EIGHT YEARS AFTER…
"…and so I told her that yes, I’d marry her poodle. Kahit sa lahat pa ng simbahan sa buong mundo.
“Gusto ko pink ang gown niya at may malaking laso siya sa ulo. We’ll have dalmatians for our bridesmaids and dobermans for our groomsmen. Ano sa palagay mo, Bastian?” wika ni Giac sabay tapik sa balikat ni Bastian.
Subalit tila wala sa sariling nakatanaw lamang si Bastian sa labas ng bintana ng condo unit niya. Bahagya na nga lamang pumapasok sa tainga niya ang mga sinasabi ng pinsan.
Inisang lagok niya ang laman na brandy ng basonghawak. Tumangu-tango siya kahi
Nakabibingi ang katahimikan ng mansyon ng mga Falceso. Kung noon ay halos hindi iyon maubusan ng mga taong bumibisita sa madrasta ni Aishell na dating vice-mayor ng lugar nila, ngayon ni isa sa mga dating kabungguang-siko nito ay ni hindi man lang gustong sumulyap sa mansyon nila. Wala na ang dating tayog at taas ng mga Falceso. Kinupas na ng panahon at mga maling desisyon. “Ah, eh, Ma’am Aishell?” Hindi pa man niya nakikita ang ekspresyon ni Manang Bebang ay nahuhulaan na niya ang sasabihin nito. Napabuntung-hiningang binitiwan niya ang hawak na paintbrush at hinarap ito. Dating guestroom itong silid na ginagamit niya bilang studio. Pero bibihira na silang magkaroon ng bisita para gamitin pa iyon bilang guestroom.Ipinasa
‘I should have listened to Joleen’, sa loob-loob ay wika ni Bastian habang binabagtas ng SUV niya ang kahabaan ng highway patungo sa entrada ng San Isidro. Tama ito. May hindi nga binabalak na maganda ang lolo nila. Kung hindi ba naman, sinadya talaga nitong ilihim sa kanya ang pangalan ng may-ari ng kompanyang gusto nitong bilhin dito sa San Isidro.Iba ang ibinigay nitong pangalan ng garments factory at may-ari niyon noong isang buwan. At iba rin ang nakasulat sa mga dokumentong iniabot nito sa kanya kanina bago siya magtungo dito sa San Isidro. Sinadya nito iyon upang matiyak na hindi siya aatras sa iniuutos nitong gawin niya para dito. Sapagkat batid nitong kapag nakilala niya ang pangalang Falceso, mag-i-isang libong
Animo inapuyan sa pang-upo na bigla siyang napatayo. Awang ang mga bibig at nanlalaki ang mga matang napamaang siya dito. Marahil kung hindi sa malakas na pagtikhim ng abogado ng pamilya niyang si Atty. Palo ay aabutin siya ng milenyo sa pagkakamaang sa lalaking kasama nito.“Ms. Falceso? Ayos lang ba kayo?” untag ng abogado.Pero wala pa rin dito ang pansin niya. Kundi nasa lalaking blangko ang mga matang nakatitig din sa mukha niya. May nang-uuyam na munting ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Sa laki ng ipinagbago ng hitsura nito, halos hindi na niya ito makilala. Except that her heart instantly recognized him. He
Sa loob-loob ay humihingi siya ng tawad sa mga anak niya. Pero hindi pa niya handang ipagtapat sa ama ng mga ito ang totoo. Magulo pa ang utak niya. At gulat pa rin siya. Hindi pa siya makapag-isip ng diretso sanhi ng hindi niya inaasahang paglitaw muli sa buhay niya ng ama ng mga ito.Umarko ang mga kilay ni Bastian. “Pinapupunta mo sa playground ang mga aso mo? Bakit? Gusto ba nilang mag-slide at mag-seesaw?” nagugulumihanan na naaaliw nitong wika.“Pabayaan mo na lang ang mga aso ko, pwede ba?” paasik na aniya dito. Lumigid siya sa mesa at humakbang palapit dito. Binuksan naman nito ang pinto para sa kanilang dalawa.Magka-
Natigilan naman ito. Kumunot ang noo.“Why what?” anito.“Bakit natin kailangang mag-usap pa? Kung nakalimutan mo na nga ang nangyari noon, wala na tayong dapat pag-usapan pa. We’re not old friends renewing friendship, Bastian.” “No, we’re not. Dahil sa pagkakatanda ko, higit pa tayo sa magkaibigan noon, Aishell. Magkasintahan tayo.” “So what you want is to rehash the past, is that it? O gusto mong pamukhaan ako sa layo na ng narating mo? From nothing to this!” wika niya na iminwestra ng isang kamay ang mamahaling Italian suit at Italian shoes nito. Gayong noong huli niya itong makita, isang kupas nang maong na pantalon at mas kupas nang asul na t-shirt an
Nang marating nila ang playground sa plaza ay mayroon nang mga katulong si Mrs. Angulo sa paghahanap sa mga bata. Pero hindi pa rin natatagpuan ng mga ito ang mga anak niya.Saglit bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Mrs. Angulo nang makitang kasama niya si Bastian. Marahil dahil nakita agad nito ang pagkakahawig ni Steev kay Bastian. O maari ding dahil namangha ito sa angking kagwapuhan ng lalaki.Alinman sa dalawa ay hindi niya ikinatutuwa. Lalo na nang tila mas dito nito ipinaliwanag kung paano at kailan nawala ang kambal niya.“Humihingi kasi ng tubig si Steev kaya bumili muna ako saglit sa convenience store na iyon. Maraming ibang batang narito at tanaw ko naman ang sl
Hindi pa siya nagpapaliwanag nang lubos pero agad na nitong tinanggap na mga anak nga nito sina Steev at Brina. Kunsabagay wala namang makakatanggi niyon. Kaya nga nang magbalik sila ng mga bata dito sa San Isidro ay agad nahulaan ng mga kakilala niya kung sino ang ama ng mga anak niya.“Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo ang totoo. Bastian---““Shut up! I need to find my children!” wika nito saka muling binunot ang cellphone nito.Kanina pa nito tinawagan ang ilang kakilalang maaring makatulong sa paghahanap sa mga anak niya. At tulad ng mga pulis, ang tanging maipapangako ng mga iyon ay gagawin ang lahat para mahanap ang mga bata.“Hello, I need you to come here right away,” utos nito sa maawtoridad na boses sa kausap. “No, not tomorrow, dammit! Right now! Those missing kids are my kids, F
“Hi! Ah---ako ang---“Subalit hindi siya pinatapos ng mga bata sa alanganing pagpapakilala niya sa mga ito. Sapagkat animo mga miniature torpedoes na biglang inilunsad ng mga ito ang mga mumunting katawan palapit sa kanya.“Daddy!!!” sigaw ng mga ito sa pinakamatamis na sigurong katagang maari niyang marinig sa tanang buhay niya.Lumuhod siya sa lupa. Ibinuka ang mga bisig upang saluhin ang mga katawan ng mga ito. And as his arms closed around his two perfect angels, his anger at their mother quickly faded away.“Daddy! You’re here, Daddy!” “Daddy! We went lost! But you find us!”Hindi makamayaw ang mga ito sa pagsasalita. Mahigpit na mahigpit ang mg