Share

Chapter 3

“Sir Sico, your coffee,” binigay ni Rachelle ang kape kay Sico.

Nanginginig naman ang kamay niya ng makita si Rico na nakatingin sa kaniya.

Lumapit siya kay Rico. “Kape po,”

Pagkalagay niya ng kape sa table ni Rico at para siyang napapasong lumayo dito. Ngumisi si Rico nang makita ang reaction niya.

“Kalma!” Sabi ni Rachelle sa sarili. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

“Ano ba! Kumalma ka nga!” Kastigo niyang muli sa sarili niya.

“Bakit? Kinakabahan ka ba?”

“Ay pusang palaka!” Malakas na sigaw niya nang marinig si Rico malapit sa tenga niya.

Napatuwid ng tayo si Rachelle dahil nakita lang naman niya ang kagwapuhan ni Rico sa malapitan.

Tumingin si Rico sa kabuuan niya at ngiting-ngiti na sumandal sa dingding.

“M-May kailangan po ba kayo sir?” naiilang ako sa kaniya. Rachelle thought.

“Wala naman,” Rico’s lips twitched up at nakangiting kinuha ang jam na nasa mesa.

Nakahinga ng maluwag si Rachelle nang umalis si Rico sa tabi niya. Sumilip siya ulit at naabutan si Sico na kunot noong nakatingin sa kanila ni Rico.

“SPILL!” Sico whispered nang makabalik sa tabi niya ang kapatid.

“Wala akong sasabihin,” sabi ni Rico at humigop sa kape na bigay ni Rachelle. Hmm. This coffee tastes good. He thought.

“Kilala ko ang likaw ng bituka mo. Anong nangyayari?” hindi pinansin ni Sico ang naiintrigang kapatid.

“Hindi mo talaga sasabihin?” umiling si Rico kaya sinamaan siya nang tingin ni Sico.

“KUYAAA! I’M HEREE!!” Malakas na sigaw ni Harmonia, ang bunso nilang kararating lang.

“What are you doing here? At sinong naghatid sa ‘yo?”

“Duh! I can commute,”

“Alam ba ni mama na nandito ka?”

Umiling si Harmonia at nahilot ni Sico ang sintido niya dahil nasalo ni Harmonia lahat ng katigasan ng ulo nila ni Rico.

“Huwag mo na nga akong pigilan kuya Sico. Isa pa, kuya is here. Hindi rin naman siya umuwi sa bahay,”

At nadamay pa ako. Rico thought na natatawang nakatingin sa kapatid niya.

“Hi kuya,” lumapit si Harmonia sa kaniya at hinaIikan siya sa pisngi.

“Where’s your hunt?”

“Nilibing ko na.”

“What’s hunt?” naguguluhang tanong ni Sico.

“She wants to take over the org. Ma said no pero ang tigas ng ulo.”

Agad na sinamaan ni Sico nang tingin si Moni kaya para itong maliit na pusa ngayon sa tabi ng kuya Rico niya.

“Stop dreaming to rule the org. Moni. It’s not good for you.”

“But kuyaaa!”

“No buts for you young lady. Masiyadong matrabaho ang org at malaking responsibilidad pamunuan ito. Hindi ka pwedeng basta basta humawak dito dahil gusto mo lang. It’s out of your league.”

Napabuntong hininga si Rico. “Tama na Sico,”

Tahimik lang si Moni sa tabi ng kuya Rico niya. Sa kabilang banda, hindi alam ni Rachelle anong pinag-uusapan ng magkakapatid.

Nakuha niya rin na ang bagong dating ay kapatid no’ng dalawa dahil kamukha nila ito.

Agad siyang gumawa ng chocolate milk para ibigay kay Moni.

“Ma’am, chocolate milk po for you,” napatitig sa kaniya si Harmonia.

“Is she your girlfriend kuya Rico?” sabay na naubo ang dalawang kuya niya sa sinabi ni Moni.

“N-Naku po ma’am, h-hindi po.” Kinakabahang sabi ni Rachelle na nagulat rin sa sinabi ni Moni.

“Ay hindi ba?” tumingin si Moni kay Rico and Rico cannot take what his sister gonna say to him anymore. Agad niyang pinasakan ng tinapay ang bibig ng kapatid.

“Eat. Ang dami mong sinasabi,” Rico said.

Agad na nag excuse si Rachelle sa tatlo at bumaIik sa kusina. Hiyang hiya siya kanina at hindi matignan ng diresto sa mata si Rico.

Si Sico naman ay nginisihan si Rico habang naroon ang nakakalokong ngisi na parang may kalokohang naiisip.

HABANG pinapay-payan ni Rachelle ang sarili, biglang nag ring ang phone niya at nakitang tumatawag si Zeym. Agad niya itong sinagot.

“Kamusta?”

“Ayos naman po,” pagsisinungaling niya. Hindi niya pwedeng sabihin na ibang lalaki ang naakit niya unang gabi pa lang.

“Good dahil hindi na tumatawag si Sico sa akin mula gabi so I guess maganda ang naging takbo ng plano,” sabi ni Zeym.

Hindi nagkomento si Rachelle. Tahimik lang siya. Nagi-guilty siya pero sisiguraduhin niyang maaakit niya si Sico.

Kailangan na niyang matapos ang pinagawa ni Zeym sa kaniya para makalipad na siya papuntang Spain.

“Sige sige. Pagbutihin mo lang ang ginagawa mo,” sabi ni Zeym sa kaniya.

Mahina siyang tumango kahit na hindi siya kita nito. Tumingin ulit siya kung nasaan ang magkakapatid at nakita ang mga ito na nag-uusap habang may ngiti sa labi.

Kinagabihan, kina Sico matutulog si Harmonia. Habang nagluluto si Rachelle, si Harmonia naman ay panay tingin sa kaniya.

Naiilang siya sa tatlong magkakapatid, si Harmonia ang pinakamakulit.

“Ate, how old are you?”

“20,” sagot niya.

“My kuya Rico is single. Do you like him?”

“M-Ma’am, baka marinig po kayo ni sir Rico,” kinakabahang sabi ni Rachelle sa makulit na batang kanina pa siya pinagmamasdan.

“Ate Rachelle, huwag niyo na po ako tawaging ma’am.”

Hindi alam ni Rachelle kung paano niya sasagutin si Moni. Pero natutuwa siya dito.

“Ang ganda niyo po kasi, para kayong Barbie,” sabi nito at kinuha ang kutsilyo sa mesa saka pinaglalaruan.

On the other hand, nasa likuran si Rico, naka krus ang kamay niya habang nakasandal sa dingding at pinapanood ang kapatid niya at si Rachelle na nag-uusap.

Bumaba ang mata niya sa balingkinitan nitong katawan at agad na napatuwid ng tayo nang may nabuhay sa bandang gitna niya.

Bago pa man siya maka react, umalingawngaw na ang boses ni Lorelay na kakarating lang kasama ni Mr. Shein.

“Rico? Moni?” agad na napalingon si Moni sa kuya niya.

“Si mama?” gulat na sabi niya at agad na tumakbo papunta kay Rico.

Nagtago siya sa tagiliran nito. Isang malakas na tikhim ang pumukaw sa attention ng lahat.

Sabay silang lumingon sa bagong dating at nakita nila si Lorelay, sa tabi ni si Mr. Shein na seryosong nakatingin sa kanila.

“Rico, Harmonia, nakalimutan niyo na bang may bahay kayo sa atin?”

Rico gulped when his mother is glaring at them. Kahit na malaki na sila, tintrato pa rin sila ni Lorelay na bata.

“Ma, I told Rico to go home but he did not listen to me at all. And Moni too. Hindi sila nakikinig sa akin,” naglalambing na sabi ni Sico sa ina.

Agad na tumalim ang mata ni Rico sa kapatid niyang nagpapaawa sa ina nila.

“Princess,” seryosong sabi ni Mr. Shein. Parang uod si Harmonia na lumapit kay Mr. Shein na kulang nalang ay mapanot sa katigasan ng ulo ng mga anak niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status