Share

ISA

Inayos niya ang uniporme habang tinitignan ang kanyang relo. Alas sinco na ngunit wala pa rin ang sundo niya. Kanina niya pa tinitext ang driver nila ngunit hindi naman ito sumasagot sa mga texts niya hanggang sa na-dead battery na lang ang phone niya, wala oa rin itong response response.

Nasa waiting shed siya ngayon sa labas ng isang ospital ospital. Kanina pang alas tres tapos ang duty niyang dapat ay hanggang alas dos lang dahil sa dami ng pasyenteng inasikaso niya ngunit hanggang ngayon ay nandito pa rin siya.

Hindi siya sanay mag commute kaya matiyaga siyang naghintay sa family driver nila na hanggang ngayon ay ni anino ay hindi niya makita.

Siya si Yvette del Valle Villareal, isang nursing student at kasalukuyang nasa ika-apat na taon na ng pag-aaral. Ilang buwan na lang ay gagraduate na siya.

She will pursue med school after grad at doon niya sa US balak ipagpatuloy ang pag-aaral.

Noong una ay tumutol ang daddy niya sa kagustuhan niyang maging doktor dahil nag-iisa lang siyang anak at walang ibang mamamahala ng Villareal Hotel Chains and Resorts kung hindi siya, ngunit matigas ang ulo niya at ipinagpilitan ang gusto.

Sinabi niya namang pag-aaralan niya ang pagpapatakbo sa kumpanya pagkatapos niyang mag-aral. Wala namang kaso sa kanya iyon dahil matalino naman siya at mabilis makapick up.

Weird nga lang ngunit matalino siya. Maganda, maputi, matangkad, mayaman. Nasa kanya na ang lahat, sundo nga lang ang wala pa ang hanggang ngayon.

Napabuntong hininga siya nang makitang nagdidilim na ang kalingitan dahil sa nagbabadyang ulan.

Shit! Not now. I don't have any umbrella here.

Lumipas pa ang ilang minuto at napagpasiyahan niya nang maglakad. Tatawid na lang siya sa kabilang kalsada para makasakay na ng taxi.

Napabuntong hininga siya. Sa totoo lang ay hindi siya marunong tumawid. Sanay kasi siyang ibinababa na lang sa mismong harapan ng pupuntahan niyang lugar o gusali kaya maging ang simpleng pagtawid ay hindi niya man lang natutunan.

Kung may karga lang ang phone ko edi sana ngayon naka-grab na ako.

Napairap siya bago luminga-linga sa kaliwa't kanan niya. Nang makitang wala namang sasakyan ay mabilis siyang tumakbo papunta sa gitna ng dalawang lane dahil may mga sasakyan pa sa kabilang lane.

Abot langit ang kaba niya sa simpleng pagtawid lang.

Hinintay niyang maubos ang dumadaan na sasakyan sa kabilang lane bago kabadong tumawid.

Sa kabutihang palad ay nakatawid siya nang buhay. Napabuntong hininga siya.

Yehey! Marunong na akong tumawid. Simple lang pala, eh.

Napailing siya sa sarili. Para siyang bata dahil sa bagong natutunan.

Akmang papara na sana siya ng taxi nang may biglang humila at umagaw sa bag niya. Nagmamadaling tumakbo palayo sa kanya yung snatcher nang matagumpay nitong nakuha sa kanya ang bag.

Umabot ng dalawang segundo bago nagregister sa utak niyang itinakbo na ang bag niya mula sa kanya.

"Magnanakaw! May snatcher! Yung bag ko! Tulong!" Tili niya na nakaagaw ng atensyon ng iba pang tao na malapit sa kanya.

Itinuro niya yung tumatakbong lalaki na may bitbit ng bag niya.

She can't lose that bag. Maraming mahahalagang gamit ang nasa loob no'n.

Kahit pa habulin niya pa ang lalaki ay hindi niya na mahahabol iyon dahil mabagal siyang tumakbo.

Akmang tatawid na ang snatcher nang biglang may itim na mustang ang huminto ilang sentimetro mula sa katawan ng snatcher na ikinatumba nito sa sobrang gulat dahil sa biglang pagsulpot ng sasakyang iyon.

Lumabas ang driver na nakasuot ng itim na business suit at tinapakan ang sikmura ng snatcher na nakahiga na sa kalsada. Doon na siya naglakas loob na takbuhin ang kinaroroonan ng mga ito.

Kinuha noong lalaking naka-suit ang bag niya mula sa kamay ng snatcher.

"Hindi mo ba alam na krimen ang ginawa mo?" Matabang na sabi nito at mas lalo pang diniinan ng tapak ang tiyan ng lalaki na sumisigaw sa sakit.

Hinahapo siyang huminto sa tapat ng snatcher at lalaking naka-suit.

"Thank you so much, mister." Hinihingal na pasasalamat niya sa lalaking nakaitim.

Lumingon naman ito sa kanya.

"That's my bag." Aniya sabay turo sa bag niya na hawak nito.

Sinipat muna siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago tumikhim.

"Here." Inabot nito sa kanya ang bag niya.

"Salamat." Aniya at inabot iyon.

Bumaba ang tingin niya sa snatcher na nakahinga pa rin ngayon sa kalsada.

Medyo nagiging cause na sila ng traffic at nagsisimula na rin siyang makarinig ng mga busina mula sa mga sasakyan sa lane na kinatatayuan nila ngunit wala siyang pakialam.

Ang nasa isip niya lang ngayon ay ang makaganti sa snatcher. Lumapit sa uluhan nito bago yumuko.

"You! Tarantado kang gago ka!" Inis na pinaghahampas niya ang mukha nito gamit ang bag niya.

She could see red everywhere. Bihira siyang magalit at nasagad ng snatcher ang litid ng pasensya niya. Hindi pa sana siya titigil kung wala pang umawat sa kanya.

"Ma'am, tama na po." Hinila siya palayo ni Hilaryo mula sa kawawang snatcher na pumutok na ang kilay at labi dahil sa paghampas niya ng bag sa mukha nito.

That's inhumane, Yvette. You just hurt someone sa mismong labas ng ospital na pinag-du-duty-han mo. Very bad. Usig sa kaniya ng konsensya niya.

Hinihingal niyang tinanggal ang braso sa kanya ni Hilaryo.

"Bakit ngayon lang kayo kuya?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya driver niya.

"Pasensya na ho ma'am. Traffic ho papunta. May aksidente ho, eh."

Nanginginig na chineck niya ang loob ng bag.

"Nakikilala mo ba kung sino ako?" 
Anang binata na hindi na niya napansin dahil busy siya sa pagchi-check ng bag.

Pinandilatan nito ng mata ang snatcher na nakahandusay sa kalsada. Ilang sandali lang ay parang tinakasan ng kulay ang mukha nito nang makilala na ang mukha ng binata.

"I don't want to see your face again." Tinanggal nito ang paa sa sikmura ng snatcher. "Now, go! Bago pa magdilim ang paningin ko sayo." Pabalang na sabi ng binata kaya naman nagkukumahog na tumayo ang snatcher.

Nang makitang walang nawala o nabasag sa loob ng bag nang ihampas niya iyon sa snatcher kanina ay agad niya itong isinara at inayos ng pagkakasukbit sa balikat niya.

Napakunot ang noo niya nang bumaling siya sa lalaking nakaitim at sa snatcher na nagtatatakbo na palayo sa kanila na tila takot na takot.

Bakit tumatakbo na 'yon?

"Thanks for the help. I owe you a lot." Pasasalamat niya dito nang mawala na sa paningin niya ang snatcher.

Tatawag sana siya ng pulis kaso nakalayo na ito. Ang sana lang ay hindi niya na makita ang mukha nung lalaking iyon dito sa labas ng ospital na pakalat-kalat.

"No biggie, Angel." He smiled at her, revealing his perfect set of teeth.

Napakunot ang noo niya.

"I'm not Angel." Umiling pa siya.

Hindi niya matandaang nagpakilala siya rito.

"Well, I thought you are. You look like one." Kumindat ito sa kanya.

Shit! Ang gwapo!

She cleared her throat para hindi mahalatang kinikilig siya.

"Parang lang, 'cause I'm wearing white." Ngumuso siya.

Natatawang napailing ito sa kanya.

"I'll get going. Ingat sa susunod." Paalam nito sa kanya bago tumalikod sa kaniya.

Inayos niya naman ang nagusot niyang uniform na puti at nagulong buhok bago muling binalingan si Hilaryo.

"Saan nakaparada ang kotse kuya?"

Itinuro nito ang kotse sa likod ng itim na mustang.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang binata na ngayon ay papasakay na ng mustang nito. Gumilid siya sa sidewalk para mabigyang daan ang kotse nito.

Napailing siya. Hindi niya nabigyan ng pagkakataong purihin ang kakisigan at kagwapuhan nito kanina dahil sa lintek na snatcher na iyon pero ngayon ay nakita niya na ang nakadaupang palad niya, ay isang patunay na hindi lang sa Mt. Olympus nakatira ang mga Greek Gods. May isang naligaw din dito sa Pilipinas.

At nalimutan niyang itanong kung anong pangalan ng Greek God na tumulong sa kanya.

Pasimple niyang tinanaw ang papalayong kotse nito bago naglakad papalapit sa puting Trailblaizer nila.

She settled herself at the backseat.

Sa university-ng pinapasukan niya ay puno ng nag-gagandahang mga lalaki at nag-gagandahang mga babae kaya sanay na siyang makakita ng gano'n kahit saan ngunit ngayon lang may naka pukaw ng atensyon niya.

At take note: LALAKI pa. Napakabihira no'n para sa kanya kasi ayaw niya sa mga lalaki. Hindi naman lahat pero hindi siya masyadong sanay makisalamuha sa mga lalaki, lalo na sa mga kaedad niya. Gano'n siya ka-weird.

Ni malanghap nga lang ang pabango ng mga adonis ay napapangiwi siya, lalo na kung makalapit ang mga ito sa kanya. She'll definetly shoo them away. Pero hindi iyon ang nangyari kanina.

First time niya kaninang kumausap ng lalaking tingin niya ay halos kaedad niya lang. First time niyang kiligin sa simpleng papuri nito. At first time niyang magustuhan ang amoy ng pabango nito. Pakiramdam niya tuloy mas lalong naging weird pa siya ngayon.

Ang unang pagtatagpo nilang iyon ay nasundan pa pero patago. Yung tipong siya lang yung palihim na bumubuntot sa lalaki. Mabuti na lang at may bestfriend siyang agent wanna be kaya nalaman niya kung sino ang may ari ng itim na mustang na iyon.

KASALUKUYAN siyang nasa labas ng Wylvre Empire, ang kumpanyang pinapasukan ng binatang tumulong sa kaniya.

"Ma'am, diretso na po ba tayo sa airport? Naghihintay na po doon sila sir Roman at ma'am Stella." Ani Hilaryo sa kaniya.

Kontento siyang ngumiti.

"Sige kuya. Tara na po."

Nagpaalam siya na may dadaanan lang bago pumunta ng airport kaya pinauna na niya doon ang mga magulang niya.

Buo na ang araw niya dahil nakita niya na ang vitamin niya. Vitamin na babaunin niya sa kanyang pag-alis.

Sa mga lumipas na buwan ay mas lalo niyang hinangaan ang binata lalo nang malaman niyang successful na business man na ito sa edad na 22.

Kalat ang mukha nito sa cover ng magazines ng mga sought after bachelors ng Pilipinas.

Sa maiksing panahon ay nagawa niyang kumpletuhin ang pangongolekta ng magazines na ito ang cover o featured.

Ang binata ang naging dahilan upang mas pag-igihan niya pa ang pag-aaral. She finished college with flying colors. Isa ang binata sa mga dahilan kung bakit talaga siya nagsumikap ng husto. And she'll do everything para maging successful sa larangan niya in the future.

And she promise to herself na magkikita pa silang muli, 8 years from now pagbalik niya galing America. At hindi naman mahirap iyon dahil maliit lang ang mundong ginagalawan nila.

Ang binata ay anak pala ng matalik na kaibigan ng ama niya. She never expected to be charmed by her 'stick man' childhood mortal enemy that made her cry multiple of times during her childhood days. At hindi rin niya inexpect na magiging gwapo at hot na binata ito ngayon.

She'll see him soon. At kapag nagkita silang muli ay isa na siyang matagumpay na doktor.

At kapag wala pa itong asawa ay muli siyang magpapakilala dito at huhulihin ang puso nito.

***

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ji Min
ayaw Kong nagbasa nito sobrang Mahal diosko tabang hinde naman maganda Yung story nito tapos Ang Mal pa Ng coins oh my god
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status