CALEB’S POV
Nasasaktan akong nakikita si Aurora na umiiyak ng ganito. Natutukso akong lusubin ang mga masamamang flamers na iyon at turuan sila ng leksyon, pero sa ngayon, kailangan ako ni Aurora.
‘Sa palagay ko, may ilang ngang mga pangarap din ang siyang nagkakatotoo. Matagal na kitang gustong yakapin, simula noong araw na iniligtas mo ako…’’
Nanlambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya at sinabing, “Hindi mo na kailangan pang bumalik doon ulit. Nasa atin na si Aslan, kaya magagawa na nating ibigay sa iyo ang dugo niya kapag kinakailangan mo.’’
“Pero Caleb…’’ nagsimula ulit siyang magsalita pero inilagay ko ang daliri ko sa may tapat ng labi niya. Hindi ko siya gustong mag-aalala pa sa mga teknikal na detalye.
Ipinatong ko ang ulo ko sa may balikat niya nang biglang tumunog ang cellphone niya mul
ASLAN’S POV Naghihintay ako ng napakatagal na oras sa pagdating ni Aurora. Kinumpirma ni Rowan na umalis siya sa lungga ng mga lobo sampung minuto na ang nakakalipas.Nang lumipas ang isa pang sampung minuto, agad ko ng pinatakbo ang kotse papunta sa may lungga ng mga aso. Alam kong mapanganib ito ngunit kailangan ko siyang hanapin. Lumipat ako ng isang milya mula sa lungga nang makita ko ang isang kakaibang asul na ilaw. Napakaliwanag ng ilaw na kinailangan ko pang isara ang aking mga mata. Nang sa wakas ay maari ko nang buksan ang aking mga mata nawala ang ilaw at isang batang babae ang nakatayo roon.Hindi ko lubos akalain na iyon ay si Aurora. Tumingin ako sa paligid ngunit hindi ko mawari ang pinagmulan ng ilaw kahit pa gamit ang aking matalas na paningin. Sinumang gumamit ng kapangyarihang iyon ay isang taong hindi ko nanaising kalabanin. Agad ko namang pinahinto ko ang kotse sa tabi ni Aurora at hinila siya papasok, at sinimulang k
ASLAN’S POVKinilabutan ako ng husto sa sandaling mapansin ko ang nawawalang syringe. Ang tanging taong pumasok sa silid na ito maliban kay Tyson ay si Aurora. Saan niya na man kakailanganin ang syringe na mga iyon?Ang paghahanap ko kay Aurora ang siyang nagdala sa akin sa kwarto ni Tyson. Nanlaki ang mga mata ko sa takot nang makita ko si Tyson na nakahiga at walang malay sa may sahig. Si Aurora ay nakatayo sa tabi niya na may ngiting tagumpay na nakapinta mula sa kanyang mukha. Kinabahan ako nang makita ko ang walang laman na syringe sa kanyang mga kamay. Hinila ko siya mula sa kanyang braso at itinanong, “Hindi mo…’’“Siyempre ginawa ko. Kailangang may magturo sa lalaking makitid ang isip na ito ng leksyon.’’ Sinabi niya nang lakas-loob.“Baliw ka na ba Aurora? Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Inatake mo ang hari ng mga dragon. Ano sa tingin mo ang gagawin niya sa’yo sa or
AURORA’S POVPinagsisisihan ko ang aking pasya na iturok ang serum kay Tyson sa sandaling kumalma na ako. Hindi ako tipo ng taong gumaganti. Alam ng Diyos kung anong nangyari sa akin.Umikot si Tyson sa tagiliran niya at umungol sa sakit. Puno ang kanyang mukha ng malamig na pawis.“Huwag! Moma… Parang-awa mo na, huwag mo akong iwan… Magiging mabait na bata na si Teddy. Palagi na siyang makikinig sa’yo… please, iuwi mo na ako…” paulit-ulit na sinasabi ni Tyson na para bang nakarekord ang mga ito.Ang mukha niya ay nagpinta ng matinding paghihirap.Pag-iyak at pagsigaw niya ang siyang umalingawngaw sa buong silid na siyang ikinakaba ko.Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. Pinakalma siya nito ng bahagya at tumigil sa pagkumbulsyon ang kanyang katawan. Gusto ko siyang i-comfort pero ang tanging lumabas sa bibig ko ay, “Tyson…’’
AURORA’S POVAalis na sana ako papunta sa aking silid nang lumipat ang screen sa isa pang mas pamilyar na tanawin. Sa malapitang pagmamasid ko sa screen, napagtanto ko na ito ang rehiyon sa harap ng palasyo.Daan-daang mga kalalakihan ang nasa pasukan ng palasyo. Ang isang lalaki ay sumenyas ng daan patungo sa maraming tao at nagtungo sa harapan.“Caleb…” bulong ko nang alisin niya ang kanyang helmet.Isa pang batang babae ang nagpakita sa may screen at tumayo siya sa tabi ni Caleb. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mga labi at sinusubukang basahin kung ano ang sinusubukan niyang sabihin. Ang tanging na bubuo kong salita ay, “Aurora.”Bumilis ang tibok ng aking puso at lumapit pa ako lalo sa screen at umaasang maitindihang mabuti ang sagot ni Caleb. Ang mukha niya ay nagpinta ng isang pangit na ekspresyon at sinabi niyamg, “Patayin siya.”Pakiramdam ko ay may sumuntok sa akin
AURORA’S POV Ang aking mga bituka sa aking tiyan ay tila nagkabuhol-buhol. Anong kalokohan ito, at gusto ni Tyson na kumain ng hapunan na kasama ako?Nanigurado pa ako na maging maingat para lamang hindi kami magkasalubong nitong nakaraang linggo. Naging sobrang awkward na sa akin na nasa paligid siya matapos ang halik na iyon. Pero ngayon, wala akong mapagpipilian kundi ang harapin siya.Nabangga ako sa isang haligi habang naglalakad papasok sa silid kainan. Kung hindi lamang ako nahuli ni Tyson sa mismong oras na iyon nahalikan ko na ang sahig.Dinala niya ako sa mesa, hinugot pa ang isang upuan para maupuan ko. Ang kanyang pambihirang pag-uugali ay nagtutulak sa akin sa dulo ng higit pang inaasahan ko. Nagnakaw ako ng isang tingin sa kanya at ang tanging nakita ko ay nakadamit siya ng isang kulay kayumanggi at pormal na damit. Ibinagay nito ang kulay ng kanyang mga mata.Pinagmamasdan niya ang aking tingin nang siya ay tu
AURORA’S POVPagod na pagod na ako sa lugar na ito. Ang karahasan, pagdanak ng dugo, at patuloy na pag-uusap nila sa mga plano at pagpatay ay mas pinapahirapan akong huminga. Ang tanging hiling ko na lang ay ang makaalis na sa magulong lugar na ito!“Alam mong posible iyon, hindi ba?” isang boses mula sa tabi ko ang nagsalita. Sa gulat, napaikot ako at halos mabunggo ko na ang isang babaeng may edad na din kung titignan.Hindi ko pa siya nakikita sa lugar na ito. Kinabahan na ako nang makita ko mula sa dulo ng aking mga mata ang nakadandong pintuan. “Paano nakapasok ang babaeng ito?”Tumawa siya sa gulat na expresyon ng aking mukha at sinabing, “Tulad lang kung paano ka napunta sa harapan ni Caleb…”“Alam mo ang tungko doon?” agad kong sabi.Kumindat siya sa akin at sinabing, “Ni alam ko mismo kung paano mo iyon nagawa. Pwede kong ipakita sayo kung gugustuhin
AURORA’S POVTumingin ako sa bawat sulok ng lugar, lahat ay tugma sa anong nakita ko sa ala-alang iyon; ang paborito kong kabayo, slide, duyan, at ang upuan… maliban lang sa mga magulang ko…Huminga ako ng malalim at naupo. Sinubukan kong alalahanin lahat ng ginawa ko dito noong bata pa ako. At ang tanging pumasok sa isipin ko ay ang mga alal-alang ipinakita sa akin ni Celeste.“Natutuwa akong nagawa mong magpunta dito,” narinig kong boses ni Celeste habang papalapit sa harapan ko. Mainam akong tumayo nang may respeto at ngumiti sa kanya.At nang maupo na kami. Agad kong itinanong sa kanya ang bagay na madalas na gumagambala sa akin, “Bakit wala akong maalala ni isa patungkol sa aking mga magulang?”“Nagpasya kaming alisin lahat ng ala-ala mo para sa iyong kaligtasan.”“Bakit niyo kinailangang gawin iyon?” tanong ko.“Mapanganib ang mga sandalin
CALEB’S POVNagbuntong-hininga ako at pumasok sa aking kwarto. Panahon na para sa penitensya. Pinunit ko ang aking damit at tinitigan ang aking sarili sa salamin. Sa mahinang liwanang ng kandila, kita ko ang mga bakas sa aking likuran.Ang mga ngipin ko ay nagsasalubong nang magsimula akong paghahampasin ng sobrang lakas ang aking likuran hangga’t kaya ng aking katawan. Ang tunog mula sa bawat paghampas ko sa sarili ay dinig na dinig sa loob ng aking silid habang patuloy lang ako sa paghampas ng paulit-ulit.Isa… dalawa… tatlo… apat… lima...Akmang hahampas na ako sa ikaanim kong bilang pero may kung sinong humila sa aking kamay.“Bakit mo ito ginagawa Caleb? Ano sa tingin mo ang maitutulong nito sa’yo?”“Pinapaalala nito ang hindi ko pagtagumpay laban sa mga Flamers, Meridith. Binubuhay nito ang matinding nais kong maghiganti…”Ang mga malal