Share

CHAPTER 2

TYSON’S POV

Mas lalong pahirap ng pahirap ang pagkontrol ko ng galit. Mismong sarili kong kapatid ay niloko ako. Pinakamalala pa ay sinusubukan niyang kausapin ang babaeng iyon, na s’yang responsable sa lahat ng ito.

At kung magpapatuloy pa ito, maaring hindi ko na makokontrol ang pagbabagong-anyo ko. Kailangan kong umalis bago ko pa mapatay ang sarili kong kapatid.

Itinulak ko si Aslan papalayo at nagmadali akong nagpunta sa may underground chamber. Pinipilit ang sarili na mangapa ng hangin. 

Naupo ako sa isang kulay berde, at magarbong trono, gawa ito sa purong Jadite. Dahil ito ang birthstone ko, nagagawa nitong pakalmahin ako.

 Mga ilang minuto pa ay dumating si Aslan. Pagkakita niya sa akin na nakaupo sa trono ay huminto siya sa harapan ko at tumayo na nakayuko ang ulo.

Ako ang hari ng Fire Dragons. At ang kanyang ginawa ay ang bigyan ako lamang ako ng respeto. Naririnig ko ang tibok ng kanyang puso at ang pagiging hindi kumportable niya sa paghaharap namin ngunit hindi pa ako handa na pakinggan siya.

Nakita ko ang mga ugat na lumalabas sa kanyang mga braso habang ang kamao niya sa isang kamay ay bumubuo ng isang bolang apoy. Ang kanyang pagbabago ay nangingibabaw, sa bawat minuto. At nang mapansin kong hindi niya na kaya panghawakan pa ay nagsalita na ako, “Ano pa ang gusto mong sabihin sa akin upang ipagtanggol ang sarili mo?”

Agad na tumungo ang kanyang paningin sa akin. Mayroon itong kung anong pagka-desperado sa mga mata niya. Gusto niyang siya’y mapakinggan, maintindihan.

“Gusto kong pagkakatandaan mo na ang iyong tinutugunan ay ang Hari ng Typhon at hindi ang iyong kapatid!” malamig na pagbabanta ko sa kanya. Hindi ko siya hahayaang makawala sa mga ginawa niya.

Naglabas siya ng malalim na buntong hininga at sinabing,“Dinadala ni  Aurora ang  tagapagmana ng trono ng Typhon. Sinusubaybayan ko siya. Hindi siya nagkaroon ng anumang relasyon kahit kanino pagkatapos ng…’’

“Aslan, hindi ko kailanman pinagdududahan na hindi niya dinadala ang anak ko. Nang masakal ko siya ay naramdaman ko ang dugo ko sa kanya. Ang gusto kong malaman ay kung paano ito nangyari.’’

Namumula ang mukha ni Aslan habang nauutal, niyuko niya ang kanyang ulo, “Pinagpalit  ko ang serum…”

Tumaas ang temperatura ng aking dugo at naging mala-ulap ang aking isipan. Wala akong maisip kundi ang ipinagkanulo niya ako at dapat siyang maparusahan… Galit at kapusukan ang siyang namumuo sa akin, Bago ko pa malaman na nagpakawala ako ng isang malaking bola ng apoy patungo kay Aslan.

Sa sandaling ang bola ng apoy ay nakatakas sa aking bibig, ang aking isipan ay tila nakaraos din. 

 Maya’t maya pa ay nanlaki ang aking mga mata sa sobrang takot nang makita ko ang bola ng apoy na siyang nanakit sa aking kapatid. Hindi ko ginusto ang saktan siya.

Tumalon siya sa may harapan ko nang mabilisan… Sinamantala ang pagka-distracted ko sa kanyang estado at agad akong hinila mula sa trono at inipit sa may pader.

Napahiyaw ako sa kanya, masasaktan ko na sana siya ngunit bigla akong huminto nang marinig ko siyang nagmakaawa, “Teddy, makinig ka sa akin… parang-awa mo na, makinig ka muna sa akin…’’

Lahat ng galit ko ay naglaho na parang bang binuhusan ng malamig na yelo. Napabuntong hininga ako at itinango ang ulo.

“Hindi ako nagsisinungaling, Teddy. Kusa ko iyon na ginawa. Masakit na makita kang ganito, kapatid. Gusto kong magkaroon ka ng pamilya na mapagkukunan mo ng kaligayahan mula sa kapangitan ng mundong ito.

Ang marangal kong kapatid, hindi siya basta-bastang susuko, hindi ba? Matapos nang mga nagawa ko, nagawa niya pa ding isipin na magkaroon ako ng masaya at mapayapang buhay.

Kinuyom ko ang mukha niya sa mga kamay ko. Tumingin ako sa mga mata niya, at sinabing, “Hindi ko kailangan ang awa mo, kapatid. ANG sanggol na iyon ay magiging kahinaan ko lamang. Kailangan kong itama at ayusin ang mga pagkakamaling ginawa mo!’’

Namutla ang mukha niya. Nanghihina ang mga boses niya habang itinanong sa akin, “Ano ang plinaplano mong gawin?’’

Ngumisi lamang ako bilang sagot ko. Hindi ko hahayaang mabuhay ang sanggol na iyon at maging laruan lamang ng mga kaaway ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa sandaling naisip niya ang sinabi ko, “No, Teddy; hindi mo maaaring gawin iyan.’’

Nilakihan ko siya ng mata at sinabing, “Hindi mo ito desisyon, kapatid. Desisyon ito ng hari ng Typhon.’’

Tumango si Aslan at lumayo. Namula ang kanyang mga mata at bumulalas, “Kung iyon ang nais mo, kamahalan. Pero bago ang lahat, tungkulin ko bilang bahagi mo na ibigay sayo lahat ng impormasyon tungkol sa bata.’’

Naglabas ako ng tila walang pakialam na halakhak na may galit sa pinakita niyang galit sa akin. Kilalang-kilala niya ako pero umaasa pa rin siya na magkaroon ng himala. Isa nga talaga siyang baliw.

“Ang batang iyon ang susi sa ‘Puso ng Mahika,’ kung papatayin mo siya, mawawala sayo ang puso ng mahika magpakailanman.’’

Patuloy na naglalaro sa tainga ko ang mga sinabi ni Aslan bago siya umalis.

‘The Heart of Magic’ ito ang siyang hinahabol ng lahat sa mundong ito. At ang tanging daan upang makapunta roon ay sa pamamagitan ng isang portal. At dahil ang batang iyon ang susi sa portal, kailangan ko munang maghintay bago ko siya patayin.

Tama nga si Aslan, hindi ko maaring patayin ang batang iyon, hindi pa sa ngayon.

ASLAN’S POV

Sadya ngang gawa sa bato ang puso ni Tyson. Paano niya nagagawang magsalita tungkol sa pagpatay niya ng sarili niyang kadugo. Isa akong baliw sa pag-iisip na ang balita sa pagbubuntis ni Aurora ang siyang makakapagpabago sa kanya.

Isang kirot ng pagsisisi ang siyang namimilipit sa puso ko. Hindi ko na dapat idinawit si Aurora sa lahat ng bagay na ito.

Kumawala ako ng isang mahabang buntong hininga, at umakyat sa hagdan. Tumalon ako ng napakataas. Si Aurora ay palakad-lakad, pataas at pababa ng koridor. Patuloy lamang tumititig ang mga mata niya sa may pinto.

F***! Nakalimutan kong kunin ang cellphone niya. Muli akong tumalon ng mataas at bumaba sa harapan niya. Nagulat siya, pero ang nakapinta sa kan’ya ay malimit lamang na panggamba.

“Sabihin mo sa aking hindi ka humingi ng tulong kahit kanino man, hindi ba?’’ tanong ko, at mahigpit kong hinawakan ang mga braso niya.

Ang kanyang mukha ay namutla ngunit nagawa niyan paring sagutin ako ng may halong lakas-ng loob a ng boses niya, “Ang kaibigan kong si Micheal, ay siguradong pupunta dito sa madaling panahon. Wala akong pakialam sa gusto ng kapatid mo o maski ikaw. Anak ko ito at wala kayong karapatan dito.’’

Nasasaktan ako sa mga nangyayari. Bakit tila ata wala siyang muwang sa mga posibleng mangyari, Tumawag siya ng outsider papunta sa mansyon na ito kahit pa nakita niya ang kayang gawin ng aking kapatid.

“I-text mo si Micheal, ngayon na! Sabihin mong huwag na siyang magpunta dito kung may takot siya na mamatay.’’

Huminto siya sandali pero nag-umpisa din siyang magtext. Matapos niyang itext ang lalaking iyon, ay agad ko namang kinuha ang cellphone mula sa kanya, at binale ng dalawahan saka ko itinapon.

Sa dulo ng mga mata ko ay nakita ko si Tyson na sinalo iyon habang papalapit sa amin. Ang mga labi niya ay naglabas ng malademonyong ngiti at unti-unting binubuo ang cellphone ni Aurora gamit ang kanyang kapangyarihan.

Nakikita kong ang inis sa mga mukha niya habang binabasa ang mga text. Tumayo siya sa tabi ko na parang statuwa; walang emotion sa mga mukha niya. Alam ko ang ganong hitsura niya, naghihintay siya ng mangyayaring kadramahan. 

Hindi sinabi ni Aurora kay Micheal na bumalik na lamang siya sa kanila.

Hinimas ko ang ulo ko at naaawa akong tumingin sa kanya. Walang siyang ideya sa ginawa niya magiging kapalaran ni Micheal dahil lamang sa iisang text na ipinadala niya.

Maya’t maya pa ay may mga tunog ng mga lakad sa lugar at ilan sa mga gwardya namin ay dumating at nagsikalat sa paligid.

F***! Maaaring ang sinabi ni Aurora sa huling text niya ay magsama si Micheal ng mga police. Hindi ito magdudulot ng magandang pagwawakas.

Isang kaginhawaan ang lumabas sa bibig ni Aurora at bumulong, “Micheal.’’

“Huwag kang mag-alala, Aurora, ilalabas kita dito,’’ sabi ng lalaking iyon, at hirap na hirap na kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ng mga gwardya.

Itinuon ko ang atensyon ko kay Tyson nang marinig ko ang nanunuyong mga tawa niya. Ngumisi siya at sinabing, “Kuya, alam mong pinaka-ayaw kong nagkakaroon ng di kaaya-ayang mga bisita...’’

Naglakad si Aurora papalapit sa kanya at matigas na sinabing, “Hindi siya isang hindi kaaya-ayang bisita, Tyson. Nandito siya para kunin ako. Kaya sabihin mo sa mga bodyguard mo na hayaan na lamang siya.’’

Namangha ako sa katapangan niya. Bibigyan ko sana siya ng papuri sa pagiging matapang niya kung hindi lamang siya gumawa ng isang kabaliwan sa ma ikinilos niya.

Ang mukha ng kapatid ko ay namula, mas mapula pa sa isang ruby. Nilakihan niya si Aurora ng mata bago nagsalita, ‘Lina, kill the cop.’’

Napahawak si Lina sa kanyang ulo ng pulos at iikot na sana nito ngunit napatigill siya nang narinig niya a ng tinig ni Aurora, “Tumigil ka! Hindi…. hindi kayo makakawala dito sa pagpatay ng mga pulis tulad nito.’’

Napatawa na lamang ang kapatid ko bago utusan si Lina, “Lina, hindi mo gugustuhin na ulitin ko pa sa’yo ang ipinapagawa ko.’’

Isang nakakakilabot na tunog ang kanilang narinig nang iikot ni Lina ang ulo nito. At nang sandaling pinakawalan niya ang pulis ay tumumba ito sa sahig na wala ng buhay.

“Hindi!’’malakas na pag-iyak ni Aurora at hinila si Tyson mula sa kanyang mga kamay, “Isa kang halimaw… Ano bang ginawa niya sa’yo upang ipapatay mo siya ng ganun-ganun na lang…’’

Ngumisi si Tyson sa kanya at naiinis na sinabi, “Naglakas-loob siyang pumasok sa tahanan ko ng wala akong permisyo, at isa pa pinaka-ayaw ko ng hinahamon ako.’’

“Pero hindi siya nagpunta dito ng may pagkukusa. Tinawag ko siya upang ilabas ako sa isang magulong lugar na ito,’’ sigaw ni Aurora habang nanginginig na parang dahon.

Hinaplos ni Tyson ang mga daliri niya sa pisngi ni Aurora at sinabing, “Ano sa tingin mo ang pagkakaiba nun? Pareho lang ang kahahantungan ni Micheal…’’

Ang mukha ni Aurora ay namutla at nagmamakaawa, “Hindi, hindi mo maaaring gawin iyon… Parang-awa mo na… tantanan mo siya… pangako, pangako hindi ko na siya tatawaging magparito pang muli.’’

Nakita ko ang mga mata ni Tyson na kumislap at sa sandaling iyon naisip ko na papatawarin niya si Micheal. Pero ilang sandali lamang ay itinulak ni Tyson si Aurora, ““Promises are meant to be broken, Luv. Gusto ko itong itatak sa mga utak ng tao ang awtoridad ko.’’

Bigla na lamang siyang lumundag sa harapan ni Micheal at mala-demonyong ngumiti sa kanya.

Hindi ko hahayaang mangyari ang binabalak niya. Dahil siguradong ikakasira ni Aurora ang makita siyang patayin si Micheal sa mismong harapan niya.

Nagtungo ako sa tabi ni Tyson at agad na hinawakan ang kanyang kamay. Tinignan niya ako nang may pagbabanta pero hindi ko iyon binigyan pansin, “Teddy, parang-awa mo na, huwag mong gawin ito,’’ sabi ko.

Nagulat si Tyson dahil ni minsan hindi ko ginamit ang pet name niya sa publiko. Bago pa siya bumalik sarili niya, tumingin ako sa mga mata ni Micheal, “Makakalimutan mo na tinawagan ka ni Aurora para hingin ang tulong mo. Umuwi ka at ipagsabi sa iba na umalis siya patungong Texas kasama ang kanyang tito.’’

Ang mga itim sa mata niya ay lumayo ng tingin at tinango ang ulo. Umalis siya nang hindi man lang binigyan ng kahit isang huling iglap si Aurora.

Ligtas na ngayon si Micheal pero kailangan ko pang harapin si Tyson. Kita ko ang bagyong bumabalot sa mga mata niya. Iniangat niya ako sa hangin mula sa aking lalamunan.

“Patawarin mo ako gusto ko lang naman na…’’ Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya pero pinigilan niya ako, “Huwag na huwag mong gagamitin kailanman ang napakababang paraan mong iyan.’’

Napabuntong hininga ako nang pakawalan niya ako ata agad siyang nagtungo sa kanyang silid. Siguradong pagbabayarin niya ako sa ginawa ko ngayon o sa susunod na araw pero kahit papaano nakaiwas ako sa mga bala niya, kahit ngayon man lang…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status