Share

Chapter Three: Emergency

Kinabukasan ay gumising ang lahat ng may masakit na ulo. Nakahawak ang ilan sa kanya-kanyang mga ulo dahil sa hang over. Nagtimpla lang si Alex ng kape nila ni Sam at napagpasyahang sa terrace mag kape.

"Sobrang sakit ng ulo ko," mangiyak-ngiyak na sabi ni Sam at nasa ulo ang dalawang kamay.

She really drink hard last night to the point that Alex needed to carry her to their room. Samantha is really wasted and can't barely walk on her own.

"Ayan kasi, sabi ko sayo tama na at 'wag ka ng magpakalasing ng sobra pero sinunod mo pa rin 'yang kagustuhan mo," sermon sa kanya ni Alex na sumisimsim ng kape at nakatanaw sa dalampasigan.

"Sorry, mom," sarkastikong sabi ng kaibigan at nagpatuloy na lang sa pag inda ng hang over niya.

Tahimik lang nila na tinuloy ang pagkakape nila nang pumasok si Ashley.

"Ah sorry, hindi na 'ko kumatok. Pinapatawag ni Mrs. Trinidad ang lahat sa sala," nahihiyang sabi ni Ashley.

Same old Ashley, sa lahat kasi ng kaklase nila ay ito ang pinaka-mahiyain. Hanggang ngayon pa rin pala ay mahiyain pa rin ito.

"Ahh gano'n ba? Sige susunod na lang kami, hindi pa kasi kami naliligo e," sagot ni Alex na tinanguan lang ni Ashley at saka lumabas ng kwarto.

Napatingin naman siya kay Samantha na nakasubsob lang ang mukha sa mesa.

"Pinapatawag daw tayo sa baba."

"Maliligo na 'ko, I will just get rid of this headache," paalam nito saka tumayo sa kinauupuan at nakahawak pa rin sa masakit na ulo. Kumuha lang ito ng susuotin bago pumasok sa banyo.

Naiwan naman si Alex na nakatulala sa beach. Kanina niya pa iniisip 'yong tangkang pakikipag-usap sa kanya ng dating boyfriend. Iniisip niya na mukhang may binabalak na naman ito pero naalala niya ang lungkot sa mga titig nito sa kanya kagabi.

She shook her head and just continued sipping on her cup. She must avoid him until the last day of this reunion.

-

Halos lahat ay nasa salas na at ilan na lang ang kulang. Pagbaba nila ay umupo agad sila sa bakanteng upuan na nasa sala.

"Nasaan ang iba?" tanong ni Mrs. Trinidad.

"Kate and Lara is still dealing with their hang over, they can't make it daw," sabi ni Shenna habang sinusuklay ang mahaba niyang brown na buhok.

"E 'yong apat na lalaki na wala pa rin dito?"

"Mga nagjajabol pa ata, Ma'am," sigaw ni Ron na dahilan ng pagtawa ng ilan.

Napailing naman ang iba sa kalokohan ng mga lalaki.

"Tangina mo, Ron," sabi ni Sean na pababa sa hagdan at kasunod nito ay si Harry.

"I second the motion," - Harry

"Oo nga pala, pinapasabi ni Topher na hindi daw maganda pakiramdam niya," dugtong ni Harry.

"So today, we are going to play beach volleyball. Dahil hindi ko makita si Mang Kanor ay ako na lang ang naghalungkat sa game room ng pwede nating malaro. So, I need two teams," - Mrs. Trinidad

"Ako."

"Me."

"Count me in."

Kanya-kanyang boluntaryo ang iba habang napagpasyahan naman ng ilan na manood na lang sa kanila at magswimming sa dagat.

Tamang-tama ang napagpasyahang outfit ni Alex at Sam, plano kasi talaga nilang magswimming ngayong araw. Nakasuot si Sam ng white two piece na napapatungan ng white knee length dress. Samantalang si Alex naman ay naka-black two piece na napapatungan ng baby pink na malaking tshirt.

Nang makarating ang lahat sa dalampasigan ay kanya-kanya ng pakitaan ng mga suot na swimsuit at trunks. May ilan naman na medyo conservative at nag swimming lang na naka sando at short.

"Tara swimming tayo," yaya sa kanya ni Sam at hinubad ang doble niyang dress. Sinipulan siya ni Brylle kaya inangat niya ang kamay niya at pinakyuhan ito na tinawanan lang ng binata.

"Hindi na, ikaw na lang."

"Shut up, hubarin mo na yan," 'yon lang ang sinabi ni Sam at walang pasabing itinaas ang doble niyang shirt at hinubaran siya.

"Witwiw, ang sexy na pala ni Miss Nerd e," pang aasar ng manyak na si Josh na inirapan niya lang.

Samantha pulled her until they reach the beach. They're swimming on the clear water while watching their other classmates play volleyball. She's just busy enjoying the cold water when she felt someone looking at her.

Nakita niya sa di kalayuan si Sebastian na nakatitig sa kanya, kasama nito si Allison na busy sa pagpipicture gamit ang camera niya. Iniwas niya na ang tingin dito nag focus na lang sa paglangoy.

-

Magtatanghalian na 'nong magsiahon ang lahat. Kumain lang sila at nagsipanhik sa kanya-kanyang mga kwarto para magpahinga. Abala naman si Mrs. Trinidad sa pagaasikaso ng mga sangkap na gagamitin para sa hapunan mamaya.

Hinihiwa niya lang ang mga sangkap na nasa counter table nang pumasok si Allison sa kusina at nagbukas ng ref para uminom ng tubig.

"Allison, nakita mo ba si Mang Kanor?" tanong niya sa dalaga.

"No, why?" she plainly answered ang sipped on the bottled water.

"Nothing. I haven't seen him today, alas dos na pero di ko pa rin siya nakikita. Hindi ko kasi alam minsan kung saan nakalagay ang mga bagay-bagay," she explained and still cutting ingredients.

Napabuntong hininga si Allison at ipinatong ang tubig sa counter table.

"Hindi pa rin ata siya nagbabago. Mang Kanor is always running from his duties, lagi siyang tumatawid sa kabilang isla para magsugal. Dad already talked to him pero mukhang wala pa rin,"

"Ahh gano'n ba?"

"I will inform Dad about it. Just ask me if you need anything," sabi nito at saka lumabas ng kusina.

Nilagay niya sa kanya-kanyang plastic container ang nga nahiwa niyang sangkap at inilagay iyon sa loob ng ref. Naghuhugas na siya ng mga ginamit ng makarinig siya ng kaluskos sa likod ng bahay.

May pintuan kasi sa kusina na patungo sa likurang bahagi ng bahay na medyo matalahib. Pinunasan niya ang kamay at lumabas para silipin kung may tao.

"Mang Kanor ikaw ba 'yan?"

Lumapit siya sa talahiban at hahawiin na sana iyon nang maramdaman niya ang pag vibrate ng cellphone niya sa bulsa. Hindi niya 'yon sinama sa mga cellphone na kinolekta niya dahil gabi-gabi ay tinatawagan niya ang anak niyang nasa bahay ng nanay niya ngayong nasa malayo siya dahil wala namang ama na mag aalaga dito dahil pumanaw na ang asawa niya.

Hinugot niya sa bulsa ang cellphone at tinignan kung sino ang tumatawag. Napakunot ang noo niya nang unknown number ang makita niya sa screen.

"Hello?"

"Good afternoon, Ma'am. I am Julie, a nurse from San Fernando Hospital. I just want to ask if how are you related with.. Aira Trinidad?" tanong ng nasa kabilang linya.

Kumabog naman ang d****b niya nang marinig ang pangalan ng nag iisang anak.

"I am her mother, why?"

"Your daughter is in our hospital, nasangkot po siya sa isang aksidente kayo po ang nasa person to contact incase of emergency kaya kayo po ang tinawagan ko."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng kausap at kasunod 'non ay ang pagbagsak ng luha. Nagaalala siya sa lagay ng anak niya. Hindi niya alam kung bakit naaksidente ito.

"I'll be there," 'yon lang ang sinabi niya bago pinatay ang tawag. 

Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay at hinanap si Allison. Natagpuan niya ang dalaga sa  library at abala sa pagbabasa ng libro.

"Allison, can I talk to you?" lumuluhang sabi niya.

"Sure, but why are you crying? Ano pong nangyari?" nagaalalang tanong ni Allison sa dating guro.

"Si Aira.. my daughter. Nasa ospital siya, the hospital called me. Kailangan kong umalis Allison, gusto kong makita ang anak ko," umiiyak na sabi ni Mrs. Trinidad at napaluhod sa sobrang pagaalala. 

"Calm down, tatawag ako sa pier para magpadala ng yacht by evening I'm sure nandito na 'yon. Everything will be fine," pag-alo nito sa guro at saka ito niyakap.

-

(7 PM)

Nasa kwarto niya si Mrs. Trinidad at inihahanda ang mga gamit niya para sa pagbalik. Alam na ng lahat na aalis siya ngayong gabi. Kinakabahan siya masyado para sa kalagayan ng anak niya.

Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya ang kanyang mga estudyante na malungkot at hinihintay siya.

"Pasensya na guys ah, but I really need to see my daughter," sabi nito na maluha-luha pa rin.

"Ayos lang po 'yon, Ma'am. Mag-iingat po kayo, for sure magiging ayos din ang lagay ng anak niyo," sabi ni Lara at tumango naman si Mrs. Trinidad bilang pagsang-ayon.

"Parating na daw 'yong yacht sa dalampasigan according to our last conversation," sabi ni Allison.

"Maghihintay na lang ako sa dalampasigan."

"Samahan ko na po kayong maghintay." - Sebastian

"No, Seb. Stay here, kaya ko na."

Binitbit na ni Mrs. Trinidad ang mga gamit niya at naglakad na palabas ng bahay para pumunta sa dalampasigan. Kumaway lang siya bilang pamamaalam at naglakad na. Pagdating sa dalampasigan at umupo lang siya sa buhanginan para maghintay.

Nakatingin lang siya sa dulo ng dagat nang may magsalita.

"Hi, Ma'am."

"Oh, anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" tanong niya sa dating estudyante.

"Ako lang po. Gusto ko lang po sanang makipag kwentuhan bago po kayo umalis."

"Hmm."

"Natatandaan niyo po ba 'yong sinabi ko sa inyo few years ago? When I am still studying in Juarez Academy," nag iba ang tono ng boses nito na nagpadaloy ng kuryente ng kaba sa sistema niya.

"Huh?"

"'Yong sinabi ko sa inyo na ginawa ng mga kaklase ko sa akin."

"Anong sinasabi mo?"

"'Yong sinabi ko sa inyo na hindi niyo pinaniwalaan," sabi nito at nakatulala lang sa kawalan.

Nagkaroon ng katahimikan pero rinig na rinig ni Mrs. Trinidad ang bilis ng tibok ng puso niya. Matagal na panahon na 'yon, bago siya magpakasal at nagpasyang magfocus sa magiging pamilya niya.

May isa nga siyang estudyante na nagsumbong sa kanya na may ginawa sa kanya ang mga kaklase niya, pero hindi niya ito pinaniwalaan dahil mabait na estudyante ang pinagbibintangan nito.

"Matagal na panahon na iyon, hindi ko na maalala," pag mamaangmaangan nito.

"Gabi na 'nong pumunta ako sa bahay niyo para isumbong ang ginawa nila sakin. Pero hindi ka naniwala ang sinabi mo lang, imposibleng gawin nila 'yon dahil mababait silang mga bata," mababakas mo ang pag iyak sa boses niya habang kinekwento ang nangyari sa nakaraan.

Dahan-dahang tumayo si Mrs. Trinidad dahil hindi niya na maatim na tabihan ang kausap niya dahil sa inaasta nito. Nilingon siya ng kausap at nginitian siya ng matamis at dahan-dahang tumayo pero nananatili paring nakatingin sa kanya.

"HAHAHAHAHHAHAHAHA." 

Nagulat siya sa biglang pag tawa nito at naramdaman na lang niya ang sakit sa kaliwang d****b niya. Nakita niya ang nakabaong kutsilyo doon.

"Walang mabait na tao ang gagawa ng gano'n!" sigaw nito ng may nanlilisik na tingin.

"P-patawarin m-mo ko. Parang awa mo na, p-puntahan ko pa ang a-nak ko," nauutal na sabi ng guro na ang tanging nasa isip lang ay ang kalagayan ng anak niya na nasa ospital.

"Ahh ang anak mo ba?" inosenteng sabi nito sabay hugot ng kutsilyo sa d****b ng duguang guro at ibinaon naman sa tiyan nito.

"Sorry, ako talaga 'yong tumawag sayo HAHAHHAHA," parang nabubuang na sabi nito.

"B-bakit mo g-ginawa 'to?"

"For revenge, I am the avenger from the past at maghihiganti ako sa inyong lahat!" sigaw nito at itinarak ang kutsilyo sa noo ng guro na tumapos sa buhay nito.

Tumayo siya at hinatak ang walang buhay na katawan ng dating guro sa pinaka malapit na talahiban. Pagkatapos itabi ang bangkay ay binalikan niya ang bakas ng dugo at tinabunan iyon ng buhangin. Napatingin siya sa damit at nakita ang dugo sa sariling damit.

"Psh. Messy teacher."

Kinuha niya ang damit na tinago niya na kapareho mismo ng nadumihang damit at saka nagpalit, masisira ang plano niya kapag nakita siyang maraming dugo sa damit. Pagtapos magpalit ay saktong pagdating ng yate na galing sa daungan.

Tumigil ang yate sa harapan niya. Pinaskil ang matamis na ngiti sa mukha at kinausap ang dalawang lalaking sakay ng yate.

"Kayo po ba 'yong babalik sa Maynila?" tanong ng isa sa mga lalaki.

"Ah hindi po, pinapahintay lang po kayo ni Allison. Hindi na daw po uuwi 'yong isa naming kasama, ayos na daw po 'yong kapamilya niya na naaksidente," inosenteng paliwanag nito.

Napabuntong hininga ang isang lalaki.

"Gano'n po ba, sige po babalik na po kami sa daungan," sabi lang nito.

"Pasensya na po ah."

Tinanguan lang siya ng isa sa mga lalaki at pinanood na lang niya ang palayong anino ng yate.

"Another one, down,"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status