Alec Villarreal went to Besmoth City, East Midland for a new mission as instructed by his friend. Kailangan niyang imbestigahan ang pagkawala ng relic sa museum ng Besmoth na naiwan pa ng mga sinaunang taong-lobo. Along his way to finding the lead and the culprit, he met Kathleen Vadeenberg whose as shameless as one of his brother in CAU. Bigla lang naman kasi nitong idineklara sa harap ng marami na mag-asawa sila. And to his surprise, she kissed him shamelessly in front of everyone to prove that he really is her husband. Saan hahantong ang relasyong nagsimula sa mali lalo na kung sa una pa lang ay nakaplano na pala ang una nilang pagkikita? Will Alec accept his fate in the hands of Kathleen and her schemes? Or, he'll fight back...
Lihat lebih banyakSa gitna ng magulong lungsod ng Besmoth kung saan nakapalibot ang iba't-ibang libangan, makikita ang napakaraming tao sa gilid ng malawak na kalsada. Walang gabing hindi napupuno ang bahaging iyon kung saan masaya ang lahat. Pawang may masayang mga ngiti sa mga labi na para bang kahit katiting na problema ay wala ang mga ito. They were there to enjoy. The place was made for everyone to have fun and forget about everything. Everyone was there to escape from the reality of life. They were there to enjoy and feel the temporary ecstatic happiness.
Ang Besmoth City ang tanging lugar sa buong Midland kung saan matatagpuan ang iba't-ibang klaseng nilalang. Ordinaryong tao, taong-lobo, bampira at mga mangkukulam. Ang lugar kung saan hindi malalaman kung sino at ano ang mga nakakasalumuha, araw at gabi. Ang lugar kung saan walang pakialam ang lahat sa kung ano at sino ka. Ang mahalaga lang ay ang pandaliang kasiyahang doon lang nila mararamdaman.
Sa isang bahagi ng lansangan, malapit sa poste ng malamlam na ilaw, naroon ang isang grupong nagkakatuwaan habang nag-iinuman. May naggi-gitara at nagkakantahan. Ang ilan naman ay masayang nagki-kwentohan. Ang grupo ni Kathleen.
"Kath, looks like tonight's gonna be a big night, huh."
Kathleen let out a wide smile and nodded. It was Yhanna. She already knew her since the day she first came to the city. Ito ang pinakauna niyang nakilala noong unang gabi niya roon. Mabait si Yhanna at palangiti ngunit alam niyang sa likod ng mga ngiti nito ay nakatago ang hindi matawarang lungkot. Kitang-kita iyon sa kislap ng mga mata nito.
"Yeah! I can feel it too." Sang-ayon ni Kathleen bago itinaas ang hawak na pitcher ng beer. "Cheers everyone..." Ani ni Kathleen sa mga kasama na kaagad namang itinaas ang kanya-kanyang pitcher.
"Cheers!"
Ilang sandali pa ay tuluyan nang napuno ng ingay ang paligid. Habang lumalalim ang gabi at unti-unti tinataan ng alak ang lahat ay nagsimula na ring maging maharot ang iba.
"Hey, Kath!" Tawag ng isang lalaki na nasa kabilang grupo naman sa babaeng nakatayo at may hawak na hindi kalakihang pitcher na may lamang beer.
The woman was wearing a black fitted leather skirt paired with black lacey crop top and a cute ankle boots.
All in all, she's one hell of a sexy lady in black.Lumingon ang babae. "Yeah?" Matamis ang ngiting tanong nito sa lalaking buong paghangang nakakatitig sa kanya.
Sanay na si Kathleen sa ganoong klaseng titig kaya sa halip na mailang ay tinatawanan na lang niya ang mga ito. Sa taas niyang five feet and six inches na biniyayaan ng balingkinitang katawan at magandang mukha, walang lalaki ang hindi naaakit sa kanya maliban na lang kung palda rin ang gusto nitong isuot at lalaki rin ang hanap na kagaya niya.
"You want a ride tonight?" Nakangising tanong nito kay Kathleen.
Ang kislap ng mga mata ay puno ng pagnanasa habang nakatitig sa matambok ng p'wetan ng babae. Bakas rin sa mukha ng lalaki ang pag-asam na papayag si Kathleen.
"Thanks but no thanks, Simon." Nakangiti pa ring sagot ni Kathleen. "But someone will fetch me here later so don't bother." Dugtong niya bago nilaro sa loob ng bibig ang menthol candy na halos paubos na.
Umangat ang kilay ng lalaki. Bakas sa mukha nitong hindi ito naniniwala sa sinabi ni Kathleen. Kilala na ng halos lahat si Kathleen dahil walang gabi na hindi pumupunta roon ang babae. Marami itong kaibigan doon kaya kahit mag-isa itong dumadating ay hindi ito nawawalan ng kasama kapag naroon na. Palagi itong may kagrupo kagaya ngayon.
"Oh?" Nakataas ang kilay na untag ng lalaking hindi pa nakontento sa pagtitig kay Kathleen.
Tumayo ito at humakbang palapit sa babaeng wala namang pakialam na umindak-indak sa saliw ng tugtog na nagmumula sa gitara ng kasama nito habang hawak sa kamay ang beer. Naramdaman ni Kathleen ang paglapit ng lalaki at kasalukuyang nakatayo sa likuran niya at walang paalam na humawak sa kanyang beywang. Bahagyang tumikom ang mga labi ni Kathleen na kanina ay matamis na nakangiti.
"That's foul, Simon..." Seryosong turan ni Kathleen na tuloy pa rin sa pag-indak.
"Bakit naman?" Simon whispered behind her ear. "I just want to accompany you." Dugtong nitong sinabayan ang mabagal na pagsayaw ni Kathleen.
Idinikit nito ang katawan sa likuran ni Kathleen at bahagyang ikiniskis ang hinaharap sa matambok na pang-upo ng babae.
Tumalim ang mga mata ni Kathleen ngunit nanatili ang matamis na ngiti sa mga labi niya. She slowly moved her hips and sway like a pro. Itinaas niya ang isang kamay at inilagay sa ulo. She brushed her midnight black hair and bit her lower lips. Kathleen smirked and turn around to face Simon.
"Are you sure, you want to give me a ride?" Tanong niya sa mapang-akit na tinig habang patuloy na iginigiling ang malambot na beywang.
Kumislap ang mga mata ni Simon. Umangat ang kamay nito at hinapit ang beywang ni Kathleen. "Yeah, baby." Simon whispered between his gritted teeth.
Kathleen's eyes darkened. She slowly stopped dancing and looked at Simon seriously. Her hands fisted.
"Yo, Kath!" Tawag ni Yhanna kay Kathleen. "Look who's here..." Dugtong nito.
Kathleen sighed and turn around. Hinanap ng mga mata niya ang tinuturo ng kasama. She carefully scanned the crowded place and a wide smile made it's way to the corner of her lips as she saw the man walking around, meters away from her. Palinga-linga ito sa paligid na tila ba may hinahanap. Ang buhok nitong kulay mais ay bahagyang magulo dahil na rin siguro sa malakas na ihip ng hangin sa bahaging iyon ng Besmoth. Nangislap ang mga mata ni Kathleen habang hindi inaalis ang paningin sa lalaki. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at kagaya ng inaasahan ay hindi siya nabigo. He really lived up to her expectation.
Matangkad ito at malaki ang katawan. Maputi at ang taglay na kagwapohan ay hindi padadaaig sa mga lalaking naroroon. Simpleng puting t-shirt lang ang suot nito na bahagyang humapit sa katawan at asul na pantalong maong. May kalumaan na ang suot nitong pantalon ngunit sa halip na makabawas sa taglay nitong kakisigan ay mas nakadagdag pa iyon.
He looks so perfect.
Napasulyap si Kathleen sa mga babaeng nakatitig sa lalaking hindi maipinta ang mukha habang naglalakad sa gitna ng mataong lugar. Umismid si Kathleen at umangat ang perpektong kilay.
"Oh, sorry, ladies but that man is mine." Nakangising aniya sa mga itong kaagad namang nagbawi ng tingin sa lalaki at ngumiti kay Kathleen. "And, I'm so sorry too Simon but here comes my man." Baling niya sa lalaking napakunot ang noo.
"What?" Untag nitong halatang hindi natutuwa. "But I thought —"
Kathleen put her finger on Simons lips and smiled. "I told you, someone will come to fetch me." She mumbled and wink. "Bye, Simon!" Paalam niya sa lalaking napailing na lang.
Nakasunod ang mga mata nito kay Kathleen na tila reynang naglalakad palapit sa lalaking sandaling tumigil sa gitna at nanatiling nakayo. Bahagyang kunot ang noo nito at bakas sa mukha ang pagka-irita.
"Hey, popcorn!" Tawag ni Kathleen nang tuluyang makalapit sa lalaki. Itinaas niya ang kamay at walang babalang lumambitin sa leeg nito. "I missed you!" Usal niya bago ngumiti ng matamis.
She looked at the man's face and as their gazes met, Kathleen smiled sweetly and wink.
"Alec Villarreal..." She whispered.
Naiiling na bumaba si Alec mula sa dala niyang kotse. Pinauna na niya si Ryland sa Hunter's camp dahil kailangan pa niyang daanan si Kathleen na ayon sa kaibigan nitong si Yhanna ay lasing na. Of course, he knew it. He saw her every actions on his cellphone. Lingid sa kaalaman ng lahat pati ni Kathleen ay may apat na maliliit na camera na naka-install sa kubo niya. He won't be the Claws And Arrows United's head in security and intelligence kung hindi siya maingat at sigurista. Sa kubo niya nakalagay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa secret mission na ibinigay sa kanya ni Priam at Caelan kaya kailangan niyang magdoble-ingat. Naglagay din siya ng alarm sa isang bahagi ng kubo kung saan niya itinago ang mga reports na natatanggap niya tungkol sa mission na kapag mati-trigger ay kaagad niyang malalaman dahil naka-attach iyon sa mismong cellphone niya. Katulad ng karaniwang tanawin sa malawak at mahabang lansangan ng Besmoth City tuw
Patamad na nangalumbaba si Kathleen habang nakaupo sa tatlong baitang na hagdan sa kubo nila ni Alec. Mahigit isang linggo na rin siyang naroon sa Hunter's camp. Hindi siya pinayagan ng lalaki na bumalik sa apartmennt niya dahil baka raw doon naman siya puntahan at guluhin ni Simon o kung sino man raw sa mga ex niya. Take note, ipinagdiinan pa talaga ng walang-hiya ang salitang ex na para bang nakagawa siya ng malaking kasalanan dito. Sabagay, oo na. Aaminin na niyang mali nga na nakipagrelasyon pa siya sa iba kahit kasal na sila ng lalaki. Aba, nasaan ba ito? Saka hindi naman nito alam na kasal ito sa kanya.'Bakit, hindi mo rin ba alam?'Ah,basta! Kailangan din niya ng kalambingan, ah.'Lulusot ka pa, Kathleen. Maharot ka lang talaga.' Naka-ismid na kontra ng isang bahagi ng kanyang isipan. 'Mangangatwiran ka pa.' Dagdag pa ng kontrabidang bahagi ng kanyang pagkatao.Napanguso si Kathleen bago bumuga ng hangin. Sa t
Pagdating sa billard house na sinasabi ni Ryland ay kaagad na hinanap ni Alec ang lalaki. "What are we going to do here?" tanong ni Kathleen kay Alec na hawak pa rin ang kamay niya habang nakasabit naman sa balikat nito ang shoulder bag niya. Muntik na siyang matawa kanina dahil sa anyo nito. Awkward tingnan ang lalaking kagaya ni Alec na may nakasabit na bag ng isang babae sa balikat. Ngunit nang mapansin ni Kathleen ang naiinggit na mga tingin ng mga babaeng nadaanan nila ay kaagad siyang nakadama ng pagmamalaki. Umangat pa ang kilay niya nang makita ang klase ng titig ng mga ito kay Alec. Ngali-ngaling ihawin niya ang mga ito dahil sa gigil. Well, sorry na lang sila dahil hanggang tingin na lang ang mga ito sa asawa niya. Yes, asawa niya! Napangisi pa si Kathleen nang muling pumasok sa kanyang isipan ang katotohanang iyon. Taas-noo siyang umismid ng palihim at bahagya pang umirap. Alec Villarreal
Tahimik na tahimik si Kathleen habang ang mga mata ay nakatutok sa kaharap na baso ng nagye-yelong iced tea. Hindi niya mapigilang mapangiwi habang nilalaro ang straw na nakalagay sa loob ng mataas na baso. Pinitik-pitik niya ito na tila ba sa pamamagitan ng ginagawa niya ay mababawasan ang tensiyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.Kagaya ng iced tea ay nagye-yelo din ang mga titig ni Alec sa kanya. Wala iyong kasing lamig kaya kahit malamig sa loob ng coffee shop na pinagdalhan sa kanya ng lalaki ay pinagpawisan pa rin siya. Pakiramdam tuloy ni Kathleen ay si Alec ang iced tea. Nagye-yelo na kagaya ng malamig na inumin. Siya naman ang baso. Pinagpapawisan kahit malamig."What were you thinking?" malamig ang tinig na tila nagpipigil sa galit na tanong ni Alec kay Kathleen.Kunot na kunot ang noo nito habang ang mga mata ay nakatitig sa kanya. Wala siyang makitang ibag emosyon doon maliban sa malamig nitong mga. Tingin.
Tahimik na nakaupo si Alec sa loob ng isang coffee shop na nakatayo sa isang bahagi ng abalang lansangan ng Besmoth City. Kagaya ng madalas mangyari ay kasama niya uli si Ryland na kagaya niya ay tahimik lang din habang sinisimsim ang kapeng laman ng kulay puting tasa. Kanina pa sila naroon at palihim na nakamasid sa paligid.May nangyaring pagpatay kagabi sa bahaging iyon ng lungsod ngunit walang nakakita o nakaka-alam kung sino ang may gawa. Isang lalaking taong-lobo ang natagpuang walang buhay sa isang madilim na eskinita. Sunog ang kalahati ng katawan nito mula ulo hanggang tiyan kaya hindi hindi kaagad natukoy ng mga otoridad ng Besmoth kung sino ang lalaki. Ngunit malaki ang kutob ni Alec na may kinalaman ang nangyari sa kasong palihim niyang hawak."General, sigurado ka bang nasa paligid lang ang gumawa ng krimen?" tanong ni Rylang pagkalipas ng ilang sandali.Isa ito sa nagustuhan niya sa lalaki. Hind
ANG NAKARAAN..."Tangina, lasing na yata si Alec." Puna ni Akila habang hawak sa kamay ang hindi kalakihang pitcher na may lamang beer.Naroon silang tatlo sa kahabaan ng Besmoth City. Naka-upo sa tapat ng maliit na stall na nagtitinda ng beer at kung ano-ano pang mga inumin. Mayroong tumutugtog na banda sa gitna ng maliit na stage sa harapan nila. Abala sa pagkanta ang babaeng kulay dilaw ang buhok habang buong siglang umiindak. May mga tattoo ito sa braso na litaw sa suot nitong kulay itim at maliit na t-shirt. Maikli ang suot nitong maong na palda na umabot lang yata hanggang sa gitna ng hita nito."Hayaan mo nang malasing. Pagtulungan na lang nating iuwi sa kampo mamaya." Parang walang anumang sagot ni Tobias na ang mga mata ay hindi inaalis sa babaeng patuloy pa rin sa pagkanta. "Sexy..." Komento pa nito bago dinala sa bibig ang hawak na pitcher.Napasunod naman
Abala si Alec sa pag-aayos ng mga papeles na nakatambak sa ibabaw ng kanyang mesa. Naipon na ang mga iyon dahil naging abala siya nitong mga nakaraang linggo. Isang impormasyon ang nakarating sa kanya ng bukod sa grupo ng sindikato ay mayroon pang ibang naghahangad sa kuwentas. Isang malakas na puwersang alam ni Alec na na magpapahirap sa kanya para magawa ang misyong ibinigay sa kanya ni Caelan.Isinalansan niya nang maayos ang mga folder na. Naglalaman ng mahahalaga at confidential na impormasyon. Inilagay niya ang mga folder na naglalaman ng malalaki at mabibigat na kaso sa loob ng steel cabinet. Hindi p'wedeng nandoon lang mga iyon sa ibabaw ng mesa niya.Sunod niyang inayos ang mga librong nagulo ni Kathleen noong naroon pa ang babae sa Hunters' Cavalry Camp.Biglang natigilan si Alec nang maalala ang makulit na babae. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas simula nang huli niyang makita sa Kathleen sa train station
Kanina pa patagong nakasunod si Kathleen sa dalawang lalaki na parehong malalaki ang mga hakbang na naglalakad sa gitna ng kalsadang tumutumbok sa train station.Sina Alec at Ryland.Hindi alam ni Kathleen kung saan galing ang dalawa. Kumakain siya sa isang restaurant malapit doon nang matanaw niya ang dalawa na seryosong naglalakad. Agaw-pansin ang mga ito dahil parehong magagandang lalaki. Hindi rin maitago ng suot na jacket nina Alec at Ryland ang mga katawang tila hinulma ng pinakamagaling na manlililok.Lukot ang mukhang patuloy sa pagsunod si Kathleen. Gusto na niyang sigawan ang dalawa dahil sa bilis ng mga ito na maglakad. Palibhasa malalaking lalaki kaya pati ang mga hakbang ay malalaki rin. Lalo na si Alec na mas matangkad na hindi hamak kay Ryland."Kung bakit naman kasi ang bilis maglakad ng mga hinayupak na ito?!" Gigil na bulong ni Kathleen sa sarili.Napatigil si Kathleen pagsunod nang biglang huminto si
Mula sa madilim na sulok ng malawak ng kalsada, malayo sa magulo at maingay na lansangan ng Besmoth City ay dalawang anino ang pakubli-kubling tumakbo palapit sa mataas at malaking gusali ng Besmoth Museum. Sina Alec at Thorn...Parehong nakasuot ng itim na overall ang dalawa. May sukbit ding itim na bag sa likid ng mga ito. Hindi iyon kalakihan at sapat lang para malagyan ng ilang mahahalagang gamit. Maliksi ang mga galaw at hindi ma-ikaka-ilang sanay na sanay na ang mga ito sa ginawa base na rin sa mga kilos.Nang makarating sa mataas na pader na nakapalibot sa buong gusali ng musium ay tumigil ang sina Alec at kumubli sa likod ng dalawang magkatabing drum.Mabilis na kinuha ni Alec ang bag na nakasabit sa likod. Binuksan niya iyon at mula roon ay inilabas niya ang hindi kalakihang laptop. Si Thorn naman ay kinuha sa loob ng dala nitong bag ang ilang kagamitang p'wede nilang magamit sa pag-akyat sa mataas na pader. Lagpas
Komen