Mahigit walong oras din ang aming paglalakbay. Sa wakas, narating rin namin ang aming destinasyon: Bagac, Bataan.
Lampas katanghalian na nang matunton namin ang bahay na aming tutuluyan kaya ubod sa gutom na ang mga sikmura namin.
"Welcome to Bataan po!," magiliw na salubong ng isang balingkinitang babae sa amin habang diretso sa direksyon ni Ian upang yumapos.
"Guys, si Marissa nga pala...girlfriend ko..," pabunyag ni Ian sa babaeng nakapulupot na sa kanya.
Habang isa-isa kaming pinapakilala ni Ian sa kanyang dilag, pasimpleng nagkatinginan at nagkakangitian kaming magpipinsan.
Kabisado naming babaero si Ian. May babae kahit saang teritoryo siya madako. Di naman siya sa kagwapuhan, yung tipong papunta na sa pagka-Richard Gomez sana kaya lang hindi nakarating. Ganun pa man, maappeal at maporma siya. Di rin mawawala ang pagkamahangin pero kaya ka ipaglaban ng patayan.
Sa lahat ng ipinakilala sa amin ni Ian, ito ang masasabi naming malayo sa lahat. Siguro dahil taga-probinsya kaya hindi siya tulad ng mga nakasanayan naming kalaguyo ni Ian na mga mapuputi ang kutis. Maganda naman si Marissa kapag nakangiti lalo kapag lumilitaw ang biloy nito sa magkabilang cheeks pero alam na namin ang standard ni Ian sa jojowain. At iyon rin ang naging puna namin: Dibdib!
"Alam na!," tangi naming pasimpleng naibulalas magpipinsan sa isa't isa.
"Halina kayo at humabhab at siguradong gutom na kayo dahil ala una pasado na....," ito ang pangalawang magandang sinabi ni Marissa pagkatapos ng kanyang pagbati sa amin na nagpaaliwalas sa aming mga mukha.
Hindi naman sa patay-gutom pero simbilis ng karera namin tinungo ang direksyon ng kanilang hapag kainan at humagilap ng akmang pwesto.
Gawa sa bato ang pambungad na bahagi ng bahay nila Marissa: ang sala, ang banyo at ang tatlong kwarto. Ngunit mula sa pasilyo patungong kusina at hapag ay pawang yari sa kawayan. Maging ang hapag at upuan nito ay gawa sa ganoong uri ng kahoy. Sa kabuuan naman ay mayroon itong matibay na uri ng pawid bilang bubong. Gayunpaman, maayos na nakakalabas pasok ang hangin sa kanilang kabahayan kaya't presko at marerelaks ka sa ginhawa na dulot nito.
Samantala, sari-saring nakakatakam na laman dagat ang tumambad sa amin sa isang malaking mesa na tila himlayang papag kapag hindi kinakainan. May malalaking pritong tilapia, inihaw na pusit, ginataang alimasag, relyenong bangus, kinilaw na halamang dagat, daing, tuyo at mga malinamnan na prutas tulad ng mangga, saging, rambutan, pakwan at chico. Ang nakakagana pa rito ay nakalatag na ito lahat sa dahon ng saging at nag-aantabay na lamang sa aming pagsalakay. Sa madaling sabi, ito ay panawagan sa tinaguriang Boodle Fight!
Matapos maghugas ng mga kamay, hindi magkamayaw ang lahat sa pagkuha ng iba't ibang putahe sa mesa. May mga kadyot na usap ngunit lamang ang kanya-kanyang atensyon sa kanilang kinakain bunga ng nahuling oras ng pagkain. Syempre, hindi maubos ang papuri nila sa sarap ng mga inihain ni Marissa.
Makalipas ang higit trenta minutos, busog na ang lahat at nakaramdam na ng pagod sa pagkatagtag mula sa byahe.
Makalipas magsitulong sa pagliligpit, iminungkahi ni Marissa na magpahinga muna ang lahat at bumawi ng lakas bago tumungo sa aming gagalaang tourist attraction.
Hindi tumutol ang mga kababaihan sa suwestiyong ito ni Marissa at sumunod sila sa silid na tinuran nito. Kaming mga kalalakihan naman ay nagplano sa mga gagawin at nagbilangan ng magagastos na budget sa mga nakatakdang bisitahin. Sa amin nakihalubilo si Marissa upang siya ang tumukoy sa mga atraksyon at posibleng presyo ng bawat destinasyon.
Isang king size bed ang naroon sa silid ng mga babae at sali-saliwa silang nakahiga pangontra sa natural na posisyon upang magkasya silang anim. Posisyong ulo nila ang magkakatabi sa gitna ng kama habang nakalaylay ang hindi nagkasyang mga binti sa dulo nito. Nagdaan lamang ang ilang minutong kwentuhan nila ay nakaidlip muli sila.
Sa kabilang silid naman ay hinayaan naming matulog muna si Kuya Bobby upang bumawi ng lakas mula sa mahabang oras ng pagmamaneho.
Dalawang oras ang lumipas, dumatal ang dalawang lalake na umeedad sa 60 at 40+. Napatindig kami nang magmano dito si Marissa.
"Guys, ito nga pala si Tatay Salde at si Tiyo Hamin. Sila yung makakasama natin na guide sa lahat ng pupuntahan natin dito sa Bataan...,"intro niya sa amin sa dalawa.
Agad rin kaming nagbigay galang at kanila muling sinenyasang maupo.
"Oh nakahanda na ba kayo sa una nating pupuntahan?," unang tanong ni Tatay Salde na halos puti na ang lahat ng buhok at sa gilid na lamang ang natitira. Sa pakiwari ko para kong minamasdan ang Pinoy version ni Hulk Hogan. Matanda na ngunit may matipuno pa ring pangangatawan na marahil sanay sa batakang trabaho.
"Sige po, gigisingin lang po namin ang mga kasama namin," bigkas ko sabay tindig at katok sa saradong silid ng mga babae.
Nakailang katok pa ako bago umuwang ang pinto. Si Ira na nagpupunas pa ng muta sa mata ang bumukas nito.
"Yes, Hardy?," tinig niya na waring langitngit ng pinto.
"Mag-ayos na kayo at gagala na raw tayo...nandito na tour guides natin...," mabilis kong mando sa kanya.
Tila nagising siya sa wisyo at dumungaw hanggang makita niya ang tinutukoy kong guides.
"Ay...hello po, wait lang po..," kaway at bati niya sa dalawang matanda.
Nadagit ko ang talim ng tingin ni Tiyo Hamin kay Ira na may kasamang pagngisi. Nang magbalik ang tingin ko kay Ira, saka ko lamang napansin na tanggal ang unang dalawang butones ng bandang itaas ng kanyang blouse kaya't nakasilay ang malusog na pisngi ng kanyang kaliwang dibdib.
"Uy girls, alis na daw tayo...tayo na kayo diyan...," utos niya sa mga ito. "Sige, Hardy...mag-ayos lang kami...thank you..," muli niyang baling sa akin bago muling isara ang pinto.
"Sige...Okey!," tangi kong nausal na pabor na rin upang pumasok na ulit si Ira at maitago ang isa sa kanyang pang-alindog.
Hindi tumila ang taglay na liwanag ng medalyon. Bagkus, mas lumala pa ang inaalok nitong sinag sa harap ng kalaban. Nanatili ang angil ng elemento dahil sa hapdi nito sa mata nang para bang may usok o ulap na iniluwal ang medalyon hanggang sa humulma ito ng isang di inaasahang katauhan. Kung ang mga kaluluwang naroon ay himala na sa mga mata namin, mas napadilat kami sa sopresang alok ng medalyon. "Manong!," bilib na bilib at maluha-luhang bigkas ni Mang Rodrigo nang magisnan ang iniidolong Batlaya. "Mang Lindo!!?!," sabay-sabay naming gulat na pagsasalita na pagkaraka'y naging pangumpletong silay ng pag-asa sa aming mga puso. Ngumiti siya at isa-isa kaming sinilayan bago itinuon ang pansin sa halimaw na nasa kanyang harapan. "Ang akala mo ba ay sa'yo ang huling halakhak? Akala mo ba hindi na tayo magkikita pang muli?," matalim na tingin ni Mang Lindo sa kalabang ngayon pa lang madidilat ng maayos pagpikit ng ilaw na nagmumula sa medal
Subalit ano ang magagawa nilang natitirang tatlo kung ang kailangan ay labin-dalawang nilalang sa bawat kanto ng pulang lambat. Ano pa ang magiging silbi namin kung may mga nawalan na ng malay, napilayan, nasugatan, at hindi na makaya pang makatayo sa aming hanay. Habang patuloy sa pagwawala ang halimaw na natakluban ng net, blanko pa ang utak nila Tito Ato, Tatay Bong, at lalo na si Brix sa kung anong solusyon pa ang maaari nilang maihain sa kasalukuyang sitwasyon. "Ian, hindi mo na ba talaga kaya makatayo diyan? wika ni Tito sa aking pinsan sapagkat tanto niya na iyon lamang lambat ang magiging kasagutan ngunit kailangan makumpleto ang may hawak sa mga kanto nito. Hindi na nakuha pa makasagot ni Ian dahil sa labis na sakit ng katawan bunga ng pagbagsak mula sa bubong. Magkatinginan man ang magkapatid na si Tatay Bong at Tito Ato, wala silang ideya na maisip paano pa wawakasan ang giyerang ito. Kaunti na lang at tatablan na rin si Tito ng pag
Nablanko kami sa aming mga dila. Walang tinig ang maibulalas nang iyo'y maganap sa amin mismong harapan. Tanging mga pagkagitla at pagpatak ng luha ang banaag sa aming mga mukha. Sa loob ng mahigit isang linggong dinamayan kami at pinakaisahan ni Kuya Bobby, nagwakas ang kanyang buhay sa isang marahas na paraan. At ngayon, habang nakatindig ang elementong humihinga sa putik sa gitna, tatlo kaming naiwan na nasa tiyak na kapahamakan. Ako na nasa mga basag na paso at taniman ni Nanay Belsa sa kaliwang gilid, si Emong na nakatago lamang sa isang tabla ng nasirang ataul, at si Tito Ato na nagkubli sa isang malapit na puno sa kanan. Isang bagay lamang ang gumugulo sa isip ngayon ng halimaw sa aming harapan. Sino sa aming tatlo ang isusunod niyang utasin? Sa kadiliman ng gabi at sa di maipaliwanag na lagim sa paulit-ulit na pagkurap ng langit, apat na nilalang ang nag-aala-tsamba sa pagkakataon. Makitid ang mga pagitan sa aming compound at tanging a
Habang nakatulala kami sa eksena nila Tatay at Nanay, naglalawa naman ang tubig na umaagos mula sa hose na hawak ni Max at kapansin-pansin na naitutulak na nito ang ilang butil ng buhangin na malapit sa bahay. Nang dagling muling magpumiglas ang Taong Buhangin, nagulat kaming lahat maging si Max na napakislot ang pag-amba ng hose at umabot ang talsik nito sa paanan ng kalaban. Sa anggulong kinalalagyan ko, kitang kita ko ang waring pagkatunaw ng ilang daliri nito sa paa at para bang nalusaw ang ilang parteng tinamaan ng tubig. Sa natagpuan kong kondisyon ng Taong Buhangin, agad kong inagaw ang hose kay Max at maliksing itinuon sa kalaban. "Max, isagad mo ang lakas ng tubig!," sigaw ko na nagpapanic sa aking pinsan na nagkandarapa sa pagmamadali. Ang naggugumalit na pagtayo ni Mang Hamin at balak niyang pagsugod sa aking magulang ay naantala nang maramdaman niya na nalulusaw na ang ilang bahagi ng katawan niya na tinamaan ng tubig na winawagayw
Buo ang galak ng konsentrasyon ni Hamin sa kanyang pagpapaabo sa bangkay ng aking ama nang mula sa katawan ni Tatay Bong ay sumulpot ang isang kamay upang kapitan ang braso ng kalaban. Sa lakas na taglay ng pumipigil sa braso ng Taong Buhangin, unti-unting naalis sa mukha ni Tatay Bong ang palad nito at paunti-unti ring napausog. "Akala mo ba hahayaan ko na ganoon mo lang maaabo ang lahat?," pasigang tinig ng pabangon na si Tatay Bong. Dahan-dahan na nakabwelo ang aking ama na makaangat upang makaupo hanggang sa bigyan niya ng isang malakas na patagilid na sipa sa batok ang aming kalaban. Agad na tumimbuwang ang Taong Buhangin at mabilis na nakabangon si Tatay upang siyang magtanggol sa amin. Namangha ang mga babaeng kasama namin na siyang saksi lamang ng sandaling iyon dahil pare-pareho kaming mga lalake na nawalan ng malay sa pagkakaitsa gawa ni Mang Hamin. Bagamat kaluluwa lamang ang nakikita nilang buhay na buhay sa kanilang paning
Sumigla ang paningin ni Hamin nang sumambulat mula sa loob ng kabaong ang bangkay ng aking ama. Para sa kanya, mas magiging madali ang kanyang kinakailangang gawing pag-aabo rito. Sa pagkakabunyag nito sa mata ng kalaban, wala kaming ibang maisip kundi isaalang-alang na ang aming buhay para lamang masiguradong hindi siya magtatagumpay. Mabilis na pinagtulungang maibalik ni Chadie, Max, at Kuya Bobby ang bangkay ni Tatay Bong habang ako, si Tito Ato, at si Emong ang lakas loob na tumindig at humarang upang takpan sila. "Ohhhh!!!! Hahahaha... At kayong mga ordinaryong nilalang ang nagmamatapang sa aking harapan ngayon!!!! Hahahaha...," malagim na tinig ni Hamin na siyang Taong Buhangin. Muling tumayo si Dennis sa pagkakahiga at nagsaboy ng liwanag sa harap ng kalaban. Dahilan upang panandalian ay masilaw ito. "Papasukin n'yo silang lahat sa loob pati na ang bangkay ni Tatay mo!," matinis na pagsigaw ni Dennis sa akin. Lahat ay inudyukan