Tumatak sa kukote ko ang titig ni Mang Hamin kay Ira nang mga sandaling iyon. Bilang protective boyfriend, hindi ko nanaising tignan rin ng ganoon ang aking kasintahan. Bunga ng takot na iyon, agaran kong tinext si Jing-Jing at nag-imbento na lang ng alibi:
["Wag rw kau magshorts ha, mlmig sa ppuntahan ntn ska bka mangati kau sa mga talahib na madaanan paglakad natin...sabihan mo rin yun iba. iloveyou!"]
Wala pang isang minuto, sumagot agad si Jing-Jing:
["Mrming boys cguro dun kya ayw mo ko mgshorts no! but dnt worry Bhy, mgpants po ako, anlamig na eh. iloveyoumore muah!"]
Nakaramdam ako ng sign of relief.
Makailang saglit pa, ready na ang lahat at sabay sabay na lumabas kami mula sa bahay ni Marissa habang naihanda na rin ni Kuya Bobby ang sasakyan.
Punado ko ang panlalaki ng mata ni Mang Hamin. Para bang ngayon lang siya nakakita ng mga babaeng alta de syudad. Yung tipo niya kasi ay parang si Romy Diaz na handang gumahasa sa tingin pa lang. Tugma nga naman ang mala-igorot niyang kulot na buhok, sunog na balat at makapal na bigote. Mabuti na lang at si Marissa lang ang sasama sa amin sa van at magmomotor si Mang Salde at Mang Hamin at siyang susundan ni Kuya Bobby.
Sa buong byahe namin mula pa sa Manila, bibihira ang mga pagsasalita ni Brix. Bihira siya makipag-usap ngunit marunong naman siya makisama sa amin. Hindi rin umaalpas sa akin ang mga pagsulyap sulyap niya kay Jing-Jing kaya higit kong hindi siya pinapalayo sa akin kapag magkasama kami.
Wala pang isang oras ay natunton na namin ang aming unang patutunguhan. Ang Mount Samat.
Kilala ang lugar na ito bilang Dambana ng Kagitingan para sa ating mga namayapang bayani ng ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ay sinasabing isang tulog na bulkan at may kataasan na 545 metro. Masasabing lubos na naalagaan ang pook na ito dahil lamang ang luntiang kulay ng kapaligiran at preskong hangin. Sa pakiwari ko, ito ang unang beses na masasabi kong napakaganda ng Pilipinas at napakamabiyaya ng Maykapal sa ating lahat.
Paglabas pa lamang namin sa van, hindi magkamaliw ang aking mga kasama sa pagkabilib sa ganda ng paligid.
"Ang ganda dito, Bhy!," ubod sayang palundag na yapos sa akin ni Jing-Jing mula sa aking likuran habang namamangha ang kanyang mga mabilog na mga mata. "Ang sarap ng hangin at ang lamig, para tayong nasa bagyo...," pagpapatuloy nito.
"Mas maganda at mas masarap ka pa rin, Bhy....," bulong ko sa kanya hanggang sa manggigil siya sa aking pisngi at muling humalik hanggang sa humabol siyang sumama kina Chyna at Ira na panay na picture taking.
"Napapasaya mo talaga siya, bro...," malumanay na boses mula sa aking likuran na mula kay Brix. Ginantihan ko siya ng malapad na ngiti at inakma niya ang pakikipagkamay.
Hindi ko tinanggihan ang alok na iyon.
"Congrats, bro...," muling pagsasalita niya na may kasamang ngiti at inulit ko lamang ang simpleng pagtanggap rito.
Namataan ito ni Jing-Jing at agad na kumaripas patungo sa amin at amba ng selfie na magkasama kaming tatlo.
Tinignan ni Jing-Jing agad ang resulta ng larawan at rumehistro ang saya sa kanyang mukha.
Luminga siya kay Brix at bumoses ng "Thank you". Tumango si Brix ng nakangiti. Nang bumaling naman sa akin ang aking kasintahan, kumapit sita ng mahigpit sa aking kanang braso at hinila na ako papunta sa matarik na hagdan na kailangang akyatin.
Sa asta ni Jing-Jing, para siyang bata sa labis na lambing. Subalit maligayang maligaya ang puso ko sa ipinamamalas niyang pagmamahal sa akin sa harap ng ibang tao. Proud na proud ang pakiramdam ko. Napakaswerte ko sa babaeng ito na nasa kanya na yata ang lahat (hindi pala siya marunong magluto). Gandang tulad ng 1995 Bb. Pilipinas Beauty na si Joanne Quintas, mabait at malambing. At higit sa lahat, mahal niya ako.
Hindi ko mabilang kung ilang minuto, picture taking, at daing ng sakit ng binti paakyat ang narinig ko sa mga kasama ko bago namin narating ang tirik ng Mt. Samat. Ngunit nang madatal namin ang patag na parke sa taas nito, higit kaming natuwa sa rurok ng aming mga nasisilayan sa paligid. Para bang nasa Baguio na rin kami.
Matawa-tawa akong datnan na karamihan sa kababaihan ay nakaupo na sa pagod pero nakukuha pa ring magselfie gamit ang view bilang background nila habang ang mga kalalakihan pilit tinitignan ang taas at layo ng aming inakyat. Nasipat ko ang driver namin sa malapit sa van na kausap si Mang Salde at Mang Hamin havang humihitit sila ng sigarilyo.
Maya maya pa ay nakita kong kumaway si Ian kasama si Marissa upang palapitin kami. Tumakbo namin ang sabik na si Carey upang ayain kami:
"Punta raw tayo sa loob ng Museum...taralets!"
Madahan kong hinila patayo ang pagod nang si Jing-Jing at unti-unti kaming sumunod sa iba pa naming kasama.
"Kaibigan ni Tatay si Mayor kaya libre tayong makakapasok sa Museum,...tara na kayo....," pagmamalaki ni Marissa sa amin na ikinasaya rin ng aming bulsa.
Bago pa man kami pumasok, tinapik ako ni Emong at nagsabing sa labas na lang daw siya maghintay sa amin dahil medyo kulob ang Museum at para bang mahirap makahinga roon. Tumungo ako bilang pagsang-ayon.
Sari-saring memorabilia ang makikita sa Museum na ito. Naroon ang buong mapa ng Bataan noon at sa kasalukuyan, mga armas, sebastipol, lumang sulat, lumang bala, radyo at parte ng mga sirang kasangkapan ng ating mga ninuno.
Sa lahat ng naroroon, hindi ko mawari kung bakit nakaramdam ako ng lungkot nang makita ko ang lumang camouflage na taglay ang napadaming butas na tinagusan marahil ng ilang bala. Ang mantsang taglay nito ay malamang lamang na natuyong dugo ng sundalong nagsuot nito. Pinili kung lumayo at ayain na agad si Jing-Jing nang tingin ko'y naikot na rin namin ang lahat ng dapat makita. Pero sa akin, tila mas higit pa at naniksik sa aking dibdib ang pighati na dinanas ng ating mga bayani ng panahon ng giyera.
Itinago ko ang pakiramdam na iyon ngunit nabigla ako sa pagtabig sa akin ni Pete sabay bulong:"Huwag ka magpahalata...naramdaman mo rin, ano?," napatingin na lamang ako sa kanya. "Huwag mo damdamin at baka tumira 'yan sa'yo....hindi ko lang naramdaman, nakita ko pa...,"dugtong niya.Dalawa pang tapik sa balikat ang iniwan sa akin ni Pete bago siya ulit lumapit kay Eloisa."Bhy, tara na...akyat daw tayo sa taas ng krus...," pagtawag muli sa akin ni Jing-Jing.Tumalima ako sa bilin ni Pete at sa imbitasyon sa akin ni Jing-Jing. Pinilit kong limutan ang lungkot na pumaloob sa akin.Ang atraksyong Krus ay may taas na 302 feet. Ito ay gawa sa pinagsamang bakal at konkreto. Sa pagkakataong iyon ay naabot lamang namin ang ika-36 na palapag nito kung saan maaari naming masilip sa mga bintana ng pahalang na bahagi ng krus ang kabuuang likas yaman ng Bataan at sa kung hanggang saan pa man ang kayang abutin ng aming mga mata. Nakakalula ngunit nakakabilib an
"Doon ka na maligo sa cr ng mga babae tutal tulog na tulog na sila at di man lang nila namalayan nung lumabas kami....," bilin ni Marissa sabay abot ng susi sa akin.Hindi ako tumutol dahil alam ko namang mas maayos ang paliguan roon kaysa sa palikuran sa labas na pasukin ng hangin kaya mas posibleng lamigin ako.Madahan kong sinusian ang door knob at muling inilock nang makapasok. Malumanay na humakbang ako patungo sa cr hanggang sa tagumpay akong makapasok rito at maisara ang pinto ng walang anumang ingay.Malamig ang tubig ngunit kailangan kong maligo kaysa magkasakit na nabasa na nga ng ulan ay nahayaan pa matuyuan ng damit.Nasa kalagitnaan na ako ng pagligo nang may kumatok sa pinto."Sino 'yan?," kwestyun ko habang nagmamadali ng magbanlaw."Bhy, ikaw ba 'yan? Papasok, naiihi na ako eh...," pabulong na pagmamadali ni Jing-Jing."Wait lang, Bhy...patapos na ko...,"muli kong tugon at mas binilisan ko pa ang kilos sabay hablot sa kumot n
Bagaman sementado ang kalsada sa harap ng bahay nila Marissa, hindi ito gaanong daanin ng malalaking mga sasakyan maliban sa ilang traysikel at habal-habal. Dahilan ito upang hindi mag-alangan si Kuya Bobby na igarahe ang van sa mismong bungad ng tahanan ng aming tinutuluyan.Pumwesto si Kuya Bobby gitna at si Brix sa bandang dulo ng van upang maayos silang makahiga. Sarado ang mga pinto nito maliban sa bintana nito sa pagitan ng dalawang natutulog na nakaharap tumbok sa bahay nila Marissa. Pumapasok naman ang malamig na hangin kaya hindi na pinili ng dalawa na mag-aircon at panatilihing patay ang makina ng sasakyan. Ang tanging ilaw nila ay ang poste malapit sa bahay at ang mga maningning na bituin sa tahimik na gabi.Binasag ang payapang gabi na iyon ng paulit-ulit na umaalingawngaw na tahol ng isang aso. Nabulabog sa pagkakahimbing si Brix at pakamot ulong naupo mula sa pagkakahiga. Nang malinawan ang kanyang paningin sa pagmulat, tumambad sa kanya ang nakaupo na si
"Ate...Ate...," pangungulit na kalabit ni Carey sa kanyang kabaligtaran katabi."Ano 'yun?," pikit pa rin ngunit ubod simangot na mukha ni Kat."Nadudumi ako...samahan mo ako sa cr...," may takot na pakiusap ni Carey."Ano ba 'yan, Carey? Ang lapit lang ng cr papasama ka pa...inistorbo mo pa tulog ko...," reklamo ni Kat sabay balik sa mas kumportableng paghiga.Masakit na ang tiyan ni Carey kaya natatakot man ay bumangon siya at dumirekta sa banyo. Agad niyang itinaas ang takip ng bowl at naupo roon upang ilikas ang tawag ng kalikasan.Labis ang kanyang pagtataka nang ibaba niya ang kanyang pyjama. Nasaan ang kanyang underwear?Pilit niyang iniisip kung nakapagsuot ba siya nito o hindi ngunit hindi niya lubos na mapagtanto ang posibilidad na nakaligtaan niya iyong isuot.Habang siya'y nasa trono, makailang beses siyang nakarinig ng langitngit ng kama at kung anong mumunting ingay ng gamit sa kanilang kwarto. Wari niya, may gising na s
Katawa-tawa ang imaheng mayroon sa pagmumukha ng lahat nang magtagpo sa hapag para mag-almusal. Pawang tahimik.Mga halatang puyat. May tila lihim na iringan. Mayroong may duda. Mayroong antok pa at may gutom na gutom tulad ni Emong at Kuya Bobby."Pagkatapos ng almusal, magready na kayo para maaga tayo makarating sa resort...," pagsusubok ni Marissa na buhayin ang mga dugo ng mga bisita.Walang sumagot. Umikot ang mata ni Ian sa lahat na waring nagpapakiramdaman..."Hoy!! Gising!!! Bilisan n'yo kumain nang makabyahe na tayo!," panggulat ni Ian sa lahat."Oo nga...sige..sige..bilisan natin...," napilitan kong suporta kay Ian kasabay ang palakpak na itinapat ko sa bawat nilang mukha.Tinapik pa ni Ian sa balikat ng ibang lalaki para ipaalala ang usapan. Para ngang natauhan at muling nagkaroon ng kaunting ingay sa hapag.Malamlam pa rin ang aura kahit pa nasa van na ang lahat. Wala na gaano nag-ayos tutal ay ligo naman ang pupuntahan at
Sa pag-aakala ko'y mananatili na lamang ako photographer ng aking mga pinsan. Mabuti natakot sila na basta magpicture lang ako ng pangit at nakaw na anggulo lang sa aking kuha.Sumaglit lamang at nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makalublob at kaunting makalangoy sa tubig.Pabilog ang korte ng pool at wala gaano sa kanila ang lumalapit sa bandang 6 feet dahil sa pagkakaalam ko, si Chyna at Ian lamang ang marunong lumangoy sa amin. Ako hanggang pagsisid lang, pahirapan pa makaahon.Masaya na sana. Ngunit nang malingat ako pataas kung saan nag-iihaw sila Ian at Marissa, nagulat ako na nagtatagayan ng gin ang tatlong matatanda na pinapangunahan ni Mang Salde. At base sa mga sulyap nila, sa mga babae naming kasama sila nakatunghay.Mahigpit na bilin ng caretaker na bawal ang ibang kulay na damit maliban sa puti at itim. Sa di ko alam na dahilan ay hindi ako gaano ineentertain ni Jing-Jing kaya di ko nasabihan na 'wag magputi ng damit. At dahil basa na ang ka
Padabog na kinuha ni Jing-Jing sa aming backpack ang mga pamalit niya, shampoo, sabon, at tuwalya.Paglinga ko sa direksyon ng aking mga kasama, halos lahat sila ay nakasenyas ng "Lagot ka!" habang mga nakatawa.Sinundan ko lamang si Jing-Jing hanggang sa makarating sa hilera ng shower booth na yari sa konkreto at bakal na pintuan. Agad siyang pumasok sa loob at isinabit ang kanyang mga dalahin."Bhy, may galit ka ba talaga sa akin?" pambasag ko sa tahimik na namamagitan sa amin.Akala ko'y magbabanlaw na siya nang muli siyang lumabas. Galit nga ang mukha at kinurot ang kanang braso ko."Ahhh...bakit?," mahinang inda ko."Nagtatanong ka pa...type mo si Ira no? Mas malaking boobs ba gusto mo?", ratatat niya na waring may tutulong luha sa sobrang inis. Tikom rin ang kanyang mga kamao.Hinimas ko ang kanyang kinurot dahil sa hapdi nito."Ano ka ba, Bhy...pa'no mo naisip 'yan?""Eh kanina mo pa siya pinupuri eh...,""
"Nanlalambot ako, Bhy...ang hapdi ng ano ko...," nangingiwing aray ni Jing-Jing habang nakakapit siyang pisil ang braso ko at naglalakad kami pabalik sa cottage."Sorry talaga, Bhy ha...ang sarap mo kasi eh...," sagot kong nagtulak sa kanya para kurutin ulit ng pino ang balat ng kapit niyang braso ko."Tuwa ka pa, umaray na nga ko...ni-rape mo ko eh...," pinaghalong asar at inda niya."Sorry na nga, ikaw naman nagpasok eh...," panggatong ko pa na nangingiti-ngiti.Hinampas hampas niya pa ulit ang braso kong nasa panig niya dahil sa sobrang inis sa akin."Ako pa sinisi mo, ikaw nga lang nasarapan!,""Oh halika, balik tayo dun para ikaw naman masarapan...," pabiro ko muling hayag sa kanya na muling naging hudyat para pagpapaluin niya ako."Gusto mo pa umulit, ang sakit-sakit na nga ng ano ko...,"Masaya ako sa cute niyang reaksyon kahit halos yukod na siya lumakad dahil sa iniinda. Mahal ako ng taong ito na ni hindi niya ako maku