LOGINNagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko at naramdaman ang matigas na bagay sa palad ko. Kunot-noong napadilat ako at bumungad sa'kin si Zeidan.
His back is rested on the bed's headboard while half-sitting beside me and a laptop is tightly seated on his lap. Kahit pa inaantok ay nagawa kong titigan at pagmasdan ang itsura ni Zeidan. He has those dark blue eyes that scream freezing midnight skies. Napakatangos din ng ilong nito na tila napakaingat na hinubog, napakatikas at bumagay sa buong mukha niya. Ang mga kilay niya ay makapal at malinis ang pagkakahubog mula sa haba at sukat, mas pinapalalim ang bawat tingin ng kaniyang mga mata. Nang hindi ko napigilan ang sariling mga kamay ay kusang gumuhit ang mga daliri ko sa kaniyang panga, tila inaakit ako nito na humawak doon. Zeidan stiffened, but he was able to turn his gaze and check on me. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ang buong anyo at pagkatao nito ay tila inukit at ginawa lamang upang hangaan ng kahit na sinong babae. "Good morning, Isla." His husky bedroom voice sounds like the sweetest lullaby to my ears. "Kanina ka pa bang gising?" Pinanood ko siyang isara ang laptop na hawak at inilagay sa ibabaw ng side table. Ang braso niyang hinihigaan ng ulo ko ay humapit sa katawan ko para mas maidikit ako sakaniya at ang isa niya pang kamay ay humagod sa buhok ko. His lips reached my forehead, greeting me a 'good morning'. "Good morning, Zeidan." I greeted back in my sleepy voice. "Anong oras ang pasok mo?" Kunot-noong tanong ko rito nang mapansin ang orasan sa gilid ng kama. It's already eight o'clock in the morning. "I don't have class today, baby." Tugon nito bago dumampi ang malambot niyang labi sa'kin. Kakaibang pakiramdam na naman ang bumalot sa'kin dahil sa ginawa niya, ngunit dahan-dahan na akong nasasanay dito. "Ako rin." I chuckled. Pumatong ang kamay ko sa matipunong dibdib nito at hinaplos iyon sa mabagal na ritmo. "Mayroon naman sana mamayang alas-onse, kaso ibinigay na sa'min ang linggo na 'to para tapusin na lang ang mga ipapasa namin saka para makapag-review kami." Zeidan just hummed while holding my hand on his chest. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Hindi ko inakala na mararanasan ko ang ganito kapayapang araw sa buhay ko. Buong buhay ko, puro kaguluhan at pait ang naghihintay sa'kin araw-araw. I was surviving, but barely lived. "Do you have plans today?" Tanong nito habang nag-aasikaso kami ng pang-almusal. "Just sit here, Isla. Mali ang hawak mo sa kutsilyo." He glared at me. We have decided to cook our breakfast instead of eating outside or ordering. "Hotdog lang 'to, Señor." I rolled my eyes at him. "Hindi naman mapuputol ang daliri ko rito." "Alright, baby." He gave up when he realized I'm about to argue with him again. "Now, tell me. May gagawin ka ba mamaya?" Tanong nito muli kaya sandali akong napaisip. Nang akmang sasagot na sana ako ay mabilis na tumunog ang cellphone ko. It was Ismael. Itinaas ko ang kamay ko sa hangin bago ipinakita kay Zeidan ang tumatawag bago ko ito sinagot. "Celeste," Dumagundong kaagad ang boses niya sa tainga ko. "Tara mag-almusal ngayon tapos ituloy na natin ang proposal." Lumingon ako sandali kay Zeidan. Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay nito bago sumulyap sa'kin. His jaw was slightly clenching and his eyes darkened. Binalewala ko na lang ito dahil hindi ko maintindihan kung bakit palagi siyang moody. "Okay lang ba sa'yo kung mamayang hapon, Ismael?" I asked. "I'm just with someone i-important right now." I bit my lower lip when I noticed the corner of Zeidan's lifting up. Tinitigan ako nito sandali bago siya tumalikod at kumuha ng gatas mula sa refrigerator. Sandaling natahimik si Ismael mula sa kabilang linya hanggang sa narinig ko itong tumawa nang mahina. He coughed for a second before responding. "P'wede rin. Mga bandang alas-tres?" He suggested. "Sige. Sa coffee shop na lang?" I asked him. "P'wede, p'wede." When the call ended, I went back beside Zeidan to help him. Kaso nang napatingin ako sa lamesa ay kumpleto na ang mga pagkain. May isang baso ng gatas doon at isang tasa ng kape kaya napataas ang kilay ko. "Kapag ako, bawal? Ikaw, p'wede?" I frowned. "Sana bumili ka ng sarili mong kape." "Minsan lang ako magkape, Señorita. Hindi ko ginagawang tubig ang kape kagaya ng isa diyan." He sarcastically said which made me glare at him. Sinimulan na naming kumain habang patuloy ako nitong inaasar. Nang maalala ko ang napagusapan namin ni Ismael ay saka lang ito natigil. "Magkikita kami ni Ismael mamayang alas-tres." I told him after drinking my water. "Itutuloy namin ang proposal para maipasa na namin sa inyo bago kami mag-exam." Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdilim ng mga mata niya at ang pagtitiim-bagang nito nang tumingala siya sa'kin. "Kayo lang dalawa?" He asked in his tone I'm not familiar with. Napataas ang kilay ko dahil kahit pa hindi ako sanay sa ganitong pag-akto niya ay natutunugan ko na kung ano iyon. "Kaming dalawa lang." I shrugged, hiding the eagerness to tease him. Hindi naman ako pumalpak sa binabalak nang makita ko ang paghigpit ng hawak niya sa kutsara't tinidor. He nodded. Mabagal at kakikitaan ng pag-aalinlangan. The breakfast ended with silence between us. Gusto kong matawa pero mas pinili kong pigilan ang nararamdaman dahil kakaiba ang nararamdaman ko sa pinapakita niya ngayon. It is too unusual, but amusing. Sumunod ako dito nang maghugas na siya ng mga pinagkainan namin, hindi pa rin nagsasalita. Lihim akong napangiti nang may naisipang gawin. I took a kitchen scissors and pretended to cut the baking papers on the countertop. "Oh, ouch!" I faked a pain and held my finger. Palihim akong sumulyap dito at nakitang mabilis siyang lumapit. "What hap---," He couldn't finished when he saw the scissors. "Ano bang ginagawa mo, Isla? Hindi ka pa ba nabusog kanina? Nasaan ang masakit?" Panenermon nito at hinatak ang kamay ko para tignan kung may sugat. I did not speak. Instead, I kissed him on his lips in the quickest way I could. Palihim akong napangiti habang nakatingin dito. He was stoned for a second, until he frowned. "Not a good joke, Aerisla." Madiin nitong sambit. "Maligo ka na do'n kung may lakad ka." He scoffef, but planted a soft kiss on my forehead. I pouted at him, hiding the same cluster of butterflies on my chest that's making me lose control of my feelings and thoughts. Kagaya ng sinabi nito ay naligo na nga ako at gano'n din ang ginawa niya sa kabilang banyo. I wore a pair of white knitted sweaters and blush pink colored shorts. Nang matapos akong mag-ayos sa harap ng salamin ay lumabas na ako papunta sa salas. "Zeidan, anong oras ka aalis?" I asked while putting my wristwatch on. Nang hindi ito sumagot ay nag-angat ako ng tingin at halos bumilog ang mga mata ko sa gulat dahil hindi siya nag-iisa doon. Nakaupo si Ismael sa isang couch habang kaharap si Zeidan na hindi maipinta ang mukha. Bumagsak ang panga ko at halos maestatwa sa kinatatayuan. Sabay silang tumingin sa'kin. Zeidan is wearing his usual dark eyes with his jaw clenched, while Ismael is giving me his confused eyes with lips parted. "Isla," Zeidan called me. Doon lang ako natinag at gumalaw sa kinatatayuan. "You should start doing your proposal with him." Malamig nitong sambit bago tumayo. Lumapit ako sa puwesto ni Ismael at sinamaan siya ng tingin. Nagtataka pa rin ako kung bakit siya nandito ngayon. Ang kaninang pagtataka nito ay dahan-dahang nawala at napalitan iyon ng pang-aasar. "Akala ko ba sa coffee shop?" Madiin kong tanong dito bago umupo sa sahig na katapat niya. He's on the couch while I'm on the floor. "Sobrang lakas ng ulan, Celeste." He shrugged with a hint of playfulness. "Nagpapainit ka pala dito?" Mabilis na lumipad sa ulo niya ang kamay ko habang masama ang tingin sakaniya. "Bibig mo, Ismael!" I glared at him. "You didn't tell me you'll be here." "May pinuntahan ako malapit dito," He shrugged. "Tapos biglang umulan kaya naisipan kong magmagandang loob sa'yo, pumunta na lang ako dito." He smirked. "You fu---," I couldn't finish my words when Zeidan sat beside me. He opened a bottle of apple juice and gave it to me. "Drink this. Ipagbabalat kita mamaya ng prutas." Zeidan uttered. Bumaling ang mga mata niya kay Ismael at matalim na tumitig dito. Tumikhim si Ismael habang binubuksan ang laptop niya. "Ako, pre?" Tanong nito kay Zeidan. "Okay na ako sa kape." Patuloy pa nito na siyang nagpataas sa kilay ng katabi ko. "Sana bumili ka ng sarili mong kape." Tugon dito ni Zeidan at tumingin sa'kin. Halos malaglag ang panga ko nang mapagtanto kong iyon ang sinabi ko sakaniya kanina habang nag-aalmusal. "Ouch, Papa Zei." Ismael ranted, holding his chest. "Sobrang unfair talaga ng mundo." "Believe me, Mr. Saavedra," Zeidan raised a brow. "You wouldn't like it if I'll make your coffee." Zeidan scoffed at him when Ismael acted in pain. Nang tumunog ang cellphone ni Zeidan na nasa lamesa ay kinuha niya kaagad ito at ipinakita sa'kin. He took the call while walking to the kitchen area. Bumaling na lang ulit ako kay Ismael at binuksan na rin ang laptop ko. "Nag-uuwi ka pala dito ng lalaki, ha." Pang-aasar nito. "Oo. Pero kung ikaw, hindi ka na makakaalis nang buhay kung hindi ka tatahimik." Hindi siya nagpatinag sa sinabi ko pero tumahimik ito at nagsimula na kaming gumawa ng design at proposal. Ilang minuto lang ang lumipas ay nagpaalam si Zeidan na aalis na raw dahil tumawag ang magulang nito at sinabing may family dinner daw sila mamayang gabi. Mabilis na dumating ang araw ng Biyernes. Maaga akong nakapagpasa ng 3D model at plates sa AD-7 kaya ang kailangan ko na lang tapusin ngayon ay ang designs pati layouts na kakailanganin para sa wellness center namin sa collaborative project. Sa kasalukuyan ay kasama ko si Ismael sa coffee shop na malapit sa campus dahil kami ang namumuno sa paggagawa ng mga designs at proposal. Tuwing may natatapos kami ay saka lang namin ipinapakita sa ibang mga kasamahan at doon lang sila nagbibigay ng kani-kanilang suhestiyon. "Final examination week na natin sa susunod na linggo, 'di ba?" Paninigurado ni Ismael habang nagtitipa sa kaniyang laptop. "Oo sana kung hindi na naman maaadjust." Tugon ko rito bago iniharap sakaniya ang binubuo kong design. "Ito na 'yong design. Tingin mo ba posible 'to sa binigay na site sa'tin?" Ipinakita ko sakaniya ang design na binubuo ko sa software kaya iginilid niya sandali ang sariling laptop na kaharap. Inaayos ko lang ang ginawa namin no'ng nakaraang araw. "Huy, ang ganda." Sambit nito habang inaaral ang design na ginawa ko. "Ito lang ang problema, 'yong therapy wing sa southwest corner. Nilagay mo ba 'yan diyan para sa privacy?" Napakunot ang noo ko dahil hindi ko makita ang tinutukoy niya. Sandali akong tumayo para lumipat sa tabi niya. "Ah, oo. Diyan ko rin kasi sana ilalagay ang meditation garden para sa mga members, tapos sa kabilang area ang para sa patients." Tugon ko sakaniya habang itinuturo ang kabilang sulok ng design mula sa software. "Maganda sana 'yan kung nasa city ang site. Kaso no'ng inaral namin kagabi ang soil report sa location, masiyadong unstable ang part na 'yon. It's possible to have moisture retention and it is prone to minor shifting." Pagpapaliwanag niya habang ipinapakita sa'kin ang site report na galing kina Zeidan. Sa huli ay napag-isipan na lang namin na ilipat ang therapy wing sa mas malapit na parte sa silangang bahagi ng site kung saan mas siksik ang lupa at hindi delikado. Pero naisip din namin na subukan ang paglalagay ng skylights pati matataas na binatana para makapasok ang ilaw at maging magaan ang lugar sa pakiramdam. Nang matapos kami ni Ismael ay niligpit na namin ang mga gamit namin dahil babalik na ako sa condominium habang siya naman ay papasok pa para sa return demonstration nila. Sandali akong sumulyap sa cellphone ko. Ilang beses akong nagmessage kay Zeidan pero wala akong natatanggap na reply mula dito. Pagkatapos ng nangyari sa condominium no'ng nakaraang araw ay hindi pa kami ulit nagkikita ni Zeidan. Pero hindi iyon ang bumabagabag sa'kin. Nagtataka ako at naguguluhan kung bakit naging matipid ito sa pagmemessage sa'kin nitong mga dumaang araw. Nang lumabas ako sa coffee shop ay sumalubong sa'kin ang malakas na pagbagsak ng mga ulan. Hindi muna ako umalis mula sa kinatatayuan ko dahil kahit magpayong ako ay mababasa pa rin ako ng ulan dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin. I glanced at my wristwatch. Maaga pa pala pero ang kalangitan ay napakadilim na dahil sa pag-ulan. Nang inangat ko ang mga mata ko ay sumalubong sa'kin ang pamilyar na kotse mula sa kabilang kalsada. Dahil sa ulan ay hindi ko masiyadong maaninag nang maayos ang tao na nasa loob, ngunit nang bumaba ito ay saka ko lang napagtanto kung sino iyon. Gumapang ang saya at pagkasabik ko nang makita ko si Zeidan na lumabas doon. I was about to call his name so he would see me. "Zeid---," I couldn't finish. Ang kaninang pagkatuwa sa puso ko ay mabilis na napalitan ng kakaibang pakiramdam. I felt pain gripping on my chest, tight that I could not breathe. It is too unusual, yet terrifying. A girl followed him outside and Zeidan held an umbrella for her. Halos manghina ako at mapaatras nang makita ko ang paghalik ng babae sa pisngi niya at hindi manlang niya ito pinigilan. He allowed the girl to kiss him, and even wrapped her arm on his. Kasabay nang pagbagsak ng mga ulan ay ang pagkabasa ng mga mata ko na gumapang sa pisngi ko. I'm terrified. This feeling is too unusual. Seconds ago, I was happy and excited, thinking that he went here for me. But fate has its own way to surprise people. It did not take longer until Zeidan's eyes met mine. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya at ang pag-awang ng kaniyang mga labi. Mapait akong ngumiti sakaniya, ngunit tinraydor ako ng mga luhang patuloy na lumalandas mula sa mga mata ko. "Zeidan." I uttered his name like a whisper to the wind, hoping that he would hear my pain. It is too painful to think how someone can make you feel so special yesterday, and treat you like nothing today. Zeidan was never mine. 'Yon lang ang malinaw sa'kin ngayon. "Aerisla." There was a pang on my chest. Kakaiba, tahimik, pero sobrang lalim. Of all the feelings I've had around him, this is the most familiar, but the same that I've always been terrified of. I'm breaking.Tahimik pero magaan ang unang umaga sa mansion. Parang lahat ng ingay ng siyudad naiwan sa labas ng gate, at ang naririnig ko lang ay halakhak ni Amaris sa may garden habang hinahabol si Zeidan na may hawak na maliit na basket ng strawberries.“Daddy! Don’t eat it all!” sigaw ng anak namin habang tumatakbo.“Eh, sino bang nagsabing para lang sa’yo ‘to?” sagot ni Zeidan, sabay takbo rin, halatang nag-eenjoy.One thing I love to see every morning was their bonding. Hindi ko inakala na mayroong ganitong side si Zeidan. He became too playful around Amaris. Nakaupo lang ako sa terrace, may hawak na tasa ng strawberry milk na syempre ay gawa ni Zeidan. Hindi ko pa rin alam kung kailan siya natutong maghanda ng ganito tuwing umaga, pero consistent siya. Palagi.“Baby, mainit na masyado diyan,” sigaw niya mula sa garden. “Come here, I made breakfast.”Napailing ako pero ngumiti rin. “Ayan ka na naman sa ‘baby’ mo.”Narinig kong natawa siya. “Bakit, gusto mo bang palitan ko ng ‘mahal’?”Halos
Mula pa lang sa umaga, ramdam ko na ‘yung kakaibang sigla ni Amaris. Para siyang maliit na araw sa loob ng unit na liwanag lang nang liwanag, paikot-ikot sa sala habang suot ang pink na dress na may maliliit na heart prints.“Mommy, look!” Sigaw niya habang umiikot. “Daddy said we’re going to the park today!”Napatingin ako kay Zeidan na nakasandal sa pinto, naka-white shirt at faded jeans. Medyo gulo pa ang buhok, halatang bagong gising pero hindi mo maikakailang gwapo pa rin kahit simple lang.“Amusement park,” sabay ngiti niya. “Excited na agad si baby girl natin.”“Yes, Daddy! May balloons daw at cotton candy!”“Cotton candy?” ngumiti siya. “You’ll share it with Daddy, right?”“Maybe,” sagot ni Amaris, nakapamewang pa at kunwari nag-iisip.Napatawa ako sa kanila. Ang gaan sa pakiramdam habang pinapanood ko silang dalawa. Minsan naiisip ko, kung hindi lang ako lumayo noon, baka ganito na lagi ‘yung mga umaga namin. Puno ng tawa, puno ng kulay.“Ready ka na, Isla?” tanong ni Zeidan
Amoy pancake syrup at butter ang buong dining area. Umaga pa lang pero parang ang gaan na ng pakiramdam ko, kahit may halong kaba sa dibdib. Ang sikat ng araw, malambot at mainit, tumatama sa mga puting kurtina at sa maayos na lamesa sa harap namin.Isang linggo na ang lumipas simula noong gabing ‘yon. Gabi na inamin ko ang lahat, noong nalaman ni Zeidan ang totoo tungkol kay Amaris. At simula noon, hindi na nawala si Zeidan sa paligid namin.Araw-araw siyang dumadaan. Minsan, may dalang grocery, minsan laruan, minsan pagkain. Pero laging pareho ‘yung dala niya para sa’kin, isang baso ng strawberry milk.“Good morning, baby,” he greeted as he entered the kitchen, suot pa rin ‘yung gray joggers na madalas niya nang suotin at simpleng white shirt. Medyo gulo pa buhok niya, halatang kararating lang mula sa duty. “You haven’t had breakfast yet, right? I made pancakes.”Napatingin ako sa kanya habang abala siya sa lamesa, nag-aayos ng plato at hinahain ang niluto. I tried to fight the smal
The smell of garlic butter still lingered in the air. Nakabukas pa ‘yung maliit na window sa kitchen ko, para mawala ang amoy ng shrimp na sabay naming niluto kanina. I could still hear the faint hum of the city outside, muffled by the distance. It was quiet, almost peaceful.It should’ve been peaceful. Pero sa pagitan namin ni Zeidan, tahimik lang, pero mabigat.Amaris had fallen asleep an hour ago, curled up in her little blanket sa guest room. Her curls sticking to her forehead, one tiny hand clutching her stuffed bunny. I kissed her goodnight earlier, but my heart hadn’t stopped trembling since.Now it’s just me and him. Zeidan was sitting on the couch, sleeves rolled up, his fingers absently tracing the rim of the coffee mug I gave him. His expression was unreadable, but his silence said everything.It wasn’t the silence of anger. It was the silence of someone trying to understand something that broke him.I stood there by the counter, wiping my hands with a dish towel, pretendin
Napangiti na lang ako bago siya dahan-dahang inilagay sa upuan. I sat beside her and gave her the cake that her father bought. "Daddy bought this for you, baby." I told her. Mabilis na bumilog ang mga mata niya at kinuha ang cake na nasa kamay ko. "Daji bought cake for Ellie!" She exclaimed. Natutuwang tinanguan ko ito. She started to ask me about her father, but I decided to answer her questions as much as possible. It is one of my ways to prepare her mentally. Mabilis din naman akong natapos sa pag-aayos sa laruan niya kaya tumigil siya sa pag-iyak. Hindi na kasing ganda ng dati, pero maayos naman na ang laruan niya. She has so many Doctor McStuffins toys, but this one has always been her favorite because aside from it is talking, it is also dancing. Sa mga sumunod pa na linggo ay gano'n pa rin ang nangyari. Palagi kaming magkasama ni Zeidan sa trabaho. Mayroon ding mga pagkakataon na nakakausap ko siya tungkol sa mga nangyari no'ng naghiwalay kami. He was so proud of me whe
On the following weeks, Zeidan never failed to check on me. Mayroong mga pagkakataon na nahihirapan akong harapin ito. Hindi dahil galit ako sakaniya, pero dahil hindi ko alam kung papaano ko siyang haharapin. He did so much for me, but everything felt difficult for me to reciprocate. Maiibalik ko nga ba sakaniya lahat nang nagawa niya para sa'kin? I doubt that. Pero alam ko rin namang sinusubukan ko araw-araw na magawa ang parte ko. I want to give him the best of me. "Come here, Isla. Let's eat." He uttered. "Okay ka lang ba? What's wrong?"He noticed my energy. Sobrang napagod lang ako kagabi dahil nagiging makulit na si Amaris. Hindi naman sobrang kulit, pero mayroong mga pagkakataon na nahihirapan akong ihandle siya. She's growing up, and I don't think she seems to understand everything I say. Ganitong age kasi ng mga bata ang mahirap ihandle. It's the time of their life when they are already trying to explore their years. "Your energy seems to be in a low battery." He uttere







