DZION’s POV
Kasalukuyan kong pinahaharurot ang aking kotse upang mabilis na makapunta sa tinutuluyan ni Dex. Nais ko muling magpatulong sa kaniya. Hindi ako nabigo nang makita kong narito na ako sa harap ng kaniyang tinutuluyan. Agad akong bumaba at tuloy-tuloy na pumasok doon na animo’y ako ang may-ari ng bahay.
Hindi naman ako pinigilan ng mga kawal na nagbabantay roon dahil kilala nila ako. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniyang office. Nang makarating ako roon ay agad na tumambad sa aking paningin ang mukha ni Dex habang may pinanonood sa kaniyang laptop.
Nang dahil sa aking curiousity, agad akong lumapit doon at nakinood na rin. Makikita roon ang pagsabog ng kabilang parte ng palasyo, malayo sa kinaroroonan namin noong gabing iyon. Ang pangyayaring ito’y naganap noong nagkaroon ng Masque
DZION’s POV “Nasaan na ba si Caz? Pinakuha ko lang ng misyon ngunit hindi na bumalik. Tingnan niyo nga, baka natabunan na ‘yon ng mga papeles,” inis na utos ko sa kanila ngunit nang sila’y tingnan ko, nakita kong nagtuturuan pa sila kung sino ang magsusundo kay Caz. Nang mapansin nilang nakatingin na ako sa kanila, sabay silang tumakbo papalabas ng aming office. Nang makalabas na sila ay akma na sana akong tatayo nang biglang tumunog ang aking cellphone. Agad kong kinuha ito sa aking bulsa bago sinagot. Noong una’y tahimik lamang ang nasa kabilang linya ngunit mukhang sa likod niya ay may pumaparadang truck or sasakyan dahil tumutunog ito. Mayamaya lang pinutol na niya ang tawag. Nang tingnan ko kung sino iyon, unregistered number ang nakalagay. Isa lang ang ibig sabihin niti, hindi ko siya kakilala. Prank caller siguro. Teka, paano naman niya nalaman ang number n
ZAFFRIE’s POV“Momshie, ano bang ginagawa natin dito sa Crime Laboratory ng Dungeon Station?” takang tanong ni Frizza habang nananatili silang nakasunod sa akin at naglalakad.Imbes na sagutin ko sila, huminto ako sa harap ng isang pintuan bago kumatok doon. Awtomatikong may narinig akong sumagot kaya agad kong pinihit ang seradura ng pinto at sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Dito muna kami sa office ng tagapamahala dumiretso upang ipagbigay-alam ang nais naming gawin.Agad kong hinawakan ang aking bag at dali-daling binuksan iyon. Hinahanap ko ang plastic kung saan ko inilagay ang matchstick bago inilabas at ibinigay sa pinaka-head ng Crime Laboratory. Noong una’y nagtataka niya akong tiningnan at ang matchstick ngunit nang ma-processed na niya sa kaniyang utak ang aking nais ay agad niya itong kinuha.“Unahin mo na ang kaso ko, kailangan ko na ito ngayon din.
DZION’s POVKasalukuyan akong nagmamaneho upang makapunta sa office ni Dex. Nais kong muling magpa-imbestiga tungkol sa kaso ni Golden. Mabilis naman ako nakarating doon at agad na pumasok sa kaniyang office. Nang makita niya ako’y agad siyang napairap at lumapit sa akin bago ibinigay ang isang envelope. Iyon na naman ang golden sealing wax.“Wala ka pa bang balita kung sino ang mga nagmamay-ari ng limited edition na sealing wax na ito?” takang tanong ko sa kaniya. Kung tutuusin kasi ay madali niyang mahahanap kung sino ang mga ito dahil anim na tao lang ang nagmamay-ari niyon.“Hindi pa. Masyadong mahigpit ang security ng company na nagbenta ng sealing wax na iyan. Since limited edition ‘yan, hindi nila inilalabas ang mga informations about people who bought that sealing wax. According to them, th
ZAFFRIE’s POV Nakatulala ako nang lumabas ako sa office nina Zio ngunit agad din akong nakabalik sa aking katinuan nang makita ang Fencers na naka-crossed arms habang nakataas pa ang mga kilay. Naghihintay sila ngayon sa labas ng office nina Zio, mukhang alam na nila na narito ako. “Ano ang ginagawa mo sa loob ng kanilang office?” taas kilay na tanong ni Frizza sa akin na animo’y isang nanay na nahuli ang kaniyang anak na nakikipag-date. Inirapan ko na lang silang tatlo bago muling naglakad paalis. Hindi na nila ako sinundan pa nang makalapit na ako sa elevator. Nang makasakay na ako roon ay pinindot ang button upang pansamantalang umalis muna rito sa Underworld. Hindi ko matanggap na kaya niyang gumawa ng gano’ng klaseng krimen, maaari siyang makulong kapag nahuli siya. Sand
ZAFFRIE’s POV “Simulan na natin ang imbestigasyon sa ating misyon,” sabi ko sa kanila bago kami pumunta sa harap ng kaniya-kaniya naming laptop. Ang trabaho ko ay ang mag-review ng mga CCTV footage habang si Cath naman ay ang mag-hack ng mga CCTVs at computers sa Dungeon Station. Si Thyrie at Frizza naman ang taga-compile ng mga nakalap naming evidences. Muli kong pinapanood ngayon ang CCTV footage sa labas ng palasyo. Dahil hindi pa naman masyadong uso noon ang paggamit ng CCTV ay kakaunti lamang ang pagmamay-ari ng palasyo kaya sobrang limited lang ng aming nakikita ngayon. Wala naman akong kahina-hinalang nakita sa mga nakaraang footage, ngunit nang nasa panglima na ako ay naroon ko nakita ang grupo ng mga batang naglalakad malapit sa bungad ng kagubatan. Magmula sa ‘di kalayuan ay may nakita akong isang lalaking nak
ZAFFRIE's POV Kasalukuyan kaming narito sa karinderya na nakita namin na malapit lang sa sementeryo. Masyado pang maaga nang dumalaw kami roon kaya pareho kami na hindi pa nakakakain kaya napagdesisyonan namin na kumain muna. Nakatapos na kaming kumain at lahat ngunit wala pa ring nagnanais na mangunang magsalita. Hindi naman kami sanay na kami lang ang magkasama, lalo na’t kalaban siya ng aming grupo. Mayamaya ay agad kong narinig ang kaniyang pa-simpleng pag-ubo kaya agad akong napatingin sa kaniya. “Ano nga palang ginagawa mo rito?” muling tanong niya kaya napa-irap na lang ako. “Nako, paulit-ulit ka lang naman ng itinatanong. Ano pa ba ang ginagawa sa sementer
ZAFFRIE’s POV“Welcome back, Momshie!” Nagulat ako nang pagpasok ko sa aming office ay biglang may nagputukan na mga confetti. Nang buksan ko ang aking mga mata ay nakita ko mula roon ang mga kaibigan kong baliw.“Kung makagawa naman kayo ng welcome party, parang galing ako sa ibang bansa,” natatawang sambit ko ngunit hindi nila iyon pinansin. Hinila nila ako papalapit sa dining table namin at inanyayahang kumain.“Kumusta naman ang bakasyon mo, Momshie?” tanong ni Cath bago sumubo ng salad na kasalukuyan niyang kinakain.“Mukha ba akong nagbakasyon? Dinalaw ko ang mga magulang ko.” Umirap ako at inis na sumubo ng spaghetti na medyo matig
DZION’s POV “Bakit hindi kita nakita sa pagpupulong kahapon?” bungad na tanong ko kay Dex nang makapasok ako sa office niya. “As usual, I did an investigation for Ate Golden’s case,” aniya habang abalang-abala sa pagkalikot ng kaniyang laptop kaya sumilip ako roon upang tingnan ang pinagkakaabalahan niya. Nakakita na naman ako ng isang ebidensya na maaaring magtuturo kung sino ang totoong suspect. Isa iyong gintong lighter at hindi pangkaraniwan iyon. Halatang mamahalin, pangmayaman at parang— “Parang pamilyar sa aking paningin ang lighter na ‘yan,” sabi ko kaya naagaw ko ang atensyon niya at napatingin sa akin.