AURORA’S POV
Pagod na pagod na ako sa lugar na ito. Ang karahasan, pagdanak ng dugo, at patuloy na pag-uusap nila sa mga plano at pagpatay ay mas pinapahirapan akong huminga. Ang tanging hiling ko na lang ay ang makaalis na sa magulong lugar na ito!
“Alam mong posible iyon, hindi ba?” isang boses mula sa tabi ko ang nagsalita. Sa gulat, napaikot ako at halos mabunggo ko na ang isang babaeng may edad na din kung titignan.
Hindi ko pa siya nakikita sa lugar na ito. Kinabahan na ako nang makita ko mula sa dulo ng aking mga mata ang nakadandong pintuan. “Paano nakapasok ang babaeng ito?”
Tumawa siya sa gulat na expresyon ng aking mukha at sinabing, “Tulad lang kung paano ka napunta sa harapan ni Caleb…”
“Alam mo ang tungko doon?” agad kong sabi.
Kumindat siya sa akin at sinabing, “Ni alam ko mismo kung paano mo iyon nagawa. Pwede kong ipakita sayo kung gugustuhin
AURORA’S POVTumingin ako sa bawat sulok ng lugar, lahat ay tugma sa anong nakita ko sa ala-alang iyon; ang paborito kong kabayo, slide, duyan, at ang upuan… maliban lang sa mga magulang ko…Huminga ako ng malalim at naupo. Sinubukan kong alalahanin lahat ng ginawa ko dito noong bata pa ako. At ang tanging pumasok sa isipin ko ay ang mga alal-alang ipinakita sa akin ni Celeste.“Natutuwa akong nagawa mong magpunta dito,” narinig kong boses ni Celeste habang papalapit sa harapan ko. Mainam akong tumayo nang may respeto at ngumiti sa kanya.At nang maupo na kami. Agad kong itinanong sa kanya ang bagay na madalas na gumagambala sa akin, “Bakit wala akong maalala ni isa patungkol sa aking mga magulang?”“Nagpasya kaming alisin lahat ng ala-ala mo para sa iyong kaligtasan.”“Bakit niyo kinailangang gawin iyon?” tanong ko.“Mapanganib ang mga sandalin
CALEB’S POVNagbuntong-hininga ako at pumasok sa aking kwarto. Panahon na para sa penitensya. Pinunit ko ang aking damit at tinitigan ang aking sarili sa salamin. Sa mahinang liwanang ng kandila, kita ko ang mga bakas sa aking likuran.Ang mga ngipin ko ay nagsasalubong nang magsimula akong paghahampasin ng sobrang lakas ang aking likuran hangga’t kaya ng aking katawan. Ang tunog mula sa bawat paghampas ko sa sarili ay dinig na dinig sa loob ng aking silid habang patuloy lang ako sa paghampas ng paulit-ulit.Isa… dalawa… tatlo… apat… lima...Akmang hahampas na ako sa ikaanim kong bilang pero may kung sinong humila sa aking kamay.“Bakit mo ito ginagawa Caleb? Ano sa tingin mo ang maitutulong nito sa’yo?”“Pinapaalala nito ang hindi ko pagtagumpay laban sa mga Flamers, Meridith. Binubuhay nito ang matinding nais kong maghiganti…”Ang mga malal
ASLAN’S POV“Kinakailangan mo bang umalis, Aslan?”“Parang kapatid ko na si Aurora. Nag-iwan lamang ako sa kanya ng dugo na sapat lamang para sa isang buwan. Kailangan ko siyang puntahan.” Pagpapaliwabag ko.“Pero nangako ka sa aking mananatili ka lang sa tabi ko,” naiiyak na sabi ni Zarina.“Pupuntahan ko lamang si Aurora, pero hindi ako mananatili roon para kay Tyson,” pagpapaliwanag ko habang hinahawakan ko siya sa kanyang balikat.“Paano kung pinilit ka niyang manatili doon?”“Gagamitin ko ang locket para makapag-teleport pabalik dito,” nakangising sagot ko sa kanya.“Hindi maganda ang pakiramdam ko tungko dito, Aslan…”Damn! Ang babaeng tulad niya ay mapumilit at hindi gusting magpatalo. Hindi naman niya inaasahan na manatili ako dito tulad ng isang bilanggo, hindi ba?Ang mukha niya
CALEB’S POV “Kailangan mo nang magmadaling magdesisyon, Caleb. Ang Dark Lord ay magiging mainipan na balang araw. At nag-iwan na siya ng paalala para sa’yo,” sabi ni Meridith pagkapasok niya habang may hawak na malaking kahon.Kinuha ko mula sa kanya ang kahon saka ito kinuha at binuksan ngunit agad ko rin itong isinara nang makita ko ang nasa loob, at ang mga kamay ko ay nanginginig.“Ano ang nasa loob ng kahon?” tanong ni Meridith., habang binubuksan ang takip ng kahon pero agad ko namang hinila ang kanyang kamay at umiling at bumulong sa kanya, “Vondur…”“Hindi! Paano niya magagawa iyon?” sabi niya habang minamasahe ang kanyang ulo.Huminga ako ng malalim saka sinabing, “Kilala siya sa kaniyang pagiging isang walang-awang tao…”“Ibig sabihin ba niyan wala tayong pagpipilian sa sitwayong ito?”“Huwag
AURORA’S POV Nangangapa ako ng hangin habang pinapakiramdam ang hangin na tumatama sa aking lalamunan. Sinusubukan kong sumipa at gumalaw pero ang katawan ko ay nanatiling nakalutang sa hangin.Napakasakit ng ulo ko na halos hirap na hirap na akong mag-isip ni kahit ni isang bagay. Halos hinang-hina ang katawan ko sa kawalan nito ng lakas at tila ba tuyo na ang mga labi ko dahil sa dehydration.Sa kabila nang paghihina ko, nakaramdam ako ng tulo ng tubig mula sa aking mga labi. Idinaan ko ang dila ko sa pagitan ng aking mga labi at agad na nilunok ang mga laway na namuo sa aking bibig na tila ba uhaw na uhaw.Hindi ko alam kung anuman ang likidong iyon pero naging maayos ang pag-iisip ko. Nang unti-unti kong ibinukas ang aking mga mata, nakita ko agad si Logan na nakatayo mula sa aking harapan. Sinubukan kong ngumiti pero tila lahat na ata ng laman mula sa aking mukha ay hindi na makagalaw.Ang mga mata niya aya agad namang
AURORA’S POV Hindi ko kailanman nagawang isipin na haharap ako sa ganitong kamatayan kahit pa sa mga panahong nasa dilim ako; nakalutang sa ere, may mga nakapalibot ng kanidila sa akin at isang kakaibang amoy. Ang kamatayan ko ay kapalit ng pagkabuhay ng isang demonyo. Kawalan ng pag-asa ang siyang nangibabaw sa aking puso na halos wala na maski isang kititing na pag-asa akong maramdaman. Nasa punto na ako na sumuko na lamang nang bigla na lamang nasa harapan ko na sina Caleb at Tyson, pero sigurado akong isa lamang iyong ilusyon. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Maya’t maya pa ay may kung anong maligamgam na likido ang siyang tumutulo sa aking mukha. Agad na bumukas ang aking mga mata, inaasahan ko na nakahanap ng paraan si Logan upang iligtas ako. Isang kulay tanso at kayumangging mga mata ang siyang bumungad sa paningin ko imbes na kulay asul. Blo
AURORA’S POV Napaungol ako nang tumingin ako sa aking tabi. Sinubukan kong pilitin ibukas ang aking mga mata hangga’t kaya ko. At bigla na lamang nanlaki ang aking mga mata nang pakiramdam ko ay nakakakita ako ng isang dagat na halos wala itong katapusan… At nang itinuon ko ang mga mata ko sa may buhangin nakita ko sina Caleb at Logan. Ang mga mukha nila ay namumula palapit sa akin. Napapahinto sila matapos ng ilan lamang mga hakbay, napapabuntong hininga saka ulit lalakad papalapit sa akin. Hindi ba’t nasa isa akong silid kung saan ginaganap ni Celeste ang kanyang ritwal? Nagpakawala ako ng sobrang napakaliit na enerhiyasa paligid ko, sinusubukang alamin kung isa na naman bai tong ilusyon mula sa mahika ni Celeste. At nang masiguro kong totoo ang mga ito agad naman akong umpo at kumaway sa kanila Nanliit ang mata ni Caleb mula sa malayo at huminto sandal saka nagmadaling tumakbo papalapit sa akin. “Aurora… Salamat sa Diyos a
AURORA’S POV Dumaing ako habang ang malamig na tubig ay dumadaloy sa buo kong katawan, at tila lahat ng pangamba ay inaalis nito sa akin. Inaalis nito lahat ng dumi sa aking katawan. Pero sa malungkot na katotohanan, hindi nito maalis ang aking mga ala-ala. Lahat ng nangyari nitong nakaraang dalawang buwan ay nakatatak sa aking isipan ng napakalalim na kahit pa magakaroon ako ng Alzheimer hindi nito kayang alisin ang mga ala-alang iyon. Itinaas ko ang mga kamay ko sa ere at saka bumuo nang mala buhawi sa aking paligid gamit ang mga tulo ng tubig. Kapareho lamang ito ng mga iniisip at mga emosyon ko nanagpapa-ikot-ikot sa aking isipan. Kailangan ko nang magpahinga… Gusto kong magpunta sa isang walang taong lugar pero mas takot akong mapunta lalo sa mas matindi pang gulo. Bigla na lamang nagsibuhos ang mga tubig na nakapalibot sa akin ng mawala ang konsentrasyon ko. Habang nagbibihis ako, nakarinig ako ng mga padyak ng paa sa l