The Embrace Of The Lycan King (Tagalog Version)

The Embrace Of The Lycan King (Tagalog Version)

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-01-30
Oleh:  Ms.HyunieeOngoing
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
4Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Livia is a woman seeking for love from people who don't value her or give her attention. She's been in pain since marrying her husband Aldrake, who only cares about his reputation and leadership as Alpha of the Moonlight Pack. Livia is merely a shadow of her sister Amber, an adopted daughter who is favored by everyone, including her husband. Livia's life is turned upside down when her husband prioritizes her stepsister, causing her unbearable pain. Just as she's about to break down, she meets the Lycan King - Aldus. What will happen between them? Will she find the love she's been searching for? What will she do if her ex-husband wants her back?.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Abala ako sa pagtitig sa kisame ng aking silid, habang inaalala ang mga magagandang nangyari sa buhay ko since I became the Luna of this pack, the Moonlight Pack. Ngunit tila ata ni isang magandang ala-ala ay wala akong matandaan pa. 

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama, habang nilulunod ang aking sarili sa mga bagay-bagay. Ngunit ang malalim na pag-lalakbay ng aking isip ay agad nabulahaw ng marahas na bumukas ang pintuan. 

Pumasok ang aking asawa na agad lumapit sa aking higaan. Inihagis nito ang hawak niyang paper bag sa kama, na parang isang basura na itinatapon. 

Kinuha ko naman iyon upang tingnan kung ano ang laman. Nang makita ang itim na dress, agad na umukit ang ngiti sa akin. 

“Mamaya na magaganap ang pagdiriwang para sa pagkakaisa ng Moonlight Pack at ng Silvermoon Pack. Isuot mo iyan, si Amber ang pumili ng dress na iyan, so you better wear it elegantly”. Napawi agad ang ngiti na umukit sa akin, dahil sa kanyang sinabi. 

Agad na binalot ng lungkot ang aking puso, matapos malaman na ang aking stepsister ang pumili at hindi siya. 

“Hindi kita gustong isama, dahil hindi ka karapat-dapat na tumayo sa harapan ng lahat kasama ko. Ngunit wala akong pag-pipilian. Kailangan naroon ang bawat Luna mula sa mga pack na dadalo mamaya. Mas nababagay kung si Amber ang kasama ko, ngunit wala akong magagawa dahil iyon ang utos ng council mula sa Blood Moon Pack. So better behave yourself, and make yourself more suitable”. After bitawan ang masasakit na salitang iyan, agad na itong umalis ng aking silid na para bang hindi siya makakatagal kung kasama niya ako. 

Mariin kong hinawakan ang aking dibdib, at pinakiramdaman ang mahinang tibok ng puso ko na para bang mawawalan na ako ng buhay. 

Ang bawat salitang lumalabas sa mismong bibig ng aking asawa, ay parang libo-libong kutsilyo na tumutusok sa aking puso. Ang kanyang mga salita, ay tila sapat na para bawian ako ng buhay. Walang Araw na hindi ako nasasaktan ng sobra dahil sa kanya. 

Ngunit kahit na ganon, bakit hanggang ngayon ay natitiis ko at nananatili parin ako sa kanya?. Iyon ay dahil sobra ko siyang mahal, na kaya kong magbulag-bulagan o maging manhid manatili lamang sa kanyang tabi. 

Napatingin ako sa dress na hawak ko ngayon, at mapait na napangiti. Even though I'm always his second choice, at least ako ang makakasa niya ngayon. 

Agad akong tumayo sa kama ko, at pinilit na ibalik ang aking sigla upang maghanda na para mamaya. 

Matapos ang magbihis at mag make-up, bumaba narin ako upang makita si Aldrake. Ngunit sa pagbaba ko ng hagdan, ang suot kong ngiti ay agad na nabura ng makita ko silang nakaupo sa living room habang ang ulo ng aking kapatid ay nakapatong sa balikat ni Aldrake, at habang hawak naman nito ang kamay ni Amber. 

Agad na gumapang ang sakit sa aking puso, sa aking nakita. We've been married for almost three years, ngunit ni isang beses ay hindi ko nagawa ang bagay na iyan sa kanya. Kahit ang hawakan niya ang kamay ko ay hindi ko nararanasan mula sa kanya.  

“Aldrake”. 

Sa pagtawag ko sa kanyang pangalan, agad na natuon ang attention nila sa akin. Mabilis na kumilos si Amber upang tumayo at lumayo sa aking asawa, na marahang inayos ang nagusot niyang damit. 

“L-Livia? Mali yung nakita mo. Wala lamang iyon”. Ang natatarantang turan sa akin ni Amber na siyang ikinalingon ko sa kanya. 

Gusto ko siyang komprontahin dahil hindi na tama ang ginagawa nila ng asawa ko sa loob ng bahay na ito, ngunit sa tuwing binabalak ko para akong naputulan ng dila at hindi na makapagsalita pa. 

Sino ba sa akala niya ang niloloko niya?. Hindi naman ako ganoong katanga para hindi makita at maramdaman na may gusto si sa asawa ko. 

“You don't need to explain, Amber. Wala namang mali kung makita niya tayong dalawa” Turan ni Aldrake, not even considering what I feel. 

“Ngunit baka magalit sa akin ang aking kapatid dahil sa kanyang nakita”. Turan naman ni Amber, na parang isang takot na tupa. 

Lumapit sa kanya si Aldrake, at agad na hinawakan siya sa kanyang mukha para iangat ang kanyang ulo. 

Nagkatinginan silang dalawa, at ako?. Ito naging hangin na naman sa kanila. 

"Look, wala kang ginawa so huwag kang matakot, okay?. Walang mali kung nakita niya tayong dalawa sa ganoon posisyon. Masama ang pakiramdam mo, that's why you lean on me, nothing more". Pag-aalo niya dito bago matalim na lumingon sa akin. 

“Tell her, you're not mad at her!”. Mariin, at nag-uutos na turan sa akin ni Aldrake.

Binigyan niya ako ng nagbabantang tingin, kaya wala akong nagawa kundi ang sumuko at gawin ang gusto niya kahit labag ito sa loob ko. 

Sino ba naman ang gustong humingi ng tawad, kung wala ka namang ginagawa at kasalanan sa kanila?. Hindi ba't wala naman, kundi ang mga tangang tao lamang ang gagawa noon, at isa na ako doon. 

"Hindi ako galit, Amber. Katulad ng Ssabi ni Aldrake walang mali sa ginagawa nyo". Turan ko sa pilit na ngiti at sa pilit na boses. 

Parang pinipiga ang puso ko ngayon. Pakiramdam ko may sumasakal sa akin para pigilan ang pagdaloy ng hanging sa buo kong katawan. 

Namamanhid ako dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na lamang tumakbo pabalik sa kwarto ko at doon ibuhos ang lahat ng luha na pinipigilan ko ngayon. 

"R-really?. You're so understanding, sister". 

Gusto kong tumawa sa kanyang sinabi, ngunit hindi ko magawa at tanging maliit na ngiti na lamang ang ibinigay ko sa kanya. 

Lumingon ako kay Aldrake upang tanungin siya kung aalis na ba kami, ngunit naunahan ako ni Amber.

"Are we going na ba, Aldrake—I...I mean, Alpha Aldrake". Kumunot ang aking noo sa naging tanong ni Amber. At doon ko lang din napansin ang kanyang kasuotan. 

She's wearing a white long fitted gown. 

Wait?. She's also coming...with us?. 

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo, na Aldrake na lamang ang itawag mo sa akin?. Hindi ka na iba sa pack house na ito, Amber". 

Nabalik lamang ako sa ulirat ng marinig ang sinabi ni Aldrake. Oh, right. He's allowing her to call him by his first name, and not Alpha Aldrake. Are they that really close, or talagang harap-harapan lang nila ako sinasaktan?. 

"Pero--".

"No buts, Aldrake is enough. So shall we?". Tanong nito sa aking kapatid na agad namang tumango sa kanya.

Inalok pa niya ang kanyang braso kay Amber, na agad naman hinawakan ng kapatid ko bago sila tumalikod. At ako?. Naiwan ako na parang hangin. 

"Wait. Aldrake!". Tawag ko sa aking asawa na agad namang tumigil. Sabay silang lumingon sa akin, kaya napalunok ako ng laway. 

Gusto kong sabihin sa kanya na ako ang asawa niya, at ako ang kasama niya mamaya sa party so dapat ako ang hahawak sa braso niya. 

"What?!". Asik nitong tanong sa akin. 

"N-nothing. Sorry"...ngunit sa huli, ako parin yung nagpaubaya. 

"Tsk". 

They walked out together, and left me behind that makes my wolf- Lilly growl angry. "You don't deserve to be treated like this, Livia. Leave him and find your happiness". 

"I can't. I can't do that, Lilly I love him so much". Sagot ko sa kanya habang nakatanaw sa nilabasan ng dalawa. 

"Stop being stupid, Livia!. He's hurting you so bad, so leave him!. You don't deserve a man like him!. We don't deserve them!!". 

Isang mapait na ngiti ang muling umukit sa labi ko, bago mabilis na pinunasan ang butil ng luha na tumulo sa mata ko. 

Hindi na ako nagsalita pa, at agad na sumugod sa kanilang dalawa dahil baka mamaya ay magalit na naman sa aking si Aldrake. 

***

Nang makarating na kami sa Silvermoon Pack, agad na lumapit sa akin si Aldrake. 

"Don't do anything stupid, Livia. I am warning you. After the appearance in front of everyone, sasamahan ko si Amber para ipakilala sa mga kaibigan at kakilala ko". Turan nito na para bang nag-aanunsyo ng Isang normal na bagay.

"Hindi mo kailangan gawin iyon, Alph—Aldrake. Si Livia ang asawa mo, so siya dapat ang isasama mo para ipakilala". Turan ni Amber na siyang ikinalingon sa kanya ni Aldrake.

“You deserve to be shown off. Everyone should know who you are.”

Just like that, something inside me cracked—quiet but deep. A break that no one heard but me. And I wondered if I would ever be whole again.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status