Share

Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)
Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)
Author: Apratyashita Thakur

CHAPTER 1

Aurora’s POV

Isang malalim at mahabang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ko itulak ang pintuang gawa sa salamin.

“Miss Aurora, maupo po kayo. Mga ilang minuto ay nandito na po si Dr. Dixon upang samahan kayo,’’ sabi ng matangkad, at payat na assistant at saka ako iniwanan na nag-iisa.

Tumibok ang puso ko na halos tila lalabas na sa aking dibdib. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng upuan, habang pinag-aaralan ang mga nasa paligid ko, para libangin ang aking sarili.

Ang lugar ay sadyang mala-gynecologist’s cabin na siya namang dapat talaga; jet white walls na may mga tsart mula sa iba’t ibang stages ng mga sanggol at fetus. Isang partikular na imahe ng isang sanggol ang nakakuha ng aking atensyon.

Noon pa man ay gustong-gusto ko na ang mga sanggol ngunit pagkatapos ng pagtataksil ni Leonard, lumayo ako sa anumang seryosong mga relasyon.

“Ah, Ms. Aurora…. sakto lamang ang pagdating mo, nakita din kita. Andito na po ang inyong mga reports,’’ isang malambing ngunit matigas na boses sa kwarto ang pumukaw ng aking atensyon.

Inikot ko ang aking ulo sa direksyon ng boses upang makita ang nakatayo at nakangiting kaakit-akit at masigla na doktor.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nanginginig ang boses kong itinanong, “At…”

Bumuo ng isang manipis na linya ang labi niya at sinabi sa isang mabait na tono, “You are indeed pregnant.’’

Pakiramdam ko ay tinamaan ako ng kidlat. Ang boses ko ay nanghina nang sabihin kong, “Paano… paano to naging posible? I’m on my pills!’’

“Ang pills ay hindi fail-proof, Aurora.’’

“Sigurado po ba kayong walang naging pagkakamali?’’

“Nasa akin lahat ng mga reports. Maari mong tignan para sa kapakanan mo,’’ sabi ng doctor at iniabot sa akin ang isang kulay asul na file.

Binuklat ko lahat ng pahina ng file at binasa ito nang mabilisan hangga’t kaya ko. Ang aking puso ay parang mahuhulog na nang makita ko ang salitang, ‘POSITIVE’ na nakalimbag sa resulta. Matagal ko itong tinitigan na para bang magbabago ito na parang isang mahika.

“You are still in the early stage of pregnancy. May panahon ka pa para pumili. Inumumungkahi ko na pag-isipan mo ito nang maigi at bumalik ka dito sa susunod na Biyernes,’’ wika ni Ms. Dixon nang may paninigurado.

Tumango ako at tumakbo palabas ng lugar, nang walang masabi. Kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan ko na sana si Micheal nang biglang may kung anong nagwisik sa mukha ko.

“What the hell!’’ ani ko sabay harang ng mukha ko gamit ‘yong file na hawak ko. Isang masangsang na amoy ang sumusugod sa aking ilong at nagsimula akong makaramdam ng pagkahilo.

Pinunasan ang kahalumigmigan sa aking mukha, dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata ngunit naging malabo ang aking paningin. Ang file sa aking kamay ay dumulas sa lupa at umindayog ang aking katawan. Hinawakan ko ang kalapit na upuan para sa suportahan ang sarili ko sa pagkatumba ngunit mas tumindi ang aking pagkahilo, at bago ko pa malaman, ay nahimatay na ako.

Nang magising ako natagpuan ko ang aking sarili sa isang marangyang silid-tulugan; malambot na kutson, napakagandang kuwadro, dressing table. Mukha itong isang suite sa isang five-star hotel kumpara sa isang ordinaryong silid-tulugan.

Lumaktaw ang aking puso nang maalala ko ang nangyari. Paano ako napunta dito? Hindi ba’t nahimatay ako?

Tumalon ako mula sa aking kinaroroonan, at maiging tumingin sa paligid. Bumilis ang pintig ng puso ko habang ibinabaling ko ang aking paningin sa doorknob. Napabuntong-hininga ako nang maluwag nang bumukas ito.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa isang medyo mahaba-habang koridor. Mayroong maraming mga silid sa kaliwang bahagi ng pasilyo habang ang kanang bahagi ay naharangan ng kahoy. Aking tinatanaw ang mahabang koridor, ay mayroong isang malaking bulwagan. Plush couches, makapal na mga alpombra, mga antigong likhang sining, at kahanga-hangang mga chandelier.

Naglakad ako sa may pasilyo na parang wala sa sarili, bawat bahagi ng mansion ay sumisigaw ng kadakilaan.

Ang aking mga hakbang ay napahinto sa harap ng isang silid nang makarinig ako ng mga boses.

‘’Oras na upang malaman ko kung paano ako umabot dito,’’ bulong ko habang papasok sa silid.

Dalawang lalaki ang nag-uusap, animatedly. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kanilang mga likod dahil nakatalikod sila habang lumalapit sa akin. Pareho sila ng taas at postura. Ang tanging pagkakaiba lang nila ay ang kulay ng kanilang mga buhok, ang isa sa kanila ay may itim na buhok samantala, ‘yong isa naman ay copper-brown ang kulay ng kanyang buhok.

Napasinghap ako nang may biglang malakas na pwersa ang tumulak sa akin sa may pader. Ang lalaking may kulay na copper-brown na buhok ay ikinulong ako sa pagitan ng niya at ng pader. Namumula ang kanyang mga mata at humihinga siya ng napakabigat.

Nanigas ako habang lunod sa kanyang hitsura, high cheekbone, fair complexion, cherry red lips, at sa kanyang dark brown na mga mata.

Ang kanyang mukha ay halos perpekto maliban sa malalim na peklat malapit sa kanyang kaliwang mata, na syang nagdagdag lamang ng takot sa kanyang mukha, mas lalo tuloy siyang nakakatakot kung tignan. Pero hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko nakita ko na dati ang peklat na iyon sa kung saan..

“Gusto mo bang mamatay, babae?’’ nakakatakot niyang sambit, kinilabutan ako sa malamig na boses niya. Ibinuka ko ang mga bibig ko upang magsalita pero tila naubusan ata ako ng boses. Hindi ko magawang magsalita.

“Hindi mo ba alam na ang paninilip ay hahatulan ng kamatayan?’’

“Ako… hindi ako naninilip… Naglalakad lang naman ako sa koridor at nagpunta dito upang magtanong kung paano ako napadpad dito,’’ pagpapaliwanag ko.

Nagsilabasan ang mga ugat nya sa mukha at sinakal ako, ‘’ Akala mo ba tanga ako? Nagsabi ka naman sana nang isang kapanipaniwalang rason.’’

Kumalas ng kaunti ang mga kamay niya at agad ko naman binuksan ang aking bibig, pilit na nangangapa ng hangin.

‘’ Bakit mo ginawa iyon, Aslan? Sa palagay ko mas maigi kung mahinahon mo na lamang na inilibot ang estrangherong iyon dito sa tahanan.’’

“Hindi siya, estranghero, Tyson. Nakakalimutan mo na ba kung sino siya?’’

“Damn, Tyson! Pwede ba maging reasonable ka naman kahit minsan. Diyos ko, dinadala niya ang anak mo!’’

Kinilabutan ako sa takot. Ngayon alam ko na kung saan ko nakita ang peklat na iyon. Ang lalaking ito ang kasama ko noong gabing iyon sa Nyla sa panahong naglasing ako. Hindi ako magaling pagdating sa inuman ngunit pinilit ako ni Erica na uminom.

Napaka-tipsy ko na, wala na din akong ni anumang naalala matapos ang araw na iyon. Kung magagawa ko mang lumabas dito ng buhay, papatayin ko ang babaeng iyon sa paglagay niya sa akin sa ganitong sitwasyon.

Bigla niya na lamang akong bintitawan na naging sanhi ng pagkatumba ko. Pinanuod ko siya ng may takot nang hilain niya si Aslan mula sa kan’yang leeg. Nagliliyab ang mga daliri niya sa palibot ng leeg ni Aslan.

Napasigaw siya sa sakit at ilang sandali lamang ay hinagis niya ito sa may pader. Nangyari ang lahat ng napakabilis na hindi ko man lang namalayan lahat ng nangyayari. Gumagalaw sila sa loob ng kwarto na mas mabilis pa sa kidlat kung mag-away.

‘’Makinig ka sa akin ng mabuti, Tyson. Hindi natin siya maaring iwan na mag-isa. Mapanaganib!” sambit ni Aslan nang nagawa niya itong itulak sa pader.

Tinitigan siya ni Tyson ng matagal habang tinutulak siya papalayo, at tila nagkaroon na ng bagyo sa loob ng kwarto. Maya’t maya pa ay tumakbo si Aslan papalapit sa kan’ya habang sinasambit ang kan’yang pangalan.

Sumasakit na ang aking ulo at umiikot ang paningin ko habang ginugunita kung ano bang nangyayari sa paligid. Nabuntis ako ng isang psycho. At ang kan’yang kuya ay gusto akong manatili dito dahil delikado na hayaan akong mag-isa.

Pero sa tingin ko mas mapanganib pa ata ang nakikita ko sa dalawang ito. Hindi ako pwedeng manatili pa sa magulong lugar na ito.

Nanginginig ang mga daliri ko habang sinusubukan kong kontakin si Micheal. At nang sagutin niya ang tawag ko, agad naman akong humingi ng tulong, “Micheal, hanapin mo ako, bilisan mo… Ilabas moa ko dito… Ang mga lalaking ito… mga abnormal sila. Hindi ko alam kung ano ba sila… Pero nakitang kong nagliliyab ang kamay ni Tyson… at siya ay…’’

“Makinig ka sa akin, Aurora. Manatili ka lang sa kinaroroonan mo. Pupuntahan at ilalabas kita diyaan, naiintindihan mo?’’ Ang kalmado niyang boses mula sa telepono ang siyang naging dahilan para kumalma muli ako.

Napabuntong-hininga ako ng malalim at sinabing, “Okay, pero bilisan mo ang pagpunta, Micheal. Natatakot ako.’’

“Papunta na ako diyan, mahal,’’ sabi niya at pinatay ang tawag.

Ang tanging kailangan kong gawin ay hintayin siyang dumating, at sa oras na iyon, makakaalis na ako sa lugar na ito, hindi ba?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status