Share

PART 3-SIXTEEN, TABLES TURNED

Nakabibingi ang katahimikan ng mansyon ng mga Falceso. Kung noon ay halos hindi iyon maubusan ng mga taong bumibisita sa madrasta ni Aishell na dating vice-mayor ng lugar nila, ngayon ni isa sa mga dating kabungguang-siko nito ay ni hindi man lang gustong

sumulyap sa mansyon nila.

       Wala na ang dating tayog at taas ng mga Falceso. Kinupas na ng panahon at mga maling desisyon.

       “Ah, eh, Ma’am Aishell?”

       Hindi pa man niya nakikita ang ekspresyon ni Manang Bebang ay nahuhulaan na niya ang sasabihin nito. Napabuntung-hiningang binitiwan niya ang hawak na paintbrush at hinarap ito. Dating guestroom itong silid na ginagamit niya bilang studio. Pero bibihira na silang magkaroon ng bisita para gamitin pa iyon bilang guestroom.

 Ipinasa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status