Caleb’s POV
Abala ako sa pagtingin ng mga papeles nang makaramdam ako ng biglaang pag-iba ng kapaligiran. Napakatahimik ata at nakakabingi sa tainga sa sobrang tahimik.
Napaisip ako at sinuri ko ang kuha ng CCTV. Natigilan ako nang makita ko na halos walang laman ang karamihan sa aking lungga. Samantalang halos bahain na iyon sa dami ng tao ko na ngayo’y halos wala na.
Sa likas na hilig, inilabas ko ang mga baril ko at nag-patrol ako sa may quarters. Ilan sa mga natirang tao ko ay mula sa mababang ranggo, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa iba. Nagtungo ako sa conference room at maging ito ay blanko maliban kay Lina.
“Lina, saan nagpunta ang iba?’’ tawag ko sa kanya nang pumasok ako.
“Alpha Caleb. What a pleasant surprise!’’ matamis na sabi ni Lina at saka lumapit sa akin.
Kinabahan ako dahil sa tono ng pananalita niya. Ano na naman ang pinaggagawa niya?
Itinutok ko ang baril sa kanya, at sinabi sa isang malamig na tono, “Huwag mong hahayaang ulitin ko pa ang sinabi ko, Lina?”
“Nasa lugar lang naman sila kung saan dapat sila magpunta,’’ sabi niya sabay turo sa screen. F***! Biyernes nga pala ngayon. Maaaring inutusan niya na sila na gawin ang plano. Halos manlaki ang mata ko sa takot nang makita ko ang nasa left wing na nagliliyab na ng apoy.
Hinila ko ang kamay ni Lina mula sa likuran ng leeg niya at tinutok ang baril sa may noo niya, “How dare you, Lina. Ang lakas ng loob mo para utusan silang lumusob na wala ang permisyo ko!’’
“Hindi ba’t ito naman ang gusto mo at nila, Alpha. Para makamit ang isang malaking tagumpay ay kailangan ng sakripisyo, hindi ba?’’
So, heto ang puno’t dulo ng lahat. Maaaring narinig niya ang pag-uusap naming tungkol kay Connor. Ipinikit ko ang mga mata ko at kinausap ang aking beta sa pamamagitan ng aming isipan.
“Pero napakalayo nang naging dahilan mo para ipadala silang lahat, huwag ka nang mag-abala pa.’’ sambit ko.
Damn! Dapat inasahan ko na iyon, si Lina ay walang ibang dulot kundi kapahamakan. Isa pa, wala ni isa sa kanilang may hawak ng cellphone. Ang tanging paraan para patigilin sila ay ang pagpaparoon ko.
Ang pangyayari ay napunta sa isang madugong labanan. Nagsisiliparan ang mga bala mula sa parehong panig nang may parehong angkin na galing. Pero nakikita kong nananalo kami dahil malaki ang lamang namin. Kaunting pagsabog na lang at ang mansyon nila ay magiging abo na.
Ayaw ko namang lahat ng pagsisikap nila ay mapunta sa walang kabuluhan, at isa pa, wala akong pakialam kung buong dinastiya ng mga Dragon ay mawasak. Ang tanging inaalala ko lang ay ang kaligtasan ni Aurora.
“Huwag!’’ sigaw ko at lumapit ako kay Aurora. At hinila ko siya saka kami napagulong sa may sahig. Napangiwi ako nang may pumasok na bala sa may kaliwang kamay ko.
Hinila ko siya palabas at inalalayan pabalik sa may Oak Tree. Prinoprotektahan ko siya sa pamamagitan ng katawan ko at nagmamasid sa tabi-tabi. Isa lang shooter ang siyang nasa paningin ko. Nagmadali akong itumba siya sa pamamagitan ng isang bala lamang.
“Salamat sa pagliligtas mo sa akin…” ang naghihingalong boses ni Aurora ang kumuha ng atensyon ko. Mukhang takot na takot siya. Hinawakan ko ang mga pisngi niya at nanigurado ako na iligtas siya, “Dadalhin kita sa ligtas na lugar.’’
“Kailangan kong bumalik sa may Oak Tree. Malubha ang kalagayan ni Tyson, at kailangan kong dalhin itong antidote sa kanya kundi mamamatay siya…’’ sabi niya.
“Gusto mong tulungan ko ang kaaway ko?’’ tanong ko. Ang mga mata niya ay agad na lumuha at sinabing, ‘’Parang-awa mo na…’’
Hindi ko matanggihan ang umaasang mga tingin niya sa akin at ipinunta ko siya sa may Oak Tree. At nagmadali siyang pumasok nang hindi man lang ako binigyan nang kahit ilang sandaling sulyap man lang. Huminga ako nang malalim para kumalma bago ko siya muling tignan.
Maya’t maya pa ay narinig ko ang pagtunog ng dila ni Lina, “Ang dakila naming Alpha, na siyang pinuno ng mga mafia na ngayon ay sinusunod ang utos ng isang tao lamang. At hindi lamang iyon, kundi tinutulungan mo siyang puksahin ang pack natin.’’
Naramdaman kong kumukulo ang dugo ko sa pag-aakusa niya sa akin. Nagpunta nga ako dito pero iyon ay ang iligtas lang ang mate ko. Tinignan ko siya ng matalim at sinabing, “Inuutusan kitang manahimik na lang at umuwi na!’’
Umiling ang kanyang balikat nang mapilitan siyang iyuko ang kanyang ulo sa kapangyarihan ko. Tumango na lamang siya saka agad na umatras palayo.
Ilang segundo lang ang lumipas bago ko mapagtanto kung ano ang ginawa ko. Tinulungan ko si Aurora para iligtas ang aming kaaway. Kaya naman ginamit ko ang kapangyarihan kong tawagin ang kapatid ko. Ang pagiging mate namin ang siyang paniguradong sumisira sa katinuan ng pag-iisip ko.
AURORA’S POV
Ang mukha ni Tyson ay maputla pa din at ang mga mata niya ay tila nawawalan na ng kulay. Nakabukas ang mga mata niya pero wala akong makitang bakas mula sa kanya na namumukahan niya ako.
‘’Tyson… ayos ka lang ba?’’ nanginginig na tanong ko habang nakaluhod sa may tabi niya.
Takot at pangamba ang bumalot sa akin nang hindi niya ako sinagot. Kinuha ko agad ang injection at agad itong itinusok sa may bandang puso niya. Dahan-dahang bumalik ang kulay sa mukha niya. Nagtataka ako habang pinapanuod ang paggaling ng sugat niya at ang malalim na sugat niya ay naghihilom na parang mahika. Napahingal siya ng malakas at umupo.
“Salamat sa Diyos ayos ka lang,’’ sabi ko at binasa ang aking labi.
“Mas maputla ka pang tignan kaysa sa multo. Saan mo ito nakuha?’’ sabi niya ng may pagdududa, at hinila mula sa kamay ko ang syringe. Nagulantang ako sa tanong niya. Hindi ba dapat pinasasalamatan pa niya ako sa pagligtas ko sa buhay niya? Pero…Hindi! Bakit niya nga ba gagawin iyon? Isa lang naman siyang flamer na hindi kailangan ang tulong ng iba.
“Ayokong ulitin ko pa ang sinabi ko, Aurora. Saan mo ito nakuha?’’
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at sinabing, “Nabanggit sa akin ni Zarina ang tungkol sa bagay na iyan.’’
Namula ang mukha niya at nagalit, “Kailangan niyang maturuan ng leksyon. Paano niya nagagawang sabihin ang mga lihim namin sa kani-kanino lang?’’
Damn! Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabing, “Wala ka ba talaga sa katinuan, Tyson? Hindi mo ba nakikita na ang impormasyong binigay niya ang nagligtas sa buhay mo? Sa halip na pasalamatan mo siya, mas ginusto mong pagbayarin siya…’’
Napangiwi ako nang hilain niya ako mula sa braso ko. Napanganga ako nang magsalubong ang mga mata naming dalawa, at ang kanyang mga mata ay namumula. At sa oras na iyon, pumasok si Aslan; na siyang nagligtas sa akin sa anumang gustong gawin ni Tyson sa akin dahil sa matinding galit niya.
“Paano ka gumaling, hindi ba’t may halong painite ang mga pasabog?’’
“Bakit? Mas gugustuhin mo bang makita akong patay, Aslan?’’
“Teddy, wala akong oras para diyan sa kabaliwan mo. Natapos na ang pag-atake pero sinong makapagsasabi kung kailan ulit sila aatake. Kailangan na nating umalis NGAYON!’’
Nakakamangha na pumayag agad si Tyson at ilang sandali lamang ang lumipas ay nasa loob na kami ng kulay itim na kotse. Napakaraming sasakyan mula sa harapan at likuran namin. Napakagandang pagmasdan kung paano kumikilos ng perpekto ang mga ito sa daan.
Si Tyson at Aslan ay abala sa pag-uusap ng mga diskarteng gagawin nila habang ako naman ay nakaupo sa bandang harap. At nakatuon lang ang mga mata ko sa may salamin, at sinusubukang basahin ang ekspresyon ng mukha ni Tyson. Wala ba siyang pakialam sa kung anumang meron ang mundong ito?
“Asan si Zarina?’’ tanong ko nang napalundag ako mula sa kinauupuan ko. Ipinatong ni Tyson ang mga kamay niya sa may tuktok ng ulo ko at prinotektahan ako sa pag-untog ng ulo ko sa may taas ng sasakyan.
Nakita ko ang napakalimit na emosyon mula sa mga mata niya pero pwedeng imahinasyon ko lang iyon. Ilang sandali lang ay sinabi niya sa malamig na boses, “Kaya niyang hanapin ang daan niya…’’
AURORA’S POV Makalipas ang tatlong buwan… Ang aking labi ay nagpipinta ng isang malapad na ngisi habang pinapanood ko si Tyson na nilalaro ang mga susi habang kinakabahan. "Ano bang nagpapatagal dito?" Tinama ko naman ang braso ko kay Tyson, sinabi ko sa isang mapanukso na tinig, "Natatakot ba ang dakilang hari ng mga dragon na makita siya sa klinika ng Gynecologist?" Namula ang mukha niya at halos sumigaw siya, “Paano mo nagagawang magbiro tungkol dito, Aurora? Nag-aalala lang ako tungkol sa ating sanggol. " “Excuse me, mister! Ito ba ang iyong unang pagkakataon sa isang ospital? Maaari bang panatilihin mong mababa ang iyong boses!” Napahagikgik ako nang makita ko ang nars na pinarusahan si Tyson at lumayo. Hinabol ko ang kamay niya bago niya ituloy ang pagkainis sa nurse. "Ayaw mo bang makita ang ating sanggol?" “F ***! Aurora. Kung hindi ako masyadong natukso na makita ang ating sangg
AURORA’S POV Pinagmasdan ko siya na takot na takot habang dumadaloy ang dugo mula sa kanyang sugat. Tumagal ng ilang sandali bago ko mapagtanto ang ginawa niya. "Bakit mo ginawa iyon?" Sigaw ko, at pinahiga siya sa kandungan ko. Gagamitin ko sana ang aking mahika upang masuri siya nang hawakan niya ang aking mga kamay at umiling. Hingal na hingal siya at bumulong, "Kailangan kong ... kailangan kong mamatay ..." "HINDI! Humihingi ako ng paumanhin na sinisi kita kanina ... Ako… Nagalit lang ako sa sarili ko… Ako ang… ” Nagpumiglas siyang bumangon habang sinasabi niya, "Hindi mo naiintindihan ... Ang aking kaluluwa ay konektado sa Dark Lord ... Hanggang ako ay buhay, makakabalik siya para Balika ka... at si Tiara ..." Hinawakan ko ang kanyang kamay at sinabi sa isang gulat na boses, "Hindi mo kailangang mamatay ... Hahanap ako ng paraan upang maputol ang inyong koneksyon ..." Humagulhol siy
TYSON’S POV Natigilan ako nang hindi ko nakita ang bato sa locker. "Itinago ko ito dito ..." Nauutal kong sabi. "Alam kong hindi ka nagsisinungaling ngunit saan sa palagay mo ito?" Bumulong si Adam ng ilang pulgada mula sa aking tainga na naging dahilan para kilabutan ako. Masyadong komportable at mapanganib na manatili dito mag-isa kasama siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nag-teleport pabalik sa dating lokasyon bago niya ito mapagtanto. "Kung nais mong iligtas ang iyong anak, sabihin mosa akin kung nasaan ang Heart of Magic?" galit na sabi niya at hinawaka ako sa leeg. Nagulat ang mga mata ko nang makita ko si Aurora sa likuran niya. Nang walang anumang babala, isinaksa niya ang isang punyal sa kaniya "Ahhhh !!!" Ang sigaw niyang nakakakilabot ang siyang umalingawngaw habang bumabagsak sa lupa. "Ayos ka lang ba? Nasaan si Tiara? " Tanong ko sa at lumapit kay Adam upang maabot si Aurora. Ang masaman
AURORA’S POV Ipinikit ko nag mga mata ko at pinokus ko lamang ang isipan ko sa lugar na nakita ko sa isipan ko at nagteleport papunta doon. Ilang minute lang ang lumipas ay nahulog ako sa lupa, naliligo sa pawis at hinahabol ang hininga. Ang kapangyarihan ko ay hindi ganon kalakas para tumagos ako sa harang. Isang paraan na lang ang kailangan nagyon… Bumalik ako sa Sanctuary at kunuha ang heart of magic. Kinilabutan ako sa kapangyarihang dumadaloy sa akin sa sandaling hawakan ko ito. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan nito nang biglang sumulpot sa isipan ko ang sinabi ng lolang iyon, “Sa tuwing ginagamit mo ang batong ito, mawawala ang bagay na parte ng buhay mo. Lalamunin nito lahat ng kasiyahan, pagmamahal, kabutihan at puro kadiliman na lang ang matitira sa iyo, parang isang malamig na bangkay na walang emosyon.” Nanginginig ang mga kamay ko at napakabilis ng bawat tibok ng puso ko. Ginawa na nila Aslan, Zarina at Tyso
AURORA’S POV Naupon kami sa bawat sulok ng mapa at naghawak kamay. “Kapag nagbigay kami ng senyas lahat tayo ay kailangan sugatan ang palad at hayaang tumulo ang dugo sa mapa. At walang magsasalita, naiintindihan ba?” Lahat kami ay tumango at bumuo ng isang bilog. Ako at si Zarina ay pinikit ang mga mata at nagsimulang bumulong. Noong una lahat at tila itim lamang pero habang tumatagal, nakikita ko ang isang bagay sa gitna ng dilim pero nakatago ito sa likod ng tila mga usok… At nang makaramdam na kami agad kong binuksan ang kamay ko at hiniwa ang aking palad, ganoon din ang mga iba. Lahat ng dugo naming ay tumutulo sa gitna nito pero walang nangyayar… “Damn! Masyado akong nagtiwala na gagana ang spell na ito.” Sabi ni Zarina at napasabunot sa sariling buhok. “Gumana nga ito… Hindi sa kung paano ito gumagana kundi nakikita ko ang mga ito sa isipan ko… Nasa Earth si Tiara… Hindi natin siya maramdaman dahil nasa
TYSON’S POV “Nagpunta ako sa Roxiant ngayon.” “Ano? Bakit ka nagpunta doon? Dapat pinadala mon a lamang ako o kaya si Zarina. Alam mo ba lung gaano kadelikado ang lugar na iyon? Iyon ay lugar kung saan nagkikita-kita lahat ng mga makapangyarihan na manghuhula. Paano kung may isang maglagay ng hex o spell sa’yo?” “Abala kayong pareho. At may nakapagsabi lang sa akin at nakaka-interesado ang impotmasyon na iyon para maghintay pa ako…”“Sabihin mo sa akin… buti naman at may nakuha kang impormasyon…” “Masasabi kong ang peligro na maari kong makasalubong ay sulit din naman. Mayroon na akong blue print sa plano ng Dark Lord. Ang plano niya ay hinati hati niya sa magkakaibang paraan. Una ay ang kunin si Tiara.” “Damn! Kaya ba masyado kanga tat na papuntahin sila sa Sanctuary?” “Hmmm… plano ko lang naman na ilayo sila sa gulong ito…” “Kung hindi natin siya hahayaang magawa ang una niyang plano, manan