Share

Chapter 8

Author: Cathy
last update publish date: 2026-10-04 16:44:01

CHARLENE POV

Kinaumagahan, nagising ako sa mahinang katok ng pintuan ng aking silid. Dali-dali akong bumangon kung saan kaagad na sumalubong sa paningin ko ang isang naka -uniform na kasambahay.

"Ma'am Charlene, good Morning po. Pinapatawag po kayo ng Mommy niyo, kakain na daw po kayo ng breakfast." wika niya sa akin

"Sige po, mag-aayos lang po ako tapos bababa na po ako.'"

Pagkaalis ng kasambahay, mabilis na akong nag-ayos. Hinayaan ko na muna ang magulo kong kama. Patakbo akong pumaso
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • BAWAL NA PAG-IBIG (SPG)   Chapter 14

    CHARLENE POV “Daddy!” umiiyak kong wika kay Daddy Greg. At nang tuluyan akong nakalapit sa kanya, walang pagdadalawang isip na kaagad akong yumakap sa kanya “Sylvia, ano ang ginawa mo?” muling tanong ni Daddy Greg kay Mommy Sylvia. Hindi pa rin ako kumakalas sa pagkakayakap sa kanya. Paninindigan ko ang pagiging feeling closed ko sa kanya. Tutal, nandito na ako eh. Kasama ito sa paraan ko para mas lalong makuha ang loob nitong si Daddy Greg. “Greg, dinidisiplina ko lang ang babaeng iyan. Sa sobrang tigas ng ulo niya dapat lang na saktan siya para alam niya kung ano ang mali niya!” sagot naman ni Mommy Sylvia. “Bakit, ano ba ang nagawang kasalanan niya sa iyo at bakit kailangan saktan ang bata?” tanong ni Daddy Greg. “Daddy Greg, I didn’t do anything wrong. Si Mommy, gusto niya po kasing ibenta ang lumang bahay namin. And then, i said no kaya sinampal niya ako.” umiiyak kong singit sa usapan nila. Kaagad namang kinalas ni Daddy Greg ang braso kong nakayakap sa kanya. Pagk

  • BAWAL NA PAG-IBIG (SPG)   Chapter 13

    CHARLENE POV PAGKATAPOS ng kaunting panlalandi ko kay Daddy Greg, muli akong bumalik ng kwarto. Tinapos kong ayusin ang mga gamit na kinuha ko kanina sa dating bahay namin. At habang abala ako sa pag-aayos, walang sabi-sabing mabilis akong napatayo. Si Mommy Sylvia bigla na lang siyang pumasok dito sa loob ng kwarto ko. Ni hindi man lang siya kumatok. “Mom? Bakit po?” gulat kong wika. Napansin kong pasimple nitong inilibot ang tingin sa buong paligid bago seryosong tumitig sa akin. “Kumusta ang pagdalaw mo kanina sa dating bahay natin?” seryosong tanong niya. “Okay lang naman po, Mom. Kinuha ko lang po ang mga importante kong mga gamit tapos iniwan ko na po iyong iba.” sagot ko. “Bakit hindi kinuha lahat ng gamit mo?” tanong niya sa akin. “Po?” “Charlene, ayaw ko na sa bahay na iyon at kaysa naman sa nakatiwangwang lang, I decided na ibenta na lang.” seryoso niyang wika. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. “Mom, No!” mariin kong pagtutol. Hindi

  • BAWAL NA PAG-IBIG (SPG)   Chapter 12

    CHARLENE POV "DADDY GREG, Mommy Sylvia, pinapatawag niyo daw po ako?" muli kong tanong sa kanila "Yes, gusto ng Daddy mo na umalis tayo ngayon para maibili ang mga pangangailangan mo." si Mommy Sylvia ang sumagot Wala naman akong napapansin na kakaiba sa kanya nang makita niya akong nakasuot ng ganito ka sexy na kasuotan. Pero, si Daddy Greg, kitang kita ko na halos ayaw nang humiwalay ang tingin niya sa akin. At lihim na nagdiwang ang kalooban ko. "Hi--hindi na po kailangan. May mga gamit pa naman po akong magagamit." sagot ko na lang. "Narinig mo ba iyon, Greg? Sabi ko sa iyo eh, hindi na kailangan." sagot ni Mommy Pagkatapos noon, mabilis itong tumayo at naglakad paalis "I'm tired! Gusto ko na munang magpahinga bago tayo kumain ng dinner." muling wika ni Mommy Sylvia. At pagkatapos noon, tuluyan na itong naglakad palabas ng living room Kaagad din naman akong sumunod sa kanya. Pero, napatigil ako sa paghakbang nang maramdaman ko na lang ang biglang paghawak ni Dadd

  • BAWAL NA PAG-IBIG (SPG)   Chapter 11

    CHARLENE POV "NANG mahimasmasan ako sa matindi kong pag-iyak, tsaka ko na ginawa ang pag-iimpake. Eksakto alas dose ng tanghali, dumating na ang sasakyan na sumundo sa akin para ibalik ako sa bahay ng bagong bahay nila Mommy Sylvia at ang bago niyang asawa na si Daddy Greg. "Magkita na lang tayo sa School, Charlene." wika pa nga sa akin ni Bebelyn. Alam kong namumugto ang mga mata ko dahil sa matinding pag-iyak pero pilit pa rin akong ngumiti sa harapan niya "Oo naman! Magkikita tayo sa School." sagot ko habang isa-isa nang isinasakay ng driver ang mga gamit na dadalhin ko sa bagong magiging tirahan ko At sa totoo lang, mabigat sa loob ko ang umalis dito. Nasa bahay na ito ang mga masasayang ala-ala namin ng namayapa kong ama. At mula ngayon, magiging tahimik ng ang buong bahay 'Dadalaw-dalaw pa rin naman ako dito, Bebelyn. At sana, pakitingnan-tingnan na lang itong bahay namin." muli kong wika "Oo naman! Huwag kang mag-alalala, sasabihan ko din si Aling Mariana bantay-ba

  • BAWAL NA PAG-IBIG (SPG)   Chapter 10

    CHARLENE POV "ALING Mariana, salamat po sa mga impormasyon na ibinigay niyo sa akin." umiiyak ko pa ring wika. "Basta, sinabi ko lang ang kung ano man ang nalalaman ko. Charlene, mabait kang bata at gusto kong makita kang nasa maayos kang kalagayan kahit na wala na ang ama mo." seryoso niyang sagot sa akin Mas lalo naman akong naluha. Oo naman, sino ba naman ang ayaw sa maayos na buhay. Kaya nga, kahit na wala na si Daddy, nagpapasalamat pa rin ako kasi may isang Mommy Sylvia ang nag-aalaga sa akin, pero ang malaman ko na siya pala ang dahilan ng maagang kamatayan ng ama ko, wala na akong ibang naramdaman sa kanya ngayon kundi, galit. Masaya siya sa bago niyang buhay, samantalang ang napakabait kong ama ay namatay dahil sa pagiging malandi niya "Oh siya sige, tutuloy na ako. Hangang anong oras ka sa bahay niyo? Magluluto ako ng paborito mong nilaga at bibigyan kita." wika ni Aling Mariana. "Salamat po. Mag-ingat po kayo, Aling Mariana. Mag-uusap na lang po tayo ulit." lumu

  • BAWAL NA PAG-IBIG (SPG)   Chapter 9

    CHARLENE POV "KAPAG tapos ka nang mag-impake, sabihin mo sa akin para maipasundo ka kaagad namin ng DAddy Greg mo." wika ni Mommy Sylvia sa akin Nandito kami sa harap ng gate ng subdivision kung saan kami nakatira. Townhouse ang mga bahay dito at kahit papaano, nakakaluwag-luwag naman kami sa buhay. Air traffic controlle sa international airport ang trabaho ng ama ko noong nabubuhay pa. Kaya kung totoosin, maayos naman talaga ang buhay namin Sayang nga lang, maaga siyang kinuha ni Lord. Nasa School ako noon noong tumawag ang kapitbahay namin na si Aling Mariana na isinugod daw sa hospital ang ama ko. Inatake sa puso at dead on the spot daw. Sa naalala ko, umalis ako ng bahay na wala pa sya. Pero pagkadating daw nito ng bahay, bigla daw inatake sa puso At bilang anak, masakit sa akin iyon. Ang bait ni ama kong iyon. Wala siyang katulad kaya hangang ngayon, ramdam ko pa rin ang kirot sa puso dahil sa maaga niyang pagkawala. "Charlene, bumaba ka na! Ano ka ba, tutulala ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status