Share

Chapter 34

Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit paulit-ulit ang mga bangungot na nangyayari sa akin.

May nangyari ng kababalaghan sa amin ngunit naroon pa rin ang masasamang panaginip na iyon. Naiintriga ako sa nais iparating nito sa akin. Napapatanong ako sa sarili, babala ba ito o hindi pa rin malimot ng utak ko ang trahedyang muntik kumuha sa buhay ng aming driver.

Habang lutang ang aking utak sa tulirong pagtitimbang ng mga bagay-bagay, lumabas na ng banyo ang aking kasintahan.

Sa saglit na pagpaling ng mata ko sa kanya, nalimutan ko na lahat ng pag-aalala.

Mula noon hanggang ngayon, hindi siya pumapalya sa pagbighani ng aking mga mata. Taglay niya iyong ganda na mas maganda kapag simple lang. Kapag walang make up at napakasimpleng pananamit lamang.

Nakadamit pantulog na siya. Isang cotton duster na may paborito niyang cartoon character.

Sa di niya sinasadyang momento, inalis niya ang balunbon na tuwalya sa kanyang ulunan sa tapat ng isang lampara sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status