shein ay nakatutok sa kaniya. Sila iyong pamilyang mabait pero may kung ano sa tingin nila na naiintimida siya.

May kung ano sa tingin nila na hindi basta-bastang matukoy. Para bang kakaiba silang pamilya.

Kahit si Harmonia, iyong kinausap ko siya kanina, madali niyang pinaikot-ikot ang kutsilyo sa daliri niya na para bang sanay siya dito. Para silang pamilya ng isang assassin sa palabas. Sabi ni Rachelle sa kaniyang isipan habang kaharap ang pamilyang Shein.

“Bakit ba pinapares mo si Rachelle sa kuya Rico mo?” natatawang sabi ni Lorelay sa bunsong anak.

“Because ate is beautiful mama. Bagay siya maging isang Shein,” naubo si Rico pati na si Rachelle sa turan ni Harmonia.

“Mahirap maging Shein, Moni. Alam mo iyan,” sabi ni Sico na tumayo at naunang lumabas. “Besides, may girlfriend ang kuya Rico mo.”

Napatingin si Rachelle kay Rico na sa kaniya lang pala nakatingin the whole time.

May girlfriend na siya? Sa kaniya ko nga ipinagkatiwala ang birhen ko. Gusto niyang kastiguhin ang sarili.

“May girlfriend ka na Rico?” tanong ni Lorelay.

“Nasa Spain ma but we’re not okay,” sagot ni Rico. Napa-iwas tingin si Rachelle. So may girlfriend na nga si Rico? Aniya sa sarili. Hindi niya alam pero parang may kirot siyang naramdaman dahil doon.

“You should bring her along with you,” sabi ni Mr. Shein.

“Hindi ko siya gusto kuya Rico,” nakangusong sabi ni Moni. “Break her and be with ate Rachelle,”

“M-Ma’am Moni,” nahihiya niyang sabi. Hala bakit niya ba ako pinagpipilitan sa kuya niya? Nagtatakang tanong ni Rachelle sa sarili.

“Tama na iyan Harmonia. Let’s respect your kuya Rico at isa pa, your ate Rachelle doesn’t like your kuya. Hindi ba Rachelle?” tanong ni Lorelay.

Tumingin si Rachelle kay Rico at nang makita na mariin itong nakatingin sa kaniya ay agad itong napa-iwas tingin.

“M-May boyfriend po ako m-ma’am,” sagot niya sa mag-asawa.

Humaba ang nguso ni Harmonia at nag walk out.

“Iyang anak mo Mr. Shein, hindi ko alam saan nagmana,” na iistress na sabi ni Lorelay habang nakatingin sa papalayong si Harmonia. Natatawang inakbayan siya ni Mr. Shein.

“Dahil next month pa ang simula ng klase, kailangan mo ng ihanda ang papeles mo at ipapa enrol ka namin sa kilalang skwelahan.”

Yumuko siya para magpasalamat sa mag-asawa.

“Ano palang kukunin mo?”

“Abogasya po. Iyon po ang gusto kong maabot,” nakita ni Rachelle ang pagsilay nang ngiti ng mag-asawa sa kaniya.

Nilapitan siya ni Lorelay at niyakap.

“Bagay ka nga sa anak ko,” aniya na siya lang ang nakadinig.

Agad na namula si Rachelle sa sinabi ni Lorelay. Kumindat pa ito sa kaniya bago bumalik sa asawa niya at sumunod sa anak nilang nagdadabog papuntang kusina.

Nang maiwan siya kasama ni Rico at Sico, nakaramdam ng awkwardness si Rachelle at hindi alam paano e excuse ang sarili.

Lumapit si Sico sa kaniya. Itinukod ni Sico ang kamay niya sa tuhod nito para magpantay ang mukha niya.

Ngumuso si Sico at ginulo ang buhok niya.

“May gagawin ka pa?” tanong ni Sico.

Umiling si Rachelle. “Wala na po,”

“Sige na. Bumalik ka na sa kwarto mo para makapagpahinga ka,” sabi ni Sico sa kaniya. Tumango siya at tumalikod. Naabutan niya si Rico na nakatingin ng mariin sa kaniya.

Nag-iwas si Rachelle nang tingin kasi naiilang na naman siya kay Rico.

Nang makarating siya sa kwarto niya, napaupo siya kaagad sa kama. Ang bait ng pamilyang Shein sa kaniya, kaya nagi-guilty siyang gawin ang pinapagawa ni Zeym.

Hihiga na sana siya ng bumukas ang kwarto niya at pumasok doon ang ulo ni Rico. Napabangon siya bigla.

“Ahm- nabasa ko ang t-towel mo. Use mine,” sabi niya at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya pagkatapos ihagis nito ang tuwalya.

Kumunot ang noo ni Rachelle. That’s when she realized na marahil ang tinutukoy nito ay ang towel niya na nasa sampayan sa labas.

Bakit nabasa? E wala namang ulan?

Pagkalabas ni Rico ng kwarto, naabutan niya ang kakambal na nakangisi sa kaniya.

“Kung hindi mo pa naman sana ako binasa kanina edi hindi sana magiging ganito ang nangyari,”

“Kasalanan ko bang kinuha mo ang towel niya para amuyin?”

Sumimangot si Rico. “It smells like strawberry yogurt.” Kibit balikat na sabi niya at iniwan si Sico.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status