Share

CHAPTER 3.

I opened my eyes as I felt a gust of wind passed by me. I found myself lying in the ground. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumayo sabay libot ng aking mata sa paligid.

"Nasaan ako?" I exclaimed as I can't believe what I'm currently seeing.

Hinahaplos-haplos ko ang aking sentido dahil sa sakit na aking nararamdaman mula rito. Nandito pa ba ako sa parke? Bakit parang nasa ibang lugar ako? The trees in the park wasn't this lush and tall.

Napatingin ako sa kanang kamay ko dahil medyo mabigat ito. To my surprise the ring was there, kanina pa 'to pasulpot-sulpot! Could this day get any weirder?

Wala sa sariling napangiti ako ng makita ang dalawang mahimbing na natutulog hindi kalayoan. Parang walang nangyaring hidwaan sa amin kanina. The way they rushed in to save me was enough for me to forgive them.

"KC! Hannah! Gising!" Mahina kong niyugyug ang dalawa bago sila tuloyang nagising.

"Nasaan tayo?" Tanong ni Hannah at bumangon sa pagkakahiga. 

"Shuta! Ano ba 'yong humigop sa 'tin kanina?!"

"Hindi ko alam. Ni hindi ko alam kung nasaan tayo."

A long silence between the three of us filled the air, ramdam namin ang pagka-ilang sa isa't-isa.

"Trixia, sorry nga pala kanina."

"Ako din, bumibili ako ng judge pero hindi ako judger!"

"Okay lang 'yon! Kasalanan ko din namang nagtago ako sa inyo. Bff's?" I asked initiating a grouphug, masayang niyakap ako ng dalawa.

"Hoe."

Nagtawanan kaming tatlo na parang baliw animo'y walang kakaibang nangyari sa amin. Having friends like them is something I treasure for the rest of my life.

"Maglibot muna kaya tayo! Baka may mahanap tayong daan pabalik." Suhesyon ko upang mapatango ang dalawa.

"Letting go everyone!"

"Waiter! Remember three friends come together, so we must stick together. Baka mawala tayo sa gubat natur!"

"Good idea KC, dapat mag-ingat tayo." Sang-ayon ni Hannah na parang bata.

"Parang nandito tayo sa A****n! Perfect for taking pictures, post ko 'to mamaya sa insta. Hihihihi." The excitement on KC's face was priceless.

Nagmistulang professional photographer ito sa mga posing na ginagawa niya upang makakuha ng  magagandang litrato. Masaya kaming tatlong naglakbay patungo sa mas masukal na parte ng gubat. We cheerfully took pictures of some peculiar plants even creatures in the forest, hindi mawawala ang picture taking at selfies! Ang iba nga ay ngayon palang namin nakikita, the biodiversity of this forest is so rich.

Matapos ang dalawang oras na walang humpay na paglalakad ay huminto muna kami upang magpahinga. Pagod at gutom ang aming naramdaman sa mga oras na ito. Hindi lang 'yon, nawawala kaming tatlo sa gitna ng masukal na kagubatan!

"Trixia, feeling mo mabubuhay pa tayo?" Tanong ni KC, hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya.

Walang buhay kaming tatlong nakaupo sa isang truso, simpling tango ang naging sagot dahil sa kapaguran.

"Sana nga."

"Aray! Ang raming lamok dito!" Pulang-pula na ang maputing kamay ni Hannah, gano'on din sa akin at kay KC.

Mukhang hindi kami tatagal sa sitwasyong ito. Kailangan naming makahanap ng tulong sa mas lalong madaling panahon. Hindi na kami aabotan ng sikat ng araw kapag nanatili pa kami dito hanggang gabi.

"Kailangan pa nating maglakad baka may kalapit lang na bayan dito at makahingi tayo ng tulong o may makita tayong tao at makahingi ng tulong." I said as I try to encourage them pero parang wala silang narinig.

"Trixia, kanina patayo lakad ng lakad dito. Wala naman tayong napapala sa kalakad natin ah? May nakita ka bang tao dito sa masukal na gubat na 'to? Ang hirap talagang umaasa!" Parang kahit anong oras ay magwawala nasi KC.

"KC, kalma."

"Papaano tayo makakahanap ng tulong kung pati signal ng cellphone ay wala dito. Nakakaloka!"

Mismong ako nawawalan na rin ng pag-asa. KC stands up, fixing the way he seats but he suddenly stopped. His eyes shined like a linger of hope was upon us.

"Walang himala! Akala ko nasa puso lang iyon ng tao." Sigaw ni KC upang mabuhayan kami ng dugo. "May tao akong nakita sa kalurkey na gubat na'to! Let's go, tanongin natin si Kuyang Manong!"

Kulang nalang tumambling sa tuwa si KC, agad namin siyang sinundan ni Hannah.

"Ba't ka tumigil?" Tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

I saw how his facial expression change, what's wrong with him? Tulala siyang nakatingin sa ibang direksyon na may halong takot. Sumenyas siyang tumahimik kami at agad itong nagtago sa likod ng isang puno. Para siyang praning kung tingnan, wala kaming ibang nagawa ni Hannah kun'di sundan siya.

"KC, anong nangyayari sa 'yo?"

The fear on his face couldn't be painted, I tried to ask Hannah but she herself was scared.

"Ano ba 'yang nakikita niyo na hindi ko nakikita?"

"Huwag kayong maingay."

"Truelalo." Biglang humina ang boses ng dalawa.

"Anong pinagsasabi niyo? Akala ko ba may nakita kang tao KC?"

Bumugtong hininga si KC at may itinuro upang maningkit ang aking mga mata. Fear was the first thing I felt, kaya pala takot na takot ang dalawa. The bigger question is why are they here, wearing cloaks like a cult. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa aming tatlo kapag nakita nila kami.

Kahit maliit na parte lang ng kanilang katawan ang aming nakikita at mukha dahil sa suot nila ay nagbibigay na ito ng kakaibang takot sa amin. Punong-puno ng kakaibang tattoo at mga naglalaking tahi ng sugat ang kanilang mukha gano'on na din ang ibang parte ng kanilang katawan.

"I've got a bad feeling about this. Kailangan na nating umalis dito." I suggested.

"Dalian na natin, natatakot na ako."

Hindi na kami nag-atubili pang mag-sayang ng oras, dahan-dahan kaming naglakad palayo sa gawi nila. I was at the back end, napamura ang dalawa ng matalisod ako at natumba sa lupa.

Ang tanga-tanga ko talaga!

"Sinong nandyan?" Tanong ng mapayat na lalaki habang kasama nitong mataba ay inamoy ang hangin.

The guy somewhat pinpointed our location they rushed towards our direction. Kumaripas ng takbo ang dalawa sa takot at pinabayaan ako na parang hindi importanteng bagay. Naiwan akong naka-upo sa lupa, hindi alam ang gagawin. Ayaw makisama ng aking katawan sa akin sa mga oras na 'yon, ayaw niyang gumalaw kahit anong utos ko, takot lang ang nangingibaw.

I pulled myself together the best I can as I saw both of them wickedly smile at me a few meters away. Nanginginig ang aking paa habang tumatakbo ako, halos hindi ako makahinga sa takot na aking naramdaman. Akala ko ay ligtas na ako mula sa kanila dahil hindi man lang sila nag-abalang habolin ako. Kampanteng tumigil ako sa tapat ng puno upang lumanghap ng hangin.

"Hindi ka makakawala bata."

I almost peed my pants as I saw both of them standing in front me with a creepy smile.

"AAAHHHHH!!"

--

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status