Share

CHAPTER 7

AURORA’S POV

Umupo ako sa may dulo ng upuan at mahigpit ko itong hinawakan. Pinipilit kong pigilan ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking mga pisngi pero wala ding kabuluhan. Lahat ng mga sinabi ni Tyson ay patuloy kong naririnig sa tainga ko. Punong-puno siya ng labis na galit. Kung bibigyan ako ng isang pagkakataon, anumang oras, mas pipiliin ko si Caleb kaysa kay Tyson.

Ano naman kung siya ang leader ng mga mafia, napakabait naman niya sa akin.

“Iniisip mo ba ang kapatid ko, tama ba?’’ isang malambing na boses ang narinig ko sa paligid ko na siyang naging dahilan ng pagkalundag ko mula sa kinatatayuan ko.

Itinaas ko ang ulo ko at nakita ang isang napakagandang babae. Lahat sa kanya ay perpekto, malalim at asul na mga mata, mala-cherry sa pula ang mga labi niya, at may isang perpektong pustura ng katawan. 

Bahagyang namula ang kanyang mukha at sinabi niya, “Salamat sa iyong mataas na papuri sa akin. Samantalang ang ibang tao ay iniisip na ang kagandahan ko ay ang siyang magiging kahinaan ko.’’

“Paano mo nalaman na… kaya mong basahin ang nasa isipan ko?’’ nauutal na tanong ko.

“Hindi ko kayang bumasa ng nasa utak ng tao, pero napapakiramdaman ko ang isang tao. Sa ilang taon ko nang karanasan, ay mahusay ako sa paghula sa isang tao.’’

Anong sinasabi niyang ilang taon ng karanasan niya, eh mukha naman siyang teenager?

“Maniwala ka sa akin, hindi mo gugustuhing malaman kung ilang taon na ako…’’ sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at tinanong ko siya ng matino, “Ano ka ba talaga?’’

Ngumisi siya sa akin at bumulong, “Isa akong witch.’’

Iniunat niya ang kanyang mga braso at iwinagayway ito. Di nagtagal, ang hangin ay nagsimulang dumaloy sa isang pabilog na direksyon; lahat ng paso at pati na rin ang lupa ay nagsimulang gumalaw.

Huminto lamang siya sa sandaling akala niya ay tatakbo ako dahil sa takot. Dumaing ako habang minamasahe ang ulo ko. “Bakit ba hindi na lang siya naging isang normal na babae?’’ 

“Punong-puno na ako sa a******e kong kapatid na isang katulad mo. Nagpapabuti ba iyon sa akin?’’

Hindi ko na maiwasang matawa sa ekspresyon ng mukha niya. Hanggang sa bigla na lamang siyang naglabas ng kendi at inabot sa akin sabay sabing, “Friends?’’

Paano ko ba maiiwasan ang sarili ko sa tukso ng binibigay niyang kulay kahel na kendi. Pero kailangan kong tanggapin iyon.

Sa mga sumunod na araw, ginugugol ko ang halos lahat ng oras ko sa pakikipag-usap sa kanya. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa mga dragon at werewolves at pati na rin ang kanilang matagal ng alitan. Matapos ang limang araw na bonding namin, naging komportable na akong tanungin ang mga bagay na gustong-gusto o inaasam-asam kong alamin.

“Bakit gusto ni Tyson ang anak ko, Zarina? Huwag mong sabihin sa akin na dahil mahal niya ang batang ito, dahil alam kong hindi iyon ang totoo.’’ sabi ko.

“Ahem… sigurado akong babalatan ako ng buhay ng kapatid ko kapag sinabi ko sa’yo ang katotohanan, pero palagay ko, dapat mong malaman.’’

“Gusto ni Tyson ang batang iyan upang makuha ang, ‘Heart of Magic.’ At ang dala-dala mong sanggol ang tanging susi sa portal patungo sa enchanted na isla,’’ dagdag pa niya.

Naninikip ang puso ko, iniisip ko kung anong kakahinatnan ko matapos makuha ni Tyson ang gusto niya?

“Maaaring patayin ka niya… dahil sa pagkakakilala ko sa kapatid ko, hindi niya gustong nagkakaroon siya ng kahinaan…’’ sabi nito sa akin.

Bigla na lang akong napaisip kay Caleb. Sa kanya, mas pinaparamdam niya sa akin na ligtas ako. Kung pwede lang na nasa tabi niya na lamang ako.

“Hindi mo iniisip na may pakialam ang asong iyon, sa’yo, hindi ba? Hangad niya lang din ang ‘Heart of Magic.’ Isang beses ko lang sasabihin ito sa’yo, Aurora, huwag na huwag kang magtitiwala kahit kanino man, mapasaakin man,’’ sabi niya, bago tumalikod sa akin at umalis na at hinayaan akong mag-isip. Lahat ng sinabi niya ay pauli-ulit na naglalaro sa isipan ko na para bang naka-record.

Nagpakawala ako ng mahaba at malalim na buntong-hininga at naupo sa tabi ng bintana. Kita ko ang likod ni Tyson mula sa malayo. Abala siya sa pakikipag-usap. Hindi… dapat binabago ko ang nasa isipan ko, sigurado akong nagbibigay ulit siya ng mga utos niya at nakikinig naman ng mabuti ang kanyang kasama.

Siguradong bigat na bigat na siya sa lahat ng mga responsibilidad niya bilang isang hari. Napapaisip ako kung may ibang bagay bang tungkol sa kanya sa kabila ng lahat… Magagawa niya ba talaga akong patayin sa araw na makuha niya na ang gusto niya?

BOOM! May malakas na pagsabog sa may tabi ni Tyson. Nakita ko siyang lumipad sa himpapawid at bumagsak sa malapit na puno.

“Hindi!’’ napasigaw ako at nagmadaling tumakbo sa may hardin. Tumibok ang puso ko ng napakabilis at lumuhod ako sa may tabi niya.

Napabuntong hiniga ako ng makita kong bumukas ang mga mata niya. Biglang namutla ang mga mukha niya at nagalit sabay ungal, “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito?’’

Akmang sasagutin ko sana siya nang biglang sumabog ang kwartong pinanggalingan ko. Halos marindi ako at takot akong nakatitig sa may kwarto. Kung hindi ako nagmadali papunta dito sa may hardin, malamang naging abo na ako.

“May hindi inaasahang pag-atake. Kailangan na nating pumunta sa ligtas na lugar,’’ sabi ni Aslan nang lumuhod siya sa may tabi namin.

 “Paano nila nasira lahat ng security system natin? Papatayin ko lahat ng mga walang silbing tao, kabilang KA na!’’ pagalit na sinabi ni Tyson kay Aslan.

Hindi na ako nagulat sa naging reaksiyon ni Tyson. Alam ko na ngayon ang dapat kong asahan pagdating sa kanya.  Tinulungan siyang tumayo ni Aslan at nag-umpisa silang maglakad patungo sa mansyon, pero hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabing, “May alam akong ligtas na lugar.’’

Suminghap si Tyson bago magsalita, “Sinusubukan mo bang samantalahin ang nangyayari dito?’’

Halos manginig ang ulo ko at di ako makapaniwala sa sinabi niya, pero hindi na lamang ako nagsalita pati rin si Aslan. Ginabayan ko sila sa may Oak Tree, at tinulak pabukas ang pinto.

“Bloody hell! Saan nanggaling ang lugar na ito?’’  bulalas ni Tyson habang nag-iinit ang ulo.

“Dito na muna kayong dalawa. Lalabas na muna ako para tapusin ang mga kalaban,’’ sabi ni Aslan bago umalis.

Napahingal ako nang makita ko na lang na puno ng dugo ang damit ni Tyson. Masyadong malalim ang sugat niya higit pa sa inaasahan ko. Lumapit ako sa kanya at pinunit ang ang damit niya. Ngumiwi siya ng kaunti pero hinayaan niya akong alisin ang pang-itaas niya. Naiwang nakabukas ang bibig ko at patuloy lang sa pag-iyak habang patuloy na pinupunasan ang mga sugat niya.

“Para ka talagang bata, hindi mo man lang makayanang tignan maski ang maliit lang naman na sugat,’’ galit na galit na sabi niya pero ilang sandali lamang ay nakahilata na ito sa sahig. 

Nakita kong naninigas na ang panga niya pero hindi ito sumigaw. Pabagal ng bagal ang paghinga niya sa bawat oras na lumilipas. Hinihintay kong gumaling ang mga sugat niya na parang mahika tulad ng nasabi ni Zarina pero wala man lang nangyayari. 

Kumunot ang mga kilay ko at tinanong agad siya, “Bakit hindi ka gumagaling?”

“Painite… nakahandang dumating dito ang mga asong iyon…’’ sabi niya habang hinihingal bago siya nahimatay.

Napalingon ako sa may pinto, umuulan ng mga pagsabog at mga bala na parang mga aso’t pusa. Huminga ako ng malalim at tumayo sa kinauupuan ko.

“Saan ka sa tingin mo pupunta?” tanong ni Tyson sa may likuran pero binalewala ko lamang siya.

“Kung aalis ka sa lugar na ito na wala akong permisyo. Sisiguraduhin kong pagbabayadan mo ito... Naririnig mo ba ako?’’

Nawawala ang boses niya sa may background nang magtungo ako sa may mga talahib at nagsimulang gumapang palapit sa mansyon. Tila kumikidlat ang puso ko palabas ng dibdib ko, habang pakiramdam ko tuyo na ang bibig at lalamunan ko. 

Isa itong kalokohan, pero kailangan nang matapos ito…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status