Share

CHAPTER 6

ASLAN’S POV

Sa mga lumipas na oras ay nababaliw na ako sa kakahanap kay Aurora At naiinis ako nang makita ko si Tyson na kalmado lang na humihigop sa kanyang inumin.

“Hindi ka man lang ba nag-aalala, kapatid? Kahit hindi ka nag-aalala kay Aurora, mag-alala ka man lang sana sa anak MO!’’

Itinaas niya ang kanyang ulo at nagpalabas ng hangin mula sa kanyang ilong at sinabing, “Relax ka lang kuya, mahahanap din natin siya sa lalong madaling panahon.’’

“Hindi pwedeng ganito na lamang. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko sana pinagkatiwalaan si Lina. Hindi ako magpapahinga hangga’t di siya nahahanap.’’

“Gusto mong pagurin ang sarili mo, sige gawin mo, kuya…’’ sabi niya nang nakangisi at tinuon muli ang pansin sa iniinom.

Nagpakawala ako ng isang mahaba at malalim na buntong hininga. Nagagawa niya pang mag-relax habang nawawala ang anak niya. Kailangan kong magtanong ng tulong sa iba. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Zarina na dumating sa lalong madaling panahon.

Sa dulo ng aking mga mata, nahuli ko ang kapatid kong nakangiti nang may tagumpay sa cellphone niya.

Naglakad ako ng konti papalapit sa kanya at nagtataka na tinanong, “Baka gusto mong ibahagi ang bagay na iyan, kapatid…’’

“Pumunta ka sa may Waylard Dock, magsama ka ng dalawang kasama at kunin niyo si Aurora. Ang aso ay sumama sa kanya… nang mag-isa…’’

“Ano bang mahuhuli?’’

“Wala naman, mas kailangan nila ang kaligtasan ni Aurora nang higit pa sa atin. Ginising mo ang dragon sa dugo ng bata sa pamamagitan ng pagturok mo sa kanya ng dugo mo. Ang tanging paraan para makaligtas siya ay ang patuloy na pagturok sa kan’ya ng iyong dugo…’’

“B******! Bakit hindi mo iyan sinabi sa akin kanina?’’

“Sinabi ko nman sa’yong mag-relax ka lang. Pumunta ka na ngayon at kunin siya kaysamagtatalak ka dito.’’

Kung hindi lang ito nataon sa ganitong oras, makakagawa ako ng paraan para lang alisin lahat ng asim sa mukha niya. Pero sa ngayon, ang unang dapat kong alalahanin ay ang kaligtasan ni Aurora.

Pinagbigay alam ko sa mga mangilang batalyon ng mga tao ko na magpunta at libutin ang dock. Masyadong kalmado si Tyson sa sitwasyong ito at hinihimok niya pa din ako hanggang dulo.

Nang makarating ako sa may dock, nahagilap ko ang isang weirdong tanawin. Si Aurora ay nakaupo sa kandungan ni Caleb. Ang kamay ni Aurora ay nakapalibot sa kanya at ang ulo niya ay nagpapahinga sa may dibdib nito.

Ang mas ikinagulat ko ay ang malambing na ekspresyon sa mukha ni Caleb. Ang lalaking sumindak sa lungsod ay ngayo’y nakayakap na kay Aurora na para bang sa kanya umiikot ang mundo niya.

“Tapos ka na ba diyang tumitig sa amin, Flamer!’’ ang nanunuyang boses ni Caleb ang siyang narinig ko nang tumingin siya sa akin.

“Sinisigurado ko lang naman na ang hari ng mga aso ay hindi nakikipaglokohan sa amin.’’ sagot ko na may halong pagkainis at nagtungo papalapit sa kanila…

Tumayo siya at itinayo si Aurora mula sa paa nito. Ano ang nagawa niya? Tila ba atubili siyang lumayo sa kanya. 

 Masyado akong nahumaling sa pagmamasid kay Aurora na hindi ko man lang namalayan na malapit na sa akin si Caleb. Napangiwi na lamang ako nang may matalim na bagay na tumusok sa may ugat ng lalamunan ko.

“Anong ginagawa mo?” sabi ko at agad na lumayo. At sa halip na sagutin ako, ang ginawa niya ay itinurok niya kay Aurora ang dugong nakuha niya mula sa akin.

Ang mukha ni Aurora ay nagpalit ng kaginhawaan at ang kulay ng maputlang balat niya ay bumalik sa dati matapos ng mga ilang minuto lamang. Hanggang sa biglaan na lamang akong tinamaan. Paano kung ilayo na naman niya si Aurora ng isang linggo. Hinding-hindi ako makakapayag na mangyari iyon ulit. Sapat na ang nagawa niyang pinsala. Dali-dali kong hinawakan ang mga braso ni Aurora at hinila siya palayo pabalik sa kwarto niya.

“Kung may mangyari sa kanya, Aslan! Babalatan ko kayo ng buhay,’’ sabi niya. Hindi ko mapigilan ang hindi matawa sa pagbabanta niya.

TYSON’S POV

Kumulo ang dugo ko nang makita ko si Aslan na naglalakad kasama si Aurora na para bang walang nangyari sa kaniya at parang lumipas lang ang isang araw. Mukhang hindi man lang nasaktan si Aurora.

“Ah! Nandito na rin ang masunurin na ina ng aking inosenteng magiging anak! Isang napakagandang sorpresa,’’ napakagat ako habang hinihila ko ang kamay niya at kinaladkad siya papunta sa kanyang silid.

Hindi siya karapat-dapat na kaawaan. Itinapon ko siya papaloob at pagalit na sinabi, “Sisiguraduhin kong malilimutan mo kaagad kung ano ang pakiramdam ng hangin na mayroon sa labas. Babantayan kong mabuti na bibigyan ka lamang ng dugo kada sampung araw, na tititiyakin ko na wala ka nang lakas upang makatakas!’’

 Lumayo siya agad paatras at nagtungo sa may dulo, at wala akong pake sa kanya. Naglakas-loob siyang tumakas mula sa mga kamay ko kaya dapat lang siyang maparusahan.

Nang akmang isasara ko na sana ang pinto, bigla na lamang hinila ni Aslan ang mga kamay ko at sinabi sa malamig niyang tono na, “Hindi mo siya pwedeng patuloy na ikulong na lang.’’

Namula ang aking mukha at naramdaman ko ang galit na namumuo sa paningin ko. Tinignan ko siya ng masama at sumigaw, “At sino naman sana ang pipigilan ako? IKAW!’’

“Iyon ang isang kondisyon ni Caleb sa pagbalik kay Aurora sa atin,’’ sagot niya.

“Ano naman sana ngayon? Wala akong dahilan para sundin ang utos niya.’’

Hinila ako ni Aslan sa may braso ko at sinabing, “Hindi mo naiintindihan, si Aurora ang kanyang mate! Makakaramdam siya kung sinaktan mo siya. Gusto mo ba talagang magbuwis-buhay para mawala ang bata, ang Heart of Magic, at ang kaharian mo dahil sa walang kwentang ego mo?” 

Napatahimik ako sa mga sinabi niya sa akin. Paano naging posible iyon?

“Si Aurora ang mate ni Caleb?” pag-uulit ko.

“Kung paano niya siya ipagtanggol kanina, ang turukan niya si Aurora ng dugo ko,at ang bantaan ako para lang sa kaligtasan ni Aurora, sigurado ako na si Aurora ang kanyang mate…’’

“Okay, sige. Gawin mo ang gusto mong gawin, pero hindi dapat siya makakatakas ulit.’’ sabi ko at naglakad patungo sa aking silid pero hindi ko magawang humakbang ng mas malayo pa, may kung anong pumipigil sa akin.

Hinayaan ko ang pandama ko bilang dragon ang siyang umalam sa bagay na hindi ko makita mula sa mga pader. Parang may kakaiba, pero pamilyar. Hinayaan kong dumaloy ang aking kapangyarihan sa dulo ng aking mga daliri at tinunaw ang mga pader.

At tulad lang sa kanina nang akmang hahakbang akong muli ay tila tumalbog ang pader. At narinig ko iyon, isang nakakarinding matamis na halakhak. Napagtanto ko kung sino iyon. Anong ginagawa ni Zarina dito?

“Mas malakas na ako kumpara sa dati. Hindi mo na ako basta-bastang matatalo ngayon.’’ sabi niya at naglakad sa may harapan ko. Hindi pa rin siya nagbabago kahit na kaunti, parehong cheeky na pag-uugali, may kayabangan at maganda pa rin.

“Kapatid. Sigurado ako naparito ka para tulungan ako…’’ sabi ni Aslan ng may magandang ngiti. Ramdam ko na natutuwa siya sa pagiging hindi ko komportable sa pagpaparito ni Zarina

“Oo na, oo na. Wala nang satsat-satsat pa. Hindi ko na guguluhin pa ang dakilang hari,’’ sabi niya at sabay pitik sa mga daliri niya at minsanang nawala ang mga pader.

“Anong ginagawa niya dito, Aslan?”  tanong ko at hinila siya mula sa may lalamunan niya.

“Kapatid, kailangan mo ba talagang maging overreacted. Tinawag ko siya para tulungan sana tayo sa paghahanap kay Aurora, hindi ko naman inaasahan na ibabalik siya sa atin ni Caleb ng ganun-ganon na lamang. At iyon ay dahil hindi MO sinabi sa akin…’’

“Tyson, parang-awa mo na pakawalan mo siya. Pangako, magtitino ako sa abot ng makakaya ko. Wala kang dapat ipag-alala dahil sinusigurado kong hindi na siya makakalabas dito,” sabi ni Zarina.

May punto siya. Kung ako nga hindi nakawala sa kapangyarihan niya, malamang gayundin si Aurora. Tumango ako at pinakawalan ko si Aslan.

Papunta sa aking lungga, hinalukat ko ang lahat ng mga kahon para mahanap ang aking Amethyst locket.

“Heto ba ang hinahanap mo kapatid?’’ sabi ni Aslan habang ipinapakita sa mga mata ko ang locket. Namutla ang aking mukha at kumuha ako ng pananggalang na paninindigan

Nagbuntong-hininga siya at itinapon sa akin ang locket. Ang boses niya ay may halong lungkot, “Sa tingin mo talaga aatakihin kita…’’

Nagbuntong-hininga ako sa pagkakaluwag matapos suotin ito at sinabi sa katamtamang tono, “Natuto akong patuloy na maging handa, kuya.’’

Ipinatong niya ang mga kamay niya sa balikat ko, “Umaasa talaga ako na matutunan mong muling pagkatiwalaan kami, ang pamilya mo.’’

Ibinaba niya ang kanyang mga kamay att tumingin siya sa akin nang may pananabik mula sa mga mata niya.

Masyadong nagtitiwala si Aslan. Mahal na mahal niya ang kapatid naming babae. Kailangan kong makabawi sa papamagitan ng pagiging alerto. Ipinapanalangin ko na lang na hindi niya sisirain ang tiwala ni Aslan. Hindi ko kakayanin. Mas malambot ang puso niya kase sa akin

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status