Share

CHAPTER 3

AURORA’S POV

Nakahiga lamang sa kama, patuloy lamang ako sa pagmumuni-muni sa blankong lugar na ito. Paano ba ako nadawit sa gulong ito?

Napakataas ng ego ni Tyson, isang cold-blooded killer. Ni hindi nga siya kinilabutan nang dumating ang mga pulis. May duda ako na iniutos ni Tyson na patayin ang mga taong dumating kanina.

Minasahe ko ang aking ulo habang sinusubukang pagtagpi-tagpiin ang mga nangyayari. At bakit bigla na lamang siyang umalis na parang wala sa matino nitong pag-iisip.

May pakiramdam akong kokontakin ni Micheal ang lahat ng kaibigan ko sa Texas. Walang sinumang hahanap sa akin at hindi ko din magagawang tumawag ng kahit sino. Sa madaling salita, wala na talagang pag-asa.

Bumukas ang pinto na siyang humila sa akin pabalik mula sa malalim na pag-iisip ko. ‘’ Dinalhan kita ng pagkain,’’ sabi ni Aslan nang siya ay pumasok.

“Ayaw kong kumain ng kahit ano…’’ sabi ko at itunoun ang paningin sa sahig. Baliw siya upang isipin na magagawa ko pa ding kumain matapos lahat ng nangyari ngayon.

Binalewala niya ang mga sinabi ko at ibinaba ang plato sa may harapan ko, “Kailangan ng sanggol mo ng nutrisyon,’’ sabi niya.

Dahan-dahang kong sinubukang itulak ito palayo sa akin ngunit patuloy niya itong inilalapit sa akin. At sa bandang huli ay kumawala ako ng malalim na paghinga at tinulak ng malakas ang plato.

Hindi niya inaasahan na magagawa kong lakasan ang pagtulak. Napatalikod ang plato at nadumihan ang kanyang damit.

“Damn, bakit ba napakahirap mong suyuin,’’ sigaw niya habang pinupunasan ang kanyang damit.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sumigaw nang sinlakas ng pagsigaw niya, “Hindi ako sanay na pinapanood ang mga pagpatay sa tao bilang isang libangan. May ideya ka ba kung anong nararamdaman ko ngayon?’’

Ang mukha niya ay naging blanko, “Hindi ka nga kakain…’’ seryosong sabi niya.

‘Hindi.’

“Sige! Pinilit mo akong gawin ito,’’ sabi niya at naglabas siya ng isang hiringgilya sa kanyang bulsa .Takot akong pinapanuod siya habang kinukuhanan niya ng dugo ang sarili niya.

Hinila niya na lamang ang kamay ko nang walang pasabi, at tinurok sa akin ang dugo niya at sinabing, “Ang dugo ko ay sapat na upang panatilihin kang buhay ng mga isang linggo. Tignan natin kung magbabago pa ang isip mo.’’

Matapos no’n ay agad siyang naglaho palabas ng kwarto at kinandado ang pinto mula sa likod nito. Napakabilis ng nangyari at wala man lang akong nagawa rito.

************

Nagising ako na lunod sa malamig na pawis. Nagpakawala ako ng mahabang hininga habang pinapakalma ang takot na puso ko. Ang bangungot na iyon ulit...

Tumingin ako sa may bintana at napagtanto na mayroon na palang araw.  Walang dumating upang suriin ako nitong mga nakaraang tatlong araw. Nakaramdam na ako ng kirot ng pagkagutom pero hindi ako nanghihina. Sadya ngang malakas ang dugo ni Aslan.

Pagsisisi at kalungkutan ang siyang nagpapabigat sa akin, paunti-unti man pero sigurado akong mas lalala pa ito pagdating sa dulo. Wala akong ideya kung hanggang kailan ko kayang tiisin ito. Gusto kong kumausap ng tao, kahit pa si Aslan lang.

Nagbukas ang pinto at isang babae ang pumasok na may dala-dalang pagkain. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ko kung sino siya.

“Ikaw yung babaeng pumatay sa pulis…’’

“Pinatay ko siya kasi kinakailangan. Walang sinumang makakaalis ng buhay dito ang sinumang lumaban kay Tyson. Kung mauunawaan mo iyon ng mas maaga, mas makakabuti iyon sa’yo,’’sabi niya at ibinaba ang plato.

Tumunog at tila umiikot ang sikmura ko habang ang ilong ko ay nakikiliti sa nakakaakit na aroma mula sa pagkain Natutukso akong kumain pero pinipigilan ko.

“Kunin mo na, Aurora. Kailangan mong kumain,’’ sabi niya.

“Hindi na, tinurukan ako ni Aslan ng ilan sa dugo niya,’’ sagot ko.

“Tanga ka ba, Aurora. Ang dugo niya ay kaya lamang palakasin ang bata, pero ang kakulangan ng pagkain ang siyang magpapahina sa’yo.’’

Hindi na dapat ako magulat pa kung ang bata lamang ang siyang inaalala nila.

“Anong mangyayari matapos kong ipanganak ang batang ito?” napaisip ako ng malalim.

“Papatayin ka. Hindi gusto ni Tyson na nagkakaroon ng magiging kahinaan niya.’’

 Isang matinding takot ang nangibabaw sa akin sa mga sinabi niya. Alam ko man iyon sa sarili ko, pero iba pa rin kapag narinig muna ito na sinasabi sa’yo.

“May paraan ba para makatakas sa lugar na ito?’’

“Meron… pero...’’

“Pero, ano?’’

“Kailangan mo akong pagkatiwalaan…’’

Tumingin ako sa mga mata niya pero wala itong kahit anumang emosyon, ang mukha niya ay isang blankong maskara. Hindi mo masasabi kung siya ba ay isang kaibigan o isang kaaway. Sa bandang huli, ay pumayag ako. Siya ang pinakamalaki kong pusta sa ngayon.

Makalipas ng tatlong araw…

Iniunat ko ang aking mga braso at pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga habang ang sariwang hangin ay sumasampal sa mukha ko. Napakasarap sa pakiramdam nang maging malaya pagkatapos ng napakatagal na panahon.

“Hindi ako makapaniwala na papayagan ako ni Aslan na magpunta dito sa hardin upang maglakad-lakad,’’ bulong ko habang nilalaro ng mga paa ko ang mga damo.

“Kinailangan ko pa din ng kaunti lang naman na pagpupumilit para siya ay mapapayag ko lamang. At isa pa, tiwala naman siya sa seguridad na meron sila na alam niyang hindi matitibag.

Pero tama siya. Dahil ang seguridad ang siyang nangunguna sa lahat; electrical fencing, CCTV cmga kamera, at dose-dosenang mga gwardya na nagpapatrol sa gabi at araw. Isang tanga lamang ang siyang magtatangkang tumakas dito.

Huminto si Lina sa harapan ng oak tree. Ngumiti siya sa akin sabay sabing, “Handa ka na bang tumakas?”

“Ano? Gusto mo bang mamatay, hindi mo ba nakikita ang dami ng bilang ng mga gwardya?’’ sagot ko.

“Huwag ka nang magpaka-nene di’yaan. Basta, halika na lang dito,’’ sabi niya at kinaladkad ako sa likod ng puno.

Pinigilan ko ang tawa ko nang bigla siyang naglabas ng isang malaking tanso na susi at isinuksok iyon sa isang parte ng puno. At nagulat ako nang biglang may pintong bumukas at bumungad ang isang parang mala-elevator mula sa puno.

‘Wow, napakagaling nito. Wala ito sa mga inaasahan ko.’’ 

“Kanina ko pa ito pinag-aaralan, huwag kang sumigaw, mapapansin tayo ng iba,’’ pagbabala niya habang pinipindot ang isang pindutan. Isang biglaang paghinga ang kumalas sa bibig ko nang bigla na lang bumagsak ang elevator. Ilang sandali pa lamang ay huminto ito upang lumipat sa kanan. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Kung hindi niya pa ako binalaan baka sumigaw na ako. At nang guamaan na ang pakiramdam ko ay niyakap ko siya.

‘It’s okay, hun… Makakawala ka na dito sa madaling panahon,’’ sabi niya at umatras palayo.

Bumukas ang pinto sa isang garahe. Nagtungo kami sa pinakamalapit na kotse at lumabas. Di nagtagal ay nasa highway na rin kami.

“Hindi ako makapaniwala na makakauwi akong muli. You are my knight and shining armor,’’ sabi ko sabay labas ng ulo ko sa bintana.

Ang sarap ng pakiramdam ko na makalayang muli. Lahat ay tila mas maliwanag. Pati ang tubig na iniinom ko ay tila mas maginhawa.

ng bang lahat ng bahagi ng aking katawan ay sabik na sabik na hawakan siya. At bago ko pa malaman ay hawak-hawak ko na siya. Isang alon ng kasiyaan ang dumaloy sa akin sa oras na magtama ang aming mga katawan.

Binuhat ko siya sa aking trono at ini-upo ko siya sa aking kandungan.

“Walang anuman,’’ ang nanunuyang boses mula sa kapatid kong si Lina ang nagbalik sa akin sa realidad. Gusto kong itapon ang babae mula sa aking mga kamay pero iyon ay imposible. Kaya ibinaling ko na lamang ang paningin ko sa aking kapatid. “Ako ang iyong Alpha at ikaw ay nakatadhanang gawin ang aking nais.’’

“Hindi mo ba magawang maging magalang man lang kahit minsan lang?” 

“Touché, kapatid. Sa palagay ko ang pananatili mo sa mga flamers na iyon ang nagpapahina sa’yo.’’

“Natutunan ko ang isang bagong antas ng kalupitan. Siguradong ipagmamalaki moa ko.’’

Halos lumubog ang puso ko sa sinabi niya, sigurado akong hindi maganda ang kahihinatnan nito, “Bakit, ano ang ginawa mo?”

Huminga siya ng malalim, “Pinapatay nila sa akin si Connor,’’ sagot niya.

Ang mga pangil ko ay tila humahaba habang ang dugo ko ay kumukulo, “M****R F*****S! Pagbabayarin natin sila sa ginawa nila.’’

Tumango lamang si Lina at nagtungo agad sa kanyang kwarto at bakas sa mukha niya ang pagiging dismayado. Kung sabagay, si Connor ay parang tagapagturo niya na din.

“Alpha, ang mga kalalakihan natin ay naghihintay na sa iyo para sa mga diskarteng dapat nating gawin,’’ sabi ng aking beta, si Adrian, nang siya ay pumasok.

Lahat ng werewolves ay nagtapon sa akin ng kakaibang mga tingin nang makita nilang kandong-kandong ko si Aurora pero ni isa sa kanila ay hindi nagsalita. Nang sandaling umupo na ako sa may ibabaw ng lamesa, ay nagsimula nang magpresenta si Adrian.

“Aatakihin natin ang mga flamers sa Biyernes, kung kailan ang mga kapangyarihan nila ay mahina. Si Loren naman ay sasalakayin ang kanilang pabrika ng mga armas at sisirain ito. Si Mori naman ang siyang bahala sa istasyon ng kuryente habang ako naman ang bahala sa mga batalyon at sasalakayin ko ang mansyon. Salamat kay Lina dahil nalaman natin lahat ng kailangan nating malaman mula sa loob.’’

“Hmmm… ginawa niya ng maayos ang kanyang trabaho…’’

“Ang pinaka-importanteng kredito dito ay nasa sa iyo, Alpha. Kung hindi mo ipinadala si Connor, hindi siya magkakaroon ng dahilan para pagkatiwalaan siya.’’

“Para sa isang mataas na layunin ay kailangan ng isang sakripisyo. At ipaghihiganti natin ang pagkamatay niya sa pamamagitan ng pagpatay sa mga flamers na iyon.’’

“Umalis na ang mga tao ko matapos ang pagpupulong, at iniwan akong mag-isa kasama si Aurora.

Napakaganda niyang titigan habang natutulog at hindi ko mapigilan ang aking sarili. Iniyuko ko ang ulo ko at akmang hahalikan ko sana siya ng bigla bumukas ang mga mata niya.

Ang mga asul niyang mata ang siyang pinakamagandang nakita ko. Ang puso ko ay tila nagiging kabuti nang maligaw ako sa mga ito…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status