"You're a lying bitch! All this time, niloloko mo lang pala ako. I thought what we had was true pero kasinungalingan lang pala ang lahat!" Napatawa ito ng mapakla.
Nanginginig siyang umiling. Hindi maawat sa pag agos ang mga luha niya.
"No! Makinig ka sa akin. Let me explain. It's not what you—" hindi niya na natapos ang sinasabi dahil sa biglang pagsigaw ng binata.
"You know what?! Yvette, you're really unfair!" Marahas na napabuga ito ng hininga. "Okay na. Maayos na ang kumpanya nyo. Pwede mo nang itigil itong pagpapanggap mo." Matabang nitong sabi.
Umiling siya at kumapit sa braso ng binata.
"No! Pakinggan mo muna ako. Kaya kong ipaliwanag ang lahat." Humahagulgol na sabi niya. "Mahal kita. Please naman, maniwala ka." Pagmamakaawa niya ngunit sinalubong lang iyon ng sigaw mula sa binata.
"Enough! You already fooled me once. Tama na iyon. I won't listen to your lies ever again. Ang tanga ko para maniwala sa'yo." Napailing pa ito. "Get out! Huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan!" Hinaklit nito ang braso niya saka siya kinaladkad palabas ng bahay ng binata.
Tanging iyak lang ang namutawi sa bibig niya nang padabog siyang pagsarhan ng pinto ng binata.
Ilang beses niyang sinisisi ang sarili sa pagtatago ng totoo sa binata.
Totoong minahal niya ito. Totoo ang mga pinakita niya sa binata. Totoo lahat. Tanging ang pagiging doktor lang niya at ang rason ng biglang pag lipat niya sa bahay ng binata ang inilihim niya mula dito.
Ngunit kung hindi niya ginawa iyon ay wala hindi niya matutulungan ang binata pati na rin ang kumpanya na pinaghirapang itayo ng kanyang ama.
Nagkamali ba talaga ako noong nagpasiya akong maging doktor? Dapat ba sinunod ko na lang si dad na mag business management na lang? Kung sinunod ko siya edi sana wala akong problemang ganito ngayon.
Nanginginig niyang pinunasan ang kanyang pisngi bago muling pinagmasdan ang mansion sa harap niya.
Matagal niyang pinagmasdan ang bahay na naging saksi sa pinaka masayang anim na buwan ng buhay niya bago napagpasiyahang maglakad palayo sa nakasarang pintuan nito.
Tanging phone lang ang dala niya at ang suot niyang tsinelas ay pambahay pa. Umiiyak siyang nagtungo sa gate.
Naaawa siyang tinignan ni Lando bago siya pagbuksan ng gate. Naitawag na kasi ng binata na palabasin siya at huwag nang papapasukin muli.
"Mag iingat po kayo ma'am Yvette." Malungkot na paalam sa kanya ng guard na ikinahagulgol niya pang lalo.
Tumango lang siya sa guard bago tuluyang lumabas ng gate. She started to walk on the cold street, palayo sa bahay ng binata.
She can't call her mom nang ganito ang lagay niya. Mag aalala lang ang mommy niya. Ang tanging nasa isip niya lang ay ang puntahan ang kaibigan niyang nakatira sa kabilang street lang.
Kaya kahit nanginginig ay pinilit niyang maglakad sa madilim na kalsada na ang tanging ilaw lang ang mga street lights na magkakalayo ang pagitan mula sa isa't-isa tulad ng mga bahay na nakatirik sa street na iyon.
Panay ang punas niya sa pisngi dahil sa hindi maawat na mga luhang dumadaloy mula sa mga mata niya.
Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa destinasyon kung hindi pa siya natalisod sa batong natapakan niya.
Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Ramdam niya ang pagod at sakit ng paa niyang natalisod. Lalo ang puso niyang sugatan.
Nanglulumo siyang umayos ng tayo at paika-ikang naglakad patungo sa doorbell ng gate na nasa harap niya at makailang ulit na pinindot iyon.
Maya-maya pa ay narinig niyang nagbukas ang pinto ng bahay at lumabas ang kaibigan niya.
"Sandali! Heto na nga o! Nandiyan na! Kung makapindot naman ng doorbell parang walang doorbell sa kanila." Maingay na reklamo ng kaibigan niya.
Nais niyang matawa sa bibig nito ngunit mas nananaig sa kanya ang sakit ng dibdib kaya hindi niya nagawang tumawa.
Naghintay lang siya ng ilang sandali bago bumukas ang gate nito.
"OMG! Teh, anyare sa'yo?!" Nag aalala nitong tanong sa kanya ngunit hindi na siya nakasagot pa nang biglang umikot ang paningin niya.
"Yvette!" Rinig niyang tili nito bago siya mawalan ng malay at bumagsak sa mga bisig nito.
***
Inayos niya ang uniporme habang tinitignan ang kanyang relo. Alas sinco na ngunit wala pa rin ang sundo niya. Kanina niya pa tinitext ang driver nila ngunit hindi naman ito sumasagot sa mga texts niya hanggang sa na-dead battery na lang ang phone niya, wala oa rin itong response response.Nasa waiting shed siya ngayon sa labas ng isang ospital ospital. Kanina pang alas tres tapos ang duty niyang dapat ay hanggang alas dos lang dahil sa dami ng pasyenteng inasikaso niya ngunit hanggang ngayon ay nandito pa rin siya.
THE employees on the 47th floor of Wylvre Empire were restless because their boss is having a bad mood right now. At sa mga panahong ganito ay bawal ang magkamali, kung hindi pagkasisante agad ang katapat."Gigi, where's my coffee?"Ani Dwayne sa sekretarya nito gamit ang mababa at malamig na tono.
8 years after...Napahilot ng sentido si Yvette matapos patayin ang tawag. Masyado na siyang stressed out these past few days dahil sa mga sunod-sunod na operasyon na kadalasang tumatagal ng hanggang walong oras at idagdag pa ang bad news na natanggap niya ilang sandali pa lang ang nakalilipas mula sa Pilipinas.
She smiled as she stepped inside their mansion. Sinalubong siya ng yakap ng mga pinsan niyang halos kaedad niya lang din.Pagkatapos ng walong taon, narito na siyang muli."We missed you, Yvette!" Ani Yssa, isa sa mga pinsan niya sa mother side.
"Ma'am, nandito na po tayo." Napabuntong hininga siya nang sabihin iyon ni Hilaryo.She glanced at the car's window and a solid black steel gate immediately blocked her sight.Mataas na kongkretong bakod at solidong gate ang mga bagay na nasa harap niya ngayon. She shook her head mentally.
She woke up feeling recharged though she could still see rashes and red spots on her skin. She also bets that her face is still swollen. Ngunit mas ayos na ang pakiramdam niya kesa kanina.Hindi na rin makati ang lalamunan niya kaya naman bumangon siya at nag unat. Napansin niyang bukas na ang mga ilaw sa kwarto kaya napakunot ang noo niya. Hindi naman kasi bukas ang mga iyon no'ng natulog siya.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog ay bigla siyang nagising dahil nakaramdam siya ng pagka-uhaw. She glance at the LED wall clock and it says that its already 1 o'clock in the morning.Pupungas-pungas siyang tumayo upang bumaba sa kusina. She needs water.Tanging dim lights lang ang tanglaw niya sa daan at sa sobrang tahimik ng paligid ay rinig na rinig ang mahihina niyang yabag h
Wala na si Hunter sa tabi niya nang magising siya kinaumagahan. Mag-isa na lang siyang naiwan sa kwarto kaya naman tumayo na rin siya kahit pa parang binibiyak ang ulo niya sa sakit.Alas otso na ng umaga nang mapatingin siya sa orasan kaya naman nagmamadali niyang isinuot ang bra bago dumiretso sa CR upang maghimalos at mag mumog. Nang matapos ay agad siyang lumabas sa kwarto ni Dwayne at bumalik sa kwartong inuokupahan niya.Wala na rin sa wakas ang kanyang mga pantal. Iyon ang dahilan kung bakit tiniis niyang 'wag kamutin ang mga 'yon. Para mawala agad. Pag kasi kinamot niya ay mag-iiwan pa ng mga marka.Kinuha niya ang phone sa ibabaw ng kama bago tuluyang bumaba para hanapin ang binata.